SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
BATANG MAGDALENA
Ni JULIO C. ORTIZ JR.
Isinilang ako sa maliit na bahay
Na ang tanging nakilala ay ang aking nanay
Na s’yang nag-alaga at sa aki’y umalalay
Namulat ang mata na walang kinilalang tatay.
Kahit bata pa si nanay at di nakatapos sa pag-aaral
Nagsikap maghanap ng trabaho kahit nahihirapan
Tumanggap ng labada kahit mahirap sa kalooban
Maibigay lang ang lahat ng aking pangangailangan
Nang ako’y lumaki, pinaaral sa malaking paaralan
Pangarap ni nanay magkaroon ng magandang kinabukasan
Ang makaahon sa kahirapan iyan ang laging dasal
Maganda at maaliwalas na buhay sana’y makamtan
Sa aking pag-aaral sa mataas na paaralan
Maraming nakilala at itinuring na kaibigan
Natutong magloko, masasamang bisyo’y nakagawian
Pangarap ni nanay nawala sa aking isipan
Si nanay ay nagkasakit dahil sa aking kalokohan,
Nawala s’ya nang tuluyan sa sama ng kalooban
Pagsisisi ng lubusan, di maibabalik ang nakaraan
Dahil sa aking kasalanan, naiba ang kapalaran
Mga itinuring kong kaibigan, isa-isang nagsilayuan
Di malapitan, di mahingan, di man lang damayan
Nagising akong nag-iisa sa tirahan
Kalam ng sikmura akin nang nararanasan
Dahil sanay sa luho na ibinigay ni nanay
Di ako natuto ng mga gawaing bahay
Walang alam na paraan kung paano mabuhay
Ngayon ako’y nagiisa at wala nang gumagabay.
Ayaw magutom at kumalam ang tiyan,
Ibinenta ang katawan makakain lamang
Dahil bata pa at maganda nga naman
Naging mabenta at bulsa’y nagkalaman
Lumipas ang mga araw, ako’y nagkakaedad
Unti-unting nawawala ang taglay na kagandahan
Totoo nga palang, ito’y panandalian lamang
At ang lahat sa mundo ay mayroong hangganan
Dahil takot mag-isa, umibig ng lubusan
Kahit ang lalaki mayroon ng pananagutan
Kaya dumating din ang araw ako’y iniwan
Ngunit may buhay sa aking sinapupunan.
O kay pait ng buhay na pinagdaanan
Sadya nga bang ito ay aking kapalaran
Sa tulad kong palalo at walang paggalang
At hindi marunong tumanaw, utang na kalooban
Sadyang tayo nga ay minsan lang daraan sa daigdig ng kabataan
Maraming pagsubok, tukso, at kabaliwan
Ngunit huwag sana nating hamunin ang may alam
Magulang nati’y igalang, at palaging manalig sa Poong Maykapal.
Sa Aking Pagtatapos
Apat na taon na pinagsikapan
Makatapos sa isang mataas na paaralan
Pagsunog ng kilaypinaigihan at pinaghusayan
Makamit lang ang diplomang inaasam at pinaghirapan
Ngayong malapit na ang aming pagtatapos
Sana'y kasayahan makamit nang lubos
Walang sagabal na sa aming lilipos
Sapagkat ito ang nais ng pusong lubos.
Masasayang araw na aming naranasan
Tawanan ng mga barkada di makalimutan
Lalong-lalo na sa masasayang samahan
Sa mga gawain proyekto nagtutulungan
May mga hirap din na naranasan
Pawis at luha ang pinagpuhunan
Sa mga problemang di inaasahan
Gaya ng bagsak na grado ang pinag-uusapan.
Ang lahat ng takot at hirap nawala ng tuluyan
Ngayong ang pangalan nakita na sa listahan
Ng mga estudyante na makakasama sa katapusan
Na haharap sa magulang na may diploma ng pinaghirapan
Diplomang inaasam na makamit ninuman
Na kailangan rin palang paghirapan
Para kaligayahan lubos na maramdaman
Kasama ng mga minamahal na sumuporta ng lubusan.
Aking inaalay itong diplomang aking tangan
Bunga ng aking pagsisikap at pinaghirapan
Sukli sa pagpupunyagi ng aking mga magulang
Na ako’y makatapos sa isang maayos at mataas na paaralan.

More Related Content

Similar to malnutrition (17)

speech.pptx
speech.pptxspeech.pptx
speech.pptx
 
Pagsulat ng tula
Pagsulat ng tula Pagsulat ng tula
Pagsulat ng tula
 
Speech - as a Scholar of Baclaran Church
Speech - as a Scholar of Baclaran ChurchSpeech - as a Scholar of Baclaran Church
Speech - as a Scholar of Baclaran Church
 
Mga obra ng mag aaral
Mga obra ng mag aaralMga obra ng mag aaral
Mga obra ng mag aaral
 
Talumpati
Talumpati  Talumpati
Talumpati
 
Ang Aking Tulambuhay
Ang Aking TulambuhayAng Aking Tulambuhay
Ang Aking Tulambuhay
 
