1. 1st Semester 2022-2023
Republic of the Philippines
President Ramon Magsaysay State University
(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales Philippines 2201
Telfax: 047-811-1683 | Email: www.prmsu.edu.ph
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
4. Clodualdo del Mundo
Sa bisa ng “Parolang Ginto”
ni Clodualdo del Mundo noong
1972, si del Mundo ay
nagsimula ng pamimili ng sa
palagay niya’y pinakamahusay
na katha ng mga buwan at
taon. Ang panunuri at
pamimiling ito ay tumagal
nang walang patlang hanggang
noong 1935.
5. Alejandro G. Abadilla
Pumagitna sa larangan sa
pamamagitan ng kanyang
“Talaang Bughaw” noong 1932,
na sagisag mula noon
hanggang ngayon, sa buwanan
at taunang pamimili ng
pinakamahuhusay na akda,
maging tula o akda man.
6. Isagani R. Cruz
Isang sanaysay ni Isagani R.
Cruz ay sunud-sunod na
tanong ang kanyang ipinukol
sa mga mambabasa bilang
paglalarawan sa mga
nangyayari ngayon sa
larangan ng panunuri na
itinutumbas niya sa salitang
kritika:
7. Ano ba ang tayo ng
kritika sa kasalukuyan?
Ano ba ang uso ay hindi
uso?
Anu-ano ang mga isyu na
nalutas na at ano pa ang
hindi nalulutas?
Sa madaling salita’y
nasaan na ba tayo ngayon
sa kritika?
Ito ay isang malalim na
paghihimay sa mga akdang
pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat
ng iba’t ibang dulog ng
kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa
malikhaing manunulat at
katha.
8. Isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag
ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay.
Ang mga uri nito ay
pormalistiko o pang-
anyo. Ang pangalawa ay
ang moralistiko. Ang
pangatlo ay ang
sikolohikal at ang
huling uri ay
sosyolohikal-
panlipunan.
Ang mga uri nito ay
klasisismo,
romantisismo, realismo,
naturalismo,
impresyunalismo,
ekspresyunalismo,
simbolismo,
eksistensiyalismo, at
peminismo.
9. 1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan,
seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Mahusay ang organisasyon o balangkas ng kalahok.
3. Maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang
paglalahad.
4. Mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang
pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na
kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong
sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at
mahusay at makinis ang pagkakasulat.
Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M.
Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa
Pagsulat ng Sanaysay - Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa
Katutubong Wika sa Pilipinas.
10. Sa pagsusuri ng tula, ang
pananarili sa pananagisag
sa tula ay hindi dapat
panaigin.
Ang katangian ng
makasining na tula ay ang
sikad na damdamin at lawak
ng pangitain nito.
Ang simulaing ito ay ayon
kay na siya
ring nagsabing ang
mahalaga sa tula ay ang
lasa at hipo nito at hindi
ang balat ng prutas.
Ayon pa sa kanya, ang
buhay raw ng sining ay
nasa ubod at laman. Ang
pamimili ng paksang
tutulain ay hindi siyang
mabisang sukatan ng
kakayahan ng makata. Sa
halip, ang higit na
kailangang pahalagahan at
sukatin upang makagawa ng
makatarungang paghatol ay
kung papaano ang
pagkatula.
11. 1.Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang
kinuha sa pagtutulong-tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan,
institusyong ang tunay na tula ay kailangang matigib ng
damdamin, kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung
hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring matibag sa
mga taludtod nito ang isang kagandahan.
2.Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na
kaisahan, makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na
kaalaman sa teoryang pampanitikan.
3.Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-
uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.
12.
13. Ang Markismo ay isang
pandaigdigang pananaw at
pagsusuri ng lipunan na
tumutuon sa ugnayan at
hidwaan ng mga antas ng
lipunan na gumagamit ng
materyalistang
interpretasyon ng takbo ng
kasaysayan, at
diyalektikong pananaw ng
pagbabago ng lipunan.
Ang marxismo ay isang
teoryang pampanitikan na
nagpapakita ng tunggalian
ng mayaman at mahirap,
mahina at malakas,
makapangyarihan at api.
14. Ang layunin ng panitikan
ay ilantad ang iba’t
ibang paraan ng mga tao
sa pagtugon sa
suliraning kanyang
kinakaharap. Isang
halimbawa nito ay ang
pagkilala sa
prostitusyon bilang
tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa
halip na ito’y kasamaan
at suliranin ng lipunan.
