JOY‟s POV:
Nag-beep na naman ang phone
ko. Sigurado akong si Best na
naman yon. Kanina pa kasi siya
text ng text.
''Best, how are you? I've been
texting you all day.''
Text niya for the 'nth time. Gusto
niya kasing ikwento sa akin na
may panibago na naman
siyang achievement. Ganon siya
lagi, at ganon din ako sa kanya.
Ginagawa naming Diary ang
isa't-isa. The living, laughing,
and crying diary.
College days ng mag-krus ang
landas namin. Kasagsagan ng
ulan noon ng mag-drill kami sa
ROTC. Ramdam kong
nanginginig na ang mga tuhod
ko. Any moment alam kong
babagsak na ako. Then she
came.
''Santiago! Ok ka
lang?'' tanong niya habang
nakatitig siya sa akin.
Hindi na ako makapagsalita sa
sobrang hilo kaya umiling na
lang ako. Buti na nga lang
CNCO/Platoon Leader kami
kaya malaya kaming lumakad-
lakad habang may drill.
''Medic! Medic! '' sigaw niya sa
mga medics na nakatambay sa
shed.
''Kumapit ka sa
akin Santiago.'' inalalayan niya
ako habang hinihintay namin
ang medics.
Naramdaman ko na lang na may
bumuhat sa akin. Dinala nila ako
sa Grandstand para
makapagpahinga at di mabasa
ng ulan. Hindi naman ako
nagcollapse kaya dinig ko ang
pagkataranta ni Romero. Dali-
dali niyang hinubad yung coat at
combat shoes ko. Saka niya ako
pinainom ng tubig.
''Nilalagnat ka, dapat hindi ka
na nag-drill, tsk!'' sermon niya
habang pinapainom ako ng
tubig.
We're not close that time.
Tanging apelyido lang ang
siyang pagkakakilanlan namin.
Isa siya sa mga ginagalang na
Platoon Leader sa batch namin.
Hindi siya yung tipong
magbibigay ng punishment sa
mga kadete na hawak niya.
Bibihira din siyang magalit.
Lahat sila sinasabing mabait
siya kaya pati mga COCC namin
ka-close niya.
''Teka lang ha.'' paalam niya
saka siya patakbong umalis.
Hilong-hilo ako kaya pumikit
muna ako. Malaking tulong na
tinanggal ni Romero ang coat at
combat shoes ko kaya lumuwag
ang paghinga ko.
''Santiago magpalit ka muna
ng damit. Basang-basa yang
suot mo.'' utos niya sabay abot
ng plain white shirt.
''Salamat.'' tugon ko.
Pagka-abot niya ng damit agad
siyang tumakbo sa field para
balikan ang pagtuturo sa mga
kadeteng hina-handle niya. Agad
din akong nagpalit ng damit tutal
malayo ako sa field at ako lang
mag-isa dito sa grandstand kaya
di na ako umalis sa
kinaroroonan ko.
Ilang minuto lang ang nakaraan
ng bumalik si Romero. Basang-
basa na siya dahil sa ulan.
''Romero, towel oh..'' alok ko at
di naman ako napahiya dahil
kinuha din niya.
''Salamat. Nga pala, ok ka na
ba? Hindi ka na
nahihilo?'' tanong niya na nag-
aalala.
''Hmm, yea.. Thanks nga pala
sa shirt. Lalabhan ko na
lang.'' sagot ko.
''Wala yun.'' sabi niya habang
nagtatanggal ng coat.
''Joy nga pala.'' pakilala ko sa
kanya sabay lahad ng kamay. At
muli, di na naman ako napahiya
dahil naki-pagshakehands din
siya sa akin.
''Mari. Yan tawag nila sa akin.
Nice to meet you.'' she smiled.
Yan ang simula ng
pagkakaibigan namin. Lagi na
kaming magkatabi sa upuan.
Halos sabay na din kaming
kumain at umuwi. Tuwing
breaktime during our ROTC
class nagkukwentuhan kami.
Lahat na ata ng pwedeng
mapagkwentuhan eh nagawa
namin. Since hindi kami magka-
course dahil Advertising siya at
Marketing ako, sa text at call
naman kami nagchichikahan.
Akala ko nung una napaka-
seryosong tao ni Mari, pero hindi
pala. Marunong siyang magbitiw
ng joke at magaling siyang
magbigay ngadvice. Napaka-
strong niyang tao.
Ngayon, tapos na kami sa
kolehiyo. May kanya-kanya na
kaming gustong marating sa
buhay. 5 years mula ng
magtapos kami ay bibihira na
lang kaming magkita. Bihira na
rin magtawagan at magtext.
Kaya eto siya tinatadtad na
naman ako ng texts at miscalls.
''I'll text you later. Busy lang,
may hinahabol
kasing deadline.'' i replied to
her text. Para wala siyang
masabi. Wala pang isang minuto
at nagreply na siya.
''Sorry kung nakakaistorbo na
ako. Namimiss lang naman
kita best..''
And again..
''wag ka ng magreply..sige
na..keep safe
bestfriend..luvyah!'' dugtong
niya. Since wag na daw ako
magreply, kaya itinuloy ko na
ang ginagawa ko.
Mari's POV:
Lagi na lang siyang ganyan.
Laging rason ang pagiging busy.
Busy din naman ako pero di ko
ginagawang dahilan yon. I
always find time para sa ibang
gawain ko, hindi ako subsob
sa trabaho. Lagi akong may oras
para sa kanya, sana ganon din
siya sa akin. Nakakalungkot lang
isipin na mula ng magkaroon
siya ng trabaho eh bibihira na
niya akong pansinin mapa-text
man, call and even personal
bond.
''Uy Ate, nasabi mo
na?'' tanong ni Joan habang
nagkakape kami dito sa
isang coffee shop sa Ayala.
''Hindi pa eh. Busy pa
siya.'' sagot ko na medyo
disappointed.
''Lagi na lang yang busy..
