Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Mga isyu sa dignidad at sekswalidad
1.
2. Alamin
Paano mapalawak ang iyong kaalaman sa isyung ito?
Hindi pinapahalagan ng lalaking tinedyer ang kanyang
sarili. Nagkasakit siya.
3. Suriin
◦ 1. May alam ka bang isyu tungkol sa kawalan ng paggalang
sa dignidad at sekswalidad? Ilahad
4. Mga Sanhi ng Pang-aabuso
I. Sa Mga Magulang
A. Ang karanasan ng mga magulang noong bata pa ay malaking salik
upang maging responsableng magulang. Magiging mahirap sa mga
magulang na matugunan ang pangangailangan ng mga anak kung sila
mismo ay lumaking walang tiwala sa sarili.
B. Ang mapang-abusing magulang ay nakaranas ng emosyunal na
kahirapan, ang isang mental na kalagayan ay isang gampanin ng mga
magulang sa pagmamaltrato sa kanilang mga anak. Ang mga katangian at
kaugaliang nasuri sa mga mapang-abusong magulang ay ang mga
sumusunod:
5. 1. Mababang kakayahan o lebel ng katalinuhan
2. Mapusok
3. Magagalitin
4. Mapanlaban
5. Pagkakabukod at malungkuti
6. Depresyon
7. Pagkabalisa
8. Takot matanggihan
9. Lulong sa droga at alak
6. C. Problema ng Mapang-abusong Magulang
1. Kulang sa pera o kakayahang maging magulang
2. Problema sa pagkontrol sa sarili
3. Kahirapan
4. kulang o walang kakayahang makisalamuha sa iba
5. Kakulangan ng kaalaman sa pagpapalaki ng sa bata
6. Wala sa panahon ng pagdadalangtao, pisikal na karamdaman at
kulang sa abilidad para pukawin ang damdamin ng kanilang mga anak.
7. II. Sa Bata
Ang gulang ng bata at ang kanyang pisikal, mental, emosyunal, at
sosyal na paglakiay maaring makadagdag o makabawas sa
a. Ang pagkakaroon ng gawing bata katulad ng pag-iyak at pagsuway
ay nakatatanggap ng pang-aabuso.
b. Nakadaragdag sa pagiging biktima ng mga bata ang kanilang
katangian at ugaling mahirap pakisamahan o kaya ay dahil sa kanilang
karamdaman.
c. Ang may kapansanan ay mataas ang posibilidad sa pang-aabuso at
pagwawalang-bahala.
8. III. Sa Pamilya
a. Ang sitwasyon sa pamilya ay maaring magdagdag sa pagmamaltrato
gaya ng hindi pagkakasundo, kagipitan, kawalan ng trabaho at kawalan
pagkakaisa.
b. Ang pamilyang kasangkot sa pang-aabuso ay naglalarawan ng
mababang pagtugon sa sa positibong asal at mataas na pagtugon sa
negatibong asal.
IV. Sa Kapaligiran
Ang mga salik sa kapaligiran ay kadalasang nakikita sa kombinasyon ng
mga salik sa bata, pamilya, komunidad, lipunan, at ibang kultura. Ang
pagpapararusa at lail o antas ng pagsuporta ng magulang sa anak ay
maaring di–magkakatulad.