Ang teoryang markismo ay inuuwa ang
akda batay sa kalagayan ng mga
tauhan. Hinahanapan ang akda ng
patunay ng mga naglalabasang lakas
sa pagitan ng mahina at malakas,
matalino at mangmang, duwag at
matapang, mahirap at mayaman.
Dito nakapaloob ang mga tauhang
bida at kontrabida. May suliranin
ang bida at ang gumagawa nito ay
ang kontrabida. Sa teoryang ito, di
padadaig ang naaping tauhan,
babalikwas ito upang madapi ang
nangaaping lakas.
15. Ang layunin ng panitikan
ay ilantad ang iba’t
ibang paraan ng mga tao
sa pagtugon sa
suliraning kanyang
kinakaharap. Isang
halimbawa nito ay ang
pagkilala sa
prostitusyon bilang
tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa
halip na ito’y kasamaan
at suliranin ng lipunan.
Ang teoryang markismo ay inuuwa ang
akda batay sa kalagayan ng mga
tauhan. Hinahanapan ang akda ng
patunay ng mga naglalabasang lakas
sa pagitan ng mahina at malakas,
matalino at mangmang, duwag at
matapang, mahirap at mayaman.
Dito nakapaloob ang mga tauhang
bida at kontrabida. May suliranin
ang bida at ang gumagawa nito ay
ang kontrabida. Sa teoryang ito, di
padadaig ang naaping tauhan,
babalikwas ito upang madapi ang
nangaaping lakas.
16. Ang teoryang ito ay tumatalakay din sa paglalaban-laban ng mahirap
at mayaman. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika.
Dalawang Alemang Pilosopo ng Markismo
17. Siya ay isang Pilipinong komunista
ng unang bahagi ng ika-20 siglo.
Siya ang pangunahing tagapagtatag
at namuno ng (lumang) partidong
komunista ng Pilipinas sa araw ng
13 taon ng rebolusyong oktobre ng
Russia.
Kinulong siya sa bandang huli ng
dekada ngunit pinalaya ng gobyerno
para lumaban sa mananakop na
Hapon.
Tinanggap niya ang malupit na
kamatayan sa duguang kamay ng
pasistang Hapon noong Hunyo 2,
1942.
Nagsimulang lumaganap ang
ideolohiyang Marxismo
simula pa nang unang
maitatag ang partidong
komunista sa Pilipinas
noong Nobyembre 30, 1930
sa pamumuno ni Crisanto
Evangelista.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25. 1.Sa dulog na ito’y pinagtutuunan ng pansin sa katha o
akdang pinag-aaralan ang mga elementong bumubuo sa
katha.
2.Madaling maipaliwanag ang kabuuan ng mga akda kung ang
mga elementong taglay lamang ng akdaang higit na pinag-
uukulan ng pansin.
3.Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung
kung inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring
kinasasangkutan ng may-akda pangkasaysayan man o
panlipunan.
26. Ayon kay Soledad Reyes,
Tinatalakay ang magandang
pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa
katha-ang
(1) Tema,
(2) Tauhan,
(3) Tagpuan, at
(4) pagkakasunod –sunod ng mga pangyayari
sa dulog na ito.
40. IBA PANG ANYO NG SINING PELIKULA
Hindi gaya ng panitikang (tula, dula,
nobela, maikling kuwento) dapat ay
binabasa at / o itinatanghal,
sa pelikula ay uupo ka sa presko
at madilim na lugar habang
kumakain ng popcorn at umiinom ng
softdrinks.
hindi gaya sa pintura, arkitektura, at
eskulturang kailangan mo lamang
pasadahan, tingnan o titigan, madalian
lamang ang prosesong ito
kompara sa pelikulang relaks na
relaks ka sa loob halos nang
dalawang oras na panonood
Hindi tulad ng musikang aabutin lamang ng
ilang minute at halos ang nagagamit
lamang ay pakikinig
ang pelikula ay patok sa dalawang
pandama ng tao, may pakikinig na,
may paningin pa
hindi tulad ng sayaw na para lamang sa
iilang may talent nito,
ang pelikula ay kombinasyon ng
musika, sayaw, pintura,
eskultura, arkitektura at halos
lahat - lahat na.
