SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Autobiography U 35426652051685hm.. Paano ko ba sisimulan? Ngayon nakaupo ako, nakapangalumbaba, yung isa namang kamay ay nagsususlat. Maliwanag sa kwartong kinaroroonan ko kahit pa nakapatay ang ilaw. Nakabukas ang electric fan, at ang nasa paligid ko ay mga naglalakihang damit na ginagamit ng mga mang-aawit sa pagtupad. Maayos din na nakahilera ang mga sapatos at bag sa apat na sulok ng silid na aking kinaroroonan. Araw ng Linggo ngayon kaya’t ako’y nasa loob ng Silid Bihisan ng mga mang-aawit na babae. Kasalukuyan nga palang nagaganap ang pagsamba ng kabataan, ang tangi mo lang maririnig ay ang pagtugtog ng aming organista ng organ, ang mumunting tinig ng mga batang mang-aawit, at ang nagagawang tunog ng pag-ikot ng electric fan, habang ito’y nagbibigay ng maginhawang pakiramdam sa akin, sa tulong nito nababawasan ang alinsangang nararamdaman ng aking katawan. Sa aking pagkakaupo ngayon ay pilit na pumapasok sa aking isipan ang kwento ng buhay ng isang taong kilalang-kilala ko at gayundin naman siya sa akin. Halos magkaugnay na aming buhay.  Ang kanyang pangalan ay Monique. I 4524375728345sang araw ng lunes, ika-anim ng Setyembre, ganap na ikalima ng madaling araw, taong 1992. Sa loob ng tahanan ng pamilya Reamor, sa Baranggay Bagumbayan kalye ng J.P. Rizal sa munting bayan ng Paete sa lalawigan ng Laguna, ay nagsilang ng isang malusog na batang babae si Inang Lilia, sa tulong ng kumadrona na si Inang Liza, maluwalhating nailuwal ang sanggol. Hindi na inaasahan ang kanyang pagdating sapagkat ang tatlo nilang anak na sina Myla, Marjorie at Mark Louie ay malalaki na. Siyempre hindi na siya bibigyan pa ng pangalang hindi nagsisimula sa letrang ‘M’, kaya ang naging pangalan niya ay Monique. Ang kanyang Ama na tutol na tutol sa relihiyong kinaaaniban ng kanyang ina ay pag-uukit ang ikinabubuhay ng mga panahong iyon. Siya ay si Amang Luis. N agkakilala sina Amang Luis at Inang Lilia noong mga dalaga at binata pa sila, dito na sa Laguna. Nahulog ang loob ni Amang Luis dito kaya umanid siya sa relihiyon nito upang mapakasalan ito. Ang alam ni Inang Lilia ay mahal siya nito ngunit ng sila ay magkaroon na ng anak ay bigla itong tumiwalag sa kinaaaniban nilang relihiyon sa kadahilanang puro lamang daw kasinungalingan ang mga turo dito. Sa  -533400261620sinapit na ito ng kanyang asawa, ay hindi natinag ang pananampalataya ni Inang Lilia sa turo ng kinaaanibang relihiyon. Hindi na niya nagawang maibalik ang dati nilang samahan sapagkat sa tuwing mag-uusap sila ay sa away lamang ito humahantong at kadalasang nauuwi pa sa pambubugbog ni Amang luis sa kanyang asawa at pati na rin sa kanyang tatlong mga anak na noon ay maliliit pa, ay iiyak na lamang dahil sa nakikitang pagmamalupit naito sa kanilang pamilya. Wala pa noon si Monique. Minsan pa ay umuuwi itong lasing samantalang ang kanyang asawa ay pagod mula sa pagtatrabaho ay ito ang pagbubuntunan ng galit at mauuwi na lamang sa pambubugbog, at ang kanyang mga anak nanginginig na sa sobrang takot A t isang araw nga ay napagdesisyunan na ni Aling Lilia na humiwalay na muna sa kanyang asawa upang mapag-isipan nito ang mga kalupitang ginawa nito sa kanyang sariling psmilya. Lumipat siya ng tahanan at isinama niya ang mga anak. Hindi ko alam kung gaano katagal ang kanilang nagging paghihiwalay. Dahil sinuyo din siya ng kanyang asawa, nangako ito na magbabago na at hindi na mauulit ang ginawa noon. Ngunit walang pangako na hindi napapako, sapagkat naulit na muli ang kalupitang dinanas ng mag-iina. Sa pagkakataong ito ay nasaksihan nang lahat sa murang edad pa lamang ni Monique ang pagmamalupit ng kanyang ama hindi lamang sa kanyang ina