SlideShare a Scribd company logo
1 of 70
Aralin 5
ANG DISASTER MANAGEMENT AT
ANG DALAWANG APPROACH SA
PAGTUGON SA MGA HAMONG
PANGKAPALIGIRAN
BALIK-ARAL
Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking
hamon ay ang pagpapatupad ng
batas at pagbabago ng pag-uugali ng
mga Pilipino sa pagtatapon ng
basura at pagsira sa kalikasan.
Nangangailangan pa nang mas
malawak na suporta at
pagtutulungan ng iba’t ibang sektor
upang tuluyang mabigyan ng
solusyon ang mga suliraning
pangkapaligiran.
Kanino nga ba nakasalalay ang
paghahanda para sa mga banta ng
iba’t ibang hamong
pangkapaligiran na ating
nararanasan? Ito ba ay tungkulin
ng pamahalaan o ng mamamayan?
Sa araling ito ay pagtutuunan ng
pansin ang disaster management
at ang dalawang approach na
ginagamit sa pagbuo ng disaster
management.
PANIMULA
SANDALING ISIPIN!
Kung sakaling
magkakaroon ng
kalamidad sa inyong
lugar, alam mo ba iyong
gagawin, saang ligtas
na lugar ka maaaring
lumikas at kung kanino
ka hihingi ng tulong?
Ito ay isang dinamikong
proseso na sumasakop
sa pamamahala ng
pagpaplano, pag-
oorganisa, pagtukoy ng
mga kasapi, pamumuno
at pagkontrol.
Disaster Management
Kabilang din dito ang iba’t
ibang organisasyon na dapat
magtulungan at magkaisa
upang maiwasan, maging
handa, makatugon, at
makabangon ang isang
komunidad mula sa epekto ng
sakuna, kalamidad at hazard.
Disaster Management
MGA KONSEPTO
UKOL SA DISASTER
MANAGEMENT
(Disaster Risk Management System
Analysis: A guide book nina Baas at
mga kasama, 2008)
Ito ay tumutukoy sa
mga banta na maaaring
dulot ng kalikasan o ng
gawa ng tao. Kung
hindi maiiwasan, maaari
itong magdulot ng
pinsala sa buhay, ari-
arian, at kalikasan
HAZARD
Ito ay tumutukoy sa mga
hazard na bunga ng mga
gawain ng tao tulad ng
maitim na usok na ibinubuga
ng mga pabrika at mga
sasakyan.
Ito ay
tumutukoy sa
mga hazard na
dulot ng
kalikasan.
Anthropogenic
Hazard o Human-
Induced Hazard
Natural
Hazard
ito ay tumutukoy sa mga
pangyayari na nagdudulot
ng panganib at pinsala sa
tao, kapaligiran, at mga
gawaing pang-ekonomiya.
Maaaring ang disaster ay
natural gaya ng bagyo,
lindol, at pagputok ng
bulkan o gawa ng tao tulad
ng digmaan at polusyon
DISASTER o KALAMIDAD
Maaaring ang disaster ay
natural gaya ng bagyo, lindol, at
pagputok ng bulkan, tsunami,
storm surge o gawa ng tao
tulad ng digmaan, polusyon,
pagbaha at sunog. Ang disaster
ay sinasabi ding resulta ng
hazard, vulnerability at kawalan
ng kapasidad ng isang
pamayanan na harapin ang
mga hazard.
DISASTER o KALAMIDAD
20 hanggang 26 ng bagyo ang pumapasok sa
PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon–taon.
Ito ay binabantayan at pinag-aaralan ng PAG-ASA.
DISASTER o KALAMIDAD
Tumutukoy ang vulnerability sa
tao, lugar, at imprastruktura na
may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard.
Ang pagiging vulnerable ay
kadalasang naiimpluwensiyahan
ng kalagayang heograpikal at
antas ng kabuhayan.
Halimbawa, mas vulnerable ang
mga bahay na gawa sa hindi
matibay na materyales.
VULNERABILITY
Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at
buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable
na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk
dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot
ng hazard o kalamidad.
RISK
Ang pagiging resilient ng isang
komunidad ay tumutukoy sa
kakayahan ng pamayanan na
harapin ang mga epekto na dulot
ng kalamidad. Ang pagiging
resilient ay maaaring istruktural,
at pagkakaroon ng kaalaman
tungkol sa hazard ay maaaring
makatulong upang sila ay
maging ligtas sa panahon ng
kalamidad.
RESILIENCE
Ito ay mga kilos o
hakbang na
naglalayong
bawasan ang mga
elementong
nakapagpapalala
sa negatibong
epekto ng sakuna.
MITIGATION
Ito ay mga kilos o
hakbang na
ginagawa upang
maaangkop ang
mga tao sa mga
negatibong epekto
ng sakuna.
ADAPTATION
Gawain 1: Situational Analysis
Gawain 2: BULAGAAN 2018
Ang apat na pangkat ay isasagawa ang
gawaing bulagaan gamit ang mga
konseptong nasa ibaba. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng marka gamit ang
rubrik na nasa ibaba:
G1 – Hazard
G2 – Disaster
G3 – RISK
G4 - RESILIENCE
Kooperasyon – 10
Kaangkupan sa paksa- 5
Impak – 5
KABUUAN – 20 puntos
PAGLALAHAT
Nakapaloob sa Disaster Management ang
proseso, pagpaplano, pag-ooranisa,
pagtukoy ng mga kasapi , pamumuno at
pagkontrol. Ang mga batayang konsepto
tungkol sa disaster management ay
napakahalaga na maunawaan upang
maihanda ang sarili, pamilya, komunidad at
bansa sa pagharap sa kalamidad at sa huli
ay mabawasan ang pinsalang maaaring
idulot nito.
• Sa inyong tahanan, paano mo at ng iyong pamilya inoorganisa at
pinaplano ang pagharap sa isang kalamidad?
• Nakikibahagi ba ang iyong pamilya sa pagpaplano ng inyong
komunidad upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng
kalamidad? Ipaliwanag.
PAGPAPAHALAGA
1. Mahalagang maging palaging handa sa pagharap sa
kalamidad. Sa pigiging handa, nababawasan ang pinsalang
maaaring idulot ng isang kalamidad. Isa ito sa mga dahilan kung
bakit nagkaroon ng Disaster Management. Ang Disaster
Management ay tumutukoy sa mga sumusunod maliban sa:
A. Kabilang dito ang mga mamamayan at mga pribado at
pampublikong sektor
B. Isang proseso ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng
mga kasapi at pagkontrol
C. Mga gawain upang lubusang makabangon mula sa kalamidad
ang mga tao sa isang lugar
D. Aktibong proseso ng paglutas sa mga suliraning
pangkapaligiran upang maiwasan ang pagkakaroon ng
kalamidad
PAGTATAYA
2. Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng ibat’-
ibang termino sa pag-aaral ng disaster management.
Ilan sa mga termino/konseptong kauganay nito ay
Hazard, Anthropogenic Hazard, Natural Hazard at
Disaster. Ang Anthropogenic Hazard ay isang uri ng
Hazard na tumutukoy sa __________.
A. Mga hazard na dulot ng kalikasan
B. Mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao
C. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng
gawa ng tao
D. Mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at
pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya.
PAGTATAYA
3. Walang sinuman ang nakaalam kung kalian
maaaring tumama ang isang kalamidad. Gayunpaman,
maaaring mabawasan ang pinsalang maidudulot nito
kung ang bawat isa at bawat pamayanan ay
magkakaroon ng sapat na kakayahan at kaalaman sa
pagharap sa kalamidad. Anong konseptong kaugnay
ng Disaster Management ang inilalarawan?
A. Risk
B. Hazard
C. Vulnerability
D. Resilience
PAGTATAYA
4. Ang ating bansa ay nakararanas ng iba’t
ibang kalamidad. May mga kalamidad na bunga
ng pang-aabuso ng tao at meron ding dulot ng
kalikasan. Ilan sa mga ito ay ang bagyo, lindol,
storm surge, at landslide. Ang mga nabanggit
na kalamidad ay mga halimbawa ng anong uri
ng hazard?
A. Natural hazard
B. Unusual Hazard
C. Anthropogenic hazard
D. Human-Induced Hazard
PAGTATAYA
5. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may
mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang
panganib na dulot ng hazard o kalamidad. Ito ay maaaring
human risk or structural risk. Ang risk ay tumutukoy sa
_______________.
A. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
B. Inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad.
C. Inaasahang kalamidad na mararanasan ng isang lugar dahil
sa kalagayang heograpikal nito
D. Resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng
isang pamayanan na harapin ang mga hazard.
PAGTATAYA
Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga
sakuna, subalit maaring paghandaan ang mga
epekto.
Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para
sa sakuna ay
“ DISASTER RISK REDUCTION
MANAGEMENT “
O DRRM
Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal,
pambansa, rehiyunal at pandaigdigang saklaw.
PANIMULA
SANDALING ISIPIN!
Tuwing may malakas na
pag-ulan sa inyong lugar o
barangay, nakaririnig ka ba
ng iba’t ibang ingay o
signal. Alam mo ba ang
ibig sabihin nito? Kanino ka
hihingi ng tulong kung
maririnig mo ang mga
signal na ito.
Kasama sa mga naging
batayan sa pagbuo ng
Philippine Disaster Risk
Reduction and
Management Framework
(PDRRMF) ang Philippine
Disaster Risk Reduction
and Management Act of
2010 na may dalawang
pangunahing layunin:
PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION
AND MANAGEMENT ACT OF 2010
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at
hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t
ibang kalamidad
(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at
hazard.
PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION
AND MANAGEMENT ACT OF 2010
Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan
na ang paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating
pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang
disaster management plan ay dapat na produkto ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng
lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business
sector, NGOs, at higit sa lahat ng mga mamamayang
naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang
ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-
Disaster and Risk Management (CBDRM).
PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION
AND MANAGEMENT ACT OF 2010
Ito ay isang pamamaraan kung
saan ang mga pamayanang may
banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy,
pagsuri, pagtugon, pagsubaybay,
at pagtataya ng mga risk na
maaari nilang maranasan.
Isinasagawa ito upang maging
handa ang komunidad at
maiwasan ang malawakang
pinsala sa buhay at ari-arian
(Abarquez at Zubair, 2004)
COMMUNITY-BASED DISASTER RISK
MANAGEMENT
Napakahalaga ng partisipasyon
ng mga mamamayan na siyang
may pinakamataas na
posibilidad na makaranas ng
mga epekto ng hazard at
kalamidad. Subalit, higit itong
magiging matagumpay kung
aktibo ring makikilahok ang
mga mamamayan na hindi
makararanas ng epekto ng mga
hazard at kalamidad.
COMMUNITY-BASED DISASTER RISK
MANAGEMENT
Pinakamahalagang layunin ng
PDRRM Framework ay ang pagbuo
ng disaster-resilient na mga
pamayanan. Ibig sabihin, ang lahat ng
mga pagpaplano, pagtataya, at
paghahandang nakapaloob sa disaster
management plan ay patungo sa
pagbuo ng isang pamayanang handa
at matatag sa pagharap sa mga
hamong pangkapaligiran. Malaki ang
posibilidad na maging disaster-resilient
ang mga pamayanan kung maayos na
maisasagawa ang CBDRM Approach.
BAKIT MAHALAGA ANG CBDRM
APPROACH?
GAWAIN 3: PLUS OR MINUS
GAWAIN 4: PAMPHLET
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang
pamphlet na nagpapakita ng konsepto at
mga bagay na dapat isa-alang-alang bago,
tuwing at pagkatapos ng kalamidad gamit
ang DRRM Manual. Maaring pumili ang
mga mag-aaral mula sa mga uri ng
kalamidad na makikita sa susunod na slide.
Ang gawain ay bibigyan ng marka gamit
ang rubric na nasa ibaba:
1. Kawastuhan - 7
2. Nilalaman - 6
3. Organisasyon - 4
4. Pagkamalikhain – 3
KABUUAN: 20
GAWAIN 4: PAMPHLET
 Bagyo (Typhoon)
 Tornado
 Thunderstorm
 Pagbaha (Flood)
 Storm Surge
 Landslide
 Global Warming
 Lindol (Earthquake)
 Extreme Climatic
Variabilities
 Heat Wave
 Tsunami
 Volcanic Eruption
 Sunog (Fire)
 Vehicular-related
Accident
 Chemical Spill
 Electrical Blackout
 Water Pollution
 Bomb Threat
PAGLALAHAT
Ang PDRRMF ay naitatag upang
magbigay diin sa pagiging handa ng
bansa at komunidad sa panahon ng
mga kalamidad at hazard.
Samantalang ang CBDRMA ay
tumutukoy sa direktang partisipasyon
ng mga mamamayan at lahat ng
sektor ng lipunan upang maging
matagumpay ang isang disaster
management plan.
• May kaalaman ka ba sa plano ng inyong
komunidad sa pagharap nito sa isang
kalamidad? Ilahad ang mga ito.
PAGPAPAHALAGA
1. Mahalaga ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa
panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang
pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan.
Dahil ditto, naitatag ang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Framework (PDRRMF). Ilan sa mga layunin at
binibigyang diin sa pagkakatatag nito ay ang mga sumusunod maliban
sa ____________.
A. Ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi
lamang tungkulin ng ating pamahalaan.
B. Paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa
kapakanan ng tao sa isang partikular na komunidad.
C. Ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng pamahalaan
upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng isang kalamidad.
D. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay hindi lamang
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad kundi
maging sa pagpaplano at paghahanda.
PAGTATAYA
2. Sa pagharap sa kalamidad, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga
mamamayan na naninirahan sa komunidad. Dahil dito, naitatag ang
Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM). Ito ay tumutukoy
sa mga sumusunod maliban sa ___________.
A. Binibigyang kahalagahan ang partisipasyon ng mamamayan at ng lahat ng
sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang disaster management
plan.
B. Dinamikong proseso kung saan pinangungunahan ito ng pamahalaan
sapagkat sa kanila nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging
disaster-resilient ang buong bansa.
C. Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard
at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
D. Ang Disaster Management plan ay produkto ng pagkakaisa at
pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private
sector, business sector, Non-governmental Organizations (NGOs), at higit sa
lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad.
PAGTATAYA
3. Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk
Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng
disaster-resilient na mga pamayanan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang lahat ng pagpaplano at paghahanda sa pagharap sa kalamidad
ay may layuning mabigyang pansin ang gampanin ng pamahalaan sa
pagtugon sa mga pinsalang maaaring idulot ng kalamidad.
B. Ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang
nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo ng
isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong
pangkapaligiran.
C. Ang mga paghahanda bago, habang at pagkatapos ng kalamidad ay
dapat na isinasagawa ng bawat miyembro ng lipunan.
D. Ang isang disaster-resilient na pamayanan ay isang pamayanan na
hindi makararanas ng anumang kalamidad dahil sa pagtutulungan ng
pamayanan at ng pamahalaan sa pagtukoy at paglutas ng mga
suliraning pangkapaligiran.
PAGTATAYA
4. Ang Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM)
Approach ay isinusulong na gamitin sa bawat pamayanan dahil sa
mga kabutihang dulot nito. Ang mga sumusunod ay kabutihang dulot
ng paggamit ng Community Based-Disaster and Risk Management
(CBDRM) Approach maliban sa ________________________.
A. Mas matutugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan at ang
mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng
malubhang epekto ng kalamidad ay hindi mapababayaan.
B. Nabibigyang pansin ang karanasan, pangangailangan, at pananaw
ng mga mamamayan sa isang komunidad.
C. Mas magiging epektibo ang pagpaplano at paghahanda sapagkat
mga eksperto sa pamahalaan ang mangunguna rito.
D. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang
mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang
pamayanan.
PAGTATAYA
5. Ang paggamit ng Top-Down Approach ay kinakitaan ng mga hindi
magandang epekto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hindi
mabuting dulot ng paggamit ng Top-Down Approach maliban sa
_________________.
A. Hindi nabibigyang pansin ng top-down approach ang karanasan,
pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang
komunidad.
B. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging
ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa
pagbuo ng plano.
C. Hindi lahat ng mamamayan sa komunidad ay aktibong nakikilahok
sa mga paghahanda at pagpaplano na isinasagawa para maging
disaster-resilient ang isang komunidad.
D. Hindi nagkakasundo ang pambansang pamahalaan at ng lokal na
pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon o
pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal ang pagtugon
sa pangangailangan ng mga mamamayan.
PAGTATAYA
Malaki ang posibilidad na maging disaster-
resilient ang mga pamayanan kung
maayos na maisasagawa ang Community-
Based Disaster and Risk Management
Approach. Pero sino nga ba talaga ng
kinakailangang manguna sa pagpaplano at
paghahanda hinggil dito; ang pamahalaan
nga ba o ang mga tao
PANIMULA
SANDALING ISIPIN!
Sa inyong palagay, sino
kaya ang dapat na
manguna sa pagpaplano at
paghahanda sa pagdating
ng isang kalamidad: ang
mga tao o ang
pamahalaan? Bakit?
