4. Disaster Management
Napaloob dito ang plano at hakbang
na dapat gawin ng mga komunidad
upang maiwasan at makaagapay sa mga
suliranin at makabangon muli mula sa
mga kalamidad, sakuna at hazard.
5. Top-down Approach
Ang pambansang pamahalaan ay nagpapatupad
ng iba’t ibang batas at polisiya upang mapigilan
ang pagkalat ng virus.
Ang lokal na pamahalaan ay
magpapatupad ng iba’t ibang
ordinansa sa kanilang lugar batay sa
ipinatupad ng pambansang
pamahalaan at sa pangangailangan ng
kanilang komunidad .
Ang mga tao sa isang
komunidad ay susundin ang
mga polisiyang ipinatupad ng
pamahalaan upang maiwasan
ang pagkalat ng virus.
Pagharap sa
Pandemic
6. Bottom-up Approach
Tinutugunan ang mga
pangangailangan ng
mga tao sa panahon at
pagkatapos ng
kalamidad.
Ang lokal na pamahalaan ay
bumubuo ng disaster
management plan batay sa
pangangailangan ng kanilang
komunidad at persepsiyon ng
nasasakupan nito.
Ang mamamayan ay inaalam ang
hazards sa kanilang lugar, kahinaan,
at kapasidad ng kanilang komunidad
sa pagharap sa isang kalamidad.
Pagharap sa
Kalamidad
7. Tukuyin kung ang mga sumusunod na
paglalarawan ay Top-down Approach o
Bottom-up Approach.
8. Bottom-up Approach
Ang pagtukoy, pag-aanalisa at paglutas
sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan sa isang
pamayanan ay nagmumula sa mga
mamamayan at iba pang sektor ng
pamayanan.
9. Bottom-up Approach
Ang karanasan at pananaw ng mga
taong nakatira sa isang disaster-prone
area ang nagiging pangunahing batayan
ng plano.
10. Top-down Approach
Ipinapaubaya sa mas nakatataas na
tanggapan o ahensiya ng pamahalaan
ang lahat ng mga gawain tulad ng
pagpaplano hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad.
11. Bottom-up Approach
Nabibigyan ng pansin ang magkakaibang
pananaw ng iba’t ibang grupo sa isang
pamayanan na makatutulong sa
paglaban sa mga hazard at kalamidad.
12. Top-down Approach
Kadalasan ang pananaw lamang ng
namumuno ang nabibigyang-pansin sa
paggawa ng plano kung kaya’t limitado
ang pagbuo sa disaster management
plan.
13. Sa pagbuo ng Disaster Management Plan,
mahalaga na mapagsama ang kalakasan
ng dalawang approach na ito.
Ang pagsasanib ng dalawang approach na
ito ay maaaring magdulot ng holistikong
pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang
komunidad.
Holistiko – tumitingin sa kabuuan
14. May ipapakitang mga konsepto.
Tukuyin ang mga ito sa
pamamagitan ng pag-aayos ng
mga titik.
24. Community Based Disaster Risk Reduction
Management (CBDRRM) Approach
Isinusulong sa kasalukuyan sa
pagbuo ng mga plano at polisiya sa
pagharap sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran.
25. Community Based Disaster Risk Reduction
Management (CBDRRM) Approach
Ito ay isang pamamaraan kung saan ang
mga pamayanan na may banta ng panganib
at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa
pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga peligro
na maaaring maranasan.
pamamaraan
pagtukoy pagsuri pagtugon
pagsubaybay pagtataya
26. Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Community Based DRRM Plan
Unang Yugto: Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad
Ikalawang Yugto: Paghahanda sa Kalamidad
Ikatlong Yugto: Pagtugon sa Kalalamidad
Ikaapat na Yugto: Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
27. Paano mapipigilan o mahahadlangan
at mababawasan ang panganib na
maaaring maidulot ng kalamidad at hamong
pangkapaligiran.