kundi pati na rin sa kanilang magkakapatid. A 4046855668020t sa pangalawang pagkakataon ay naghiwalay na muli ang mag-asawa. Si Amang Luis na kanilang padre de pamilya ay hindi naman nito nagagampanam ang tungkulin niya sa kanyang pamilya bilang haligi na kanilang tahanan. Sa kabilang bayan sa Kalayaan sila tumira kung saan nakatira ang kapatid sa ama ni Inang Lilia na si Daniel. May sarili din itong pamilya. At dahil maliit lang ang tahanan nito ay hindi maaring  dalawang pamilya ang manirahan dito, kaya ang masikip at maliit na bahay ng baboy ang kanilang pinagtiyagaang maging tahanan. Walang silang kuryente kaya ang tanging ilaw lang ng gasera angkanilang tanglaw sa tuwing gumagabi na. Hindi nila alintana ang layo ng kanilang paaralan ditto, dahil sa tuwing wala silang pamasahe papunta ng Paete, dahil doon sila nag-aaral ay nilalakad nila ito. Naandoon din kasi ang trabaho ni Inang Lilia kaya naihahatid muna niya ang kanyang mga anak bago magtungo sa kanyang  3762375128270trabaho. Ang kanyang trabaho sa ay pag-aas-is at pagbabarnis ng mga handicraft na negosyo ng kanyang kapatid na si Romy at ng asawa nito na si Juanita. At suma-sideline din siya dito bilang tagalinis ng kanilang bahay o katulong sa madaling salita. Madalas umaabot na hanggang hatinggabi ang trabaho nito at palagi pa siyang pagod dahil sa maghapong pagtatrabaho.  K atulad ng nauna nilang paghihiwalay hindi din ito nagtagal, sa pagkakataong ito kasi mga anak nila ang sinuyo ni Amang Luis upang kausapin ang kanilang ina at sabihin dito na gusto nitong makipag balikan. Ang panganay sa magkakapatid ang kinakausap nito dahil ito ang nakakatanda sa kanila at alam nito na naiitindihan na nito ang mga nangyayari sa kanilang pamilya. Sa pangalawang pagkakataon nabuo na muli ang kanilang pamilya. T -4959351539240aong 1999, nasa unang baitang noon sa elementary si Monique, nang lumipat sila ng tirahan sa bayan ng Pakil. Nakaupa ng walumpung metro kwadradong lupa ang kanyang ama ditto, at si Amang Luis na din ang nagtayo ng munti nilang tahanan. Isa din kasi sa trabaho nito ang pagkakarpintero. Dahil sa kakulangang pinansyal, hindi agad sila nakabitan ng kuryente. Dalawang taon pa muna bago sila nakabitan noon ng kuryente. Maayos naman ang naging pamumuhay nila doon dahil tila humupa na ang galit sa isa’t-isa ng kanyang mga magulang. Kapansin-pansin din ang konting pagbabago sa ugali ni Amang Luis, hindi na ito nag-iinom kahit yayain pa ng mga kapit-bahay, kahit noon pa naman wala itong nagging sugal, may bisyo nga lang, hilig kasi nito ang paninigarilyo. Kaya nakakaipon sila ng mga kahon ng sigarilyo pati na mga upos nito. Tuwing araw ng Linggo, siya din ang namamalengke sa Siniloan, doon niya hilig mamalengke dahil mas mura ang mga bilihin doon. Pagkagaling doon ay tuloy na siya sa kusina at siya din ang nagluluto ng mga ulam. Karaniwan nang ang mga ina ng tahanan angnagluluto sa pamilya, pero dahil kahit Linggo ay nagtatrabaho pa din si Inang Lilia ipinauubaya na lamang niya sa kanyang asawa ang pagluluto dahil aminado naman ito na mas masarap itong magluto kaysa sa kanya. S -60071069215040951152520950i Monique noon ay nasa ikalawang baitang sa elementary ng kanyang makilala si Jessica. Naging magkaklase kasi sila, sa tuwing matatapos ang kanilang klase ay magkasama na sila sa galaan. At kahit sa Paete ito nakatira at a kabilang bayan naman si Monique, ay tila hindi nila alintana ang layo nila sa isa’t-isa dahil kahit wala naman silang pasok ay magkasama sila. At sa mga sumunod pang taon nila sa elementarya ay naging magkaklase pa rin sila. Noong nasa ikalimang baitang sila ay napalapit ang loob nila kay Jamil, isa sa kanilang mga kaklase. Silang tatlo ang paboritong