Pelikulang
50. 1.Kahirapan
Pagkarami – rami ang mukha ng kahirapan na
maaaring isiwalat sa isang pelikula gaya ng
gutom, kawalan ng trabaho, walang sariling bahay
na matitirahan, walang makian, hindi sapat na
suweldo, pagbebenta ng sariling laman at organ,
hindi makapagpagamot sa maysakit, sira – sirang
bubong, mabahong lugar, iskuwater, walang
koryente at tubig, nakatira sa bundok ng basura,
at marami pang iba.
52. 2.Diaspora
Usapin ito ng pangingibang – bayan, ang buhay ng
mga OFW, ang kanilang pakikipagsapalaran sa
ibang bansa, ang sapilitang pagtatrabaho nang
malayo at hindi kasama ang pamilya, ang mg
apatagong pagtatrabaho, ang pangmomolestiya ng
mga dayuhan sa mga Filipino, ang kuwento ng
pagtataksil ng mga may – asawa at kasintahang
naiwan, ang pangangarap ng maringal at maalwan
na buhay sa ibang bansa, at marami pang iba.
54. 3.Politika
Maaaring uminog ang pelikula sa diskurso ng mga
isyu sa pamahalaan, mga kontrobersyal na batas,
mga hidwaan ng mga politico, debate sa mga isyu
ng bayan, mga adbokasiyang panlipunan, mg
aisinusulong na patakaraan, buhay ng mga
nagsesersbisyong – publiko, katiwalian sa
gobyerno, korupsiyon, pandarambong, pagkakanulo
sa tiwala ng bayan, isyu sa mga teritorya, at
marami pang iba.
56. 4.Ekonomiya
Maaaring maging sentral na tema ang kalagayang
ekonomiko ng isang lugar, ang mga patakaran sa
kalakalan o negosyo, ang mga polisiya at diplomasya
sa pakikipag – ugnayang pandaigdig, mga uri ng
bilihin, pagtaas ng presyo, ang gasoline,
transportasyon, trapiko, ang usapin ng pera,
stocks, merkado, online selling, networking,
pyramiding, scam sap era, tubo, puhunan, budol –
budol, pagbabangko, money laundering, train law,
buwis, usapin ng dolyar laban sa peso, at marami
pang iba.
58. 5.Kasarian
Pagsasambulat sa aping kalagayan ng isang
particular na kasarian, usapin ng gender,
patriyarka, domnasyon ng isnag uri batay sa
kasarian, LGBTQ+, ang posisyon ng babae at lalaki
sa isang lipunan, gender roles, pagkakahon,
isteryotipo, mga bias, mga dictum sa isang lipunan
sa dapat o hindi dapat gawin ng isang babae o
lalaki, ang kakayahan ng isnag tao, ang
pagsasaalang – alang sa tungkuling ginagampanan,
ang pag – iyak ng isang lalaki, ang pagiging
malumanay, maskulado, at marami pang iba.
60. 6.Prostitusyon
Mas binibigyan ng masusing detalye at
pananaliksik ang buhay sa gabi, ang mga
nagigising sa madaling – araw, ang talamak na
pagbebenta ng sariling katawan, pagiging
puta, husto, macho dancer, GRO, service
espakol, pagmamasahe, human trafficking,
sapilitang pakikipagtalik, at marami pang
iba.
62. 7.Sektor – Manggawa
Binibigyang – espasyo nito ang mga
trabahador , magsasaka, mangingisda,
mananahi, obrero, construction worker,
endo, pagiging contractual, Labor day,
suweldo, kinsenas, batas sa paggawa,
overtime, under time, excess work,
compensation, at marami pang iba.
64. 8.Edukasyon
Binibigyang – priyoridad nito ang kalagyan
ng mga guro, ang mga patakarang pangwika,
ang kolonyal na mentalidad, ang
globalisasyon, MTB – MLE, mga kurikulum,
mga priyoridad ng DepEd at Ched,
pagkamabayan sa usapin ng mga polisiya,
ang hamon ng intersyonalisasyon,
lokalisayon, at marami pang iba.
