Mahahalagang pangyayari sa kabanata 21 25

107,348 views

Published on

Published in: Education

Mahahalagang pangyayari sa kabanata 21 25

1. 1. Mahahalagang Pangyayari sa Kabanata 21
Nang gabing yaon, ang samahan ng operata ni Mr. Jouy ay magdaraos ng una niyang palabas sa Teatro de Variedades, ang Les Cloches de Corneville.
7:00 pa lang ay wala nang mabiling tiket ni para kay P. Salvi. Mahabang-mahaba ang pila ng mga taong naghihintay na makapasok sa entrada general, gayundin sa takilya.
Nang 7:45 na ay malaking halaga na ang inaalok sa mga upuan
Teatro de Variedades
naliliwanagang mabuti
may mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at binatana
Madaming tao sa may papasukan ay naiinggit na  pinagmamasdan ang mga pumapasok, ang mga nagsirating na maaga sa takot na baka maunahan sa upuan.
Ang mga huling taong nagsirating na masama ang loob ay nagtatawanan, nagbubulungan at nagbabatian.
Isang kastila ang tanging walang pakialam sa pagpasok sa dulaan, si Camaroncocido. Siya ay:
mataas na lalaking payat na marahang lumalakad at kinakaladkad ang isang paang parang naninigas
nakasuot ng masamang amerikanang kulay kape, pantalong pari-parisukat ang guhit at sombrerong hongo de arte
may maruming abuhing buhok at wari'y isang buhok makata - mahaba at kulot ang mga dulo
Kulay-saga(mamula-mula)-lalong katangi-tangi sa kanya
ikinakahiya ng kapwa Kastila
nabubuhay na parang hampaslupa at pulube na nagbubulakbol at nanghihingi ng limos
isang tagapamalita sa mga pahayagan
may mga matang malaki't abuhin na malamlam
wala ni isang buhok sa muka
Tinawag si Camaroncocido ni tiyo Kiko, isang matandang lalaki. ANg lalaking ito ay kabaligtaran ni Camaroncocido
napakaliit
nakasuot ng sombrero de copa
nakadamit ng isang lebitang napakaluwang at napakahaba
nakapantalong maliit na hanggang tuhod lamang halos
kayumanggi
indiyo
may patilya at bigoteng maputi, mahahaba at madadalang
buhay na buhay ang mata
pareho ng trabaho ni Camaroncocido- naglalathala, nagbabalita ng mga palabas at nagdidikit ng mga kartel ng mga dulaan
Ibinalita ni Tiyo Kiko na siya'y binayaran ng 6 na piso ng Pranses sa pagdidikit ng mga paskil para sa pagtatanghal.
Itinanong ni Camaroncocido kung magkano naman kaya ang ibibigay sa mga prayle sapagkat ang buong kikitain daw ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.
Ang totoo, tutol ang mga prayle maging si Don Custodio at kanyang mga pinangunguluhan dahil masagwa at laban sa moralidad ang operata.
mga sang-ayon sa operata-pranses: opisyal ng hukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao na nais lumasap ng kainaman ng wikang pranses sa bibig ng mga tunay na taga-Paris
Nahati ang Maynila sa dalawang pangkat nang magtanghal ng operata
Mga Sang-ayon: mga walang katipan at magaganda
mga di-sang-ayon: matatandang babae, mga babaeng panibughuin(selosa) at nanganganib sa pag-ibig ng kanilang mga kabiyak
Sa mga tanggapan, ginugugol ang panahon sa pagbabasa ng kasaysayang limbag ng dulang itatanghal, nagsisibasa ng nobelang pranses at palihim na tinitingnan ang diksyunaryong pambulsa.
Si P. Salvi ay nagpalathala ng isang pastoral.
Sa pasulatan ng mga pahayagan,naroon ang lalong galawan at kagipitan.
Si Ben Zayb ay maingat na maingat sa pagbuo ng salita sa pagsulat ng 17 na lathalain habang sumasangguni sa 15 diksyunaryo sapagkat katakut-takot na pamimintas ang kanyang aabutin kapag siya'y nagkamali.