utusan ng kanilang guro na si Gng. Ragragio na bumili ng pananghalian o kaya naman ay papuntahin sa bahay nito na malapit lamang sa kanilang paaralan para kuhanin kung anuman iyon na naiwan niya na gamit niya sa pagtuturo. Taong 2006 sila nagtapos ng elementary. N 36461702756535ang taon ding iyon ang pagbubukas ng bagong klase naman sa unang taon sa mataas na paaralan. Walang balak maghiwalay ang dalawang mag-kaibigan na sina Jessica at Monique. Sabay sila kung magpunta sa paaralan upang malaman ang mga requirements upang makapasok sila sa paaralan na iyon. Sa kanilang pagkuha ng entrance exam magkasama pa rin sila at nang kanilang malaman na magkakasama pa rin sila sa iisang klase ay sobra ang kanilang katuwaan sapagkat napabilang sila nangungunang seksyon. Naging kamag-aaral nila ang ilan sa mga naging valedictorian ng ng iba pang mababang paaralan sa Paete. Pati na iyong mga naging kaklase nila noon sa elementarya ay naging kamag-aaral pa rin nila. Nagging Masaya ang kanilang unang pasok sa mataas na paaralan. D ito nabuo ang barkadahang “BUND”. Binubuo nina Beybeh, Unay, Neke at Dodine. Mga palayaw nila nang sila ay bata pa. Ngunit may pangyayaring tila ay hindi na maiiwasan, nagkaaway-away sila na nagbuntod upang mahati sa dalawa ang barkadahang ito. Ang naging magkasama ay sina Jhonna at Monique at sina Claudine at Jessica naman. Tumagal din nang halos isang taon ang ang pagkakawatak nito. Pero dahil hindi nila matiis ang isat-isa, nagbigayan na sila dahil alam nila na hindi nila matitiis na magkakahiwa-hiwalay sila habang buhay. P 3209290680720ero hindi rin nagtagal at napahiwaly sa kanila si Claudine, dahil mayroon pa itong ibang barkada ay naimpluwensyahan nila ito ng sobra, at napawalay na nga ito kina Monique. Noong nasa ikatlong antas na sila sa mataas na paaralan, nabuo ang grupong “TSIKEN”. Grupo ito nina Monique sa asignaturang TLE, kalahati ito na klase. Hanggang sa ang natira na lamang ay lima, dahil may kanya-kanyang barkada ang kanilang mga kaklase. Sila ay sina Eric, Jhonna, Jessica, Joan at si Monique. Naging napakasaya ni Monique sa barkadahang ito. Dahil nagkakasundo-sundo silang lahat at may pagkaka-isa sa bawat isa sa kanila. Pare-parehas sila ng hilig at bawat araw na magkakasama sila ay palaging maririnig ang mga hagalpakan ng lima. Sa loob nang kanilang silid-aralan ay kilala ang kanilang barkadahan bilang ang pinakamasaya sa lahat, at tila ba walang pikunan sa kanilang lima kahit tuksuhin pa nila ang isat-isa. M -7816851892935arso ng taong 2009, ang kanilang pagtatapos sa mataas na paaralan at sasalubong na sila sa buhay ng isang estudyante sa kolehiyo. Hindi man sila lahat ay may kakayahan na makapag-aral ay pangako nila sa bawat isa na hindi magkakahiwa-hiwalay. Makakilala man ang bawat isa sa kanila ng mga bagong kaibigan. At ngayon nga iisa lamang ang unibersidad na kanilang pinapasukan, Laguna State Polytechnic University sa Siniloan. Sina Jessica, Eric at Joan ay magkakalase sa kursong Accountacy. Si Monique naman ay pinili ang kursong Bachelor in Secondary Education sunod sa yapak ng kanyang mga kapatid. Nasa ikalawang seksyon siya, at kaklase niya ditto sina Jessie at iba pa. Dalawampu’t-isa lamang sila sa kanilang klase, at tila ba iisang barkadahan na sila dahil nagkakasundo naman ang bawat isa. Alam natin na marami pang tao ang makikilala ni Monique dahil naguumpisa pa lang ang kanyang buhay. Marami siyang pangarap na gusto niyang matupad para sa kanyang mga kaibigan, magulang at para na din sa kanyang sarili. At pangako niya sa kanyang sarili na makakapagtapos siya sa kolehiyo with flying colors.
Reamor Autobiography
Reamor Autobiography
Reamor Autobiography
Reamor Autobiography

