3. Sa Piling ng mga Bousted sa Biarritz
• Pebrero, 1891
• G. Eduardo Bousted at kanyang
maybahay
• Adelina at Nellie
• Tiya Isabel (kapatid ni Gng.
Bousted)
4.
5. • Maganda naidulot kay Rizal ng isang
buwan niyang bakasyon sa Biarritz
• Naggagandahang dalampasigan na
dinadayo ng mga turista mula sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
• Naaliw sya ng masasayang tanawin ng
lungsod.
• At nahalina sya sa preskong hanging
dala ng Karagatang Atlantiko.
6. Liham kay Mariano Ponce
• Pebrero 11, 1891
“Naragdagan ang aking timbang
mula nang dumating ako dito sa
Biarritz; hindi na humpak ang aking
mga pisngi, gaya ng dati dahil maaga
na akong nakakatulog at wala na
akong mga alalahanin.”
7. Pakikipag-ibigan kay Nellie Bousted
• Nellie---ang mas maganda
at nakababatang anak na
dalaga ng kanyang
tinutuluyan.
• Tunay na dalagang Pilipina
si Nelli, matalino,
masayahin at matuwid.
8. • Noon pang Pebrero 4,1891—Biniro na siya ni M.H. Del Pilar
tungkol sa pagpapalit ng “o” sa Noli, at gawin itong “e”, na
nangangahulugang naging Nelly ang Noli.
• Sinabihan ni Tomas Arejola si Rizal:
“Sa iyong liham, paulit ulit mong
ikinuwento si Bousted na maaring isang ginang o
binibini. Ilang ulit na rin dito noong nakaraang
taon na nasabihan ako tungkol sa babaing ito, na
ayon sayo ay isa ring Pilipino. Nabanggit nila sa
akin na talaga namang karapat-dapat siya dahil sa
kanyang mataas na pinag-aralan, magaganda ang
katangiang panlabas at panloob, at karagdagan pa
nga ang kanyang pagiging Pilipino. Sa
pagkakataong ito at sa buong panahong inilagi mo
sa pamilyang iyan ay naging saksi ka sa mainit
nilang pagtanggap sa iyo.
9. Nais ko sanang bigyan ang aking sarili ng
kalayaan para sabihin saiyo mismo, napagtanto
kong malaya kana sa pananagutan mo sa
Pilipinas. Sa kabilang banda, bagaman hindi pa
rin nagbabago ang mga kondisyon doon, ang
pananatili mo sa ating bansa ay hindi nararapat
at kahit magkaganoon man, hindi ka tatantanan
ng gulo sa sarili mong tahanan. Kung kaya sa pag
aasawa mo doon, nangangamba akong hindi
kaligayahan kundi kapaitan at gulo lamang ang
matatagpuan mo. At ano ang mainam na
solusyon? Tingnan mo kung nararapat sa iyo si
Binibining Bousted, ligawan mo siya at
pakasalan mo siya at kami rito ay tunay na
magbubunyi sa mabuti mong gawa.”
10. • Sinulatan ni Antonio Luna si Rizal para
hikayating ligawan at pagkara’y pakasalan
ang dalaga.
• Hindi tinanggap ni Nellie ang alok na kasal ni
Rizal dahil sa dalawang bagay:
1)Hindi pumayag si Rizal na tumiwalag sa
Katolisismo para yumakap sa
pananampalatayang Protestantismo.
2) Ayaw ng ina ni Nellie na maging manugang
si Rizal.
11. Natapos ang El Filibusterismo sa
Biarritz
• Noong Marso 29, 1891, sa bisperas ng
paglisan niya sa Biarritz patungong
Paris, natapos niya ang manuskrito ng El
Fili.
12. Sa Paris at Pabalik sa Brussels
• Valentin Ventura
• 4 Rue de Chateudum
• Nagbalik si Rizal sa Brussels;
• Marie at Suzanne Jacoby(mga may-ari
ng tinutuluyan niya)
• Petite Suzanne – Dalagang Belga na
umibig sakanya.
13. Pagbitiw sa Kilusang Propaganda
• Ipalahatla ang pangalawa niyang
nobela
• Maging manggagamot
• Kapag kumikita na siya umaasa
siyang maging masigasig sa
pangangampanya para sa katubusan
ng sariling bayan
14. Huminto si Rizal sa pagsulat para sa
La solidaridad
• Hinikayat siya ng karamihan ng kanyang
mga kaibigan sa Espanya na ipagpatuloy
ang pagsulat para sa makabayang
pahayagan dahil napupukaw nito ang
atensyon ng maraming bansang
Europeo.
15. • Batid ni M.H. del Pilar ang
pangangailangan para sa
pakikipagkolaborasyon ni Rizal sa
Kilusang Propaganda at Pahayagang La
Solidaridad dahil sa pananamlay ng
krusada para sa mga reporma.
16. Dahilan kung bakit tumigil si Rizal sa
pagsusulat sa La Solidaridad
1. Kailangan ng panahon ni Rizal para gawin
ang kanyang aklat.
2. Gusto rin ni Rizal na magkaroon ng trabaho
ang ibang Pilipino.
3. Naniniwala si Rizal na mahalaga para sa mga
partido ang pagkakaisa sa gawain.
17. • May dalawang kabutihan na maidudulot
ito:
1) Kapwa magiging malaya tayo
2) At mapapaigting ang iyong prestiliyo,
na kailangang kailangan yaman din
lamang na prestilihiyo ang kailangan
ng ating bansa
18. Mga rebisyon sa Fili para Mailathala
• Karamihan sa rebisyon ay natapos noong
Mayo 30, 1891
19. Sinulatan niya si Jose Ma. Basa:
“Malapit nang mailimbag ang aking aklat,
ang unang dalawampung kabanata ay
naiwasto na, at maililimbag na, at ginagawan
ko na lamang ng bagong kopya ang iba.
Sakaling makatanggap ako mula sa iyo ng
kahit magkanong halaga, matatanggap mo ito
sa Hulyo. Mas masigasig ang pagsusulat ko
rito kaysa Noli, at bagaman hindi kaaya-aya,
mas malalim ang kaisipan nito at mas
tumpak..
20. Sakali namang wala akong matanggap na
salapi, maaari bang ikaw na ang humingi
sakanila ng pera para mailathala ang aking
aklat? Kungdi ay lilisanin ko na ang pook na
ito at diyan na sa inyo tutuloy”