66. 9.Relihiyon
Tinutumbok naman nito ang mga hidwaang
pananampalataya, ang tungkol sa mg
apinaniniwalaan, mga prusisyon, imahen, ang mga
doktrina sa Simbahan, kalagayan ng mga pari at
madre, ang paraan ng paniniwala sa Diyos,
panata, pagiging deboto, ang tunay na relihiyon,
paniniwala s aikalawang buhay, mga panuntunan o
utos ng simbahan, pinanghahawakang panata,
Bibliya, pangalan ng Diyos, mga sumpa – sumpa,
at marami pang iba.
68. 10.Teknolohiya
Binibigyang – pansin nito ang aplikasyon ng
Siyensiya, ang desbentaha at bentaha ng isang
bagong imbensiyon, mga gadget, online teaching,
blended leaning, robotics, internet, animation,
ang buhay sa hinaharap, bagong planeta, mga
bituin, buwan, araw, kalawakan, santinakpan, at
marami pang iba.
70. Apat na makrong kasanayang pangwika.
1. Pakikinig
Binigyan ng Diyos ang tao ng
dalawang tainga sapagkat alam niyang mas
mahirap makinig kaysa magsalita. May
tatlong proseso ang pakikinig:
1. Pagtanggap (resepsiyon),
2. Pagkilala (rekognisyon), at
3. Pagpapakahulugan (komprehensiyon)
sa mga tunog.
71. 2. Pagsasalita
May tainga ang lupa, may pakpak ang
balita. Pagsasalita ang isa sa
pinakanangungunang kinakatakutan ng tao,
ikalawa sa kamatayan. May tatlong
element para makapagsalita ang isang
tao:
1. Enerhiya (ang puwersa mula sa
baga),
2. Artikulador (ang kumakalatal na
bagay sa ating lalamunan), at
3. Resonador (ang nilalabasan ng tunog
gaya ng ilong at bibig).
72. 3.Pagbasa
May pag – asa sa pagbabasa.
Pagbasa ang isa sa sekreto ng
pinamatatalinong tao. May apat na
prosesong nagaganap sa pagbabasa:
73. 1. Persepsiyon (pagkilala sa
mga simbolo)
2. Komprehensiyon (pag – unawa
sa mga simbolo),
3. Reaksiyon (paggamit at / o
paglalapat sa mga simbolo),
4. Integrasyon (pag – uugnay
ng dati at bagong alam kaugnay
sa simbolo).
74. 4. Pagsusulat
Mas matalas ang panulat kaysa sa
tabak. Isa sa sukatan ng talino ng
isnag tao ang kaniyang kahusayan s
apagsuuslat, kapuwa sa estilo at
nilalaman. May tatlong hakban namang
nangyayari kapag nagsuuslat ang
isnag tao:
75. 1. Bago (pagpaplano, pag –
iisip ng
paksa,pananaliksik),
2. Aktuwal (pansamantalang
pagsulat), at
3. Pagkatapos sumulat
(pagrerebisa, pag – eedit,
paglalathala).
76. Panonood
Ang panonood ay isang bagong
makrong kasanayang pangwika sapagkat
tinatanggap natin ang katotohanan at
realidad na natututo tayo sa proseso
ng pagsasagawa nito. Mulaan, hanguan
at / o imbakan ito ng karunungan.
77. Hindi na lamang tayo natututo sa
pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at
/ o pagsusulat. Bulto ang
impormasyong nalalaman at
natutuklasan natin sa tulong na
panonood. Simbilis ng kidlat ang
nasasagap nating mga kaalaman at
detalye sa pamamagitan ng pagtunghay
sa iba’t ibang uri ng palabas.
78. Kung bibigyang pagsusuring
pangwika ang panonood, maaari
itong maging pangngalan,
pandiwa, o pangngalang – diwa
depende sa paggamit ng
konteksto at pangungusap.
79. Kung ito ay pamagat bilang makrong
kasanayang pangwika, ito ay
pangngalan.
Kung ito naman ay gagamitin sa
pangungusap bilang lehitimong
aksiyong may aspekto, ito ay
pandiwa.
At kung ang gamit nito ay
kombinasyon ng pangngalan at pandiwa
ay mailuluwal ang pangngalang –
80. Nood (hindi nuod) ang salitang ugat
ng panonood. May unlapi itong “pa.”
at nagkaroon naman ng reduplikasyon
(nono) bilang pagbabagong
morpoponemiko.
