1. ENVELOPE
(BUHAY NI NIÑA TRICIA CARITAN)
Napahinga ng malalim ang isang batang babae habang nag-iisip ng malalim.
“Masusungkitko pa kaya ang pagiging 1st
honor? Ako kaya ang mag-dedeliver ng
talumpati sa araw ng gradwasyon? Mapapangitiko pa ba ng abot tenga ang mga
magulang ko sa pagtatapos ko?” Samu’t-saring mga tanong ang bumabalakid sa
kanyang mumunting isipan.
Pinapakilala ko sa inyo siPhoebe Kim Castillo. Isang ordinaryong batang
nag-aaralsa isang pampublikong paaralan. Pinakabata sa klaseat consistent
honor student. Simula nung grade 1 pa lang siya hanggang naging grade 4,
palaging siya ang nangunguna sa klase. Ngunit nung naging grade5 siya, naging
pangalawa na lamang. Kaya labis-labis ang pagdadalumhati ang naramdaman
niya.
“Pang-ilan ka sa ranking, Phoebe?”
“Ah. Pangalawa.” Sagot niyang nakapanghalumbaba.
“Ah? Talaga. Ah sige. Alis muna ako.” Nawalan siya ng lakas ng loob. Pakiramdam
niya nung panahon na yun ay pasan niya ang mundo. Pakiramdamniya na
napakalaking kabiguan siya sa pamilya niya.
Tinawagan niya ang mama niya.
“Hello anak?”
Nanatiling tahimik ang babae.
“Nak, okay ka lang? Sinabina ang honors, noh?”
“Ha? AH. Opo.”
“Tapos? Si Jeffrey ang 1st
?”
“O-opo ma. Ma. S-sorry po.” Sabini Phoebe na umiiyak.
2. “Nak, ano ka ba. Ok lang yan. Sabiko naman sa’yo noon eh. Tingnan mo,
nagbunga tuloy. Di ka kasinag-aral ng mabuti eh. Ok lang yan. Bumawi ka na lang
sa grade 6. Ang importante, marunong kang tumanggap ng kabiguan at gamitin
ito upang mas lalo kang magsumikap. Alam mo anak, sa buhay hindi ka palaging
wagi, ang pagkabigo ay isang pagsubok atnasa saiyo na kung paano mo ito
tatanggapin.”
“Opo ma. Ibababa kona po tong phone salamat po sa mga sinabi mo. Tawag na
kami ni Sir eh. Bye ma. Loveyou.”
Napanatag ang kanyang loob ng nakausap nya ang kanyang ina at bumalik ang
sigla ni Phoebe.
Nang sumunod na taon napagtanto niya na talagang kulang siya sa pagsisikap
kaya kailangan niyang mag-aralng mas maigi. Pinagtutuunan niya ng pansin ang
kanyang pag-aaraldahil napangakuan na niya ang kaniyang sarilipara doon.
Matataas ang marka ng kanyang mga pasulit at nakikinig sa kaniyang klase.
”Phoebe card day na mamaya. Kinakabahan na talaga ako.” Ani ni Jeffrey na
nasa tabi niya lang. Hindi niya rin naman maitatago na kinakabahan siya pero
alam niya na maganda ang bunga nito. “ Ako din, eh. Wag kang mag-alala, Jeff.
Matalino ka naman eh. Alam ko , alam mo o alam nating lahat na kaya mo yan.
Kaya chillax lang tayo at makinig, haha”
Dumating na simama para kunin ang card ko.
“ Ma, andon lang po si Maam sa taas. Punta ka nalang doon. Nag-uumpisa na din
kasisila sa meeting nila eh. Baka mahuli ka na”
“oh sige anak. Dito ka lang ba? Di ka sasama sa akin sa loob?”
“Wag na, ma. Nakakahiya atsaka hindi naman yata pwede.”
“Oh sige, sige. Punta na ako ah?” Tumango nalang ako.
Isang oras na ang lumipas pero hindi parin sila bumababa galling sa taas.
Ano kaya pinag-uusapan nila? Pero di bale na nga.
3. “Phoebe naman. Bakit ang tamlay mo? Oay naman grades mo sa nakaraang
Quarter ah?”
“Ha? Wala ah? Kayo naman. Malamig lang.”
“Tara na! Ang KJ nito. Laro na tayo don oh!”
“Oh sige, sige” Papalakad na sana ako ng naaaninag ko si mama na hawak-hawak
ang isang envelope at sigurado akong naglalaman yon ng mga numerong
pinaghirapan ko. Lumapit ako agad sa kaniya pero sinalubong lang ako niya ng
isang malungkot na ngiti at mata.
“Ma, anong problema?”
“Anak, diba sabiko sayo na sa lahat ng pagsiskap ay may nakaabang na
magandang maidudulot sayo?”
“Ma, pansensya na po. Ginawa ko ang lahat lahat pero yan lang talaga. Pasensya
na po.”
Nakita kong dumaan ang isa kong kaklaseat nginitian ako. Nginitian ko din siya
pabalik.
“Phoebe, galling mo talaga. Talino!”
Tiningnan ko si mama na nakangiti na siya ng buong-buo ang mama ko at niyakap
ako.
“Anak salamat. Pinapahalagahan mo itong pag-aaralmo para sa amin. Alam mo
naman na ito lang mismo ang pinakamagandang regalo ang maibibgay naming na
madadala mo magpakailanman”
“Ma, salamatkung hindi dahil sa inyo wala ako dito. Hindi ako lalaki bilang
babaeng malakas, matatag at masipag at higit sa lahat hindi ako magiging Phoebe
Kim Castillo na maglalakad sa harapan, tatanggap ng medal at magbibigay ng
talumpati sa harap ng madla kung hindi dahil sa inyo”