2. PANUNURING PAMPANITIKAN
Ang kritisismo ay bahagi ng edukasyong kolonyal na
dala ng mga Amerikano. Kasama sa edukasyong
dala-dala nila ay ang mga panitikang nagmula sa
kanilang bansa. Kasama rito ay ang kritisismong
ginagamit sa panitikan na nagmula rin sa mga
kanluraning bansa. Sa madaling salita, tinuturuan ang
mga Pilipino sa mga pamamaraang hindi angkop sa
kanila.
3. PANUNURING PAMPANITIKAN
Dito sumibol ang pananaw ng Pambansang Alagad ng
Sining na si Bienvenido Lumbera na nagsilbing isang
hamon sa ating mga mambabasa ng panitikan,
gayundin sa mga iskolar na bumuo ng isang dulog o
panunuring tala na masasabing atin sapagkat lagi na
lamang umano tayong nakaangkla sa kung anumang
ididiktang pananaw ng mga nasa kanluran.
4. PANUNURING PAMPANITIKAN
Mayroon na ring mga naunang tala ng pagtatangka ng
panunuring pampanitikan sa Pilipinas noong panahon
ng mga Amerikano. Ayon kay Soledad Reyes, ang
mga ito ay nakasulat bilang mga polemikong
sanaysay at polyeto noon. Ngunit karamihan umano
ng mga naunang pag-aaral at pagsusuri ng panitikan
ay walang malinaw na pamantayan ng pagsusuri.
5. 1.1 Sining at Panitikan
• Ang sining ay nagmula sa salitang Latin na
nangangahulugang kakayahan o kasanayan. Kaugnay nito,
nagagamit ang salitang ito sa maraming paraan gaya ng
sining ng pakikipagtalastasan, sining ng pagbigkas, sining
ng pagtula, sining ng pag-awit, sining ng pagtatalumpati,
sining ng pagbasa, sining ng pagsulat, sining pantanghalan,
atb.
• Nakapaloob sa sining ang iba’t-ibang saklaw at lawak ng
pagkamalikhain na naglalayong matuklasaan ang
kagandahan sa tulong ng paggamit ng iba’t-ibang uri ng
pandama. Nasasaksihan ang sining sa pamamagitan ng
sining biswal, musika, sayaw at higit sa lahat, panitikan
6. Dr. Jose Rizal
(Noli Me Tangere/ El
Felibusterismo)
Francisco Baltazar
Florante at Laura
Lope K. Santos
Banaag at Sikat
Severino Reyes
Walang Sugat
Amado Hernandez
Isang Dipang Langit/ Bayang
Malaya/ Luha ng Buwaya
Lualhati Bautista
Bata-bata Pa’no ka Ginawa?
7. • Ayon kay Tolstoy (manunulat at kritiko), tanging relihiyon at
lipunan lamang ang dapat na nakapaloob sa sining kaya’t ang
anumang sining na hindi nagtataglay ng dalawang ito ay dapat na
itiwalag. Ang sining dugtong pa niya, “ay magbubuklod sa tao
nang walang pagtatangi-tangi ng lahi, kulay, relihiyon, paniniwala,
atb.”
• Ang sining ayon naman sa mga modernista ay dapat maging
matapat na kinatawan o representasyon ng daigdig. Dahil dito,
upang maging isang kapakipakinabang ang sining, ito’y hindi
dapat na maging larawan lamang ng katotohanan kundi ang
kahulugan ng nakakubling kahiwagaan nito.
8. • Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao
tungkol sa iba’t-ibang bagay sa daigdig.
• Ang panitikan ay bungang isip na isinatitik. Mayaman
ang makata’t manunulat sa imahinasyon. Ito ang ikinaiiba
nila sa ibang mga tao. Bagama’t ito’y hindi sapat sa
paningin ng mga makata’t manunulat. Kailangan pang
mapalutang ang diwa o kaisipang taglay nito upang
maging ganap na masabing ito’y hindi isang balangkas
kundi may laman at may kaluluwa.
9. • Ang panitikan ay matibay at panghabambuhay na pagpapahayag
ng mahahalagang karanasan ng tao sa mga salitang mahusay
na pinili at iniayos. Walang teorya ang makapagpapatunay na higit
na mayaman ang karanasan ng isang ordinaryong tao kaysa sa
karanasan ng isang makata o manunulat. At lalong hindi masasabi
ng isang makata o manunulat na higit na hinog ang kanyang
karanasan kaysa sa ordinaryong tao. Ang walang saysay ang
karanasang hindi naibahagi kaninuman. Ang mga karanasang ito ay
may malaking tulong na magagawa sa pagpapalaganap ng
panitikan kung maisasalin sa panitikan at maibabahagi sa mga
mambabasa.
10. • Ang panitikan ay isang anyo ng pagpapahayag ng tao na
binubuo ng maayos at masining na pagtitipun-tipon ng mga
salita, sa tula o sa tuluyan man na ginagamitan ng
imahinasyon. Layunin ng panitikan na magbigay ng
impormasyon at maglibang sa mga mambabasa. Dahil sa mga
layuning ito, mahalagang makapili ng angkop na mga salita ang
mga makata’t manunulat para sa isang malinaw at maayos na
pagpapahayag.
11. 1.2 Sining at Panunuri
Sa aklat nina Ramos at Mendiola (1994) ay binigyang-
kahulugan nila ang panunuri (na higit nilang kilala ang tawag na
kritisismo) bilang isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay
at diwa sa isang nilikhang sining. Ito, anila pa ay isang
kaisipang hindi pa tapos.
Sa ilang kritiko, ibinibilang ang panunuri bilang isang agham ng
teksto. Ito’y inuugnay nila sa isang gawain ng mg kritiko na may
pinaghahanguang iba’t-ibang teorya. Ito’y ginagawang esensyal
na gawain sa pagsasanay na ginugugulan ng maraming oras at
panahon sa pagsusulat ng mapanuring pagpapahayag.
12. Panunuring Pampanitikan
• ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang
dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa
malikhaing manunulat at katha.
• Ang panunuring pampanitikan ay hindi lamang nagsusuri o
nagbibigay kahulugan sa mga nagaganap sa daigdig, kundi
ito’y isang paraan sa pagsusuri sa kabuuan ng tao- ang
kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita, at maging
ng kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at sa
lipunang kinabibilangan niya.
14. 1.3 Saklaw ng Panunuring
Pampanitikan
• a. Pagkaugnay ng Manunulat at Manunuri
- Sinasaklaw ng panunuring pampanitikan ang sining at
mabisang paglalahad ng mga kaisipan at damdaming
pinapahayag ng manunulat at ng kanyang tagasuri.
• b. Aspekto ng Panunuring Pampanitikan- Ang panitikan ay
nilkha ayon sa katauhan ng manlilikha nagkakaroon ng
pagkakaiba-iba sa pamamaraan ng paglalahad.
15. 1.4 Mga Katangiang Dapat Taglayin
ng Kritiko
1.Ang kritiko ay dapat matapat sa sariling itinuturing ang panunuri
ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining.
2.Ang kritiko ay handing kilalanin ang sarili bilang manunuri ng
akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat,
mambabasa o ideolohiya.
3.Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong
nagaganap sa panitikan.
16. 4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga
kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya
ng linggwitika, kasaysayan, sikolohiya, atb.
5. Ang kritiko ay matapat na kumilala sa akda bilang isang
akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang
kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang
maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang
kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga
pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.