ARTICLE ANALYSIS
Basahin at suriin ang artikulo na
hango mula sa ulat ni Agnes Espinas
(2013) na tumatalakay sa Disaster
Risk Management sa lalawigan ng
Albay at sagutan ang mga
pamprosesong katanungan sa
susunod na slide.
ARTICLE ANALYSIS
ARTICLE ANALYSIS
ARTICLE ANALYSIS
ARTICLE ANALYSIS
1. Anong aral ang maaring matutunan sa
karanasan ng paghahanda sa Albay?
Ipaliwanag.
2. Anong approach kaya ang ginagamit ng
Albay sa kanilang paghahanda sa kalamidad?
3. Masasabi mo bang tugma ang approach na
ginamit ng Albay sa kanilang lugar sa
pagharap sa kalamidad? Ipaliwanag.
TOP-DOWN APPROACH
Ito ay tumutukoy sa sitwasyon
kung saan lahat ng gawain mula
sa pagpaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa
sa mas nakatataas na tanggapan
o ahensya ng pamahalaan.
Halimbawa, kung ang isang
barangay ay nakaranas ng
kalamidad, ito ay aasa lamang sa
tugon ng Pambayan o
Panlungsod na Pamahalaan.
TOP-DOWN APPROACH
Binigyang-diin nina Shesh at
Zubair (2006) na hindi
natutugunan nito ang mga
pangangailangan ng pamayanan
at napababayaan ang mga
mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng
malubhang epekto ng kalamidad.
Limitado ang pagbuo sa disaster
management plan dahil tanging
ang pananaw lamang ng mga
namumuno ang nabibigyang
pansin sa pagbuo ng plano.
TOP-DOWN APPROACH
Isa pang suliranin ng top-down
approach ay may mga pagkakataon
nahindi nagkakasundo ang
Pambansang Pamahalaan at ng
Lokal na Pamahalaan tungkol sa
mga hakbang na dapat gawin sa
panahon o pagkatapos ng
kalamidad kung kaya’t nagiging
mabagal ang pagtugon sa
pangangailangan ng mga
mamamayan.
BOTTOM-UP APPROACH
Nagsisimula sa mga
mamamayan at iba pang
sektor ng lipunan ang mga
hakbang sa pagtukoy, pag-
aanalisa, at paglutas sa
mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na
nararanasan sa kanilang
pamayanan.
KATANGIAN NG BOTTOM-UP
APPROACH
 Ang mga mamamayan ay may kakayahang
simulan at panatilihin ang kaunlaran ng
kanilang komunidad
 Nanatiling pangunahing kailangan para sa
grassroots development ang pamumuno ng
lokal na pamayanan.
 Malawak na partisipasyon ng mga
mamamayan sa komprehensibong
pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng
desisyon
KATANGIAN NG BOTTOM-UP
APPROACH
 Ang responsableng paggamit ng mga tulong-
pinansyal ay kailangan
Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa
kamay ng mga mamamayang naninirahan sa
pamayanan.
Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan
ay maaaring may magkakaibang pananaw sa
mga banta at vulnerabilities na nararanasan
sa kanilang lugar.
GAWAIN 5: ARTICLE ANALYSIS
Ang mga mag-aaral ay babasahin at susuriin ang
artikulong Lacson blames DBM for ‘Yolanda’ failings.
Matapos nito ay sasagutan ng mga mag-aaral ang
mga pamprosesong katanungan:
1. Ano sa tingin niyo ang naging pagkukulang ng
pamahalaan ayon sa artikulong binasa?
2. May katwiran kaya ang pahayag ni Senador Panfilo
Lacson?
GAWAIN 6: SWOT ANALYSIS
(TOP-DOWN APPROACH)
Ang apat na
pangkat ay bubuo
ng SWOT
(Strengths,
Weaknesses,
Opportunities at
Threats) Analysis
ng Top Down
Approach. Ito ay
iuulat sa harap ng
klase.
GAWAIN 7: SWOT ANALYSIS
(BOTTOM-UP APPROACH)
Ang apat na
pangkat ay bubuo
ng SWOT
(Strengths,
Weaknesses,
Opportunities at
Threats) Analysis
ng Bottom-Up
Approach. Ito ay
iuulat sa harap ng
klase.
GAWAIN 8: PROCESS FRAMEWORK
Ang apat na pangkat ay susuriin ang
panukalang Process Framework nina Mercer
at Gaillard (2010) sa pagsasanib ng dalawang
approach sa pagbuo ng DRRM plan at
ipapaliwanag sa harap ng klase:
Unang Pangkat – Step 1
Ikalawang Pangkat – Step 2
Ikatlong Pangkat - Step 3
Ikaapat na Pangkat – Step 4
GAWAIN 8: PROCESS FRAMEWORK
PAGLALAHAT
Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw
ng mga namumuno sa pagbuo ng plano
dahil sa kanilang kaalaman sa sistemang
ipatutupad ng disaster risk management.
Hindi din kailangang kalimutan ang pananaw
at karanasan ng mamamayan sa pagbuo ng
disaster risk management. Mahalagang
magamit ang kalakasan ng dalawang
approach upang mas maging matagumpay
ang paghahanda at mabawasan ang
pinsalang maaaring idulot ng kalamidad.
• Paano makakatulong ang inyong pamilya
sakaling gamitin ang top-down approach sa
inyong pamayanan?
• Paano makakatulong ang inyong pamilya
sakaling gamitin ang bottom-up approach sa
inyong pamayanan?
PAGPAPAHALAGA
1. Sa pagpaplano ng epektibong Disaster Risk Management,
mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach: ang
bottom-up at top-down. Bakit kaya mahalagang magamit ang dalawang
approach?
A. Dapat na unahin at huwag kalimutan ang pananaw at karanasan ng
mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management.
B. Mahalagang magamit ang dalawang approach para mapunan ang
kahinaan ng bawat isa at magdudulot ng matagumpay na Disaster
Risk Management.
C. Pinakamahalaga sa lahat ang pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga
sistemang ipatutupad ng disaster risk management.
D. Ang pagsasaalang-alang ng pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan at ng mga mamamayan ay maaaring magdulot ng holistic
na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad.
PAGTATAYA
2. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay kasapi sa proyektong
“Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR – SEA)
Phase 4 (2008). Layunin ng programang ito na maturuan ang mga
lokal na pinuno sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk
Management Plan. Bakit kaya mahalaga ang nasabing proyekto?
A. Masisiguro na ang mabubuong disaster management plan ay
nakabatay sa kaalaman at kakayahanan ng mga eksperto mula sa
iba’t ibang bansa.
B. Mas matutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga
mamamayan at magagamit nang maayos ang mga tulong pinansyal
mula sa iba’t ibang sektor.
C. Mas magiging epektibo ang plano na binuo kasama ang iba’t ibang
sektor ng lipunan at pambansang pamahalaan para matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan.
D. Mabibigyan ng sapat na kaalaman at mahahasa ang kakayahan ng
mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga
plano at programa ng lokal na pamahalaan.
PAGTATAYA
3. Marami ang nagsasabi na pinakamabuting gamitin ang pagsasanib
ng dalawang approach: ang bottom-up at top-down para sa mas
matagumpay na Disaster Risk Management Plan. Ano kaya ang
posibleng mangyari kung isa lang sa dalawang approach ang
gagamitin?
A. Magiging matagumpay pa rin ang Disaster Risk Management Plan
dahil sa epektibong pagsasagawa nito.
B. Maaaring hindi lubusang maging matagumpay ang Disaster Risk
Management Plan dahil sa ang bawat approach ay may mga kahinaan.
C. Maaaring maging mabagal ang pagtugon sa pinsalang dulot ng
isang kalamidad dahil sa hindi pagkakasundo ng pambansa at lokal na
pamahalaan.
D. Patuloy na magiging maayos ang Disaster Risk Management Plan
dahil sa ang bawat approach ay mula sa kaalaman ng mga eksperto at
ipatutupad ng mga eksperto.
PAGTATAYA
4. Sa kabila ng kabutihang dulot ng paggamit ng mga kalakasan
ng pinagsanib na Top-Down at Bottom-Up Approach,
nagdesisyon pa rin si Panfilo Lacson na gamitin ang “bottom-up
approach” sa pagtugon sa pinsalang dulot ng bagyong Yolanda.
Ano kaya ang naging dahilan ni Panfilo Lacson sa paggamit niya
ng Bottom-Up Approach?
A. Mas maiiwasan ang katiwalian sa pambansang pamahalaan
B. Mas mabilis na makababangon ang mga tao mula sa bagyong
Yolanda
C. Mas mapadadali ang kanyang trabaho para sa rehabilitasyon
ng nasalantang lugar
D. Mas magiging makabuluhan ang pagtugon sa
pangangailangan ng mga mamamayan (Evaluation)
PAGTATAYA
5. Malinaw na pinakamagandang gamitin ang pinagsanib na
Top-Down at Bottom-Up Approach. Nakabubuting gamitin ang
kanilang kalakasan sa pagtugon sa Disaster Risk Management.
Ano kaya ang posibleng masamang dulot ng paggamit ng
pinagsanib na approach?
A. Posibleng walang kalidad ang tulong na maibibigay sapagkat
hindi ito ginawa ng mga eksperto.
B. Posibleng magkaroon ng katiwalian sa mga pinunong
nangunguna sa Disaster Risk Management Plan.
C. Maaaring hindi magkasundo ang pambansa at lokal na
pinuno sa pagbuo ng Disaster Risk Management Plan.
D. Maaaring mas maging mabagal ang pagtugon sa
pangangailangan ng mga mamamayan dahil sa mahabang
prosesong pagdadaanan ng Disaster Risk Management Plan.
PAGTATAYA
SANGGUNIAN
Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2017

