Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Modyul 6
Ang Layunin, Paraan,
Sirkumstansya at
Kahihinatnan ng
Makataong Kilos
Bb. Jo Marie Nel C. Garcia
Activity (Individual)
Basahin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang LAYUNIN, PARAAN at
SIRKUMSTANSYA sa bawat ipinakitang kil...
1. Si Oyo ay malungkot dahil iniwan syang
mag-isa sa kanilang bahay. Tinawagan sya
ng kanyang barkada para mag-inuman sa
b...
2. Magaling sa Math si Craig. Siya ang
panlaban ng paaralan sa mga contest
at palagi syang nananalo. Siya ay
nagtuturo sa ...
3. Matagal nang nais ni Kim na
magkaroon ng cellphone. Isang araw,
habang mag-isa lang sya sa kanilang
silid-aralan ay nak...
Pangkatang Gawain #2
• Bumuo ng grupo na may tatlong miyembro.
• Magbahaginan ng isang sitwasyon sa inyong buhay na kung
s...
“Kilos ay suriin, mabuti laging piliin.”
Ang makataong kilos ay bunga ng
ating isip at kagustuhan na
nagsasabi ng ating ka...
Ano ang papel ni isip, puso, katawan at kilos-loob?
Ang katawan ang syang nangangalap ng kaalaman mula sa
kapaligiran at...
Moral
na kilos
Layunin
Paraan
Kahihinatnan
Sirkumstansya
Batayan sa Pghuhusga kung
ang kilos ay moral o hindi.
1. Layunin
 Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-
loob. Ito ang motibo o dahilan kung bakit gagawin...
2. Paraan
 Tumutukoy sa panlabas na kilos na kasangkapan upang
makamit ang layunin.
 Sto. Tomas de Aquino: May nararapat...
3. Sirkumstansya
 Tumutukoy sa isang sitwasyon o kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutiha...
4. Kahihinatnan
 Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan,
at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang...
Tandaan!!!
Kailangang pag-isipang mabuti ang pagsasagawa ng kilos
gaano man ito kaliit o kalaki.
Kailangang tingnan at i...
Tayahin ang iyong Pag-unawa
• Isulat sa ½ crosswise ang lahat ng konsepto na iyong
natutuhan mula sa aralin. (Ipapasa pagk...
Proyekto para sa 2nd Quarter
• Gagawa ka ng isang journal (notebook from Gov.) kung saan
isusulat mo ang mga sumusunod ara...
Criteria
70% content (3 entries for table of gratitude and 1 entry for box
of wrongdoing PER DAY)
30% creativity (includin...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos

17,398 views

Published on

layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos

Published in: Education
  • Be the first to comment

Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos

  1. 1. Modyul 6 Ang Layunin, Paraan, Sirkumstansya at Kahihinatnan ng Makataong Kilos Bb. Jo Marie Nel C. Garcia
  2. 2. Activity (Individual) Basahin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang LAYUNIN, PARAAN at SIRKUMSTANSYA sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ang sagot sa ½ crosswise. Halimbawa: May markahang pagsusulit si Jona. Siya ay pumasok sa kanyang silid at nagbasa ng kanyang mga napag-aralan sa klase. LAYUNIN: Makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit PARAAN: Pumasok sya sa kanyang silid at nag-review SIRKUMSTANSYA: Pinili ni Jona na mag-aral para sa darating na pagsusulit sa pamamagitan ng pagpasok sa kanyang silid para makapagbasa ng mga napag-aralan sa klase.
  3. 3. 1. Si Oyo ay malungkot dahil iniwan syang mag-isa sa kanilang bahay. Tinawagan sya ng kanyang barkada para mag-inuman sa bahay ng isa pa nilang tropa. Dahil nag-iisa sya sa bahay at nalulungkot, agad siyang pumayag at tumungo sa bahay ng barkada para makipag-inuman. LAYUNIN: ______________ PARAAN: ___________ SIRKUMSTANSYA: _______
  4. 4. 2. Magaling sa Math si Craig. Siya ang panlaban ng paaralan sa mga contest at palagi syang nananalo. Siya ay nagtuturo sa kanyang kamag-aral na nahihirapan sa Math tuwing hapon bago sya umuwi. LAYUNIN: _____________ PARAAN: ___________ SIRKUMSTANSYA: ______
  5. 5. 3. Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang araw, habang mag-isa lang sya sa kanilang silid-aralan ay nakita nyang naiwan ng kanyang kamag-aral ang cellphone nito. Kinuha ito ni Kim at itinago. LAYUNIN: ______________ PARAAN: __________ SIRKUMSTANSYA: _______
  6. 6. Pangkatang Gawain #2 • Bumuo ng grupo na may tatlong miyembro. • Magbahaginan ng isang sitwasyon sa inyong buhay na kung saan nagpapakita ng iyong kilos. Tukuyin ninyo ang layunin, paraan at sirkumstansya ng iyong pasya o kilos sa sitwasyon. • Pumili ng isa sa mga karanasang napag-usapan at ibahagi ito sa klase. • Sagutin ang mga sumusunod na tanong: • Ano ang masasabi ninyo sa kilos na ginawa, mabuti o masama? Patunayan. • Ano ang realisasyon matapos kayong magbahaginan at tukuyin ang layunin, paraan at sirkumstansyang inyong kinaharap. • Paano nakatulong sa inyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa?
  7. 7. “Kilos ay suriin, mabuti laging piliin.” Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasya. Sa bawat MAKATAONG KILOS, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay. Ang moral na kilos ay makataong kilos sapagkat ito ay malayang patungo sa layuning pinag-isipan at mapanagutang isinakatuparan.
  8. 8. Ano ang papel ni isip, puso, katawan at kilos-loob? Ang katawan ang syang nangangalap ng kaalaman mula sa kapaligiran at sya ring magsasakatuparan ng pinagpasyahang kilos Ang isip ay umuunawa, humuhusga at nag-uutos Ang puso ang nakararamdam ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay at sya rin ang nagpapasya sapagkat dito hinuhubog ang personalidad ng tao. Ang kilos-loob ang syang ugat ng mapanagutang kilos sapagkat sya ay laging patungo sa iisang layunin – KABUTIHAN. Etika ni Sto. Tomas de Aquino GAMIT TUNGUHIN Katawan Pagkilos o paggawa Maisakatuparan ang panloob na kilos Isip Pag-unawa Katotohanan Kilos-loob Gabay Kabutihan Puso Pagdedesisyon Maging personalidad ang tao
  9. 9. Moral na kilos Layunin Paraan Kahihinatnan Sirkumstansya Batayan sa Pghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.
  10. 10. 1. Layunin  Tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos- loob. Ito ang motibo o dahilan kung bakit gagawin ang kilos.  Hindi nakikita o nalalaman ng iba sapagkat ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos.  Sto. Tomas de Aquino: Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng kapwa. Nakita ni Rafael na umiiyak si Jessa. Nilapitan nya ito at binigyan ng panyo. Ginawa nya ito dahil si Jessa ay mahusay sa Science at may pagsusulit sila mamayang hapon at nais nyang kumopya rito. Mabuti ba ang layunin ng kilos? May paggalang ba sa dignidad ni Jessa?