81. Hindi laging maaari sa kontekstong
Filipino ang “panood.” Kung pawatas
o nag – uutos ay maaari ang
“panood.” Subalit bilang pamagat at
aksiyon, kailangan ito ay may
reduplikasyon sapagkat ito ang
kalikasan ng wikang Filipino sa
pangkalahatan.
82. 1. Proseso ng pagmamasid ng
manonood sa palabas, video
recording, at ba pang visual media
upang magkaroon ng pag – unawa sa
mensahe o ideyang nais iparating
nito.
2. Ito ay pagbasa sa mga gumagalaw
na imahen batay sa pinananaligang
dulog, teorya, pamantayan, o ano pa
mang kahingian o lente ng pagsusuri.
83. 3. Ito ay pagpapasiya o paghatol
sa kalakasan o kahinaan, positibo o
negatibong aspekto ng isang palabas
na tinutugaygayan o pinag – aaralan
gamit ang mga pruweba at paliwanag.
4. Pag – aaral sa mga palabas sa
tulong ng sariling danas, pandama,
persepsiyon, panghuhusga, at
preperensiya sa anyo ng kritika.
84. Ang panonood ay itinuturing na
integratibong makrokasanayan ng iba’t
ibang kasanayang pangwika. Nagsasalikop,
nag – uugnay, at / o nag – aagpang ang
pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at
pagsusulat sa proseso ng panonood.
May audio ang panood kaya nagaganap ang
pakikinig. Maaaring pag – usapan ang mga
pinapanood kaya may nagaganap na
pagsasalita at talagang may nagsasalita sa
mismong mga napapanood.
85. May pagbabasa sa panonood
bilang tagapagtangkilik nito ay
kailangang may makita kang
kalakasan at / o hamon sa
proseso nito.
May literal ding subtitle ang
ibang palabas lalo na sa
dubbing at adaptasyon kaya
nagaganap ang pagbabasa.
86. Sa madaling sabi, ang panonood
ay ang proseso ng pagbasa,
pagkuha, at pag – unawa sa
mensahe o kaisipan mula sa
palabas. Dapat idiing mensahe o
kaisipan ang nakukuha sa mga
pinapanood at / o napapanood at
HINDI aral.
87. Mahalagang – mahalaga ang
tunog, musika, at kawalan mismo
ng tunog upang madama ang buong
pelikula o palabas. Mawawalang
– saysay ang panonood kapag may
diperensiya o problema ang
audio nito unless kinakailangan
sa pelikula gaya ng “A Quiet
Place.”
88. Biswal din ang pelikula kaya
mahalagang – mahalaga ang mga
nakikita o gumagalawa na
imahen. Kaya kailangan ng ilaw
upang makita ang nasa dilim.
Walang pelikulang puro lamang
dilim unless kailangan ito sa
eksena ng “Lights Out.”
89. Sa pangkalahatan ay may iba’t
ibang uri ng palabas na
napapanood gaya ng tanghalan o
teatro, pelikula, programa sa
telebisyon, YouTube at internet
video. May mga maliit pa itong
kategorya o genre.
90. Ang Genre ay tumutukoy sa uri o
tipo ng naratibo na kaiba sa
iba pang-uri. Nagkakaiba-iba
ang mga ito dahil sa sentral na
kuwento, emosyong ipinadarama,
at mga kaisipang pinapairal sa
bawat palabas.
91.
92. 1. Ano ito na isa sa apat na makrong
kasanayang pangwika na may tatlong proseso,
ito ang mga pagtanggap, pagkilala at
pagpapakahulugan sa mga tunog?
2. Ito ang isa sa pinakangungunahang
kinatatakutan ng tao ikalawa sa kamatayan.
Ano ito?
93. 3. Ano ito nna isa sa apat na makrong kasanayang
pangwika, isa ito sa sekreto ng pinaka
matatalinong tao?
4. Isa ito sa sukatan ng talion ng isang tao. Mas
matalas ang panulat kaysa sa tabak.
5. Ano ito na isang bagong makrong kasanayan
pangwika, tinatanggap natin ang katotohannan at
realidad na natututo tayo sa proseso ng
pagsasagawa nito.
94. 6. Kung ito ay pamagat bilang makrong
kasanayanang pangwika ito ay
___________?
7. Kung ito naman ay gagamitin sa
pangungusap bilang lehitimong aksiyong
may aspektong, ito ay _________?