UNANG YUGTO:
PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD
(Disaster Prevention and Mitigation)
28. UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG
KALAMIDAD
(Disaster Prevention and Mitigation)
Pagtataya ng Panganib
(Hazard Assessment)
Pagtataya Kahinaan at
Kakulangan
(Vulnerability Assessment)
Pagtataya ng Kapasidad
(Capacity Assessment)
Pagtataya ng Peligro
(Risk Assessment)
Paghahadlang
(Prevention) Mitigasyon
(Mitigation)
29. UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG
KALAMIDAD
(Disaster Prevention and Mitigation)
Pagtataya Kahinaan at
Kakulangan
(Vulnerability Assessment)
Pagtataya ng Kapasidad
(Capacity Assessment)
Pagtataya ng Peligro
(Risk Assessment)
Paghahadlang
(Prevention) Mitigasyon
(Mitigation)
Pagtataya ng Panganib
(Hazard Assessment)
30. Panganib o Hazard
Banta na maaaring dulot ng kalikasan
o ng tao na maaaring sanhi ng
pinsala, buhay, ari-arian at kalikasan
31. Dalawang Uri ng Hazard
Anthropogenic Hazard
Human-induced Hazard
Ito ay bunga ng mga gawain ng tao
Natural Hazard
Ito ay dulot ng kalikasan
32. Pagtataya ng Panganib
(Hazard Assessment)
Proseso ng pagtukoy o pagkilala sa
katangian ng panganib, pagsusuri sa pinsala
na maaaring maidulot nito at pamamahala sa
panganib upang maiwasan ang matinding
epekto nito sa isang lugar na makakaranas ng
sakuna o kalamidad sa isang partikular na
panahon.
33. Gabay sa Pagtataya:
1. Ano ang iba’t ibang uri ng panganib na maaaring
maranasan sa lugar?
2. Ano ang maaaring pagmulan ng panganib?
3. Sino ang maaaring maapektuhan ng panganib?
4. Kailan maaaring maranasan ang isang panganib?
5. Gaano katindi o kalawak ang maaaring maging
epekto nito?
6. May kakayahan ba ang komunidad na tugunan ang
hamon o panganib?
34. Maaari ring isagawa ang:
1.Hazard Mapping
2.Historical Profiling/ Timeline of Events
35. Hazard Mapping
Proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga
lugar na maaaring makaranas ng panganib
at mga elemento na maaaring maapektuhan
nito tulad ng mga imprastraktura, agrikultura
at kabuhayan ng mga mamamayan.
36. Historical Profiling
Timeline of Events
Paggawa ng balangkas ng mga
nakaraang pangyayari upang masuri kung
ano ang mga panganib naranasan sa isang
komunidad, gaano kadalas ito mangyari at
kung alin sa mga ito ang nagdulot ng
malaking pinsala sa mga mamamayan at
kapaligiran.
37.
38. UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG
KALAMIDAD
(Disaster Prevention and Mitigation)
Pagtataya ng Kapasidad
(Capacity Assessment)
Pagtataya ng Peligro
(Risk Assessment)
Paghahadlang
(Prevention) Mitigasyon
(Mitigation)
Pagtataya ng Panganib
(Hazard Assessment)
Pagtataya Kahinaan at
Kakulangan
(Vulnerability Assessment)
39. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan
(Vulnerability Assessment)
Tatayahin ang kahinaan at kakulangan ng
isang komunidad maging ito ay sa mga
mamamayan o imprastraktura na may mataas
na antas ng panganib.
40.
41. 3 Kategorya sa Pagtataya sa Kahinaan at
Kakulangan (Vulnerability Assessment):
1. Pisikal o Materyal
2. Sosyal o Panlipunan
3. Pag-uugali ng tao tungkol sa
panganib
42. Kahinaang Pisikal o Materyal
Tumutukoy sa kakulangang pinansyal at likas na
yaman upang makagawa o makapagpatayo ng mga
imprastraktura na kayang hadlangan ang epekto ng
kalamidad.
43. Kahinaang Panlipunan
- Tumutukoy sa kawalan ng kakayahan na tugunan o
hadlangan ng pamahalaan at ng mga mamamayan
ang panganib.
