1. Buwan ng hulyo ika-31,1992 alas otso ng gabi ng biglang may di inaasahang
pangyayari, isang barangay ay nagkagulo- gulo dahil sa sanggol na dumating sa mundo. Na s’yang
magpapabago sa buhay ng mga tao sa bayan ng Santa Maria, lalawigan ng Laguna. Ang lahat ay
litung- lito kung ano ba talaga ang ipapangalan sa sanggol na babae. Dahil sa pagkakaisa
napagkasunduan nilang “NICOLE” ang ipangalan dito, na nasa ideya ng kanyang tiyahin. Lumaki
ang batang ito ng may pagmamahal at pag-aaruga sa piling ng kanyang pamlya. Si Nicole ay
panganay sa kanilang magkakapatid, at ang ulirang mga magulang na sina Renato Baltazar
Caguilta, ang kanyang ama na dakilang magsasaka at responsableng ama sa kanyang mga anak;
istrikto pero masayahing tao, lahat gagawin para sa ikabubuti ng kanyang mga anak . At sa piling
ng kanyang butihin at maalagang asawa, ina ni Nicle na si Leonora Basco Caguitla, isang simlpeng
may bahay magaling makisama sa mga taong nakakakasalamuha niya, at magaling na mang-
await. Sila ang nagsisilbing gabay at proteksyon ni Nicole sa mga dumarating na panganib at
pagsubok sa kanyang buhay. Naroon din an gang kanyang mga nakababatang masipag at
mapagmahal na kapatid, Jenny Mae ipinanganak noong ika-19 ng Setyembre 2003 kapatid na
nagpapasaya sa kanyang buhay. Si Junnel, ipinanganak noong ika-3 ng Hunyo 1994 ang prinsesa
ng pamilya.
Simula na ng yugto ng buhay nya ng tumuntong sya ng Day Care. Naka dalawang Day
Care sya dahil sa murang mura pa ang kanyang edad dito nya natutunan na makisalamuha sa
maraming tao, magsulat ng alabetong Pilipino, at magbasa ng iilang letra pa lamang. Nakakitaan
narin sya ng kakaibang husay sa pag-aaral kung kaya’t sa araw ng pagtatapos ay nagkamit sya ng
karangalan. Ipinagpatulaoy nya ang kanyang pag-aaral nag Kinder sya at pagkatapos ay nag
elementarya sa Mababang Paaralan ng Elementarya ng Santa Maria. Isang masayahin at
masiglang bata na walang kamuwang-muwang sa mundo ngunit habang tumatagal unti-unti
nyang narararamdaman at nararanasan ang pagsubok ng buhay. Ang pagpasok ng walang baon
ang kumuha ng mahabang pag susulit, at gumawa ng kakaibang proyekto. Kung minsan ang inggit
sa kapwa mag-aaral ay di maiwasan at ang mga tanong sa sarili nya ay di nya masagot tulad ng
tanong sa nya sa kanyang sarli na “bakit nga ba kami mahirap?”, mabuti na lamang maaga nyang
nakilala ang Dakilag Lumikha. Ang panananampalataya at pagsamba sa Panginon kung kaya’t
nagagabayan sya sa kanyang mga suliranin sa buhay. Sa tulong din ng kanyang mga magulang at
guro natutunan nyang maunawaan ang bagay-bagay sa kanyang paligid, wala syag magawa kundi
ang sumabay sa agos ng buhay.