  11. 11. 2. Paraan  Tumutukoy sa panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.  Sto. Tomas de Aquino: May nararapat na obheto ang kilos. Ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na obheto nito. Ikaw ay nagugutom kaya ikaw ay kakain. Sa kilos na ito, ang obheto ay makakain. Ngunit hindi ka kakain ng bato o buhangin dahil hindi pagkain ang mga ito. Ikaw ay nauuhaw kaya ikaw ay iinom. Sa kilos na ito, ang obheto ay makainom ngunit hindi ka iinom ng muriatic acid dahil nakamamatay ito.
  12. 12. 3. Sirkumstansya  Tumutukoy sa isang sitwasyon o kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.  Ito ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng kilos. Sino Taong nagsasagawa ng kilos o taong maaaring maapektuhan ng kilos Ninakaw ni Arnold ang pera ng kanyang lola Ester habang ito ay nakapila para sa komunyon. Masama ang magnakaw pero nadagdagan pa ang bigat nito dahil lola nya ang kanyang ninakawan. Ano Mismong kilos, gaano kalaki o kabigat Ang pera ni lola Ester ay pambili nya ng gamot Ang kilos ni Arnold ang dahilan kung bakit hindi nakabili ng gamot si Lola Ester at lumubha ang kalagayan nito Saan Lugar kung saan isinagawa ang kilos Ginawa ni Arnold ang pagnanakaw sa loob ng simbahan. Mas mabigat ang kasamaang nagwa dahil ginawa ito sa loob ng simbahan. Paano Paraan kung paano isinagawa ang kilos Kinuha nya ang pera sa loob ng pitaka ng kanyang lola Ester. Naragdagan ang kasamaan dahil pinagplanuhan nya itong gawin. Kailan Panahon kung kailan isinagawa ang kilos Nagnakaw si Arnold habang nakapila sa komunyon ang kanyang lola. Itinaon nyang nakapila ang kanyang lola Ester noong kinuha nya ang pera nito sa pitaka.
  13. 13. 4. Kahihinatnan  Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan.  Mahalaga na dapat pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na dapat isaalang-alang.  Kailangang mapag-isipang mabuti at makita kung ano ang magiging resulta ng anumang kilos na gagawin. Si Eleonor ay isang doktor at matagal na sya sa larangan ng panggagamot. Alam niya kung makasasama o makabubuti sa kanyang pasyente ang kanyang ireresetang gamot. Kung itinuloy pa rin nya ang pagrereseta sa pasyente ng gamot kahit makasasama ito sa pasyente, mayroon syang pananagutan sa anumang kahihinatnan nito.
  14. 14. Tandaan!!! Kailangang pag-isipang mabuti ang pagsasagawa ng kilos gaano man ito kaliit o kalaki. Kailangang tingnan at isaalang-alang ang maaaring maidulot nito hindi lamang sa sarili kundi pati sa kabutihang panlahat. Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito kundi pati sa motibo at sirkumstansya kung paano mo ito ginagawa. Kailanganmong sanayin at hubugin ang iyong sarili upang maging isang mabuting taona may kamalayan sa bawat kilos dahil ito ang magiging gabay tungo sa iyong pagpapakatao. Upang maging mabuti ang kilos, nararapat itong nakabataysa dikta ng konsensya batay sa Likas na Batas Moral na ang syang pinakahuling layunin ay ang kabutihan at ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
  15. 15. Tayahin ang iyong Pag-unawa • Isulat sa ½ crosswise ang lahat ng konsepto na iyong natutuhan mula sa aralin. (Ipapasa pagkatapos ng gawain) • Pagkatapos ng 5 minuto, pumunta ka sa iyong pangkat at bumuo kayo ng graphic organizer na magpapakita ng lahat ng inyong katutunan. Mas mabuti mas marami kaysa sa isa ang ideyang ibibigay ng bawat miyembro. Main Idea Natutuhan (Member 1) Natutuhan (Member 2) Natutuhan (Member 3) Natutuhan (Member 4) Natutuhan (Member 5)
  16. 16. Proyekto para sa 2nd Quarter • Gagawa ka ng isang journal (notebook from Gov.) kung saan isusulat mo ang mga sumusunod araw-araw (September 30 to October 20): A. Table of Gratitude B. Box of Wrongdoing 3 bagay na ipinagpapasalamat ko sa araw na ito Dahilan kung bakit ko ito ipinagpapasalamat 1. 2. 3. Isang mali o pangit na bagay na aking naisip/nagawa at ang aking ginawa (o gagawin pa lang) upang maitama ito.
  17. 17. Criteria 70% content (3 entries for table of gratitude and 1 entry for box of wrongdoing PER DAY) 30% creativity (including COVER and design per page) Total of 100% which will be recorded as Performance Task Cover page should look like this (clean and NO DESIGN) Full Name of Student EsP 10 Artermis Bb. Jo Marie Nel C. Garcia

×