Busy sa work. Busy sa
boyfriend, busy gumala with
her new found friends etc. Nek
nek niya kamo. Busy her
face!!!'' galit na pagkakasabi ni
Joan. Alam ni Joan ang buong
kwento sa amin ni Joy. Alam
niyang kahit siya ang madalas
kong kasama, kay Joy lang ako
nagshe-share ng problema o
kahit ano. Thankful ako kasi
kahit ganon ako, hindi niya ako
iniiwan o kinakalimutan.
Kung tutuusin tama si Joan.
Laging busy ang dahilan ni Joy.
Kung hindi sa work, sa boyfriend
naman o di kaya busy gumala
with her new friends and college
friends. Minsan nagseselos na
ako. Pag niyayaya ko siyang
gumala, tinatanggihan niya ako
kesyo may ginagawa daw o may
OT. Tapos makikita ko na lang
yung update niya sa Facebook
na kasama niya mga friends
niyang mag-malling. And so on.
Bestfriend pa ba niya ako? O
takbuhan niya lang kapag may
hinihingi siyang pabor?
JOY's POV:
Im with my officemates. Kahit
nakakapagod itong buong araw
na 'to ayos lang dahil at the end
of the day may time pa kami
gumala at kumain sa labas.
Masaya silang kasama. Kahit
papaano nakakalimutan ko
problema ko pag kasama ko sila.
Daily routine ko na yan. Kapag
wala si boyfriend, officemates ko
naman ang nakakasama ko.
Then suddenly, my phone rang.
It was Mari... My bestfriend.
Tumatawag siya. Pero hindi ko
sinagot. Wala din naman kaming
ibang pag-uusapan kundi mga
nangyari sa maghapon niya o sa
akin at kung anu-ano lang. Sa
totoo lang nagsasawa na ako sa
ganong conversations namin.
MARI‟s POV
Hindi ko alam kung paano ko
sasabihin kay best. Ayoko
namang idaan sa text or call,
mas maganda kung personal.
Pero yun nga, wala siyang time
sa akin. Sa totoo lang
nakakatampo. Mas pinili na niya
yung mga bago niyang kakilala.
Parang..parang out of place na
ako sa buhay niya. Siguro nga
nakukulitan na siya sa akin.
Aminado ako makulit ako.
Masisisi niya ba ako? I need her.
I need her as my bestfriend.
“best, miss you.. L” text ko sa
kanya
“miss you too, hows your
day? Grabe nakakapagod tong
araw na „to..” agad namang
sagot niya.
“ganon ba? Sige rest ka na..
namiss lang kasi kita.” I
replied. Medyo nalungkot ako.
Halata naman kasing ayaw niya
akong makausap o makatext.
Hinintay ko muna ang reply niya
bago sana ako matulog pero
mag-iisang oras na wala pa rin.
Gusto ko talagang sabihin na sa
kanya. Pero umiiwas siya.
Namimiss ko na siya. Mami-miss
ko siya.
JOY‟s POV
Ilang araw na ring hindi
nagpaparamdam si best. Sorry
naman, busy akong tao. Alam ko
maiintindihan niya. Balang araw
babawi din ako. Namimiss ko na
rin siya sa totoo lang. gusto ko
ring gampanan yung pagiging
bestfriend ko.
“best meet naman tayo. J” I
texted her. Gusto ko talaga
siyang Makita ngayon.
Matagal tagal din kaming hindi
nakapagchikahan kaya
siguradong madami kaming
baong kwento sa isa’t-isa.
Hindi ko mapigilan ang sarili
kong mangiti sa tuwing maaalala
ko kung paano niya ako
ipagtanggol sa mga naging ex
kong nanarantado sa akin. Sabi
pa nga nila daig pa namin ang
magsyota. Pero alam naman
namin ni best na hindi kami tibo
kaya iniignore na lang namin
yong mga pinagsasabi nila.
Excited akong Makita siya.
Excited akong muling
maramdaman yung pagiging
magbestfriend namin. Excited
ako,…pero may halong kaba.
Dala lang siguro ng tagal na di
namin pagkikita. I’ll treat her sa
favourite naming coffeeshop.
Babawi ako ng bongga this time.
“Hi Joy, its me Joan.
Pinapatanong ni ate Mari kung
tuloy daw ba kayo?” past 7pm
nan g mabasa ko ang text na ito.
Number ito ni best pero si Joan
ang nagreply. Nakakapagtakang
magkasama pa sila ng ganitong
oras.
“Sorry nawala sa isip ko. sorry
talaga. Kasama mo ba siya?
Bakit ikaw ang may hawak ng
cp niya?” tanong ko dala na rin
ng ng curiosity.
“SO HINDI KAYO TULOY?
GANON NA LANG YON?
PINAASA MO YUNG TAO..
WALA KA TALAGANG
KWENTANG KAUSAP!” reply
ni Joan. Halatang galit dahil san
ka-capslock yung text niya.
Ewan ko ba, naeepalan talaga
ako sa classmate na ito ni best.
Masyadong pakialamera.
Kainis!!!
“Bakit nagagalit ka? ikaw ba si
best?? Asan ba siya?”
Inis na reply ko sa kanya habang
tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng
gamit ko bago umuwi. Ilang
minuto na ang nakalipas pero
wala pa ring text galing kay best
o kay Joan. I decided not to text
my bestfriend since kasama
naman niya si Joan malamang
nasabi na ni Joan na hindi kami
tuloy. Maybe some other time.
Yung walang pasok para
makasama ko siya ng matagal.
Alam kong makakagawa siya ng
paraan para di masagasaan
yung work niya as a freelance
article writer at pagiging
Advertising Jingle composer.
Proud talaga ako sa kanya
kapag nakakagawa siya ng
magandang concept. Ganon din
kasi siya sa akin.
Pinagmamalaki niya ako sa
lahat. Ang sarap lang sa
pakiramdam na may taong
sobrang laki ng tiwala sa
kakayahan mo. Ganon siya sa
akin.
Days.
Weeks.
Months. 3 months to be exact.