95. 8. Kung ang gamit nito ay kombinasiyon ng
pangngalan at pandiwa ay mailuluwal ang
pangngalang________?
9. Ito ay salitang ugat ng panonood.
10. Ito ang tumutukoy sa uri o tipo ng
naratibo na kaiba sa iba pang-uri.
96. 11. Ang _______ sa akda ay dapat
may uri at katangian ng
katalinuhan, seryoso at marubdob na
damdamin at ng tapat na mithi sa
Kalayaan.
97. 12-13 Ang pahayag sa itaas ay
nagmula kina __________ at
__________ na nagging lupong
inampalan sa Timpalak sa Pagsulat
ng Sanaysay- Panunuring
Pampanitikan sa Panitikang
Nasusulat sa Katutubong Wika sa
Pilipinas.
98. 14. Ayon sa kanya, kung paapaanong buhat sa
paksang kinuha sa pagtutulong- tulong ng
sensibilidad, kasalubhasaan, institusyong
ang tunay na tula ay kailangang matigib ng
damdamin, kinakailangang managana sa
kabuuan nito, sapagkat kung hindi mapupuno
sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring
matibag sa mga taludtod nito ang isang
kagandahan.
99. 15. Ang ___________ ay kailangang
napapanahon, may matibay na kaisahan,
matibay na kaisahan, makapangyarihan ang
paggamit ng wika at may malalim na kaalaman
sa teoryang pampanitikan.
100. 16. Ito ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung
inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring
kinasasangkutan ng may-akda pangkasaysayan man o
panlipunan.
17. Ayon sa kanya, sa paggamit ng pormalistikong
pagdulong ay napagtutuunan ng pansin ang mga
detalye at bahagi ng kwento upang itanghal ang
pagiging masining at malikhain ng komposisyong
ito.
101. 18. Binigyang- halaga at importansiya nito ang
autor dahil siya ang nakadanas ng karanasan at
akda ng paghulagpos.
19. Sa isang pagbasa, ang katangian na ito ay
nakonstrak dahil sa pagbalikwas sa dominanteng
porma na naghahanap ng organikong kaisahan.
20. Ang kritisismong ito ay may layuning muling
iakda ang babae sa pagsusulat man o sa pagbabasa
ng panitikan.
102. 21. Binibigyang pansin sa isyung ito ang
aplikasyon ng siyensya, desbentaha at
bentaha ng isang bagong imbensyon, gadget
at iba pa.
22. Maaring talakayin nito ang mga
prusisyon, imahen, ang mga doktrina sa
simbahan, kalagayan ng pari at mga madre.
103. 23. Kadalasang paksa nito ang estado o kalagayan
ng mga polisiya,hamon ng internasyonalisasyyon,
lokalisasyon at marami pang iba.
24. Binibigyang – espasyo nito ang mga trabahador
, magsasaka, mangingisda, mananahi, obrero,
construction worker, endo, pagiging contractual.
25. Mas binibigyan ng masusing detalye at
pananaliksik ang buhay sa gabi, ang mga nagigising
sa medaling – araw, ang talamak na pagbebenta ng
sariling katawan.
104. 26. Pagsasambulat sa aping kalagayan ng isang
particular na kasarian, usapin ng gender,
patriyarka, domnasyon ng isnag uri batay sa
kasarian, LGBTQ+, ang posisyon ng babae at lalaki
sa isang lipunan.
27. Maaaring maging sentral na tema ang kalagayang
ekonomiko ng isang lugar, ang mga patakaran sa
kalakalan o negosyo, ang mga polisiya at
diplomasya sa pakikipag – ugnayang pandaigdig.
105. 28. Maaaring uminog ang pelikula sa diskurso ng
mga isyu sa pamahalaan, mga kontrobersyal na
batas, mga hidwaan ng mga politico, debate sa mga
isyu ng bayan, mga adbokasiyang panlipunan.
29. Usapin ito ng pangingibang – bayan, ang buhay
ng mga OFW, ang kanilang pakikipagsapalaran sa
ibang bansa, ang sapilitang pagtatrabaho nang
malayo at hindi kasama ang pamilya.
106. 30. Tinatalakay ng mga isyung panlipunan ang
maaaring isiwalat sa isang pelikula gaya ng gutom,
kawalan ng trabaho, walang sariling bahay na
matitirahan.