More Related Content

What's hot

Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong PangkapaligiranAng Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiranedmond84
 
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 1.pptx
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 1.pptxMga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 1.pptx
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 1.pptxQUENNIESUMAYO1
 
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptxAng Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptxQUENNIESUMAYO1
 
Ang dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong
Ang dalawang approach sa pagtugon sa mga hamongAng dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong
Ang dalawang approach sa pagtugon sa mga hamongBinibini Cmg
 
ARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptx
ARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptxARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptx
ARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptxLanzCuaresma2
 
Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...
Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...
Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...Joehaira Mae Trinos
 
QUARTER 1 WEEK 3 PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB NA DULOT N...
QUARTER 1 WEEK 3 PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB NA DULOT N...QUARTER 1 WEEK 3 PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB NA DULOT N...
QUARTER 1 WEEK 3 PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB NA DULOT N...ARLYN P. BONIFACIO
 
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptxARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptxNhalieAyhonBiongOleg
 
Ang Disaster Management
Ang Disaster ManagementAng Disaster Management
Ang Disaster Managementmarvindmina07
 
Isyung Pangkapaligiran AP 10
Isyung Pangkapaligiran AP 10Isyung Pangkapaligiran AP 10
Isyung Pangkapaligiran AP 10ruth ferrer
 
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLanMga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLanstephanie829237
 
Suliranin sa solid waste
Suliranin sa solid wasteSuliranin sa solid waste
Suliranin sa solid wasteMarilou Alvarez
 
Aralin-2-Dalawang-Approach-sa-Pagtugon-sa-mga-Hamong-Pangkapaligiran-1.pptx
Aralin-2-Dalawang-Approach-sa-Pagtugon-sa-mga-Hamong-Pangkapaligiran-1.pptxAralin-2-Dalawang-Approach-sa-Pagtugon-sa-mga-Hamong-Pangkapaligiran-1.pptx
Aralin-2-Dalawang-Approach-sa-Pagtugon-sa-mga-Hamong-Pangkapaligiran-1.pptxMaryJoyTolentino8
 
Ang mga Suliranin at hamong Pangkapaligiran
Ang mga Suliranin at hamong PangkapaligiranAng mga Suliranin at hamong Pangkapaligiran
Ang mga Suliranin at hamong PangkapaligiranCleo Flores
 