More Related Content

What's hot

Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
arseljohn120
 
talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47
Ronesto Luarca
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Neri Zara
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
Irene Yutuc
 
Talambuhay01
Talambuhay01Talambuhay01
Talambuhay01
jenalyn
 

What's hot (16)

Melgineth's Autobiography
Melgineth's AutobiographyMelgineth's Autobiography
Melgineth's Autobiography
 
Ang Aking Tulambuhay
Ang Aking TulambuhayAng Aking Tulambuhay
Ang Aking Tulambuhay
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
 
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
Regalo sa Guro (Maikling Kuwento)
 
talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
 
Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 
Personal Presentation
Personal PresentationPersonal Presentation
Personal Presentation
 
Kaibigan - Alyxzandra Hope Cortes
Kaibigan - Alyxzandra Hope CortesKaibigan - Alyxzandra Hope Cortes
Kaibigan - Alyxzandra Hope Cortes
 
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
 
"Ang Pusong Nagkatagpo" - Rosalie P. Vender
"Ang Pusong Nagkatagpo" - Rosalie P. Vender"Ang Pusong Nagkatagpo" - Rosalie P. Vender
"Ang Pusong Nagkatagpo" - Rosalie P. Vender
 
"Si Jack at Ray" - Noren sebandal
"Si Jack at Ray" - Noren sebandal"Si Jack at Ray" - Noren sebandal
"Si Jack at Ray" - Noren sebandal
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
 
Autobiography
AutobiographyAutobiography
Autobiography
 
Copy (2) Of Autobiography
Copy (2) Of AutobiographyCopy (2) Of Autobiography
Copy (2) Of Autobiography
 
Talambuhay01
Talambuhay01Talambuhay01
Talambuhay01
 

Viewers also liked (8)

Presentation
PresentationPresentation
Presentation
 
Language of Conversion
Language of ConversionLanguage of Conversion
Language of Conversion
 
Demonstration Presentation
Demonstration PresentationDemonstration Presentation
Demonstration Presentation
 
معطيات حول خرائط الجغرافيا : السنة 3 علوم – رياضيات – اعلامية
معطيات حول خرائط الجغرافيا : السنة 3 علوم – رياضيات – اعلاميةمعطيات حول خرائط الجغرافيا : السنة 3 علوم – رياضيات – اعلامية
معطيات حول خرائط الجغرافيا : السنة 3 علوم – رياضيات – اعلامية
 
Personal Presentation
Personal PresentationPersonal Presentation
Personal Presentation
 
03 outils-innoventeurs-v9-1225206433067712-9
03 outils-innoventeurs-v9-1225206433067712-903 outils-innoventeurs-v9-1225206433067712-9
03 outils-innoventeurs-v9-1225206433067712-9
 
The Blair Company Slide Show
The Blair Company Slide ShowThe Blair Company Slide Show
The Blair Company Slide Show
 
ITD Mission, Vision, Goals
ITD Mission, Vision, GoalsITD Mission, Vision, Goals
ITD Mission, Vision, Goals
 

Similar to Reamor Autobiography

Cybercrime in the philippines
Cybercrime in the philippinesCybercrime in the philippines
Cybercrime in the philippines
JerlynMae
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
NelizaSalcedo
 

