Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Talambuhay

5,767 views

Published on

  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Talambuhay

  1. 1. ANG AKING TALAMBUHAYMarami ang nagsasabi na ang pinakamasayang araw na nangyari saating buhay ay ang ipinanganak tayo, kaya dapat ating pahalagahan atpagyamanin ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng maykapal. Angpagpapahalaga sa ating karanasan ay isang batayan kung paano natinnabibigyang halaga ang mga nangyari sa ating buhay.Noong nobyembre 23, 1994 aking nasilayan at naramdaman angkagandahan at kahigawahan ng ating mundo. Natatandaan ko pa ang sabi ngaking pinakamamahal na ina, noong lumabas daw ako sa kanyang sinapupunanmga ilang oras ang nakalipas ay binanggit ng aking tita ang pangalang “aizel” nanaging dahilan ng aking pag ngiti, iyon din ang kauna-unahang beses nakanilang nasilayan ang aking ngiti kaya naman pinangalanan nila akong “AizelCastro”. Hindi ito naging kombinasyon ng pangalan ng aking ama’t ina dahil angaking ama ay Rodney Castro at ang aking ina naman ay Emelie Castro. Angaming pamilya ay masasabi kong malaki subalit masaya, sabi nga ng iba masmasaya kapag marami.Nagsimula akong pumasok sa paaralan bilang kinder I noong ako’y apatna taong gulang. Natatandaan ko, kung minsan sa silid-aralan ay nag aawaykami ng aking ate kinurot niya ako na naging dahilan ng aking pag-iyak ngmalakas kahit na palagi kaming nag-aaway ay mahal pa rin namin ang isa’t-isa.Noong ako’y anim na taon, nagsimula ako sa aking elementarya Sa akingunang grado ay palagi akong umiiyak kapag inaaway ako ng aking mga kaklasena lalaki. Naranasan ko rin na mapalo ng titser dahil sa paglalaro ng goma. Galitna galit ako noon sa aking titser. Sa gradong ito ay nagsimula rin akongmagtanong tungkol sa crush, kung ano ba talaga ito. Masasabi ko rin na sa akingelementarya ay marami akong naging kaibigan dahil sa palipat-lipat ako ngpaaralan. Ang una kong paglipat ng paaralan ay noong ako’y nasa ikatlong gradosumunod ay noong ako’y nasa ikalimang grado. Sa ikalimang grado ay masasabikong ito’y hindi naging madali para sa akin dahil nahiwalay ako sa aking pamilyadahil sa maynila na ako nag-aral pero sa tulong ng aking mga bagong kaibiganay nalagpasan ko ang lungkot na aking nadarama.Hindi ako nahirapang mag“adjust” sa kanila dahil halos lahat sa kanila ay mababait at talagangpalakaibigan. Pinagtiyagaan din ako ng aking tita na ihatid sundo dahil sa bagopa lang ako doon. Dumating din sa punto na nakilala ko ang aking kauna-unahang “crush”, kapag siya’y lumalapit sa akin ay nahihiya ako at parang
  2. 2. nawawalan ako ng lakas na harapin siya. Ang aking natitirang taon saK.E.R.M.E.S (pangalan ng aming paaralan) ay naging masaya dahil mas lalokong nakilala ang aking mga kaibigan at mas lalo kaming napalapit sa isa’t isa.Dumating ang araw ng aming pagtatapos kailangan na naming magpaalam saisa’t isa dahil kami ay magkakalayo-layo na..Nooong araw na iyon ay hindi komapigilang umiyak dahil talagang ma mimiss ko sila, pero ganito talaga angbuhay may oras na kailangan mong humiwalay sa mga kaibigan para sa iyongpangarap.Dumating ang araw na pinakahihintay ko ang “highschool life” marami kasiang nakapagsabi sa akin na ang buhay sa sekondarya ang pinakamasaya salahat. Kaya naman halo-halong emosyon ang aking nadama. Noong araw ngpasukan ay hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa medyo may kalakihan angaming paaralan. Hindi ko alam kung saang “building” ko