1. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang
mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa
ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw
na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito
ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics,
Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Hindi natin maiiwasan na tayo’y kapusin. Lahat tayo ay may pangangailangan. May mga
tao na salat sa pera kaya nahihirapan silang maipasok ang kanilang mga anak sa paaralan. Sa
kabila ng kahirapan, may iilan paring nagsusumikap na makapag-aral dahil alam nilang malaki
ang maitutulong nito sa kanilang mga buhay kung sila ay makapag-tapos. Hayaan niyong
ikuwento ko ang buhay ng isang mag-aaral na dahil sa pagsusumikap nagtapos bilang school’s
salutatorian sa kanilang paaralan.
Itago natin siya sa pangngalang Adrinaide. Isang high school student sa Bagong Buhay
National High School. Noong unang pagpasok na sa paaralan ay mailap pa siya dahil ramdam
niya iba siya sa kanyang mga kaklase. Tahimik siyang nagsusulat sa isang sulok, nag-iisa na
tila wala pakialam ang ibang mga mag-aaral. Kalaunay natutunan rin siyang tanggapin ng mga
ito. Marami na siyang mga kaibigan at masaya ito kapag nakakasama niya ang mga ito.
Puna rin ng kanyang guro na si Gng. Habibi na siya matulungin. May isang gabi raw na sila
nalang dalawa ang gumagawa ng bulletin board kaya labis ang kanyang pasasalamat
dahil hindi siya iniwanan mag-isa na gawin iyon. Mahilig rin daw itong magkwento ng mga
jokes kay natatawa nalang ang kanyang mga kaibigan. Ngunit may mga panahon rin daw
itong nakikita siya ng kanyang guro na nagmumuni-muni na tila may malalim na problema.
Kaya kinausap niya ito kung ano ang problema ni Adrinaide. Pinagtapat rin naman ni Adrinaide
sa kanyang guro ang kanyang problema. Sinabi niyang baka hindi na raw ito makapagtapos ng
pag-aaral dahil kinakapos na talaga ng panggastos ang kanyang mga magulang. Nang marinig
iyon ng guro, tila nanglulumo ito sa sinabi ni Adrinaide. Imbis na maawa, kinausap niya ang
dalagita at sinabi na huwag mawalan ng pag-aasa at nangako itong tutulungin niya ito hangga’t
kaya niya. Tatlong buwan mula ng sila’y mag-usap ay graduation na at nakapagtapos nga si
Adrinaide ng High School at grumadywet pa ito bilang salutatorian ng kanilang paaralan.
Ani nga ng kanilang guro, “Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat
ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan
ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga
bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang
nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay,
pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang
matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig
at malaman ang mga layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat
na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa
mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat
ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay
natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap
na nais nilang matupad.”