COT1-Editoryal.pptx
COT1-Editoryal.pptxCOT1-Editoryal.pptx
COT1-Editoryal.pptx
 
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. ToledanaProyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Elemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysayElemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysay
 
Guest Speaker Speech
Guest Speaker Speech Guest Speaker Speech
Guest Speaker Speech
 
Filipino3 day1 K-12
Filipino3 day1 K-12Filipino3 day1 K-12
Filipino3 day1 K-12
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
Presentation1.gold
Presentation1.goldPresentation1.gold
Presentation1.gold
 
PSYCHOSOCIAL-SUPPORT-ACTIVITY (1).pptx
PSYCHOSOCIAL-SUPPORT-ACTIVITY (1).pptxPSYCHOSOCIAL-SUPPORT-ACTIVITY (1).pptx
PSYCHOSOCIAL-SUPPORT-ACTIVITY (1).pptx
 
Angelika
AngelikaAngelika
Angelika
 

malnutrition

  • 1. BATANG MAGDALENA Ni JULIO C. ORTIZ JR. Isinilang ako sa maliit na bahay Na ang tanging nakilala ay ang aking nanay Na s’yang nag-alaga at sa aki’y umalalay Namulat ang mata na walang kinilalang tatay. Kahit bata pa si nanay at di nakatapos sa pag-aaral Nagsikap maghanap ng trabaho kahit nahihirapan Tumanggap ng labada kahit mahirap sa kalooban Maibigay lang ang lahat ng aking pangangailangan Nang ako’y lumaki, pinaaral sa malaking paaralan Pangarap ni nanay magkaroon ng magandang kinabukasan Ang makaahon sa kahirapan iyan ang laging dasal Maganda at maaliwalas na buhay sana’y makamtan Sa aking pag-aaral sa mataas na paaralan Maraming nakilala at itinuring na kaibigan Natutong magloko, masasamang bisyo’y nakagawian Pangarap ni nanay nawala sa aking isipan Si nanay ay nagkasakit dahil sa aking kalokohan, Nawala s’ya nang tuluyan sa sama ng kalooban Pagsisisi ng lubusan, di maibabalik ang nakaraan Dahil sa aking kasalanan, naiba ang kapalaran Mga itinuring kong kaibigan, isa-isang nagsilayuan Di malapitan, di mahingan, di man lang damayan Nagising akong nag-iisa sa tirahan Kalam ng sikmura akin nang nararanasan Dahil sanay sa luho na ibinigay ni nanay Di ako natuto ng mga gawaing bahay Walang alam na paraan kung paano mabuhay Ngayon ako’y nagiisa at wala nang gumagabay. Ayaw magutom at kumalam ang tiyan, Ibinenta ang katawan makakain lamang Dahil bata pa at maganda nga naman Naging mabenta at bulsa’y nagkalaman Lumipas ang mga araw, ako’y nagkakaedad Unti-unting nawawala ang taglay na kagandahan Totoo nga palang, ito’y panandalian lamang At ang lahat sa mundo ay mayroong hangganan Dahil takot mag-isa, umibig ng lubusan
  • 2. Kahit ang lalaki mayroon ng pananagutan Kaya dumating din ang araw ako’y iniwan Ngunit may buhay sa aking sinapupunan. O kay pait ng buhay na pinagdaanan Sadya nga bang ito ay aking kapalaran Sa tulad kong palalo at walang paggalang At hindi marunong tumanaw, utang na kalooban Sadyang tayo nga ay minsan lang daraan sa daigdig ng kabataan Maraming pagsubok, tukso, at kabaliwan Ngunit huwag sana nating hamunin ang may alam Magulang nati’y igalang, at palaging manalig sa Poong Maykapal. Sa Aking Pagtatapos Apat na taon na pinagsikapan Makatapos sa isang mataas na paaralan Pagsunog ng kilaypinaigihan at pinaghusayan Makamit lang ang diplomang inaasam at pinaghirapan Ngayong malapit na ang aming pagtatapos Sana'y kasayahan makamit nang lubos Walang sagabal na sa aming lilipos Sapagkat ito ang nais ng pusong lubos. Masasayang araw na aming naranasan Tawanan ng mga barkada di makalimutan Lalong-lalo na sa masasayang samahan Sa mga gawain proyekto nagtutulungan May mga hirap din na naranasan Pawis at luha ang pinagpuhunan Sa mga problemang di inaasahan Gaya ng bagsak na grado ang pinag-uusapan. Ang lahat ng takot at hirap nawala ng tuluyan Ngayong ang pangalan nakita na sa listahan Ng mga estudyante na makakasama sa katapusan Na haharap sa magulang na may diploma ng pinaghirapan Diplomang inaasam na makamit ninuman Na kailangan rin palang paghirapan Para kaligayahan lubos na maramdaman
  • 3. Kasama ng mga minamahal na sumuporta ng lubusan. Aking inaalay itong diplomang aking tangan Bunga ng aking pagsisikap at pinaghirapan Sukli sa pagpupunyagi ng aking mga magulang Na ako’y makatapos sa isang maayos at mataas na paaralan.