Sinabi ni Camaroncocido kay Tiyo Kiko na ang talagang humakot ng manonood ay ang pastoral o pagbabawal ng pari at hindi ang mga kartel. Ang kalahati daw ay nagpunta dahil sinabi ng mga pari na huwag pumunta at ang isa pang kalahati ay nagpunta dahil sa pag-aakalang may maituturo ang palabas dahil ipinagbawal ng mga prayle.
Napansin ni Camaroncocido ang mga taong tila noon lamang nagsuot ng americana at wari'y umiiwas mapuna.
Nakita niya ang militar, pagkatapos makipag-usap sa mga dalawa o tatlong pulutong at lumapit sa karwahe at masayang nakipag-usap sa lulan niyon-si Simoun. Narinig niya ang "Ang hudyat ay isang putok!.....ang Heneral ang may-utos"
Si Tadeo ay kasama ang kanyang baguhang kababayan. Sinasamantala niyang kausapin para ipakita na madami siyang kilala at nalalaman. Niloloko ni Tadeo ang baguhan sa pagasabi na ang mga taong nadaraanan nila ay kaibiga't kakilala niyang malalaking tao kahit hindi totoo.
Dumating si Paulita Gomez na dumarating kasama ang isang kaibigan, si Donya Victorina at Juanito Pelaez
Dahil sa mahabang ilong ni P. Irene, nakilala ni Tadeo si P. Irene na nagbalatkayo sa pamamagitan ng bigoteng pustiso.
Tatlong Parka-
3 dalagang payat, luwa halos ang buto, nangagalumata, maluwang ang bunagnga at masagwa ang bihis
tinatawag ding mga dalaga ni Balcon
mga matatandang dalaga, namumula at kinamumuhian ang lahat
Dumating ang liberal na si Don Custodio:
nakakunot ang kilay sapagkat nag-iisip ng isang mahalagang panukala
Dumating sina Macaraig, Pecson, Sandoval at Isagani at sila'y nilapitan ni Tadeo.
Inanyayahan ni Makaraig si Tadeo na sumama si Tadeo sa kanila dahil may labis silang tiket dahil di sumama si Basilio.
Nagdahilan ang baguhan at hindi napilit sumamang pumasok upang hindi makagambala.

Kabanata 22

Maraming nakatayo sa dinaraanan ng punung-punong dulaan
2. 2. Ang mga nakatayo ay nagkakahirap sa pagtataas ng ulo o makasilip man lamang ng 1 liig at 1 tainga
3. 3. May 3 o 4 na palko lamang ang walang laman kahit napakagabi.
4. 4. 8:30 ang takdang pagsisimula ng palabas, ngunit 8:45 na ay hindi pa itinataas ang tabing dahil sa hindi pa dumadating ang Kapitan Heneral
5. 5. Ang mga artilyero o ang mga kaagaw ni Marte ay
6. 6. maingay
7. 7. hindi nasisiyahan sa mga tugtugin
8. 8. Maraming pabastos na paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero at hindi na nila pinapansin ang matatalim na tingin ng kanilang mga asawa
9. 9. 2 palko na lamang ang natitira at ang sa kapitan heneral na naiiba dahil sa tabing na pulang tersiyopelo (red velvet curtain)
10. 10. Si Don Primitivo na isang pilosopo ay umupo pinaaalis sa kanyang upuan.
11. 11. Hindi napakiusapan ng tagapaghatid sa upuan maging ng tagapamahala si Don Primitivo na umalis sa upuan.
12. 12. Sabay-sabay umawit ang mga artilyero ng:”Sa hindi, sa oo!, sa hindi, sa oo!”
13. 13. Inuulit-ulit ni Don Primitivo ang “Hindi ako makatitindig.” Sa 2 beteranong tinawag ng tagapamahala
14. 14. Habang pumapasok ang Kapitan Heneral at gubernador ng kapuluan ay tinutugtog ang marcha-real.