Mga-hakbang-sapag-buong-community-based-disaster-risk
Mga-hakbang-sapag-buong-community-based-disaster-riskMga-hakbang-sapag-buong-community-based-disaster-risk
Mga-hakbang-sapag-buong-community-based-disaster-riskKlaizerAnderson
 
Ang Dalawang Approaches sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran AP 10
Ang Dalawang Approaches sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran AP 10Ang Dalawang Approaches sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran AP 10
Ang Dalawang Approaches sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran AP 10ruth ferrer
 
Q2 W1-W2 - Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon.pptx
Q2 W1-W2 - Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon.pptxQ2 W1-W2 - Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon.pptx
Q2 W1-W2 - Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon.pptxChristine Joy Rosales
 
5 pangkapaligiran 1solid waste
5 pangkapaligiran 1solid waste5 pangkapaligiran 1solid waste
5 pangkapaligiran 1solid wastedaisydclazo
 

What's hot (20)

Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong PangkapaligiranAng Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
 
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 1.pptx
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 1.pptxMga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 1.pptx
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 1.pptx
 
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptxAng Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
 
Ang dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong
Ang dalawang approach sa pagtugon sa mga hamongAng dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong
Ang dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong
 
ARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptx
ARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptxARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptx
ARALIN-6-MGA-HAKBANG-SA-PAGBUO-NG-CBDRRM-PLAN.pptx
 
Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...
Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...
Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng mga Suliraning ...
 
QUARTER 1 WEEK 3 PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB NA DULOT N...
QUARTER 1 WEEK 3 PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB NA DULOT N...QUARTER 1 WEEK 3 PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB NA DULOT N...
QUARTER 1 WEEK 3 PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN SA HARAP NG PANGANIB NA DULOT N...
 
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptxARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
 
Ang Disaster Management
Ang Disaster ManagementAng Disaster Management
Ang Disaster Management
 
Isyung Pangkapaligiran AP 10
Isyung Pangkapaligiran AP 10Isyung Pangkapaligiran AP 10
Isyung Pangkapaligiran AP 10
 
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLanMga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
Mga Angkop na Hakbang Sa CBDRRM PLan
 
Suliranin sa solid waste
Suliranin sa solid wasteSuliranin sa solid waste
Suliranin sa solid waste
 
Aralin-2-Dalawang-Approach-sa-Pagtugon-sa-mga-Hamong-Pangkapaligiran-1.pptx
Aralin-2-Dalawang-Approach-sa-Pagtugon-sa-mga-Hamong-Pangkapaligiran-1.pptxAralin-2-Dalawang-Approach-sa-Pagtugon-sa-mga-Hamong-Pangkapaligiran-1.pptx
Aralin-2-Dalawang-Approach-sa-Pagtugon-sa-mga-Hamong-Pangkapaligiran-1.pptx
 
Ang mga Suliranin at hamong Pangkapaligiran
Ang mga Suliranin at hamong PangkapaligiranAng mga Suliranin at hamong Pangkapaligiran
Ang mga Suliranin at hamong Pangkapaligiran
 
Disaster management
Disaster managementDisaster management
Disaster management
 
Mga-hakbang-sapag-buong-community-based-disaster-risk
Mga-hakbang-sapag-buong-community-based-disaster-riskMga-hakbang-sapag-buong-community-based-disaster-risk
Mga-hakbang-sapag-buong-community-based-disaster-risk
 
Ang Dalawang Approaches sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran AP 10
Ang Dalawang Approaches sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran AP 10Ang Dalawang Approaches sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran AP 10
Ang Dalawang Approaches sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran AP 10
 
Disaster risk reduction
Disaster risk reductionDisaster risk reduction
Disaster risk reduction
 
Q2 W1-W2 - Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon.pptx
Q2 W1-W2 - Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon.pptxQ2 W1-W2 - Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon.pptx
Q2 W1-W2 - Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon.pptx
 
5 pangkapaligiran 1solid waste
5 pangkapaligiran 1solid waste5 pangkapaligiran 1solid waste
5 pangkapaligiran 1solid waste
 

Similar to ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH powerpoint.pptx

KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACHKONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACHSheehanDyneJohan
 
Aralin3-CBDRRM-Part 1.pptx
Aralin3-CBDRRM-Part 1.pptxAralin3-CBDRRM-Part 1.pptx
Aralin3-CBDRRM-Part 1.pptxmaydz rivera
 
lecture-disastermanagement.pptx
lecture-disastermanagement.pptxlecture-disastermanagement.pptx
lecture-disastermanagement.pptxJocelynRoxas3
 
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong.pptx
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong.pptxAng Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong.pptx
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong.pptxJhimarPeredoJurado
 
Ang Dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong.pptx
Ang Dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong.pptxAng Dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong.pptx
Ang Dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong.pptxlizaberol001
 
ANG PAMAMAHALA SA KALAMIDAD (1).pptx
ANG PAMAMAHALA SA KALAMIDAD (1).pptxANG PAMAMAHALA SA KALAMIDAD (1).pptx
ANG PAMAMAHALA SA KALAMIDAD (1).pptxjessapoquiz
 
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.pptx
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.pptxAng Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.pptx
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.pptxJenjayApilado
 
Disaster-Prevention-and-Mitigation-COT-Copy.pptx
Disaster-Prevention-and-Mitigation-COT-Copy.pptxDisaster-Prevention-and-Mitigation-COT-Copy.pptx
Disaster-Prevention-and-Mitigation-COT-Copy.pptxMaLeahLlenado
 
Q1 WEEK 5 COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT APPROACH.pptx
Q1 WEEK 5 COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT APPROACH.pptxQ1 WEEK 5 COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT APPROACH.pptx
Q1 WEEK 5 COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT APPROACH.pptxARLYN P. BONIFACIO
 
Community Based Disaster Management (C.B.D.M.)
Community Based Disaster Management (C.B.D.M.)Community Based Disaster Management (C.B.D.M.)
Community Based Disaster Management (C.B.D.M.)alexander wong
 
Apat na Yugto ang Disaster Risk Reduction -Aralipunan.com.pptx
Apat na Yugto ang Disaster Risk Reduction -Aralipunan.com.pptxApat na Yugto ang Disaster Risk Reduction -Aralipunan.com.pptx
Apat na Yugto ang Disaster Risk Reduction -Aralipunan.com.pptxaralipunan
 
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 2.pptx
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 2.pptxMga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 2.pptx
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 2.pptxQUENNIESUMAYO1
 

Similar to ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH powerpoint.pptx (20)

KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACHKONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
 
K.i.g10modyul1aralin2
K.i.g10modyul1aralin2K.i.g10modyul1aralin2
K.i.g10modyul1aralin2
 
ANG DALAWANG APPROACH.pptx
ANG DALAWANG APPROACH.pptxANG DALAWANG APPROACH.pptx
ANG DALAWANG APPROACH.pptx
 
Aralin3-CBDRRM-Part 1.pptx
Aralin3-CBDRRM-Part 1.pptxAralin3-CBDRRM-Part 1.pptx
Aralin3-CBDRRM-Part 1.pptx
 
lecture-disastermanagement.pptx
lecture-disastermanagement.pptxlecture-disastermanagement.pptx
lecture-disastermanagement.pptx
 
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong.pptx
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong.pptxAng Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong.pptx
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong.pptx
 