Ganyan na katagal mula ng
huling magtext si best. Sa tagal
na yon pakiramdam ko
napakasama kong tao at ngayon
ko lang napansin. Nakaka-guilty
dahil may promise pa naman
ako na babawi ako ng
bonggang-bongga. Pero
nakalimutan ko. guilty talaga ako
kaya pupuntahan ko siya.
Habang nag-aayos ako ng gamit
ko dito sa office napansin ko na
lang na nawawala yung ballpen
ko. Binigay pa naman yun ni
best sa akin. Agad ko naman
itong hinanap. At hindi naman
ako nabigo dahil nakita ko yun
sa ilalim ng folder malapit sa
computer. Dali-dali akong umalis
para i-surprise siya.
Halos dalawang oras ang byahe
dahil sa trapik. Ang haggard ko
na tuloy. Nang marating ko ang
apartment na tinutuluyan ni best,
laking gulat kong wala siya
doon.
''Pambihira, nag-iba na ba
lifestyle nun? Hindi naman
siya lumalabas ng ganitong
oras ah..hmm'' sa isip ko..
Sinubukan kong tawagan yung #
niya. Pero ring lang ring. Hindi
niya sinasagot. ''best, pls
answer the phone plss...'' sa
isip ko...
''Hello.'' sagot ng nasa kabilang
linya.
''Best?'' takang tanong ko ng
mabosesan kong hindi si best
ang sumagot ng phone.
''Si Joan to.'' matipid na sagot
nito
''Bakit ikaw ang sumagot?
Nasaan si best? Nandito ako
ngayon sa harap ng apartment
pero wala siya. Nasan siya?
Nasaan ba kayo?'' sunod sunod
na tanong ko. This time binalot
ako ng kaba. Hindi basta-basta
ipapahiram ni best ang phone
niya kapag hindi importante.
''Hello? Joan?''
''Pumunta ka dito ngayon...''
Ibinigay niya ang exact place
kung nasaan siya na lalong
nagpalakas ng kabog ng dibdib
ko. Wala akong inaksayang
oras, pumara agad ako ng taxi.
Ang trapik, jusmiyo! Kung anu-
ano tuloy ang pumapasok sa isip
ko. Bakit sa lugar na yun kami
magkikita ni Joan? Si best?
Asan na siya? Ano ng
nangyayari sa kanya? Bakit
matagal siyang di nagparamdam
sa akin?
''Manong, wala na po bang
ibibilis? Nagmamadali po kasi
ako.'' tanong ko sa mamang
driver ng taxi.
''Kahit ho bilisan natin mam,
hindi pa rin uubra, kita niyo
naman ho..traffic.'' sagot
naman ni manong.
Hindi na ako umimik. Sa halip,
kinuha ko ang phone ko para i-
text ulit si Joan sa # ni best.
Pero hindi na siya nagrereply.
Isa at kalahating oras ang
itinakbo ng byahe bago ako
makarating sa fastfood na sinabi
ni Joan. Agad ko rin siyang
nakita kaya hindi na ako
nahirapan sa paghahanap.
''Joan, nasaan na ba si best?
May dapat ba akong
malaman?'' pag-aalala ko.
Gusto kong malaman ang totoo.
Pero hindi agad nakaimik si Jo.
Nakita ko na lang na teary eyed
na siya kaya lalo akong nalito.
''Ano ba? Asan na ang b-
bestfriend k-ko? Nasaan na s-
siya?'' halos pagaralgal na
tanong ko. Muli naghihintay na
naman ako ng sagot mula sa
kanya. Laking gulat ko na lang
na hinila niya ako palabas ng
fastfood na yon saka kami
tumawid papasok sa ospital.
''Jo.. '' bulong ko.. Pero di niya
ako narinig. Ayoko itong
nararamdaman ko. Ang lakas ng
kabog ng dibdib ko at mas lalo
akong kinabahan ng tumigil kami
sa ICU.
''Ayan siya.'' sabi niya sabay
harap sa salamin na bintana.
Nag-init ang buong pakiramdam
ko ng makita kung sino ang
nakahiga sa kamang yun. Si
best..
''Matagal na niyang iniinda
ang sakit ng ulo niya. Akala
niya simpleng migraine lang.
Late na ng malaman namin
na.....''napatigil si Joan dahil di
na niya mapigilan ang sarili sa
pag-iyak.
''....late na ng malaman namin
na Brain cancer
pala..'' pagtutuloy niya.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto
kong yakapin ang bestfriend ko.
Pero hindi ko maihakbang ang
paa ko. Parang bumagal ang
ikot ng mundo sa akin.
''b-bakit ..h-hindi niyo..s-sinabi
sa akin? B-bakit ngayon
lang?'' tanong ko. Sa
pagkakataong ito, bumuhos
lahat ng emosyon ko. Iyak ako
ng iyak habang nakatitig sa
bestfriend ko.
''Nung mga panahong
naghihirap siya, tinext ka niya
pero di mo nirereplyan..
Tinatawagan ka rin niya pero
di mo sinasagot. Nung mga
panahong yon gustong-gusto
niyang sabihin sayo pero
ano???? Joy mas pinili mong
makasama yung mga taong
bago mo pa lang nakilala..
Nasasaktan siya everytime
iniignore mo mga messages
niya sayo. Minsan sasagot ka
nga pero puro busy naman
ang sinasabi mo.. Alam mo
kung anong masakit????
Wala kang time sa kanya, lagi
mo pang sinasabing busy ka
pero pagcheck namin ng
facebook mo, puro picture
niyo ng officemates mo na
gumala.. Namasyal..
Nasasaktan siya pero di niya
sinasabi sayo.. Nasasaktan
siya kasi BESTFRIENDS kayo
pero binabalewala mo siya
pag kasama mo na yang mga
kasamahan mo sa trabaho..''
Lalo lang akong humagulgol sa
pag-iyak ng marinig ko ang mga
salitang yun mula kay Joan. Iyak
lang ako ng iyak.. Ang laki ng
pagkukulang ko sa bestfriend ko.
