2. • Noong Hulyo 5, 1891 nilisan ni Rizal ang
Brussel upang magtungo ng Ghent, isang
kilalang siyudad sa Belgium; dito plinano
ni Rizal na magpalimbag dahil mas
mababa ang halaga kaysa sa Brussels
• Sa Ghent nanirahan si Rizal kasama si
Jose Alejandro upang makatipid
• Nakahanap si Rizal ng muramg
palimbagan – ito ay ang F. Meyer-Van Loo
Press na pumayag sa installment na
bayad
3. • Isinanla ni Rizal ang kanyang mga alahas
upang makadagdag sa pondo;
• Naging desperado si Rizal dahil hindi pa
dumarating ang pondo mula sa kanyang
mga kaibigan
• Dumating ang tulong mula kay Valentin
Ventura
• Ang “El Fili” ay inihandog ni Rizal sa
tatlong paring martir na sina Padre
Gomez, Burgos at Zamora
4. Buod ng El FilibusterismoBuod ng El Filibusterismo
• Nagsimula ang kabanata ng El
Filibusterismo sa luma’t mabilog na
barkong Tabo
• Ito ay karugtong ng nobelang Noli Me
Tangere
• Si Simoun ay isang mayaman at
misteryoso; siya ay malapit sa gobernador-
heneral
5. • Sa paggamit ni Simoun ng kanyang
yaman at impluwensiyang politikal ay
nahikayat niya ang katiwalian sa
pamahalaan at isulong ang panunupil sa
taong bayan at napabilis ang paglugmok
ng bansa kung kaya’t ang taong bayan ay
natutong lumaban
• Nagpuslit siya ng mga armas sa bansa sa
tulong ng mayamang Tsinong
mangangalakal na si Quiroga na nag-
aambisyong maging Konsul ng Tsina sa
Maynila
6. • Ang unang pagtatangka ng pag-aalsa ay di
natuloy dahil sa balita tungkol kay Maria
Clara sa kumbento; di nakapagbigay ng
hudyat si Simoun dahil sa pagdadalamhati
• Pagkaraan ng mahabang panahon ng
pagkakasakit dulot ng pagkawala ni Maria
Clara, naitumpak ni Simoun ang kanyang
balak na pabagsakin ang pamahalaan
• Sa araw ng kasal nina Paulita Gomez at
Juanito Pelaez, nag-alay siya ng isang
magandang lampara
7. • Si Simoun at Basilio lamang ang
nakakaalam tungkol sa pagsabog ng
lampara kapag umiksi ang mitsa nito
• Mamatay lahat ng panauhin sa kasal
• Habang nangyayari ito pasasabugin ng
mga kapanalig ni Simoun ang mga gusali
ng pamahalaan sa Maynila
• Nang magsimula ang kasalan, malungkot
na pinagmasdan ni Isagani ang kasiyahan;
sinabihan siya ni Basilio na lumayo
8. • Kaagad naisip ni Isagani na nasa
panganib ang mahal na si Paulita kaya
pumasok siya sa loob ng bahay at kinuha
ang lampara at inihagis sa ilog
• Natuklasan ang planong pag-aalsa
• Si Simoun ay nahuli ng mga sundalo
ngunit nakatakas
• Malubhang sugatan at dala-dala ang
kaban-yaman, nagtungo sa bahay ni
Padre Florentino
9. • Nalaman ng mga awtoridad ang
kanyang kinalalagyan ngunit hindi
rin nila ito naabutan dahil uminom
ito ng lason at namatay
• Lumuhod si Padre Florentino at
ipinagdasal ang namatay na si
Simoun
• Kinuha ni P. Florentino ang kaban-
yaman at itinapon sa dagat
10. • “Nawa’y bantayan ka ng kalikasan na
kailaliman, kasama ang mga perlas at
korales ng kanyang walang kamatayang
dagat. Nang kapag may banal at dakilang
layunin ay kailanganin ka ng tao, ang
Diyos na ubod ng talino ang Siya nang
kukuha sa iyo sa pusod ng mga alon.
Samantala, diyan ay di mo magagawa ang
pighati, di mo mababaluktot ang
katarungan, di mo mapapaigting ang
kaimbutan!”