15. 15. Naupo ang Kapitan Heneral na parang 1 lalaki na pinakahihintay ng kanyang upuan.
16. 16. Nagsitahimik na ang mga artilyero at sinimulan na ng orchestra ang tugtuging pambungad.
17. 17. Ang mga estudiyante ay nakaupo sa palkong kaharap ng kay Pepay
18. 18. Handog ni Makaraig ang palko ni Pepay upang palambutin ni Pepay ang loob ni Don Custodio.
19. 19. Dahil dito, naparoon sa dulaan si Don Custodio kahit tutol siya sa pagtatanghal ng operata-pranses.
20. 20. Nakipagtinginan ng makahulugan si Makarig kay Pepay , na parang may nais sabihin
21. 21. Maging si Pecson ay nakalimot sa kanyang masasamang paniwala at humulang tiyak na ang tagumpay dahil sa nakikita si Pepay na nakangiti.
22. 22. Si Isagani lang ang hindi masaya dahil nakita niya sina Paulita at Juanito na nag-uusap sa isang palko.
23. 23. Ninais ni Isagani na gumuho na ang dulaan, muntik mabunsod ang paghalakhak ng malakas, alimurahin ang kasintahan, hamunin ang kaagaw, gumawa ng alingasngas ngunit nagkasya na lamang sa pag-upo ng dahan-dahan at di pagtingin sa dalaga.
24. 24. Kinailangan niyang magpigil upang maimpit ang pagluha. Ang tinatanaw niya ay ang tabing na paglalabasan at may anyong isang galeria.
25. 25. Itinaas ang tabing at ang pangkat ng mga magbubukid sa Corneville ang humarap. Sila’y may 6-7 na dalaga.
26. 26. Umawit si Gertrude, isang magandang artista at sumusulyap ng makahulugang sulyap sa Kapitan Heneral.
27. 27. “Makakikita tayo ng cancan!”-Tadeo. Walang hinahanap si Tadeo kundi ang bagay na malaswa.
28. 28. Si Makaraig at Pecson ay ay nakahanda na sa pamamatyag at nakangiti na hindi pa man .
29. 29. Si Isagani ay sa ibang pook nakatingin at iniisip na dapat hamunin ng patayan si Juanito Pelaez kinabukasan
30. 30. Walang napala sa kaaantay ang mga binata
31. 31. Dumating si Serpolette, kaiga-igayang dalaga na naging ayos matapang at naghahamon.
32. 32. Nakilala ni Tadeo ang unang taong pumalakpak- si P. Irene
33. 33. Si P. Irene ay pinadala ni P. Salvi na parang sikretang pulis pansimbahan
34. 34. Kinuha ni Lily(Serpolette) ang braso ni Irene pagkatapos iyang ngitian nang pinalakpakan niya siya
35. 35. 1 babae na kasama ang kanyang asawa ang naupo sa isa sa dalawang palkong walang tao. “Dumating ako nang huli kaysa inyo…”. Nagwawagi ang huling dumarating
36. 36. Hindi nagtagal ang kasiyahan ng ababe; nakita ang 1 palko na wala pang tao; ikinunot ang kilay at kinagalitan ang asawa.
37. 37. nagkukunwari si Juanito na nauunawaan niya ang lahat .
38. 38. Si Paulita ay tumingin sa kinalalagyan ni Isagani na hindi tumatawa ni pumapalakpak at nanonood.
39. 39. Sumama ang loob ni Paulita at nanibugho.
40. 40. Hangang-hanga si Donya Victorina kay Juanito at naisip na kung saka-sakaling mamatay ang kanyang asawang si Don Tiburcio ay pakakasal siya kay Juanito.
41. 41. Nagtanong kay Juanito kung ano ang pagkakaiba ng servantes sa domestiques
42. 42.   Juanito – nagmamarunong na marunong sa Pranses
43. 43. Natapos ang unang Bahagi
44. 44.   Nagusapan kung sino ang mas magaling
45. 45. Isa nagsabi: Si Serpolette dahil sa boses.
