1. Yunit 1: GE 9 (Batayang
Kaalaman sa Panunuring
Pampanitikan)
Danette May C. Abalos
2. Matatamong Kabatiran
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Makasulat ng sariling akdang pampanitkan na tumatalakay
sa isang suliraning panlipunan.
2. Maisabuhay ang pagtataguyod ng wika bilang wika ng
panitikang pambansa na nakaugat sa realidad ng buhay at
mga pangarap ng mga mamamayang Pilipino.
3. Introduksyon
Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad,
at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Kinabibilangan ito ng
mga likhang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng sari-saring anyo at hubog na naglalarawan sa kalinangan ng
mga Pilipino. Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang
panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni. Hinahaplos nito ang mga
sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig pang-amoy, panlasa, at pandama.
Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit
payak na salitang may sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa
mga arteryo at ugat ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa kasong ito,
sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan
4. Introduksyon
Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na
nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang
makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang
karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.
5. Introduksyon
Ang Panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito nailalahad ng tao ang
kanyang mga kaisipan at damdamin, nailalarawan nang tapat, tunay at
totoo ang kanyang mga kaugalian, saloobin at ng kanyapaniniwala.
Ang bawat takbo ng ng buhay at mga pangyayari sa kanyang panahon
na naganap, nagaganap, at magaganap ay pag-unlad ng kanyang sarili
sapagkat, dito napangangatwiranan niya ang kanyang mga karanasan,
pagkatakot, pagkabigo, pakikiayon, pakikibaka at pag-iisa.
6. Pagtalakay
Simula lamang nang mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang
pagkatao nagsimulang maging isa itong disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang
dating behikulo lamang ng ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalaikhain, ang
panitikan ay naging isang karunungang kailangan ng tao at ng kanyang sibilisasyon.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang-
edukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay
gumanap/gumaganap ng iba’t ibang tungkulin iba-iba sa bawat panahon, sa bawat
lugar, sa bawat antas. Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular
sa antas koliheyo, ang pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing
aspeto: kognitibo at kultural, bukod sa iba pa. Lunsaran ang panitikan ng
pagpapaunlad ng mga kasanayang kognitibo o pampag-iisip ng mga mag-aaral.
7. Pagtalakay
Bukod dito, kasangkapan din ito, particular ang pag-aaral ng ating
sariling panitikan, sa pagpapatibay ng ating sariling kabansaan at
pagkakakilanlan.
Hindi kaiba sa iba pang disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang
prosesong debelopmental. Kaya bilang pagpapatuloy ng pag-aaral nito
na inyo nang nasimulan sa elementarya at hayskul at bilang pagsisimula
ng mas mataas na antas ng pag-aaral ng panitikan, talakayin natin ang
mga batayang kaalamang nauukol dito, na ang ilan o maging ang
karamihan ay balik-aral lamang.
8. Depinisyon
Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan
Sa panitikang pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay “isang paraan
ng pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa
mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.
Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang panitikan ay “bungang-isip na
isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong
ikauunawa ng noon, ngayon, at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng
damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masining at
makahulugang mga pahayag.
9. Depinisyon
Ayon naman kay Webster (1947:557), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang
nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong
anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.
Kung gayon, ano ang tunay na panitikan? Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag
ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa
masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at
kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan,
natitiyak ang kawalang-maliw nito.
10. Uri ng Panitikan
A. Prosa o Tuluyan. Ang mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang
takbo ng mga pangungusap. samantalang ang mga akdang patula ay yaong ang
mga pahayag ay may sukat o bilang ng mga pantig, tugma at aliw-iw. Ang buong
tula ay nahahati sa mga taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng mga
taludtod o linya ng tula.
B. Patula. Samantalang ang mga akdang patula ay yaong ang mga pahayag ay may
sukat o bilang ng mga pantig, tugma, at aliw-iw. Ang buong tula ay nahahati sa mga
taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng mga taludtod o linya ng tula. Ang
mga akdang patula ay may tatlong uri: ang tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko
at tulang padula.
11. Uri ng Tula o Patula
1. Tulang Pasalaysay- Ito ay may sukat at tugma. Ang nabibilang dito ay epiko, awit at
Kurido.
A. Epiko- Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan at
pakikipaglaban ng isa o grupo ng tao laban sa kanilang kaaway.
B. Awit- Ito ay salaysayin sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga
tauhan ay walang sangkap na kababalaghan ito ay maaaring pakikipagsapalaran ng
mga tauhan at nagaganap sa tunay na buhay. Binubuo ng labindalawang pantig ang
bawat taludtod at sukat.
C. Kurido- Ito ay pakikipagsapalaran ng mga tauhan na di maaaring maganap sa tunay
na buhay. Binubuo ng walong pantig ang bawat taludtod.
12. Uri ng Tula o Patula
2. Tulang Liriko/Pandamdamin- Kilala din sa tawag na tulang paawit at buhat sa salitang Griyego na “Lira”
na ang ibig sabihin ay “awit o inaawit”, at ito ay may kaugnayan sa emosyon. Ang mga halimbawa nito ay
oda, sonata, elihiya, dalit at iba pa.
A. Oda- Ito ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o didikasyon sa isang tao o isang
bayan na kinukuha ang interes ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon sa akda.
B. Soneto- Ito ay isang uri ng musical na istruktura na binubuo ng tatlong pangunhing seksyon: Isang
pagsasaysay, isang pag-unlad at isang rekapitulasyon.
C. Elehiya- ay tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.
D. Dalit- Isang uri ng tula na karaniwang pangrehiyon, partikular, na nakasulat para sa layunin ng papuri,
pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na
halimbawa at may kahalong pilosopiya sa buhay.