Lagi kong sinasabi sa sarili ko
na babawi ako pero sa
sitwasyon niya ngayon, paano
pa ako babawi??
''Bb-best..'' nanginginig ang
boses ko ng sambitin ko ang
salitang yun.
''Stop it!!!!! Bestfriend ka ba
talaga???? Ako ang tumayong
bestfriend sa kanya Joy! Ako
ang karamay niya tuwing
naghihirap siya sa sakit niya.
Ako.. Ako ang kasama niya..
Pero alam mo kung anong
masakit??? '' humihikbi si Joan
habang sinasabi yon.. Kitang
kita ko ang bigat na
nararamdaman niya ..
''... kahit ako yung nasa t-tabi
n-niya..ramdam kong ikaw
yung gusto niyang karamay
niya. Ako yung nagpuno ng
pagkukulang mo Joy!''
''i-im sorry...'' mahinahon na
paumanhin ko..
Pumunta ako sa Nurse station
para magpaalam na papasok
ako sa ICU. Gusto kong
hawakan si best. Gusto ko
siyang kausapin. Gusto kong
magsorry. Pero bigo ako. Hindi
ako pinayagan. Masyado daw
maselan si best. Yun pa lang
para na akong lutang. Gustong-
gusto ko siyang yakapin. Gusto
kong ako ang nasa tabi niya at
hindi si Joan. Gusto kong pag-
gising niya ako ang una niyang
makita.
Ilang oras na rin ang nakalipas
mula ng dumating ako dito.
Dumating na rin galing province
ang Mom & Dad ni best. Alam
din pala nila ang tungkol sa sakit
niya. Alam nilang lahat. Ako lang
ang walang kaalam-alam.
''Bakit hindi mo sinabi agad
best? Bakit?'' muli unti-unti na
namang pumatak ang mga luha
ko habang nakasilip sa kanya sa
may salamin na bintana. Nakita
ko rin kung paano umiyak ang
parents niya. Kitang kita ko ang
sakit na nararamdaman nila.
Gusto ko silang i-comfort pero
nandoon na si Joan para i-
comfort sila. Sa mga oras na ito,
pakiramdam ko napakawalang
kwenta kong kaibigan. Ako ang
bestfriend pero mas close si
Joan sa family niya. Ang daya!
Ang daya daya! Pero wala na
akong magagawa, kasalanan ko
din naman yon. Dati lagi niyang
sinasabi sa akin na sana
makapunta din ako sa kanila
para makilala ang pamilya niya.
Pero anong ginawa ko? Ang
dami kong alibi. Tumanggi ako.
Kaya wala akong karapatang
magselos sa closeness ni Joan
at Parents niya. Natigil ako sa
pag-iisip ng lumapit sa akin ang
Mom niya.
''Ikaw si Joy?'' tanong ng
Mommy niya sa akin.
''O-opo.. Tita..'' nahihiyang
sagot ko.
''Ikaw yung lagi niyang
kinukwento sa amin na
bestfriend niya.'' nakangiting
sabi ng Mom niya na halatang
nagpapakatatag. Nagpipigil ng
luha para magmukhang strong
sa harap ko.
''Im s-sorry Tita. Hindi ako
naging m-mabuting bestfriend
sa kanya.'' confess ko
''Lagi niyang sinasabi na
...ikaw ang pinaka the best na
bestfriend.'' di ko na naman
mapigilan ang sarili ko ng
marinig ko ang mga salitang yun
mula sa Mommy niya.
''Hindi po... Hindi...'' tutol ko
Natigil ang usapan namin ng
Mom niya ng biglang pumasok
sa ICU ang mga nurse at ang
Doc siguro yun ni best.
Nagmamadali ding pumasok sa
loob ang parents ni best at si
Joan. Ako? Eto nakatanaw lang
mula sa labas. Nanginginig ang
tuhod na hindi maihakbang.
Pinipilit nilang i-revive si best.
Umiiling-iling na rin ang doktor
niya. Humahagulgol na rin sa
iyak ang parents niya at si Joan.
Hanggang sa tumigil na ang
doktor sa pagpump sa dibdib
niya.
''Kailangan niyo na hong
ihanda ang mga sarili niyo.
Kumakalat na ang cancer cells
sa buong katawan ng
pasyente. Im sorry.'' sabi ng
Doc. Dinig na dinig ko mula sa
loob yung sinabing yon ng Doc.
Pinilit kong maglakad para
makarating sa loob. Pakiramdam
ko ang dilim ng paligid. Na
parang kaming dalawa lang ni
best ang nandito ngayon. Kitang
kita ko ang panghihina niya.
Kitang kita ko na pilit niyang
iminumulat ang mga mata niya.
Hinang-hina siya habang hawak
ng Mom niya ang kamay niya.
Nakita kong ibinaling niya ang
tingin niya sa akin. Kumabog na
naman ang dibdib ko ng
magtama ang tingin namin.
Nangingilid ang luha sa mga
mata niya pero kitang kita ko pa
rin na nakangiti siya.
''bbb-be-eest...'' mahinang
tawag niya sa akin...
Tumayo ang Mommy niya saka
ako inalalayan para makalapit
kay best.
''y-yo-uu cc-ame.'' hirap na
hirap siya sa pagsasalita. Habol
habol niya ang hininga niya. At
ako? walang tigil mata kong
magpakawala ng luha. iyak lang
ako ng iyak.
''Nandito na ako best...n-
nandito na ako.. Wag k-ka ng
m-magsalita.. Magpagaling
ka..plsssss...''
''Pppls.. D-dont
ccrry..'' nakangiting sabi niya..
''Ssshhhhhh... magpalakas
ka.. Gagala tayo pag malakas
ka na.. Ililibre kita ng favorite
coffee natin.. Besssst...'' i hold
her hand and place it to my
cheek.
''T-thank yyou f-ffor cc-
coming. N-namiss kkitta.........''
''i miss you mooree,..
Magpagaling ka na plss.. ''
''bbest?''