Similar to Reamor Autobiography (20)

my autobiography
 my autobiography my autobiography
my autobiography
 
Copy Of Autobiography
Copy Of AutobiographyCopy Of Autobiography
Copy Of Autobiography
 
Autobiography
AutobiographyAutobiography
Autobiography
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
ang ama.pptx
ang ama.pptxang ama.pptx
ang ama.pptx
 
Jessie Cont Ng Tlmbhy N
Jessie Cont Ng Tlmbhy NJessie Cont Ng Tlmbhy N
Jessie Cont Ng Tlmbhy N
 
Autobio
AutobioAutobio
Autobio
 
Villa Amelia
Villa AmeliaVilla Amelia
Villa Amelia
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
 
Mosess
MosessMosess
Mosess
 
Mosess
MosessMosess
Mosess
 
Cybercrime in the philippines
Cybercrime in the philippinesCybercrime in the philippines
Cybercrime in the philippines
 
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. ToledanaProyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Portfolio (1)
Portfolio (1)Portfolio (1)
Portfolio (1)
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
 
maikling kwento.docx
maikling kwento.docxmaikling kwento.docx
maikling kwento.docx
 
ESP2. Q2 MODULE 1 PPT.pptxjcjdjcufifivudfjf
ESP2. Q2 MODULE 1 PPT.pptxjcjdjcufifivudfjfESP2. Q2 MODULE 1 PPT.pptxjcjdjcufifivudfjf
ESP2. Q2 MODULE 1 PPT.pptxjcjdjcufifivudfjf
 
geraldine lanuza perez reflection paper
geraldine lanuza perez reflection papergeraldine lanuza perez reflection paper
geraldine lanuza perez reflection paper
 

More from monique reamor (20)

Table Of Contents
Table Of ContentsTable Of Contents
Table Of Contents
 
Song 3
Song 3Song 3
Song 3
 
Teachers Announcement
Teachers AnnouncementTeachers Announcement
Teachers Announcement
 
Invitation Card
Invitation CardInvitation Card
Invitation Card
 
Song 2
Song 2Song 2
Song 2
 
Song 1
Song 1Song 1
Song 1
 
School Programme
School ProgrammeSchool Programme
School Programme
 
Resume
ResumeResume
Resume
 
Greeting Card
Greeting CardGreeting Card
Greeting Card
 
Flyers
FlyersFlyers
Flyers
 
Population Pie Chart
Population Pie ChartPopulation Pie Chart
Population Pie Chart
 
Poem 2
Poem 2Poem 2
Poem 2
 
Poem 1
Poem 1Poem 1
Poem 1
 
Comics
ComicsComics
Comics
 
Grading Sheet
Grading SheetGrading Sheet
Grading Sheet
 
Essence Of Technology In Teacher Education
Essence Of  Technology In Teacher EducationEssence Of  Technology In Teacher Education
Essence Of Technology In Teacher Education
 