- Ito rin ay tumutukoy sa mga programa ng pamahalaan
at suportang ibinibigay ng mga mamamayan.
44. Pag-uugali tungkol sa Panganib
Ang kawalan ng interes at negatibong
pagtanggap sa pagbabago ng mga mamamayan
ay bahagi sa pagtataya ng kahinaan ng isang
komunidad.
45.
46. Konsepto Para sa Epektibong Pagsasagawa
ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan
1. Elementong Nalalagay sa Panganib (Elements at Risk)
2. Mamamayang Nalalagay sa Panganib (People at Risk)
3. Kinaroonan ng mga Mamamayang Nalalagay sa
Panganib (Location of People at Risk)
47. Tumutukoy sa lahat ng elemento sa lipunan
tulad ng mamamayan, kabahayan, imprastruktura,
mga alagang hayop at pananim na maaaring
maapektuhan.
Elementong Nalalagay sa Panganib
(Elements at Risk)
48. Mamamayang Nalalagay sa Panganib
(People at Risk)
Tumutukoy sa mga taong maaaring higit
na maapektuhan ng kalamidad dahil sa
kanilang kalagayang pisikal o kawalan ng
kakayahan tulad ng mga buntis, may
kapansanan, matatanda at mga bata.
49. Kinaroonan ng mga Mamamayang Nalalagay
sa Panganib (Location of People at Risk)
Tumutukoy ito sa lokasyon ng mga taong
itinuturing na may mataas na antas na makaranas ng
panganib o vulnerable.
50. UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG
KALAMIDAD
(Disaster Prevention and Mitigation)
Pagtataya ng Peligro
(Risk Assessment)
Paghahadlang
(Prevention) Mitigasyon
(Mitigation)
Pagtataya ng Panganib
(Hazard Assessment)
Pagtataya Kahinaan at
Kakulangan
(Vulnerability Assessment)
Pagtataya ng Kapasidad
(Capacity Assessment)
51. Pagtataya ng Kapasidad
(Capacity Assessment)
Ito ay proseso ng pagsusuri sa kakayahan
ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng
hazard.
52. 3 Kategorya sa Pagtataya sa Kapasidad
(Capacity Assessment):
1. Pisikal o Materyal
2. Panlipunan
3. Pag-uugali ng tao tungkol sa
panganib o hazard
53. Pisikal o Materyal
Tinataya ang kakayahan ng komunidad o
ng mga mamamayan na muling bumangon
at bumawi pagkatapos na makaranas ng
kalamidad.
54. Panlipunan
Tinataya ang kakayahan ng isang
komunidad na harapin ang panganib at
pagsusuri kung epektibo ang plano sa
pamamahala sa kalamidad ng pamahalaan.
55. Pag-uugali ng mga mamamayan
Pagkakaroon ng kakayahan na ibahagi
ang kanilang panahon at pagmamay-ari ay
nagpapakita na may kapasidad ang
komunidad na harapin o muling bumangon
mula sa pinsala ng kalamidad.
56. UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG
KALAMIDAD
(Disaster Prevention and Mitigation)
Paghahadlang
(Prevention) Mitigasyon
(Mitigation)
Pagtataya ng Panganib
(Hazard Assessment)
Pagtataya Kahinaan at
Kakulangan
(Vulnerability Assessment)
Pagtataya ng Kapasidad
(Capacity Assessment)
Pagtataya ng Peligro
(Risk Assessment)
57. Mitigasyon ng Panganib (Disaster Mitigation)
Ayon sa mga eksperto, nararapat na isagawa
BAGO ang pagtama ng sakuna, kalamidad, at
banta ng panganib upang maiwasan o mapigilan
ang matindi at malawakang pinsala sa tao at
kalikasan.
59. Sa pagkakataong ito, nagkakaroon
ng sapat na kaalaman ang mga
tagapangasiwa kung anong mga
programa at proyekto nararapat gawin
upang maihanda ang mga komunidad sa
pagharap sa panganib.
