1. PILIPINO ANG LAHI KO, FILIPINO ANG WIKA KO
Ni Ginoong Bartolome Casalme Alvez
Pilipino akong inukit at hinubog ng sari-saring lahi
May talentong sa ibang lahi ay natatangi
Kulay, wika at kaugaliang aking tinataglay
Bahagi ng kulturang minana sa mga dayuhan
May angking kultura at tradisyong na sa Pilipino lamang matatagpuan
Madla’y humanga sa tradisyon ko’t kaugalian pati sa kulay
Na itinanim dito ng mga dayuhang
Humigit 300 daang taong nanirahan
Ang lahat ng ito’y aking iingatan
Ang noon ay gagawing aral
Ang ngayon ay tungkuling payayabungin
Ang bukas ay gagawing isang hamon
Upang akyatin ang landas ng kasaganahan
Ang Wikang Filipino ay minana,
Ang Wikang Filipino ay ipaglaban
Ang Wikang Filipino ay kaagapay sa pag-usbong at pagsulong
ng Perlas ng Silangan
Tungkuling kong alagaan
Ang mga mabubuting ipinamana ng lahi kong matatapang
Handang itigis ang dugo’t buhay
Alang-alang sa Inang Bayan
Pilipino akong matapang
Isinusuong ang buhay saanman
Pilipino akong magaling
Lahat ng larangan ay aking alam
Matiisin sa hirap, sa dusa’t poot ng sandaigdigan
Ang kayumangging lahi kong ito’y ipagsisigawan
Ipagmamalaki sa banyaga at kahit kaninuman
Pilipino ako sa isip, salita at sa gawa
Pilipino akong mamamatay sa Pilipinas kong dinadakila
2. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang wastong sagot.
1. Ayonsa tulangiyongnabasa, ang Pilipinoayinukitathinubogngsari-saring______.
a. lipi
b. lahi
c. angkan
d. ninuno
2. Piliinsaibabaanghindi minananatinsamga dayuhanayon sa tula.
a. kulay
b. katawan
c. wika
d. kaugalian
3. Angsalitangitigisnanabanggitsa ikalimangsaknongngtulaaynangangahulugang________.
a. iambag
b. ialay
c. ipahiram
d. ikamatay
4. AngPilipinasaynapasailalim/nasakopngmgadayuhansa loobng ________ taon o higitpa.
a. 100 taon
b. 300 taon
c. 2o taon
d. 200 taonlamang
5. AngPilipinoaymatiisinsa________,___________, at ___________.
a. poot,dusa’thirap
b. hirap,dusa’tpoot
c. dusa’t,pootat hirap
d. walasa nabanggit
6. Ayonsa tulaang Pilipinodaway_____________.
a. duwag
b. matapangat magaling
c. may-isip
d. kulangsa gawa
7. Tungkulinkong___________ ang mga mabubutingipinamananglahi kongmatatapang.
a. isapuso
b. ilagaysa utak
c. itanim
d. alagaan
8. Angsumulatng tulangitoay si_______________________.
a. GinoongBartolome Casalme Alvez
b. GinoongBartolome Alvez
c. GinoongBartolome
d. GinoongAlvez
9. Angtinutukoynamadlasa tula ay ______________.
a. Lahat ng tao sa mundo
b. Mga Pilipinolamang
c. Espanyol
d. AmerikanoatHapon
10. AngWikangFilipinoayonsatulaay kaagapaysa _____________.
a. ekonomiya
b. pagyabongng industriya
c. pag-usbongatpagsulongngPerlasng Silangan
d. pag-unladngedukasyon
Likhang-gawani :GinoongBartolome Casalme Alvez
3. Susi sa pgwawasto
1. b
2. b
3. b
4. b
5. b
6. b
7. d
8. a
9. a
10. c
Kasanayan
Pag-unawasaBinasa F8PBIIa-b24
Napipili angmgapangunahinatpantulongnakaisipangnakasaadsabinasa
PagsasalitaF8PSIIa-b24
Nabibigkasnangwastoatmay damdaminangtula
Pag-unawasaNapakinggan F8PNllc-d24
Nabubuoang mga makabuluhangtanongbataysanapakinggan