Class Record
Class RecordClass Record
Class Record
 
Certificate
CertificateCertificate
Certificate
 
Bookmarks
BookmarksBookmarks
Bookmarks
 
Calling Card
Calling CardCalling Card
Calling Card
 

Reamor Autobiography

  • 1. Autobiography U 35426652051685hm.. Paano ko ba sisimulan? Ngayon nakaupo ako, nakapangalumbaba, yung isa namang kamay ay nagsususlat. Maliwanag sa kwartong kinaroroonan ko kahit pa nakapatay ang ilaw. Nakabukas ang electric fan, at ang nasa paligid ko ay mga naglalakihang damit na ginagamit ng mga mang-aawit sa pagtupad. Maayos din na nakahilera ang mga sapatos at bag sa apat na sulok ng silid na aking kinaroroonan. Araw ng Linggo ngayon kaya’t ako’y nasa loob ng Silid Bihisan ng mga mang-aawit na babae. Kasalukuyan nga palang nagaganap ang pagsamba ng kabataan, ang tangi mo lang maririnig ay ang pagtugtog ng aming organista ng organ, ang mumunting tinig ng mga batang mang-aawit, at ang nagagawang tunog ng pag-ikot ng electric fan, habang ito’y nagbibigay ng maginhawang pakiramdam sa akin, sa tulong nito nababawasan ang alinsangang nararamdaman ng aking katawan. Sa aking pagkakaupo ngayon ay pilit na pumapasok sa aking isipan ang kwento ng buhay ng isang taong kilalang-kilala ko at gayundin naman siya sa akin. Halos magkaugnay na aming buhay. Ang kanyang pangalan ay Monique. I 4524375728345sang araw ng lunes, ika-anim ng Setyembre, ganap na ikalima ng madaling araw, taong 1992. Sa loob ng tahanan ng pamilya Reamor, sa Baranggay Bagumbayan kalye ng J.P. Rizal sa munting bayan ng Paete sa lalawigan ng Laguna, ay nagsilang ng isang malusog na batang babae si Inang Lilia, sa tulong ng kumadrona na si Inang Liza, maluwalhating nailuwal ang sanggol. Hindi na inaasahan ang kanyang pagdating sapagkat ang tatlo nilang anak na sina Myla, Marjorie at Mark Louie ay malalaki na. Siyempre hindi na siya bibigyan pa ng pangalang hindi nagsisimula sa letrang ‘M’, kaya ang naging pangalan niya ay Monique. Ang kanyang Ama na tutol na tutol sa relihiyong kinaaaniban ng kanyang ina ay pag-uukit ang ikinabubuhay ng mga panahong iyon. Siya ay si Amang Luis. N agkakilala sina Amang Luis at Inang Lilia noong mga dalaga at binata pa sila, dito na sa Laguna. Nahulog ang loob ni Amang Luis dito kaya umanid siya sa relihiyon nito upang mapakasalan ito. Ang alam ni Inang Lilia ay mahal siya nito ngunit ng sila ay magkaroon na ng anak ay bigla itong tumiwalag sa kinaaaniban nilang relihiyon sa kadahilanang puro lamang daw kasinungalingan ang mga turo dito. Sa -533400261620sinapit na ito ng kanyang asawa, ay hindi natinag ang pananampalataya ni Inang Lilia sa turo ng kinaaanibang relihiyon. Hindi na niya nagawang maibalik ang dati nilang samahan sapagkat sa tuwing mag-uusap sila ay sa away lamang ito humahantong at kadalasang nauuwi pa sa pambubugbog ni Amang luis sa kanyang asawa at pati na rin sa kanyang tatlong mga anak na noon ay maliliit pa, ay iiyak na lamang dahil sa nakikitang pagmamalupit naito sa kanilang pamilya. Wala pa noon si Monique. Minsan pa ay umuuwi itong lasing samantalang ang kanyang asawa ay pagod mula sa pagtatrabaho ay ito ang pagbubuntunan ng galit at mauuwi na lamang sa pambubugbog, at ang kanyang mga anak nanginginig na sa sobrang takot A t isang araw nga ay napagdesisyunan na ni Aling Lilia na humiwalay na muna sa kanyang asawa upang mapag-isipan nito ang mga kalupitang ginawa nito sa kanyang sariling psmilya. Lumipat siya ng tahanan at isinama niya ang mga anak. Hindi ko alam kung gaano katagal ang kanilang nagging paghihiwalay. Dahil sinuyo din siya ng kanyang asawa, nangako ito na magbabago na at hindi na mauulit ang ginawa noon. Ngunit walang pangako na hindi napapako, sapagkat naulit na muli ang kalupitang dinanas ng mag-iina. Sa