hahanapin ang akingpangalan at seksyon pero mga ilang sandali ay nakita ko rin ito at laking tuwa kona mapabilang ako sa pinakamataas na seksyon dahil dalawamput lima lahat ngseksyon doon. Nang makapasok na ako sa aming silid ay nakaagaw pansin saakin ang isang lalaki at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso, ito nanga siguro ang tinatawag nilang “love at first sight”, yan ang sumagi sa akingisipan noon. Ilang buwan ang nagdaan at napag alaman kong may kasintahanna pala siya. Kaya medyo nakaramdam ng kirot ang aking puso.Taong 2009 bumalik ako sa aming probinsya at doon ko na ipinagpatuloyang aking pag-aaral ng sekondarya. Marami ang nagbago sa akin noongpanahong iyon dahil dito ko unang natagpuan ang aking unang pag-ibig nanaging dahilan na natuto akong mag sinungaling sa aking mga magulang.Buwanng pebrero nagkaroon kami ng “JS Prom” lahat kami ay nagpaganda at talagangnag enjoy sa gabing iyon. Halo-halong emosyon ang aking nadama saya, kilig atdismaya, dahil hindi ako isinayaw ng aking “crush”. Sa aking natitirang taon sasekondarya ay masasabi kong naging masaya at talagang marami akong hindimalilimutang karanasan. Natutunan kong mag “cutting class” dahil napagpasiyahan ng aking mga kaibigan na gumala sapagkat isang sabjek lang namankami sa hapong iyon. Subalit hindi kami pinahintulutan ng gwardiya lumabasdahil nga oras pa ng klase. Kaya ang ginawa namin ay pumunta sa likod ngpaaralan at doon dumaan, mabuti na lamang at hindi kami nahuli. Peropinagsisihan ko ang aking ginawa na sumama sa aking mga kaibigan dahilnagkaroon kami ng maikling pagsusulit. Naghihinayang ako dahil kabilang ako satop ten at ang isa pa ay isa rin ako sa student council ng aming paaralan atmataas din ang aking posisyon dahil ako ang sekretarya. Kaya naman
  3. 3. nakakahiya kung napag-alaman iyon ng aking kapwa mag-aaral. Hindi ko nainulit ang kamaliang iyon.Noong disyembre 17 taong 2011 ginanap ang aming kahuli-hulihang“christmas party” talagang nag enjoy kami ng araw na iyon at ginawa itong hindimakakalimutan ng bawat isa. Dumating ang araw ng aming pagtataposnakaramdam ako ng lungkot at saya sa araw na iyon, Maalungkot dahilmahihiwalay na naman kami ng aming mga kaibigan sa isa’t isa, Masaya dahilmagkakaroon na naman ng bagong kaibigan at panibagong buhay na namanang aming tatahakin. Haiy! talagang nakaka miss ang “highschool life” ang sarapbalik-balikan. Totoo pala talaga na masaya ang hayskul dahil dito nagsisimulaang lahat.Buhay kolehiyo, sabi nila ito ang pinaka seryosong bahagi ng pag-aaraldahil ito ang magigng batayan ng ating tagumpay sa buhay. Nang makapasokako dito sa “West Visayas State University” ay masaya ako dahil marami angnagsasabi na ito ay magandang paaralan at mataas ang “standard”. Kayasinikap ko talagang makapasok dito kahit na napakadaming kinakailangangpagdaanan bago ka makapasok. Sa unang buwan ng aking pag-aaral sa “west”ay medyo nahihirapan ako sa aking kursong kinuha dahil hindi ko talaga ito gustopero tinanggap ko na lang para sa aking mama. Marami akong naging kaibiganat masaya ako na nakilala ko sila lalong-lalo na ang aking mga barkada nakasama ko sa kalokohan at ang masaya pa ay hindi kami nag aaway simulanang kami ay nagkakilala. Dito ko rin naranasan ang madurog ang puso dahil sapagmamahal.Sa ngayon, masaya na ako sa aking buhay at kontento na sa kung anomang meron ako ngayon. At patuloy akong magsisikap sa abot ng akingmakakaya hanggang sa matupad ko ang aking mga pangarap sa buhay.

×