13. Uri ng Tula o Patula
3. Tulang Pantanghalan/ Pandulaan- Ginagamit sa pagtatanghal ng mga dula at ang mga halimbawa ay
duplo, karagatan, balagtasan, komedya, moro-moro at senakulo.
A. Duplo- Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
B. Karagatan- Isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng
dagat at kung sinong binate ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
C. Balagtasan- Ito ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
D. Komedya- Pagtatanghal na masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob at ang bida ay laging
nagtatagumpay.
E. Moro-Moro- Pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng Kristiyano at Pilipinong Muslim.
F. Senakulo- Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesukristo.
14. Uri ng Tula o Patula
4. Tulang Patnigan- Ito ay tulang nagbibigay-aliw sa mga taong
namatayan, at nagbibigay pagpapahalaga sa taong pumanaw na.
15. Uri ng Prosa o Tuluyan
1. Pabula- ang mga tauhang gumaganao ay hayop. Ang aral ay karaniwang ibinibigay
sa paraang wakas sa pamamagitan ng kasabihan o salawikain
2. Alamat- Nagsasaad o nagpapaliwanag ng tungkol sa pinagmulan ng isang bagay,
pook at pangalan.
3. Maikling Kuwento- ang mga pangyayari ay simple, may mga kilos na organisado,
may tunggalian ng mga tauhan, may banghay, sa kalagitnaan, ay may kasukdulan , at
may katapusan o wakas.
16. Uri ng Maikling Kuwento
a. Kuwento ng Tauhan- ang binibigyang diin ay ang pangunahing tauhan.
b. Kuwento ng Madulang Pangyayari- ang binibigyang pansin ay ang pangyayari.
c. Kuwento ng Kababalaghan- ang mga pangyayari ay hindi kapani-paniwala at taliwas sa
katotohanan.
d. Kuwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
e. Kuwentong Bayan- nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyang ng
buong bayan.
f. Kuwento ng Katatakutan- naglalaman ng mga pangyayaring katakot-takot o kasindak-
sindak.
17. Uri ng Maikling Kuwento
g. Kuwentong Sikolohiko- ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao
sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwento na
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
h. Kuwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento.
i. Kuwento ng Katatawanan- nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mga mambabasa.
j. Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao ang pokus ng
kuwentong ito.
18. Uri ng Prosa o Tuluyan
4. Nobela- Tinatawag din na kathambuhay. Ang mga pangyayari ay kawing- kawing at mas
mahaba kaysa sa maikling kuwento.
Uri ng Nobela
a. Nobelang Makabanghay- Ito ay nagbibigay diin sa balangkas.
b. Nobela ng Tauhan- Ang binibigyang pokus ay ang pangangailangan at hangarin ng
pangunahing tauhan.
c. Nobelang Masining- Ang binibigyang pansin ay ang paghahanay ng mga pangyayari at
paglalarawan.
d. Nobelang Maromansa- Ito ay nagtatanghal ng pag-iibigan.
e. Nobela ng Layunin- Nagbibigay diin sa mga simulain o layuning mahalaga sa buhay ng tao.
19. Uri ng Prosa o Tuluyan
5. Sanaysay- Tumatalakay sa isang paksa ayon sa sariling pananaw at
kuro-kuro ng may-akda. Ito ay may dalawang uri:
◦
a. Pormal (maanyong sanaysay) - maingat, maayos at mabisa ang
paglalahad na karaniwang nagagawa ng isang may malawak na
kaalaman sa paksa.
b. Di-Pormal (malaya) - kung ang paksa ay higit na malapit sa
karaniwang mambabasa sapagkat ito ay tumatalakay sa pang-araw-
araw na pangayayari.
20. Uri ng Prosa o Tuluyan
6. Dula- Naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga
tauhang gumaganap sa ibabaw ng tanghalan.
Uri ng Dula
a. Komedya- Ang uri ng dulang ito ay masaya at kawili-wili sapagkat nagtatapos sa
tagumpay ng pangunahing tauhan.
b. Melodrama- Galing sa Griyegong salita na “MELOS” nangangahulugang awit at ito
ay may malulungkot na pangyayari.
21. Uri ng Dula
c. Trahedya- Ginagampanan ng tauhang mapupusok, sapagkat kinapalolooban ng
mahihigpit na tunggalian.
d. Parsa- Ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang pananalita.
e. Saynete- Ang paksa ay ugali na itinatanghal sa paraang katawa-tawa
22. 7. Talumpati- Uri ng akdang pampanitikan na sadyang inihanda upang bigkasin.
Uri ng Talumpati
a. Talumpating Panlibang- Ginagamit sa mga pagtitipong sosyal o panlipunan.
b. Talumpating Pampasigla- Ginagamit sa mga okasyong tulad ng araw ng pagtatapos,
pagbubukas ng aklatan at iba pa.
c. Talumpating Nagbibigay Impormasyon- Talumpating ginagamit kung magbibigay ng ulat.
d. Talumpating Nagbibigay Galang- Binibigkas bilang simbolo ng pagtanggap.
e. Talumpati ng Papuri- May layuning magbigay ng parangal o papuri sa magagandang
nagawa.
23. 8. Balita- Naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa.
9. Talambuhay- Naglalahad ng pangyayari sa buhay ng isang tao mula ng siya ay
isinilang hanggang sa kanyang kamatayan. Ito ay may dalawang uri.
◦
Uri ng Talambuhay
◦
a. Pansarili- Siya mismo ang sumulat
b. Pang-iba- Ibang tao ang sumulat.
24. 10. Editoryal- Naglalahad ng kuro-kuro o pananaw ng manunulat tungkol sa isang
napapanahong isyu.
11. Anekdota- Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ang
pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
12. Kuwentong Bayan- Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang
kuwentong bayan ng isang tiyak na pook na rehiyon ng isang bansa o lupain.