60. 2 Kategorya ng Mitigasyon ng Panganib:
1. Mitigasyong Estruktural
2. Mitigasyong Di-estruktural
61. Mitigasyong Estruktural
- Pisikal na paghahanda na ginagawa ng isang
komunidad upang maging handa sa panahon ng pagtama
ng panganib.
- Kabilang sa mga ito ang pagpapagawa ng mga
estruktura na hahadlang sa matinding epekto ng
kalamidad.
62.
63. Mitigasyong Di-Estruktural
- Tumutukoy sa paghahanda ng pamahalaan at
komunidad.
- Kabilang sa mga gawain ay pagbuo ng plano sa
pamamahala ng kalamidad, pagbibigay ng
wastong kaalaman sa mga mamamayan at
pagpapatupad ng mga programa upang
mahadlangan ang malawakang epekto ng
kalamidad.
64. 1. Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment)
2. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan
(Vulnerability Assessment)
3. Pagtataya ng Kapasidad (Capacity Assessment)
4. Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment)
UNANG YUGTO:
PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD
sa Paghahanda ng CBDRRM Plan
66. 1.Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM
Plan ay tinatawag na ________.
a. Paghahanda sa Kalamidad
b. Pagtugon sa Kalamidad
c. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
d. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
67. 2. Isinasagawa ito upang matukoy ang
kakayahan ng isang komunidad
sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.
a. Pagtataya ng Kapasidad
b. Pagtataya ng Peligro
c. Pagtugon sa Kalamidad
d. Paghahanda sa Kalamidad
68. 3. Nakapaloob sa yugtong ito ang mga
gawain tulad ng pagtataya ng panganib o
hazard assessment at pagtataya ng
kakayahan o capacity assessment.
a. Paghahanda sa Kalamidad
b. Pagtugon sa Kalamidad
c. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
d. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
69. 4. Sa pagsasagawa ng pagtatasa ng
kakulungan at kahinaan o vulnerability
assessment, mahalaga na masuri ang
sumusunod na salik MALIBAN sa:
a. Elementong nalalagay sa peligro
b. Mamamayang nalalagay sa peligro
c. Lokasyon ng mga mamamayang nasa peligro
d. Lokasyon ng mga elementong nasa peligro
70. 5. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa
ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala
nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi ng mga
mamamayan.
a. Philippine Disaster Risk Management
b. Philippine Disaster Risk Reduction Management
Council
c. Community Preparedness and Risk Management
Approach
d. Community Based Disaster Risk Reduction
Management Approach
72. 1.Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM
Plan ay tinatawag na ________.
a. Paghahanda sa Kalamidad
b. Pagtugon sa Kalamidad
c. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
d. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
73. 2. Isinasagawa ito upang matukoy ang
kakayahan ng isang komunidad
sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.
a. Pagtataya ng Kapasidad
b. Pagtataya ng Peligro
c. Pagtugon sa Kalamidad
d. Paghahanda sa Kalamidad
74. 3. Nakapaloob sa yugtong ito ang mga
gawain tulad ng pagtataya ng panganib o
hazard assessment at pagtataya ng
kakayahan o capacity assessment.
a. Paghahanda sa Kalamidad
b. Pagtugon sa Kalamidad
c. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
d. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
75. 4. Sa pagsasagawa ng pagtatasa ng
kakulungan at kahinaan o vulnerability
assessment, mahalaga na masuri ang
sumusunod na salik MALIBAN sa:
a. Elementong nalalagay sa peligro
b. Mamamayang nalalagay sa peligro
c. Lokasyon ng mga mamamayang nasa peligro
d. Lokasyon ng mga elementong nasa peligro
76. 5. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa
ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala
nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi ng mga
mamamayan.
a. Philippine Disaster Risk Management
b. Philippine Disaster Risk Reduction Management
Council
c. Community Preparedness and Risk Management
Approach
d. Community Based Disaster Risk Reduction
Management Approach
77. K2 (Kaalaman at Kakayahan)
Sa Isang Ligtas na Pamayanan
Pagtataya sa panganib at kakayahan ng
pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang
panganib at kalamidad ay kailangan upang
makabuo ng epektibong plano at maging
handa sa anumang hamong pangkapaligiran.