''Shhhh... Be strong.. Kaya mo
yan.. Sasamahan na kita lagi...
''
''i.....i wwill....mm-
miss....yyou...''
Kasabay nun ay ang pagpkit ng
mata niya. Isang patak muna ng
luha ang pinakawalan niya bago
siya mawalan ng hininga.
''best! No!! Pls wake up!
Best..'' i cried out loud. Tinapik
tapik ko ang pisngi niya para
magising siya. Pero wala na......
Wala na siya....
''im sorrrry....best im
sorrry....pls wake up! Plsss...
Babawi pa ako.... Best....'' pero
di na siya gumigising. Hindi ko
na nararamdaman ang init ng
hinga niya at tibok ng puso niya.
Wala na siya. Wala na ang
bestfriend ko. Wala na.....
Hindi na ako makakabawi sa
lahat ng pagkukulang ko. hindi
ko na maitatama pa ang maling
nagawa ko. wala na siya. Wala
na ang taong itinuturing kong
kapatid ko. wala na…
End.

Short story , , ,tagalog

  • 1.
    JOY‟s POV: Nag-beep nanaman ang phone ko. Sigurado akong si Best na naman yon. Kanina pa kasi siya text ng text. ''Best, how are you? I've been texting you all day.'' Text niya for the 'nth time. Gusto niya kasing ikwento sa akin na may panibago na naman siyang achievement. Ganon siya lagi, at ganon din ako sa kanya. Ginagawa naming Diary ang isa't-isa. The living, laughing, and crying diary. College days ng mag-krus ang landas namin. Kasagsagan ng ulan noon ng mag-drill kami sa ROTC. Ramdam kong nanginginig na ang mga tuhod ko. Any moment alam kong babagsak na ako. Then she came. ''Santiago! Ok ka lang?'' tanong niya habang nakatitig siya sa akin. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang hilo kaya umiling na lang ako. Buti na nga lang CNCO/Platoon Leader kami kaya malaya kaming lumakad- lakad habang may drill. ''Medic! Medic! '' sigaw niya sa mga medics na nakatambay sa shed. ''Kumapit ka sa akin Santiago.'' inalalayan niya ako habang hinihintay namin ang medics. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Dinala nila ako sa Grandstand para makapagpahinga at di mabasa ng ulan. Hindi naman ako nagcollapse kaya dinig ko ang pagkataranta ni Romero. Dali- dali niyang hinubad yung coat at combat shoes ko. Saka niya ako pinainom ng tubig. ''Nilalagnat ka, dapat hindi ka na nag-drill, tsk!'' sermon niya habang pinapainom ako ng tubig. We're not close that time. Tanging apelyido lang ang siyang pagkakakilanlan namin. Isa siya sa mga ginagalang na Platoon Leader sa batch namin. Hindi siya yung tipong magbibigay ng punishment sa mga kadete na hawak niya. Bibihira din siyang magalit. Lahat sila sinasabing mabait siya kaya pati mga COCC namin ka-close niya. ''Teka lang ha.'' paalam niya saka siya patakbong umalis. Hilong-hilo ako kaya pumikit muna ako. Malaking tulong na tinanggal ni Romero ang coat at combat shoes ko kaya lumuwag ang paghinga ko. ''Santiago magpalit ka muna ng damit. Basang-basa yang suot mo.'' utos niya sabay abot ng plain white shirt. ''Salamat.'' tugon ko. Pagka-abot niya ng damit agad siyang tumakbo sa field para balikan ang pagtuturo sa mga kadeteng hina-handle niya. Agad din akong nagpalit ng damit tutal malayo ako sa field at ako lang mag-isa dito sa grandstand kaya di na ako umalis sa kinaroroonan ko. Ilang minuto lang ang nakaraan ng bumalik si Romero. Basang- basa na siya dahil sa ulan. ''Romero, towel oh..'' alok ko at di naman ako napahiya dahil kinuha din niya. ''Salamat. Nga pala, ok ka na ba? Hindi ka na nahihilo?'' tanong niya na nag- aalala. ''Hmm, yea.. Thanks nga pala sa shirt. Lalabhan ko na lang.'' sagot ko. ''Wala yun.'' sabi niya habang nagtatanggal ng coat. ''Joy nga pala.'' pakilala ko sa kanya sabay lahad ng kamay. At muli, di na naman ako napahiya dahil naki-pagshakehands din siya sa akin. ''Mari. Yan tawag nila sa akin. Nice to meet you.'' she smiled. Yan ang simula ng pagkakaibigan namin. Lagi na kaming magkatabi sa upuan. Halos sabay na din kaming kumain at umuwi. Tuwing breaktime during our ROTC class nagkukwentuhan kami. Lahat na ata ng pwedeng mapagkwentuhan eh nagawa namin. Since hindi kami magka- course dahil Advertising siya at Marketing ako, sa text at call naman kami nagchichikahan. Akala ko nung una napaka- seryosong tao ni Mari, pero hindi pala. Marunong siyang magbitiw ng joke at magaling siyang magbigay ngadvice. Napaka- strong niyang tao. Ngayon, tapos na kami sa kolehiyo. May kanya-kanya na kaming gustong marating sa buhay. 5 years mula ng magtapos kami ay bibihira na lang kaming magkita. Bihira na rin magtawagan at magtext. Kaya eto siya tinatadtad na naman ako ng texts at miscalls. ''I'll text you later. Busy lang, may hinahabol kasing deadline.'' i replied to her text. Para wala siyang masabi. Wala pang isang minuto at nagreply na siya. ''Sorry kung nakakaistorbo na ako. Namimiss lang naman kita best..'' And again.. ''wag ka ng magreply..sige na..keep safe bestfriend..luvyah!'' dugtong niya. Since wag na daw ako magreply, kaya itinuloy ko na ang ginagawa ko. Mari's POV: Lagi na lang siyang ganyan. Laging rason ang pagiging busy. Busy din naman ako pero di ko ginagawang dahilan yon. I always find time para sa ibang gawain ko, hindi ako subsob sa trabaho. Lagi akong may oras para sa kanya, sana ganon din siya sa akin. Nakakalungkot lang isipin na mula ng magkaroon siya ng trabaho eh bibihira na niya akong pansinin mapa-text man, call and even personal bond. ''Uy Ate, nasabi mo na?'' tanong ni Joan habang nagkakape kami dito sa isang coffee shop sa Ayala. ''Hindi pa eh. Busy pa siya.'' sagot ko na medyo disappointed. ''Lagi na lang yang busy.. Busy sa work. Busy sa boyfriend, busy gumala with her new found friends etc. Nek nek niya kamo. Busy her face!!!'' galit na pagkakasabi ni Joan. Alam ni Joan ang buong kwento sa amin ni Joy. Alam niyang kahit siya ang madalas kong kasama, kay Joy lang ako nagshe-share ng problema o kahit ano. Thankful ako kasi kahit ganon ako, hindi niya ako iniiwan o kinakalimutan.