W3 DISASTER MANAGEMENT.pptx
W3 DISASTER MANAGEMENT.pptxW3 DISASTER MANAGEMENT.pptx
W3 DISASTER MANAGEMENT.pptx
 
Ang Dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong.pptx
Ang Dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong.pptxAng Dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong.pptx
Ang Dalawang approach sa pagtugon sa mga hamong.pptx
 
ANG PAMAMAHALA SA KALAMIDAD (1).pptx
ANG PAMAMAHALA SA KALAMIDAD (1).pptxANG PAMAMAHALA SA KALAMIDAD (1).pptx
ANG PAMAMAHALA SA KALAMIDAD (1).pptx
 
disaster-management.pptx
disaster-management.pptxdisaster-management.pptx
disaster-management.pptx
 
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.pptx
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.pptxAng Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.pptx
Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.pptx
 
Disaster-Prevention-and-Mitigation-COT-Copy.pptx
Disaster-Prevention-and-Mitigation-COT-Copy.pptxDisaster-Prevention-and-Mitigation-COT-Copy.pptx
Disaster-Prevention-and-Mitigation-COT-Copy.pptx
 
araling-panlipunan.pptx
araling-panlipunan.pptxaraling-panlipunan.pptx
araling-panlipunan.pptx
 
Q1 WEEK 5 COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT APPROACH.pptx
Q1 WEEK 5 COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT APPROACH.pptxQ1 WEEK 5 COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT APPROACH.pptx
Q1 WEEK 5 COMMUNITY-BASED DISASTER AND RISK MANAGEMENT APPROACH.pptx
 
Community Based Disaster Management (C.B.D.M.)
Community Based Disaster Management (C.B.D.M.)Community Based Disaster Management (C.B.D.M.)
Community Based Disaster Management (C.B.D.M.)
 
ARALIN-3-B.pptx
ARALIN-3-B.pptxARALIN-3-B.pptx
ARALIN-3-B.pptx
 
Apat na Yugto ang Disaster Risk Reduction -Aralipunan.com.pptx
Apat na Yugto ang Disaster Risk Reduction -Aralipunan.com.pptxApat na Yugto ang Disaster Risk Reduction -Aralipunan.com.pptx
Apat na Yugto ang Disaster Risk Reduction -Aralipunan.com.pptx
 
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 2.pptx
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 2.pptxMga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 2.pptx
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community Based DRRM Part 2.pptx
 
Quarter 1 week 7- G10
Quarter 1 week 7- G10Quarter 1 week 7- G10
Quarter 1 week 7- G10
 
CBDRM 1.pptx
CBDRM 1.pptxCBDRM 1.pptx
CBDRM 1.pptx
 

Recently uploaded

ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 

Recently uploaded (20)

ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 

ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH powerpoint.pptx

  • 1. Aralin 5 ANG DISASTER MANAGEMENT AT ANG DALAWANG APPROACH SA PAGTUGON SA MGA HAMONG PANGKAPALIGIRAN
  • 2. BALIK-ARAL Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura at pagsira sa kalikasan. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning pangkapaligiran.
  • 3. Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t ibang hamong pangkapaligiran na ating nararanasan? Ito ba ay tungkulin ng pamahalaan o ng mamamayan? Sa araling ito ay pagtutuunan ng pansin ang disaster management at ang dalawang approach na ginagamit sa pagbuo ng disaster management. PANIMULA
  • 4. SANDALING ISIPIN! Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa inyong lugar, alam mo ba iyong gagawin, saang ligtas na lugar ka maaaring lumikas at kung kanino ka hihingi ng tulong?
  • 5. Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag- oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Disaster Management
  • 6. Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Disaster Management
  • 7. MGA KONSEPTO UKOL SA DISASTER MANAGEMENT (Disaster Risk Management System Analysis: A guide book nina Baas at mga kasama, 2008)
  • 8. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari- arian, at kalikasan HAZARD
  • 9. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao tulad ng maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Anthropogenic Hazard o Human- Induced Hazard Natural Hazard
  • 10. ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon DISASTER o KALAMIDAD
  • 11. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan, tsunami, storm surge o gawa ng tao tulad ng digmaan, polusyon, pagbaha at sunog. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. DISASTER o KALAMIDAD
  • 12. 20 hanggang 26 ng bagyo ang pumapasok sa PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon–taon. Ito ay binabantayan at pinag-aaralan ng PAG-ASA. DISASTER o KALAMIDAD
  • 13. Tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales. VULNERABILITY
  • 14. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad. RISK
  • 15. Ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad. RESILIENCE
  • 16. Ito ay mga kilos o hakbang na naglalayong bawasan ang mga elementong nakapagpapalala sa negatibong epekto ng sakuna. MITIGATION
  • 17. Ito ay mga kilos o hakbang na ginagawa upang maaangkop ang mga tao sa mga negatibong epekto ng sakuna. ADAPTATION
  • 19. Gawain 2: BULAGAAN 2018 Ang apat na pangkat ay isasagawa ang gawaing bulagaan gamit ang mga konseptong nasa ibaba. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng marka gamit ang rubrik na nasa ibaba: G1 – Hazard G2 – Disaster G3 – RISK G4 - RESILIENCE Kooperasyon – 10 Kaangkupan sa paksa- 5 Impak – 5 KABUUAN – 20 puntos
  • 20. PAGLALAHAT Nakapaloob sa Disaster Management ang proseso, pagpaplano, pag-ooranisa, pagtukoy ng mga kasapi , pamumuno at pagkontrol. Ang mga batayang konsepto tungkol sa disaster management ay napakahalaga na maunawaan upang maihanda ang sarili, pamilya, komunidad at bansa sa pagharap sa kalamidad at sa huli ay mabawasan ang pinsalang maaaring idulot nito.
  • 21. • Sa inyong tahanan, paano mo at ng iyong pamilya inoorganisa at pinaplano ang pagharap sa isang kalamidad? • Nakikibahagi ba ang iyong pamilya sa pagpaplano ng inyong komunidad upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng kalamidad? Ipaliwanag. PAGPAPAHALAGA
  • 22. 1. Mahalagang maging palaging handa sa pagharap sa kalamidad. Sa pigiging handa, nababawasan ang pinsalang maaaring idulot ng isang kalamidad. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng Disaster Management. Ang Disaster Management ay tumutukoy sa mga sumusunod maliban sa: A. Kabilang dito ang mga mamamayan at mga pribado at pampublikong sektor B. Isang proseso ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi at pagkontrol C. Mga gawain upang lubusang makabangon mula sa kalamidad ang mga tao sa isang lugar D. Aktibong proseso ng paglutas sa mga suliraning pangkapaligiran upang maiwasan ang pagkakaroon ng kalamidad PAGTATAYA
  • 23. 2. Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng ibat’- ibang termino sa pag-aaral ng disaster management. Ilan sa mga termino/konseptong kauganay nito ay Hazard, Anthropogenic Hazard, Natural Hazard at Disaster. Ang Anthropogenic Hazard ay isang uri ng Hazard na tumutukoy sa __________. A. Mga hazard na dulot ng kalikasan B. Mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao C. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao D. Mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang- ekonomiya. PAGTATAYA
  • 24. 3. Walang sinuman ang nakaalam kung kalian maaaring tumama ang isang kalamidad. Gayunpaman, maaaring mabawasan ang pinsalang maidudulot nito kung ang bawat isa at bawat pamayanan ay magkakaroon ng sapat na kakayahan at kaalaman sa pagharap sa kalamidad. Anong konseptong kaugnay ng Disaster Management ang inilalarawan? A. Risk B. Hazard C. Vulnerability D. Resilience PAGTATAYA
  • 25. 4. Ang ating bansa ay nakararanas ng iba’t ibang kalamidad. May mga kalamidad na bunga ng pang-aabuso ng tao at meron ding dulot ng kalikasan. Ilan sa mga ito ay ang bagyo, lindol, storm surge, at landslide. Ang mga nabanggit na kalamidad ay mga halimbawa ng anong uri ng hazard? A. Natural hazard B. Unusual Hazard C. Anthropogenic hazard D. Human-Induced Hazard PAGTATAYA
  • 26. 5. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad. Ito ay maaaring human risk or structural risk. Ang risk ay tumutukoy sa _______________. A. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. B. Inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. C. Inaasahang kalamidad na mararanasan ng isang lugar dahil sa kalagayang heograpikal nito D. Resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard. PAGTATAYA
  • 27. Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna, subalit maaring paghandaan ang mga epekto. Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para sa sakuna ay “ DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT “ O DRRM Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal, pambansa, rehiyunal at pandaigdigang saklaw. PANIMULA
  • 28. SANDALING ISIPIN! Tuwing may malakas na pag-ulan sa inyong lugar o barangay, nakaririnig ka ba ng iba’t ibang ingay o signal. Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Kanino ka hihingi ng tulong kung maririnig mo ang mga signal na ito.
  • 29. Kasama sa mga naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na may dalawang pangunahing layunin: PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT OF 2010
  • 30. (1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad (2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard. PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT OF 2010
  • 31. Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan na ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, NGOs, at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community Based- Disaster and Risk Management (CBDRM). PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT OF 2010
  • 32. Ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian (Abarquez at Zubair, 2004) COMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT
  • 33. Napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan na siyang may pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard at kalamidad. Subalit, higit itong magiging matagumpay kung aktibo ring makikilahok ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng mga hazard at kalamidad. COMMUNITY-BASED DISASTER RISK MANAGEMENT
  • 34. Pinakamahalagang layunin ng PDRRM Framework ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan. Ibig sabihin, ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran. Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisasagawa ang CBDRM Approach. BAKIT MAHALAGA ANG CBDRM APPROACH?
  • 35. GAWAIN 3: PLUS OR MINUS
  • 36. GAWAIN 4: PAMPHLET Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang pamphlet na nagpapakita ng konsepto at mga bagay na dapat isa-alang-alang bago, tuwing at pagkatapos ng kalamidad gamit ang DRRM Manual. Maaring pumili ang mga mag-aaral mula sa mga uri ng kalamidad na makikita sa susunod na slide. Ang gawain ay bibigyan ng marka gamit ang rubric na nasa ibaba: 1. Kawastuhan - 7 2. Nilalaman - 6 3. Organisasyon - 4 4. Pagkamalikhain – 3 KABUUAN: 20
  • 37. GAWAIN 4: PAMPHLET  Bagyo (Typhoon)  Tornado  Thunderstorm  Pagbaha (Flood)  Storm Surge  Landslide  Global Warming  Lindol (Earthquake)  Extreme Climatic Variabilities  Heat Wave  Tsunami  Volcanic Eruption  Sunog (Fire)  Vehicular-related Accident  Chemical Spill  Electrical Blackout  Water Pollution  Bomb Threat
  • 38. PAGLALAHAT Ang PDRRMF ay naitatag upang magbigay diin sa pagiging handa ng bansa at komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Samantalang ang CBDRMA ay tumutukoy sa direktang partisipasyon ng mga mamamayan at lahat ng sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang disaster management plan.
  • 39. • May kaalaman ka ba sa plano ng inyong komunidad sa pagharap nito sa isang kalamidad? Ilahad ang mga ito. PAGPAPAHALAGA
  • 40. 1. Mahalaga ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan. Dahil ditto, naitatag ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF). Ilan sa mga layunin at binibigyang diin sa pagkakatatag nito ay ang mga sumusunod maliban sa ____________. A. Ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan. B. Paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao sa isang partikular na komunidad. C. Ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng isang kalamidad. D. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad kundi maging sa pagpaplano at paghahanda. PAGTATAYA
  • 41. 2. Sa pagharap sa kalamidad, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga mamamayan na naninirahan sa komunidad. Dahil dito, naitatag ang Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM). Ito ay tumutukoy sa mga sumusunod maliban sa ___________. A. Binibigyang kahalagahan ang partisipasyon ng mamamayan at ng lahat ng sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang disaster management plan. B. Dinamikong proseso kung saan pinangungunahan ito ng pamahalaan sapagkat sa kanila nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging disaster-resilient ang buong bansa. C. Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. D. Ang Disaster Management plan ay produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, Non-governmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. PAGTATAYA