46. 46. Si  Germaine ang isa, dahil sa tindig
47. 47. Ben Zayb: “Lahat ay walang kabuluhan, wala mang isang artistang matatawag”
48. 48. Nagtatanong ang mga nakaupo kung kanino ang huling palko- kay Simoun
49. 49. Sabi ng 1, nagtungo raw si Simoun kay G. Jouy at nagpakita ng alahas
50. 50. Sabi ng 1 pa, ibig daw magsa-Monte Cristo
51. 51. Naiwan si Pecson, Sandoval at Isagani
52. 52. Lumapit si Tadeo kay Don Custodio upang libangin
53. 53. Nagpakita si Makaraig kay Pepay para kunin ang sulat mula kay Don Custodio na nagsasabing:
54. 54. “Pichona: Ang sulat mo ay dumating nang huli na sa panahon; naiharap ko na ang aking pasiya at sinang-ayunan. Gayunman masasabi kong para ko ring nahulaan ang iyong iniisip, sapagka’t ang pagkakaayos ng suliranin ay alinsunod sa ibig mangyari ng iyong mga ipinagtatanggol”
55. 55. “Paparoon ako sa dulaan at hihintayin kita sa paglabas”
56. 56. Nagmamahal ang iyong kalapati,
57. 57. “CUSTODINING”
58. 58. Napasiyahan na raw ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene. Sinang-ayunan ang paaralan. Ngunit ito’y ipaiilalim sa mga prayle
59. 59. “upang ipagsaya ang pangyayari ay magkaroon tayo ng 1 piging sa pansiterya na pinaglilingkuran ng mga insik na walang baro.”-Pecson
60. 60. Unang pumalakpak si Sandoval
61. 61. Iniwan ng mga binata ang dulaan bago ang ikalawang bahagi.
62. 62. _____________________________________________________________________________________________________
63. 63. Kabanata 23
64. 64. Si Simoun ay hindi naparoon sa dulaan.
65. 65. 7:00 PM-makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama
66. 66. 8:00 PM-Nakita ni Makaraig na paligid-ligid sa Kalye Ospital na malapit sa Kumbento ng Sta. Clara
67. 67. 9:00 PM-Nakita ni Camaroncocido na nakikipag-usap sa tila isang estudyante at binayaran ang tiket nito
68. 68. Hindi pumasok si Basilio sa dulaan
69. 69. Si Kapitan Tiago ay naging masungit at laging bugnot.
70. 70. Pinagtitiisan ni Basilio ang pananakit at pagmumura ni Kap. Tiago sa tuwing kaunti ang binibigay ni Basilio na apiyan.
71. 71. Tinatawag naman ni Kap. Tiago si Basilio na anak kapag naliliwanagan.
72. 72. Hindi miminsang naisip ni Basilio na pabayaan nang lumubha ang karamdaman ni Kap. Tiago at hayaan nang mamatay para di na magsakit.
73. 73. Naisip ni Basilio si Juli
74. 74. Binabawasan ni Basilio ang hinihithit na apiyan ni Kap. Tiago ngunit kapag umaalis si Basilio ay may nagbibigay ng labis na apiyan kay Kap. Tiago.
75. 75. Ang mga dumadalaw lamang sa bahay ay sina:
76. 76. Simoun-bihirang dumalaw
77. 77. P. Irene-nagbibilin na higpitan ang pangangalaga kay Kap. Tiago
78. 78. Nang gabing itinatanghal ang “Les Cloches de Corneville”, nag-aaral si Basilio sa harap ng 1 matandang mesa.
79. 79. “Medicina Legal y Toxicologia” ni Doktor Mata-tanging aklat na ginagamit ng propesor, ang hiram na bahagi ng aklat na ito ay ang binabasa ni Basilio
80. 80. Walang sapat na salapi upang mabili dahil:
81. 81. Bawal ng mga tagasuri sa Maynila at kailangang suhulan ang maraming kawani para maipasok kaya malaking halaga ang hinihingi ng mga nagtitinda ng aklat.