  • 2.
    Kung tutuusin tamasi Joan. Laging busy ang dahilan ni Joy. Kung hindi sa work, sa boyfriend naman o di kaya busy gumala with her new friends and college friends. Minsan nagseselos na ako. Pag niyayaya ko siyang gumala, tinatanggihan niya ako kesyo may ginagawa daw o may OT. Tapos makikita ko na lang yung update niya sa Facebook na kasama niya mga friends niyang mag-malling. And so on. Bestfriend pa ba niya ako? O takbuhan niya lang kapag may hinihingi siyang pabor? JOY's POV: Im with my officemates. Kahit nakakapagod itong buong araw na 'to ayos lang dahil at the end of the day may time pa kami gumala at kumain sa labas. Masaya silang kasama. Kahit papaano nakakalimutan ko problema ko pag kasama ko sila. Daily routine ko na yan. Kapag wala si boyfriend, officemates ko naman ang nakakasama ko. Then suddenly, my phone rang. It was Mari... My bestfriend. Tumatawag siya. Pero hindi ko sinagot. Wala din naman kaming ibang pag-uusapan kundi mga nangyari sa maghapon niya o sa akin at kung anu-ano lang. Sa totoo lang nagsasawa na ako sa ganong conversations namin. MARI‟s POV Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay best. Ayoko namang idaan sa text or call, mas maganda kung personal. Pero yun nga, wala siyang time sa akin. Sa totoo lang nakakatampo. Mas pinili na niya yung mga bago niyang kakilala. Parang..parang out of place na ako sa buhay niya. Siguro nga nakukulitan na siya sa akin. Aminado ako makulit ako. Masisisi niya ba ako? I need her. I need her as my bestfriend. “best, miss you.. L” text ko sa kanya “miss you too, hows your day? Grabe nakakapagod tong araw na „to..” agad namang sagot niya. “ganon ba? Sige rest ka na.. namiss lang kasi kita.” I replied. Medyo nalungkot ako. Halata naman kasing ayaw niya akong makausap o makatext. Hinintay ko muna ang reply niya bago sana ako matulog pero mag-iisang oras na wala pa rin. Gusto ko talagang sabihin na sa kanya. Pero umiiwas siya. Namimiss ko na siya. Mami-miss ko siya. JOY‟s POV Ilang araw na ring hindi nagpaparamdam si best. Sorry naman, busy akong tao. Alam ko maiintindihan niya. Balang araw babawi din ako. Namimiss ko na rin siya sa totoo lang. gusto ko ring gampanan yung pagiging bestfriend ko. “best meet naman tayo. J” I texted her. Gusto ko talaga siyang Makita ngayon. Matagal tagal din kaming hindi nakapagchikahan kaya siguradong madami kaming baong kwento sa isa’t-isa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mangiti sa tuwing maaalala ko kung paano niya ako ipagtanggol sa mga naging ex kong nanarantado sa akin. Sabi pa nga nila daig pa namin ang magsyota. Pero alam naman namin ni best na hindi kami tibo kaya iniignore na lang namin yong mga pinagsasabi nila. Excited akong Makita siya. Excited akong muling maramdaman yung pagiging magbestfriend namin. Excited ako,…pero may halong kaba. Dala lang siguro ng tagal na di namin pagkikita. I’ll treat her sa favourite naming coffeeshop. Babawi ako ng bongga this time. “Hi Joy, its me Joan. Pinapatanong ni ate Mari kung tuloy daw ba kayo?” past 7pm nan g mabasa ko ang text na ito. Number ito ni best pero si Joan ang nagreply. Nakakapagtakang magkasama pa sila ng ganitong oras. “Sorry nawala sa isip ko. sorry talaga. Kasama mo ba siya? Bakit ikaw ang may hawak ng cp niya?” tanong ko dala na rin ng ng curiosity. “SO HINDI KAYO TULOY? GANON NA LANG YON? PINAASA MO YUNG TAO.. WALA KA TALAGANG KWENTANG KAUSAP!” reply ni Joan. Halatang galit dahil san ka-capslock yung text niya. Ewan ko ba, naeepalan talaga ako sa classmate na ito ni best. Masyadong pakialamera. Kainis!!! “Bakit nagagalit ka? ikaw ba si best?? Asan ba siya?” Inis na reply ko sa kanya habang tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng gamit ko bago umuwi. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring text galing kay best o kay Joan. I decided not to text my bestfriend since kasama naman niya si Joan malamang nasabi na ni Joan na hindi kami tuloy. Maybe some other time. Yung walang pasok para makasama ko siya ng matagal. Alam kong makakagawa siya ng paraan para di masagasaan yung work niya as a freelance article writer at pagiging Advertising Jingle composer. Proud talaga ako sa kanya kapag nakakagawa siya ng magandang concept. Ganon din kasi siya sa akin. Pinagmamalaki niya ako sa lahat. Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong sobrang laki ng tiwala sa kakayahan mo. Ganon siya sa akin. Days. Weeks. Months. 3 months to be exact. Ganyan na katagal mula ng huling magtext si best. Sa tagal na yon pakiramdam ko napakasama kong tao at ngayon ko lang napansin. Nakaka-guilty dahil may promise pa naman ako na babawi ako ng bonggang-bongga. Pero nakalimutan ko. guilty talaga ako kaya pupuntahan ko siya. Habang nag-aayos ako ng gamit ko dito sa office napansin ko na lang na nawawala yung ballpen ko. Binigay pa naman yun ni best sa akin. Agad ko naman itong hinanap. At hindi naman ako nabigo dahil nakita ko yun sa ilalim ng folder malapit sa computer. Dali-dali akong umalis para i-surprise siya. Halos dalawang oras ang byahe dahil sa trapik. Ang haggard ko na tuloy. Nang marating ko ang apartment na tinutuluyan ni best, laking gulat kong wala siya doon. ''Pambihira, nag-iba na ba lifestyle nun? Hindi naman siya lumalabas ng ganitong oras ah..hmm'' sa isip ko.. Sinubukan kong tawagan yung # niya. Pero ring lang ring. Hindi niya sinasagot. ''best, pls answer the phone plss...'' sa isip ko... ''Hello.'' sagot ng nasa kabilang
  • 3.