pagkakataong ito ay nasaksihan nang lahat sa murang edad pa lamang ni Monique ang pagmamalupit ng kanyang ama hindi lamang sa kanyang ina kundi pati na rin sa kanilang magkakapatid. A 4046855668020t sa pangalawang pagkakataon ay naghiwalay na muli ang mag-asawa. Si Amang Luis na kanilang padre de pamilya ay hindi naman nito nagagampanam ang tungkulin niya sa kanyang pamilya bilang haligi na kanilang tahanan. Sa kabilang bayan sa Kalayaan sila tumira kung saan nakatira ang kapatid sa ama ni Inang Lilia na si Daniel. May sarili din itong pamilya. At dahil maliit lang ang tahanan nito ay hindi maaring dalawang pamilya ang manirahan dito, kaya ang masikip at maliit na bahay ng baboy ang kanilang pinagtiyagaang maging tahanan. Walang silang kuryente kaya ang tanging ilaw lang ng gasera angkanilang tanglaw sa tuwing gumagabi na. Hindi nila alintana ang layo ng kanilang paaralan ditto, dahil sa tuwing wala silang pamasahe papunta ng Paete, dahil doon sila nag-aaral ay nilalakad nila ito. Naandoon din kasi ang trabaho ni Inang Lilia kaya naihahatid muna niya ang kanyang mga anak bago magtungo sa kanyang 3762375128270trabaho. Ang kanyang trabaho sa ay pag-aas-is at pagbabarnis ng mga handicraft na negosyo ng kanyang kapatid na si Romy at ng asawa nito na si Juanita. At suma-sideline din siya dito bilang tagalinis ng kanilang bahay o katulong sa madaling salita. Madalas umaabot na hanggang hatinggabi ang trabaho nito at palagi pa siyang pagod dahil sa maghapong pagtatrabaho. K atulad ng nauna nilang paghihiwalay hindi din ito nagtagal, sa pagkakataong ito kasi mga anak nila ang sinuyo ni Amang Luis upang kausapin ang kanilang ina at sabihin dito na gusto nitong makipag balikan. Ang panganay sa magkakapatid ang kinakausap nito dahil ito ang nakakatanda sa kanila at alam nito na naiitindihan na nito ang mga nangyayari sa kanilang pamilya. Sa pangalawang pagkakataon nabuo na muli ang kanilang pamilya. T -4959351539240aong 1999, nasa unang baitang noon sa elementary si Monique, nang lumipat sila ng tirahan sa bayan ng Pakil. Nakaupa ng walumpung metro kwadradong lupa ang kanyang ama ditto, at si Amang Luis na din ang nagtayo ng munti nilang tahanan. Isa din kasi sa trabaho nito ang pagkakarpintero. Dahil sa kakulangang pinansyal, hindi agad sila nakabitan ng kuryente. Dalawang taon pa muna bago sila nakabitan noon ng kuryente. Maayos naman ang naging pamumuhay nila doon dahil tila humupa na ang galit sa isa’t-isa ng kanyang mga magulang. Kapansin-pansin din ang konting pagbabago sa ugali ni Amang Luis, hindi na ito nag-iinom kahit yayain pa ng mga kapit-bahay, kahit noon pa naman wala itong nagging sugal, may bisyo nga lang, hilig kasi nito ang paninigarilyo. Kaya nakakaipon sila ng mga kahon ng sigarilyo pati na mga upos nito. Tuwing araw ng Linggo, siya din ang namamalengke sa Siniloan, doon niya hilig mamalengke dahil mas mura ang mga bilihin doon. Pagkagaling doon ay tuloy na siya sa kusina at siya din ang nagluluto ng mga ulam. Karaniwan nang ang mga ina ng tahanan angnagluluto sa pamilya, pero dahil kahit Linggo ay nagtatrabaho pa din si Inang Lilia ipinauubaya na lamang niya sa kanyang asawa ang pagluluto dahil aminado naman ito na mas masarap itong magluto kaysa sa kanya. S -60071069215040951152520950i Monique noon ay nasa ikalawang baitang sa elementary ng kanyang makilala si Jessica. Naging magkaklase kasi sila, sa tuwing matatapos ang kanilang klase ay magkasama na sila sa galaan. At kahit sa Paete ito nakatira at a kabilang bayan naman si Monique, ay tila hindi nila alintana ang layo nila sa isa’t-isa dahil kahit wala naman silang pasok ay magkasama sila. At sa mga sumunod pang taon nila sa elementarya ay naging magkaklase pa rin sila. Noong nasa