82. 82. Nagtungo si Simoun sa kinaroroonan ni Basilio. “Kamusta ang ating maysakit?”-Simoun
83. 83. “Ang tibok ng puso ay babahagya-ang pulso ay mahinang-mahina, walang kagana-gana sa pagkain, pinagpapawisan nang katakut-takot sa madaling araw. Ang buong katawan ay nakalatan ng lason, maaaring mamatay bukas o makalawa”-Basilio
84. 84. “Katulad ng Pilipinas! “ -Simoun
85. 85. “Ang lalo pang nakapagpapahina sa kanya ay ang mga bangungot, ang kanyang mga pagkatakot .”-Basilio
86. 86. “Katulad ng Pamahalaan!”-Simoun
87. 87. “May ilang gabi nang nagising siyang walang ilaw at ang akala ay nabulag na siya, minura ako, dinukot ko raw ang kanyang mga mata. Ako’y pumasok na may dalang ilaw at ako’y ipinagkamali kay P. Irene at tinawag akong tagapagligtas.”-Basilio
88. 88. Tumugtog ang 10:30 sa orasan
89. 89. “Hindi mo binubuksan ang mga aklat na ipinadala ko sa iyo.. .sa loob ng 1 oras ay magsisimula ang himagsikan…Kapag kami’y nagtagumpay, lahat ng taong hindi tumulong sa amin bagaman may kayang dumamay ay ituturing naming kaaway ”
90. 90. Si Simoun ay naparoon para sa 2 bagay:
91. 91. Ang kamatayan ni Basilio o ang
92. 92. Hinaharap ni Basilio
93. 93. “Sa piling ng Pamahalaan o sa amin”-Simoun
94. 94. “Mayroon akong hukbo at mga taong pinamamahalaan; ilan ay sinabi kong ang himagsikan ay utos ng heneral; iba naman ay pinapaniwala kong mga prayle ang may kagagawan, iba pa’y inakit sa pamamagitan ng mga pangako ng mapapasukan ng salapi; lalong marami ang nagsipagkilos upang makapaghiganti.” -Simoun
95. 95. “At ano ang kailangan kong gawin?”-Basilio
96. 96. “Sa dahilang pamamahalaan ko ang kilusan ay hindi ko maiiwan ang alin mang labanan. Ang kaguluhan ay nasa iba’t ibang pook. Panguluhan mo ang paggiba ng pintuan ng Sta. Clara at kunin mo roon ang isang tao na liban sa akin at kay Kapitan Tiago ay ikaw lamang ang makakakilala. Si Maria Clara!”
97. 97. “Namatay na si Maria Clara! Kaninang mag-iikaanim ng hapon lamang. Kaninang hapon itinugtog ang kanyang agunyas.” – Basilio
98. 98. Naalala ni Simoun na siya’y nakarinig ng mga tugtog ng agunyas nang mga sandaling paligid-ligid siya sa kumbento.
99. 99. “Kaawa-awang tao!”- Basilio
100. 100. Inisip niya ang kapalaran ni Simoun at ni Maria Clara:
101. 101. Ang isa’y binata, mayaman, bihasa, malaya, nakapagpapasiya sa sariling kabuhayan at may magandang kinabukasan
102. 102. Ang ikalawa’y babaing kasing ganda ng 1 pangarap, malinis lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan.
103. 103. ____________________________________________________________________________________________

Kabanata 24 Mga Pangarap

Huwebes, bago lumubog ang araw, naglalakad si Isagani sa Paseo de Maria Cristina na patungong Malecon upang makipagkita kay Paulita. Pag-uusapan nila ang naganap noong nakaraang gabi at inaasahan niyang magpapaliwanag si Paulita.
104. 104. Naisip ni Isagani ang mga madaling araw ng Disyembre matapos ang misa de gallo, ang agua bendita na karaniwang iniaabot niya kay Paulita at pinasasalamatan naman sa pamamagitan ng 1 tinging puno ng pagsinta.