N ang makatapos sa elementarya ang akala nya ay din a sya makatutuntong sa
sekundarya, dahil sa kakulangan sa pera pero dahil sa udyok ng magulang makakayanan nilang
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa paaralanng Sekudarya ng Santa Maria. Isang kalungkutan
ang dumating sa kanya dahil napahiwalay sya sa kanyang mga dating kamag-aaral, napapunta sya
sa ibang seksyon kung kayat ganoon nalamang ang kanyang pagpupursigeng mapatunayan na
siya’y karapatdapat maibalik sa unang seksyon.Hindi naman s’ya nabigo ng mag-ikalawang taon sa
sekondarya naging isa siya unang sekyon, doon n’ya nakilala ang matalik n’yang kaibigan, na
tumulong sa kanya upang makasali sa isang organisasyong pangsimbahan ang PYC o Parish Youth
Commission, naging aktibo s’ya dahl sa kagustuhan n’yang maglingkod sa Panginoon at gusto n’ya
rin ang ginawa n’ya ang umarte. Ang makilahok naman sa kokorikular na gawain ay hindi niya
nabbiyang pansin sapagkat wala siyang sapat na panustos para suportahan ito. Sa ikatlong taon,
gusto na niyang sumuko dahil sa kapos na kapos na talaga siya pera. Ang kanyang ama ay madalas
pang nagkakasakit pati na rin ang nakababata niyang kapatid kung kayat napagdesisyunan na
lamang ng kanyang pangalawang kapatid na si Junnel na tumigil na muna sa pag-aaral, malungkot
mang isipin pero iyon na lang talaga ang nakayanan ng kanyang magulang. Sa pamamagitan nito
nagkaroon ng lakas ng loob si Nicole na makapagtapos talaga ng pag-aaral. Kailangan n’yang
2. maiahon ang pamilya sa kahirapan. Kaya nagtitiyaga siyang araw-araw na maglakad simula sa
bukid hanggang sa kanilang paaralan. At kapag may oras naman nagtitinda s’ya ng mga kendi at
kung anu-ano pa. Kapag naman may bakanting oras, may ilang guro ate studyante ang
napapagawa ng kani-kanilang mga proyekto. Ang kanyang mga magulang ay Halos mabaon na sa
utang upang maigapang lamang siya upang maipgpatuloy lamang niya ang kanyang pag-aaral.
Kung minsan naman idinadaan na lamang ng kanyang ama ang kanilang problema saa
pamamagitan ng pag-iinom. Sa pamamagitan mga pagsubok na ito mas napatunayan ni Nicole at
ng kanyang pamilya ang pagkakaisa at pamamahal sa bawat isa. Kung kaya’t hindi na niya inisip
pa ang gumawa ng mga bagay na makasisira sa mithiin n’ya sa buhay. Sa papalapit na pagtatapos
ng sekondarya, nararamdaman niya ang papalapit rin talumpay, ngunit kasabay ng panahong ito
ay ang mas nalalapit na mas maitindi pang mga dagok sa kaniyang buhay. Sapamamagitan ng
kanyang positibong paanaw hindi n’ya iniinda ang mga problema at suliranin sa pamilya o sa
paralan. Nang dumating na ang araw ng pagtatapos, punung-puno ng kasiyahan ang kayang
pamilya, lalung-lalo na ang kanyang ama dahil sa pagtitiis ta sikap na kanyang ginawa, ang lahat
ng iyon ay nagbunga. Kung kaya’t ang pagtatapos n’ya ng sekondarya ay nagkaroon ng kagalakan
sa lahat.
Sa kolehiyo, nasabi nalang ng mga magulang ni Nicole na tumigil na muna at
magpahinga dahil natalaga nila kaya pang pag-aralin siya ng kolehiyo. Sa kagustuhang
makapagtapos sakanyang pag-aaral at magkaroon ng maginhawang buhay, gumawa s’ya ng mga
paraan tulad ng pagsali sa SPES o Special Program for Employment of Student, inilaan niya ang
kanyang nakuhang pera sa pag-aaral. Naghanap rin s’ya ng mga taong maaaring tumulong sa
kanya upang matustusan ang kanyang ninanais. Sa isang magadang balita siya ay nakapasa sa
iskolar ni Konggresman Egay San Luis.
Sa ngayon, kasalukuyang nag-aaral si Nicole sa LSPU o Laguna State Polytechnic
University, Siniloan, Laguna. Ang kursong kanyang napili ay ang pagging guro; BEED o Bachelor of
Elementary Education, dahil s’ya ay may kahiligan din sa mga bata. Ngayon nasisimula pa lang ang
panibagong yugto ng kayang buhay sa kolehiyo. Kaya nasabi niya sa kanyang sarili na:
“KAPAG KASAMA MO ANG PANGINOON, KAYANG-KAYA ”.