ikalimang baitang sila ay napalapit ang loob nila kay Jamil, isa sa kanilang mga kaklase. Silang tatlo ang paboritong utusan ng kanilang guro na si Gng. Ragragio na bumili ng pananghalian o kaya naman ay papuntahin sa bahay nito na malapit lamang sa kanilang paaralan para kuhanin kung anuman iyon na naiwan niya na gamit niya sa pagtuturo. Taong 2006 sila nagtapos ng elementary. N 36461702756535ang taon ding iyon ang pagbubukas ng bagong klase naman sa unang taon sa mataas na paaralan. Walang balak maghiwalay ang dalawang mag-kaibigan na sina Jessica at Monique. Sabay sila kung magpunta sa paaralan upang malaman ang mga requirements upang makapasok sila sa paaralan na iyon. Sa kanilang pagkuha ng entrance exam magkasama pa rin sila at nang kanilang malaman na magkakasama pa rin sila sa iisang klase ay sobra ang kanilang katuwaan sapagkat napabilang sila nangungunang seksyon. Naging kamag-aaral nila ang ilan sa mga naging valedictorian ng ng iba pang mababang paaralan sa Paete. Pati na iyong mga naging kaklase nila noon sa elementarya ay naging kamag-aaral pa rin nila. Nagging Masaya ang kanilang unang pasok sa mataas na paaralan. D ito nabuo ang barkadahang “BUND”. Binubuo nina Beybeh, Unay, Neke at Dodine. Mga palayaw nila nang sila ay bata pa. Ngunit may pangyayaring tila ay hindi na maiiwasan, nagkaaway-away sila na nagbuntod upang mahati sa dalawa ang barkadahang ito. Ang naging magkasama ay sina Jhonna at Monique at sina Claudine at Jessica naman. Tumagal din nang halos isang taon ang ang pagkakawatak nito. Pero dahil hindi nila matiis ang isat-isa, nagbigayan na sila dahil alam nila na hindi nila matitiis na magkakahiwa-hiwalay sila habang buhay. P 3209290680720ero hindi rin nagtagal at napahiwaly sa kanila si Claudine, dahil mayroon pa itong ibang barkada ay naimpluwensyahan nila ito ng sobra, at napawalay na nga ito kina Monique. Noong nasa ikatlong antas na sila sa mataas na paaralan, nabuo ang grupong “TSIKEN”. Grupo ito nina Monique sa asignaturang TLE, kalahati ito na klase. Hanggang sa ang natira na lamang ay lima, dahil may kanya-kanyang barkada ang kanilang mga kaklase. Sila ay sina Eric, Jhonna, Jessica, Joan at si Monique. Naging napakasaya ni Monique sa barkadahang ito. Dahil nagkakasundo-sundo silang lahat at may pagkaka-isa sa bawat isa sa kanila. Pare-parehas sila ng hilig at bawat araw na magkakasama sila ay palaging maririnig ang mga hagalpakan ng lima. Sa loob nang kanilang silid-aralan ay kilala ang kanilang barkadahan bilang ang pinakamasaya sa lahat, at tila ba walang pikunan sa kanilang lima kahit tuksuhin pa nila ang isat-isa. M -7816851892935arso ng taong 2009, ang kanilang pagtatapos sa mataas na paaralan at sasalubong na sila sa buhay ng isang estudyante sa kolehiyo. Hindi man sila lahat ay may kakayahan na makapag-aral ay pangako nila sa bawat isa na hindi magkakahiwa-hiwalay. Makakilala man ang bawat isa sa kanila ng mga bagong kaibigan. At ngayon nga iisa lamang ang unibersidad na kanilang pinapasukan, Laguna State Polytechnic University sa Siniloan. Sina Jessica, Eric at Joan ay magkakalase sa kursong Accountacy. Si Monique naman ay pinili ang kursong Bachelor in Secondary Education sunod sa yapak ng kanyang mga kapatid. Nasa ikalawang seksyon siya, at kaklase niya ditto sina Jessie at iba pa. Dalawampu’t-isa lamang sila sa kanilang klase, at tila ba iisang barkadahan na sila dahil nagkakasundo naman ang bawat isa. Alam natin na marami pang tao ang makikilala ni Monique dahil naguumpisa pa lang ang kanyang buhay. Marami siyang pangarap na gusto niyang matupad para sa kanyang mga kaibigan, magulang at para na din sa kanyang sarili. At pangako niya sa kanyang sarili na makakapagtapos siya sa kolehiyo with flying colors.