  • 42. 3. Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng disaster-resilient na mga pamayanan. Ano ang ibig sabihin nito? A. Ang lahat ng pagpaplano at paghahanda sa pagharap sa kalamidad ay may layuning mabigyang pansin ang gampanin ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pinsalang maaaring idulot ng kalamidad. B. Ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran. C. Ang mga paghahanda bago, habang at pagkatapos ng kalamidad ay dapat na isinasagawa ng bawat miyembro ng lipunan. D. Ang isang disaster-resilient na pamayanan ay isang pamayanan na hindi makararanas ng anumang kalamidad dahil sa pagtutulungan ng pamayanan at ng pamahalaan sa pagtukoy at paglutas ng mga suliraning pangkapaligiran. PAGTATAYA
  • 43. 4. Ang Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM) Approach ay isinusulong na gamitin sa bawat pamayanan dahil sa mga kabutihang dulot nito. Ang mga sumusunod ay kabutihang dulot ng paggamit ng Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM) Approach maliban sa ________________________. A. Mas matutugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan at ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad ay hindi mapababayaan. B. Nabibigyang pansin ang karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang komunidad. C. Mas magiging epektibo ang pagpaplano at paghahanda sapagkat mga eksperto sa pamahalaan ang mangunguna rito. D. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang pamayanan. PAGTATAYA
  • 44. 5. Ang paggamit ng Top-Down Approach ay kinakitaan ng mga hindi magandang epekto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hindi mabuting dulot ng paggamit ng Top-Down Approach maliban sa _________________. A. Hindi nabibigyang pansin ng top-down approach ang karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang komunidad. B. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano. C. Hindi lahat ng mamamayan sa komunidad ay aktibong nakikilahok sa mga paghahanda at pagpaplano na isinasagawa para maging disaster-resilient ang isang komunidad. D. Hindi nagkakasundo ang pambansang pamahalaan at ng lokal na pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. PAGTATAYA
  • 45. Malaki ang posibilidad na maging disaster- resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisasagawa ang Community- Based Disaster and Risk Management Approach. Pero sino nga ba talaga ng kinakailangang manguna sa pagpaplano at paghahanda hinggil dito; ang pamahalaan nga ba o ang mga tao PANIMULA
  • 46. SANDALING ISIPIN! Sa inyong palagay, sino kaya ang dapat na manguna sa pagpaplano at paghahanda sa pagdating ng isang kalamidad: ang mga tao o ang pamahalaan? Bakit?
  • 47. ARTICLE ANALYSIS Basahin at suriin ang artikulo na hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay at sagutan ang mga pamprosesong katanungan sa susunod na slide.
  • 51. ARTICLE ANALYSIS 1. Anong aral ang maaring matutunan sa karanasan ng paghahanda sa Albay? Ipaliwanag. 2. Anong approach kaya ang ginagamit ng Albay sa kanilang paghahanda sa kalamidad? 3. Masasabi mo bang tugma ang approach na ginamit ng Albay sa kanilang lugar sa pagharap sa kalamidad? Ipaliwanag.
  • 52. TOP-DOWN APPROACH Ito ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Halimbawa, kung ang isang barangay ay nakaranas ng kalamidad, ito ay aasa lamang sa tugon ng Pambayan o Panlungsod na Pamahalaan.
  • 53. TOP-DOWN APPROACH Binigyang-diin nina Shesh at Zubair (2006) na hindi natutugunan nito ang mga pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.
  • 54. TOP-DOWN APPROACH Isa pang suliranin ng top-down approach ay may mga pagkakataon nahindi nagkakasundo ang Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
  • 55. BOTTOM-UP APPROACH Nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag- aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
  • 56. KATANGIAN NG BOTTOM-UP APPROACH  Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad  Nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development ang pamumuno ng lokal na pamayanan.  Malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon
  • 57. KATANGIAN NG BOTTOM-UP APPROACH  Ang responsableng paggamit ng mga tulong- pinansyal ay kailangan Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.
  • 58. GAWAIN 5: ARTICLE ANALYSIS Ang mga mag-aaral ay babasahin at susuriin ang artikulong Lacson blames DBM for ‘Yolanda’ failings. Matapos nito ay sasagutan ng mga mag-aaral ang mga pamprosesong katanungan: 1. Ano sa tingin niyo ang naging pagkukulang ng pamahalaan ayon sa artikulong binasa? 2. May katwiran kaya ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson?
  • 59. GAWAIN 6: SWOT ANALYSIS (TOP-DOWN APPROACH) Ang apat na pangkat ay bubuo ng SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities at Threats) Analysis ng Top Down Approach. Ito ay iuulat sa harap ng klase.
  • 60. GAWAIN 7: SWOT ANALYSIS (BOTTOM-UP APPROACH) Ang apat na pangkat ay bubuo ng SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities at Threats) Analysis ng Bottom-Up Approach. Ito ay iuulat sa harap ng klase.
  • 61. GAWAIN 8: PROCESS FRAMEWORK Ang apat na pangkat ay susuriin ang panukalang Process Framework nina Mercer at Gaillard (2010) sa pagsasanib ng dalawang approach sa pagbuo ng DRRM plan at ipapaliwanag sa harap ng klase: Unang Pangkat – Step 1 Ikalawang Pangkat – Step 2 Ikatlong Pangkat - Step 3 Ikaapat na Pangkat – Step 4
  • 62. GAWAIN 8: PROCESS FRAMEWORK
  • 63. PAGLALAHAT Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa sistemang ipatutupad ng disaster risk management. Hindi din kailangang kalimutan ang pananaw at karanasan ng mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management. Mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach upang mas maging matagumpay ang paghahanda at mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng kalamidad.
  • 64. • Paano makakatulong ang inyong pamilya sakaling gamitin ang top-down approach sa inyong pamayanan? • Paano makakatulong ang inyong pamilya sakaling gamitin ang bottom-up approach sa inyong pamayanan? PAGPAPAHALAGA
  • 65. 1. Sa pagpaplano ng epektibong Disaster Risk Management, mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach: ang bottom-up at top-down. Bakit kaya mahalagang magamit ang dalawang approach? A. Dapat na unahin at huwag kalimutan ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management. B. Mahalagang magamit ang dalawang approach para mapunan ang kahinaan ng bawat isa at magdudulot ng matagumpay na Disaster Risk Management. C. Pinakamahalaga sa lahat ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang ipatutupad ng disaster risk management. D. Ang pagsasaalang-alang ng pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan at ng mga mamamayan ay maaaring magdulot ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad. PAGTATAYA
  • 66. 2. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay kasapi sa proyektong “Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR – SEA) Phase 4 (2008). Layunin ng programang ito na maturuan ang mga lokal na pinuno sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Management Plan. Bakit kaya mahalaga ang nasabing proyekto? A. Masisiguro na ang mabubuong disaster management plan ay nakabatay sa kaalaman at kakayahanan ng mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa. B. Mas matutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga mamamayan at magagamit nang maayos ang mga tulong pinansyal mula sa iba’t ibang sektor. C. Mas magiging epektibo ang plano na binuo kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan at pambansang pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. D. Mabibigyan ng sapat na kaalaman at mahahasa ang kakayahan ng mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan. PAGTATAYA
  • 67. 3. Marami ang nagsasabi na pinakamabuting gamitin ang pagsasanib ng dalawang approach: ang bottom-up at top-down para sa mas matagumpay na Disaster Risk Management Plan. Ano kaya ang posibleng mangyari kung isa lang sa dalawang approach ang gagamitin? A. Magiging matagumpay pa rin ang Disaster Risk Management Plan dahil sa epektibong pagsasagawa nito. B. Maaaring hindi lubusang maging matagumpay ang Disaster Risk Management Plan dahil sa ang bawat approach ay may mga kahinaan. C. Maaaring maging mabagal ang pagtugon sa pinsalang dulot ng isang kalamidad dahil sa hindi pagkakasundo ng pambansa at lokal na pamahalaan. D. Patuloy na magiging maayos ang Disaster Risk Management Plan dahil sa ang bawat approach ay mula sa kaalaman ng mga eksperto at ipatutupad ng mga eksperto. PAGTATAYA
  • 68. 4. Sa kabila ng kabutihang dulot ng paggamit ng mga kalakasan ng pinagsanib na Top-Down at Bottom-Up Approach, nagdesisyon pa rin si Panfilo Lacson na gamitin ang “bottom-up approach” sa pagtugon sa pinsalang dulot ng bagyong Yolanda. Ano kaya ang naging dahilan ni Panfilo Lacson sa paggamit niya ng Bottom-Up Approach? A. Mas maiiwasan ang katiwalian sa pambansang pamahalaan B. Mas mabilis na makababangon ang mga tao mula sa bagyong Yolanda C. Mas mapadadali ang kanyang trabaho para sa rehabilitasyon ng nasalantang lugar D. Mas magiging makabuluhan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan (Evaluation) PAGTATAYA
  • 69. 5. Malinaw na pinakamagandang gamitin ang pinagsanib na Top-Down at Bottom-Up Approach. Nakabubuting gamitin ang kanilang kalakasan sa pagtugon sa Disaster Risk Management. Ano kaya ang posibleng masamang dulot ng paggamit ng pinagsanib na approach? A. Posibleng walang kalidad ang tulong na maibibigay sapagkat hindi ito ginawa ng mga eksperto. B. Posibleng magkaroon ng katiwalian sa mga pinunong nangunguna sa Disaster Risk Management Plan. C. Maaaring hindi magkasundo ang pambansa at lokal na pinuno sa pagbuo ng Disaster Risk Management Plan. D. Maaaring mas maging mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan dahil sa mahabang prosesong pagdadaanan ng Disaster Risk Management Plan. PAGTATAYA
  • 70. SANGGUNIAN Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2017