105. 105. Ang araw ay lumulubog sa likuran ng Maribeles(Bataan).
106. 106. Malilikot at walang pinag-aralan ang mga batang naglalaro sa dalampasigan, humahanap ng mga suso at kokomo na hinuhuli nang walang patumangga at pinapatay.
107. 107. Nagpugay siya nang walang kibo sa dalawang heswita na naging propesor niya.
108. 108. Narinig niya si Ben Zayb na may kausap at si Simoun ang pinag-uusapan. Biglang nagkasakit si Simoun nang sinudang gabi, ayaw raw tumanggap ng dalaw, kahit na alagad ng Heneral.
109. 109. Naisip niya ang pagtimbang sa dalawang uri ng kamatayan:
110. 110. Ang sa mga kawal ay dakila sapagkat tumutupad sila sa kanilang tungkulin.
111. 111. Ang sa mga taga-kapuluan ay maluwalhati sapagkat ipinagtatanggol ang kanilang tinubuan.
112. 112. Naisip niyang walang ibang kasalanan ang mga taga-kapuluang kabaka ng bayan kundi ang taglay na kahinaan.
113. 113. Naisip niya “nagbibigkis kami nang mahigpit sa Espanya dahil sa nakaraan, sa kasaysayan, sa pananampalataya, sa wika”
114. 114. Nakasakay sa karwaheng hila ng mga putting kabayo sina Paulita, si Juanito, at si Donya Victorina.
115. 115. Bago pa man makakilos si Isagani ay nakababa na si Paulita. Ngumiti ang dalaga ng ngiti ng pakikipagkasundo. Ngumiti rin si Isagani at napawing lahat ang masamang loob
116. 116. Bago pa makapagsalita si Isagani, hinila siya ni Donya Victorina at tinanong si Don Tiburcio.
117. 117. “Tatawag ako ng guardia civil. Sa buhay at sa patay, ibig kong malaman kung saan siya naroon sapagkat kailangang maghintay ng 10 taon ang 1 tao bago makapag-asawa ulit” –Donya Victorina
118. 118. Hindi makapaniwala si isagani sa kanyang narinig-“Sino ang sawimpalad na mapapangasawa niya?”
119. 119. “Ano ba ang masasabi mo kay Juanito Pelaez?”-Donya Victorina
120. 120. Nais sabihin ni Isagani ang lahat ng masasamang alam niya laban kay Pelaez, ngunit pawang papuri ang kanyang sinabi.
121. 121. Nahulog daw ang abanikong pamaypay ni Paulita sa dalampasigan. Paraan lamang ito ni Paulita upang makausap si Isagani ng sarilinan at makapiling ni Donya Victorina si Juanito Pelaez.
122. 122. Si Isagani na handang humingi ng paliwanag ay siyang nagbigay nito, at naging maligaya nang marinig na siya’y pinapatawad ni Paulita.
123. 123. Nagtawanan silang dalawa pagka’t ipinagkatuwa nila ang pagpapakasal ni Pelaez kay Donya Victorina at halos nakikita na nilang nangyari.
124. 124. Si Paulita ay nangako na hindi sasabihin kaninuman na buhay pa si Don Tiburcio ngunit sinasabi sa sariling ipagtatapat din niya sa kanyang kaibigan.
125. 125. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niya nakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at natiyak niyang ang kulang ay si Paulita.
126. 126. Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na madaming linta. Ang ibig niyang paglalakbay sa pamamagitan ng tren.
127. 127. “Hindi malalaon at ang buong kapuluan ay malalaganapan na ng mga daang bakal.”-Isagani
128. 128. Darating daw ang panahon ana uunlad at lalaya din ang Pilipinas
129. 129. “Ang sabi ni Aling Torina ay lagi raw busabos ang bayang ito.” -Paulita
130. 130. “Sapagkat ang ali mo’y isang hangal, di maaaring siya’y mabuhay nang walang alipin…..”-Isagani
131. 131. Magtatagumpay daw ang bayan kung mananatili sila sa pag-aaral at patuloy na magiging marangal at mataas ang pag-iisip.