    linya. ''Best?'' takang tanongko ng mabosesan kong hindi si best ang sumagot ng phone. ''Si Joan to.'' matipid na sagot nito ''Bakit ikaw ang sumagot? Nasaan si best? Nandito ako ngayon sa harap ng apartment pero wala siya. Nasan siya? Nasaan ba kayo?'' sunod sunod na tanong ko. This time binalot ako ng kaba. Hindi basta-basta ipapahiram ni best ang phone niya kapag hindi importante. ''Hello? Joan?'' ''Pumunta ka dito ngayon...'' Ibinigay niya ang exact place kung nasaan siya na lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong inaksayang oras, pumara agad ako ng taxi. Ang trapik, jusmiyo! Kung anu- ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Bakit sa lugar na yun kami magkikita ni Joan? Si best? Asan na siya? Ano ng nangyayari sa kanya? Bakit matagal siyang di nagparamdam sa akin? ''Manong, wala na po bang ibibilis? Nagmamadali po kasi ako.'' tanong ko sa mamang driver ng taxi. ''Kahit ho bilisan natin mam, hindi pa rin uubra, kita niyo naman ho..traffic.'' sagot naman ni manong. Hindi na ako umimik. Sa halip, kinuha ko ang phone ko para i- text ulit si Joan sa # ni best. Pero hindi na siya nagrereply. Isa at kalahating oras ang itinakbo ng byahe bago ako makarating sa fastfood na sinabi ni Joan. Agad ko rin siyang nakita kaya hindi na ako nahirapan sa paghahanap. ''Joan, nasaan na ba si best? May dapat ba akong malaman?'' pag-aalala ko. Gusto kong malaman ang totoo. Pero hindi agad nakaimik si Jo. Nakita ko na lang na teary eyed na siya kaya lalo akong nalito. ''Ano ba? Asan na ang b- bestfriend k-ko? Nasaan na s- siya?'' halos pagaralgal na tanong ko. Muli naghihintay na naman ako ng sagot mula sa kanya. Laking gulat ko na lang na hinila niya ako palabas ng fastfood na yon saka kami tumawid papasok sa ospital. ''Jo.. '' bulong ko.. Pero di niya ako narinig. Ayoko itong nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at mas lalo akong kinabahan ng tumigil kami sa ICU. ''Ayan siya.'' sabi niya sabay harap sa salamin na bintana. Nag-init ang buong pakiramdam ko ng makita kung sino ang nakahiga sa kamang yun. Si best.. ''Matagal na niyang iniinda ang sakit ng ulo niya. Akala niya simpleng migraine lang. Late na ng malaman namin na.....''napatigil si Joan dahil di na niya mapigilan ang sarili sa pag-iyak. ''....late na ng malaman namin na Brain cancer pala..'' pagtutuloy niya. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong yakapin ang bestfriend ko. Pero hindi ko maihakbang ang paa ko. Parang bumagal ang ikot ng mundo sa akin. ''b-bakit ..h-hindi niyo..s-sinabi sa akin? B-bakit ngayon lang?'' tanong ko. Sa pagkakataong ito, bumuhos lahat ng emosyon ko. Iyak ako ng iyak habang nakatitig sa bestfriend ko. ''Nung mga panahong naghihirap siya, tinext ka niya pero di mo nirereplyan.. Tinatawagan ka rin niya pero di mo sinasagot. Nung mga panahong yon gustong-gusto niyang sabihin sayo pero ano???? Joy mas pinili mong makasama yung mga taong bago mo pa lang nakilala.. Nasasaktan siya everytime iniignore mo mga messages niya sayo. Minsan sasagot ka nga pero puro busy naman ang sinasabi mo.. Alam mo kung anong masakit???? Wala kang time sa kanya, lagi mo pang sinasabing busy ka pero pagcheck namin ng facebook mo, puro picture niyo ng officemates mo na gumala.. Namasyal.. Nasasaktan siya pero di niya sinasabi sayo.. Nasasaktan siya kasi BESTFRIENDS kayo pero binabalewala mo siya pag kasama mo na yang mga kasamahan mo sa trabaho..'' Lalo lang akong humagulgol sa pag-iyak ng marinig ko ang mga salitang yun mula kay Joan. Iyak lang ako ng iyak.. Ang laki ng pagkukulang ko sa bestfriend ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na babawi ako pero sa sitwasyon niya ngayon, paano pa ako babawi?? ''Bb-best..'' nanginginig ang boses ko ng sambitin ko ang salitang yun. ''Stop it!!!!! Bestfriend ka ba talaga???? Ako ang tumayong bestfriend sa kanya Joy! Ako ang karamay niya tuwing naghihirap siya sa sakit niya. Ako.. Ako ang kasama niya.. Pero alam mo kung anong masakit??? '' humihikbi si Joan habang sinasabi yon.. Kitang kita ko ang bigat na nararamdaman niya .. ''... kahit ako yung nasa t-tabi n-niya..ramdam kong ikaw yung gusto niyang karamay niya. Ako yung nagpuno ng pagkukulang mo Joy!'' ''i-im sorry...'' mahinahon na paumanhin ko.. Pumunta ako sa Nurse station para magpaalam na papasok ako sa ICU. Gusto kong hawakan si best. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong magsorry. Pero bigo ako. Hindi ako pinayagan. Masyado daw maselan si best. Yun pa lang para na akong lutang. Gustong- gusto ko siyang yakapin. Gusto kong ako ang nasa tabi niya at hindi si Joan. Gusto kong pag- gising niya ako ang una niyang makita. Ilang oras na rin ang nakalipas mula ng dumating ako dito. Dumating na rin galing province ang Mom & Dad ni best. Alam din pala nila ang tungkol sa sakit niya. Alam nilang lahat. Ako lang ang walang kaalam-alam. ''Bakit hindi mo sinabi agad best? Bakit?'' muli unti-unti na namang pumatak ang mga luha ko habang nakasilip sa kanya sa may salamin na bintana. Nakita ko rin kung paano umiyak ang parents niya. Kitang kita ko ang sakit na nararamdaman nila. Gusto ko silang i-comfort pero nandoon na si Joan para i- comfort sila. Sa mga oras na ito, pakiramdam ko napakawalang kwenta kong kaibigan. Ako ang bestfriend pero mas close si Joan sa family niya. Ang daya! Ang daya daya! Pero wala na akong magagawa, kasalanan ko
  • 4.