132. 132. “Kung wala kayong mapala?”-Paulita
133. 133. “Masasabi mo sa lahat, baling araw, kasabay ng pagtuturo sa aking bangkay na ang aking pag-ibig ay namatay sa pagsasanggalang ng mga karapatan ng aking bayan.”-Isagani
134. 134. Lumapit si Donya Victorina upang sabihing sila’y uuwi na.
135. 135. Nagkatabi sa upuan sina Donya Victorina at Juanito.
136. 136. Sa isang maliit na bangko, nagkatabi naman sina Paulita at Isagani.
137. 137. _____________________________________________________________________________________________________
138. 138. Kabanata 25
139. 139. May anyong di-pangkaraniwan ang bulwagan ng “Pansiteria Macanista de Buen Gusto”
140. 140. 14 na binata mula sa indiyo hanggang sa kastialng taga-Espanya ang nangagkatipon upang iraos ang piging na iminungkahi ni P. Irene na ipagdiwang ang kapasyahangginawa para sa pagtuturo ng wikang Kastila
141. 141. Madaming ilaw at may nakapaskil sa dingding na mga salitang:
142. 142. “LUWALHATI KAY DON CUSTODIO DAHIL SA KANYANG KATUSUHAN AT PANSIT SA LUPA PARA SA MGA BINATANG MAY MABUBUTING KALOOBAN”
143. 143. Ang katuwaan ng mga binata ay pilit. Bakit pinatay ni Don Custodio ang kanilang pag-asa?
144. 144. Sa gitna ng bulwagan at sa ilalim ng mga pulang parol:
145. 145. 4 na lamesang bilog na inayos na parang kwadrado
146. 146. Ang mga upuan ay mga kahoy na bilog
147. 147. Sa gitna ng bawat mesa may apat na pinggang munti na may tig-apat na kakanin ang bawat isa at
148. 148. Apat na tasang tsa na may kanya-kanyang takip na pawang porselanang pula.
149. 149. Sa harap ng bawat upuan ay may 1 bote at dalawang kopang bubog
150. 150. Tinitikman ni Sandoval ang lahat ng pagkain.
151. 151. Nagbabalita si Tadeo na pinaslang si Simoun ng 1 hindi kilala sa may lumang liwasan ng Vivac
152. 152. Sanhi: higanti
153. 153. Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang.
154. 154. Winika ni Tadeo na sana si Basilio na lang ang inanyayahan sa halip na si Pelaez.
155. 155. Mas lalo pa raw silang masasayahan. Maipagtatapat sana niya ang lihim ukol sa bataang nawawala at sa mongha.

Mga Ulam:

“Ang pansit lanlang ay sopas na napakatangi, ang halo ay kabuti, hipon, itlog, sotanghon, mga pirasong manok atbp. Ihandog natin ang mga buto kay Don Custodio.”-Makaraig
156. 156. “Sa karangalan ni Don Custodio ay binibigyan ko ng pangalang panukalang sopas!”
157. 157. Lumpiyang-insik na yari sa laman ng baboy para kay P. Irene
158. 158. Tortang alimango o tortang prayle -para sa mga prayle
159. 159. “Paggalang, mga ginoo, paggalang!”-Pecson
160. 160. Pansit guisado para sa pamahalaan at bayan
161. 161. “Ipinalalagay na insik o hapones ang may gawa ng pansit ngunit ni sa Tsina ni sa Hapon ay hindi nakikilala….ganyan ang nangyayari sa Pamahalaan at sa Pilipinas….walang baying sasama pa kaysa Pilipinas, walang Pamahalaang lalong magulo.”- Makaraig
162. 162. “Ipatungkol natin ang pansit sa insik na si Quiroga, 1 sa 4 na kapangyarihan sa Pilipinas.”-Isagani
163. 163. “Sa Eminencia Negra(Simoun)!”
164. 164. Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan. Huwad daw ang kanyang talumpati.
165. 165. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin.
166. 166. May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagmamanman ito sa mga estudyante.