    din naman yon.Dati lagi niyang sinasabi sa akin na sana makapunta din ako sa kanila para makilala ang pamilya niya. Pero anong ginawa ko? Ang dami kong alibi. Tumanggi ako. Kaya wala akong karapatang magselos sa closeness ni Joan at Parents niya. Natigil ako sa pag-iisip ng lumapit sa akin ang Mom niya. ''Ikaw si Joy?'' tanong ng Mommy niya sa akin. ''O-opo.. Tita..'' nahihiyang sagot ko. ''Ikaw yung lagi niyang kinukwento sa amin na bestfriend niya.'' nakangiting sabi ng Mom niya na halatang nagpapakatatag. Nagpipigil ng luha para magmukhang strong sa harap ko. ''Im s-sorry Tita. Hindi ako naging m-mabuting bestfriend sa kanya.'' confess ko ''Lagi niyang sinasabi na ...ikaw ang pinaka the best na bestfriend.'' di ko na naman mapigilan ang sarili ko ng marinig ko ang mga salitang yun mula sa Mommy niya. ''Hindi po... Hindi...'' tutol ko Natigil ang usapan namin ng Mom niya ng biglang pumasok sa ICU ang mga nurse at ang Doc siguro yun ni best. Nagmamadali ding pumasok sa loob ang parents ni best at si Joan. Ako? Eto nakatanaw lang mula sa labas. Nanginginig ang tuhod na hindi maihakbang. Pinipilit nilang i-revive si best. Umiiling-iling na rin ang doktor niya. Humahagulgol na rin sa iyak ang parents niya at si Joan. Hanggang sa tumigil na ang doktor sa pagpump sa dibdib niya. ''Kailangan niyo na hong ihanda ang mga sarili niyo. Kumakalat na ang cancer cells sa buong katawan ng pasyente. Im sorry.'' sabi ng Doc. Dinig na dinig ko mula sa loob yung sinabing yon ng Doc. Pinilit kong maglakad para makarating sa loob. Pakiramdam ko ang dilim ng paligid. Na parang kaming dalawa lang ni best ang nandito ngayon. Kitang kita ko ang panghihina niya. Kitang kita ko na pilit niyang iminumulat ang mga mata niya. Hinang-hina siya habang hawak ng Mom niya ang kamay niya. Nakita kong ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Kumabog na naman ang dibdib ko ng magtama ang tingin namin. Nangingilid ang luha sa mga mata niya pero kitang kita ko pa rin na nakangiti siya. ''bbb-be-eest...'' mahinang tawag niya sa akin... Tumayo ang Mommy niya saka ako inalalayan para makalapit kay best. ''y-yo-uu cc-ame.'' hirap na hirap siya sa pagsasalita. Habol habol niya ang hininga niya. At ako? walang tigil mata kong magpakawala ng luha. iyak lang ako ng iyak. ''Nandito na ako best...n- nandito na ako.. Wag k-ka ng m-magsalita.. Magpagaling ka..plsssss...'' ''Pppls.. D-dont ccrry..'' nakangiting sabi niya.. ''Ssshhhhhh... magpalakas ka.. Gagala tayo pag malakas ka na.. Ililibre kita ng favorite coffee natin.. Besssst...'' i hold her hand and place it to my cheek. ''T-thank yyou f-ffor cc- coming. N-namiss kkitta.........'' ''i miss you mooree,.. Magpagaling ka na plss.. '' ''bbest?'' ''Shhhh... Be strong.. Kaya mo yan.. Sasamahan na kita lagi... '' ''i.....i wwill....mm- miss....yyou...'' Kasabay nun ay ang pagpkit ng mata niya. Isang patak muna ng luha ang pinakawalan niya bago siya mawalan ng hininga. ''best! No!! Pls wake up! Best..'' i cried out loud. Tinapik tapik ko ang pisngi niya para magising siya. Pero wala na...... Wala na siya.... ''im sorrrry....best im sorrry....pls wake up! Plsss... Babawi pa ako.... Best....'' pero di na siya gumigising. Hindi ko na nararamdaman ang init ng hinga niya at tibok ng puso niya. Wala na siya. Wala na ang bestfriend ko. Wala na..... Hindi na ako makakabawi sa lahat ng pagkukulang ko. hindi ko na maitatama pa ang maling nagawa ko. wala na siya. Wala na ang taong itinuturing kong kapatid ko. wala na… End.