2. Anumang gawain at
kakayahang sa iyo’y
itinalaga paunlarin at
pahalagahan nang talaga
gamitin sa iyong buhay
upang tagumpay
manalasa.
3. MAHALAGANG
TANONG
Bakit mahalagang
matanggap ang
sariling kakayahan at
gawaing iniatang sa
ating buhay?
PAGPAPALALIM NA
GAWAIN
Sa araling ito ay bubuo
ka ng paglalarawan ng
sariling kultura sa
pamamagitan ng
pagsulat at
pagsasalaysay ng isang
maikling kuwentong may
uring pangkatutubong
kulay.
4. Lahat ng tao ay nilikha ng
Diyos na may natatanging
kakayahan, talento, at pangarap
sa buhay. Ikaw, gaano mo kakilala
ang iyong sarili?
Isulat sa loob ng salamin
kung ano ang pinakamagandang
katangian o kakayahang mayroon
ka gayundin ang pangarap mong
maging sa hinaharap.
5. Napipili ang maaaring maging simbolo ng salita
1. pangarap: (araw buwan bituin bagyo
2. pag-asa: (bahaghari ulan bato ulap
3. lungkot: (gabi panyo sundalo ulo
4. pag-ibig: (bulaklak puso buhok walis
5. katatagan: (bato maso papel palay
6. Simula
Sa lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina
ay naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng bato.
Saglit na Kasiglahan
Matagal na rin siyang naglililok ng bato sa ilalim ng sikat
ng araw. Ngunit isang araw ay napaisip siya na sana
hindi na lang kinailangan magtrabaho at maghirap ang
mga tao.
Hashnu, Ang Manlililok ng Bato
7. Suliranin 1
Biglang nagkagulo ang mga tao sa daan kung saan siya
nag-uukit at kanyang nakita ang hari na tila
nagpapakasarap sa kanyang buhay. Napaisip si hashnu
na maganda pala maging isang hari at magkaroon ng
mga utusan. Agad naman siyang nakarinig ng tinig na
nagsasabing "Magiging hari ka". At isang himala ang
nangyari at naging isang hari siya.
8. Suliranin 2
Nung una ay sobrang saya pa niya dahil siya ay maging isang
hari ngunit di nagtagal ay nainitan siya at napaisip na mas
mapangyarihan pa ang araw kaysa sa kanya at hiniling na
maging isang araw.Natupad ang kanyang hiling at dahil sa
sobrang init ay nagtuyo ang mundo at naisipan niya na mas
makapangyarihan ang ulap dahil kaya niyang takpan ang sinag
ng araw kaya humiling na naman siya at ito ay muling natupad.
Suliranin 3
Dahil hindi niya napigilan ang pagbagsak ng ulan ay bumagyo at
nabuwal ang mga puno't halaman at nawalan ng tirahan ang
mga tao.
9. Kasukdulan
Biglang napako ang kanyang mga mata sa mga
bato na hindi man lang natinag, kaya naisipan niya
na maging isang bato at nagkatotoo ang kanyang
hiling at naramdaman na lang niya ang hampas ng
maso sa katawan niya.
Kakalasan
Napagtanto niya na kahit hindi siya natinag ng baha
at bagyo ay kaya naman siyang ililok ng mga tao.
10. Wakas
Hiniling niyang ibalik siya sa pagiging tao at
namuhay ng matiwasay at nagsipag na sa paglililok
ng mga bato.
"Anumang gawain at kakayahang sa iyo'y itinatalaga
paunlarin at pahalagahan nang talaga
gamitin sa iyong buhay upang tagumpay manalasa"
"Hashnu, ang Manlililok ng Bato" Movie Trailer
11. Pagsasalaysay
(Ang Pagsulat ng Kuwento)
Ang Maikling Kuwento ay isang halimbawa ng pagsasalaysay.
Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na may layuning
ikuwento ang mga kawil na pangyayari na maaaring pasalita o
pasulat.
1. May maganda at mabuting pamagat
2. May mahalagang paksa o diwa
3. May wasto o maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
4. May kaaakit-akit na simula
5. May kasiya-siyang wakas
12. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy
at pagtatapos ng balangkas ng isang kuwento
Balangkas ng Kuwentong Iyong Bubuoin
Paano mo ito sisimulan?_____________________
Paano mo ito padadaluyin patungo sa saglit na kawilihan
patungong kasukdulan? _______________________
Paano bababa ang mga pangyayari hanggang sa magwakas
ang iyong kuwento?______________________
13. MGA GABAY NA TANONG:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda?Ano ang kanyang
naramdaman at ninais niyang mabago ang takbo ng
kanyang buhay?
2. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang kanyang pagnanais
na mabago ang kanyang buhay?
3. Anong pangyayari ang bumago sa kanyang buhay bilang
isang manlililok?
4. Naging ganap ba ang kanyang kaligayahan bilang
hari?Ipaliwanag ang iyong sagot.
14. 5. Matapos ang maraming pangyayari sa buhay ni Hashnu,
bakit muli niyang ninais na magbalik sa pagiging isang
manlililok ng bato?Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan
ganito rin ba ang mararamdaman mo? Bakit?
6. Sa lahat ng pagbabago ng kanyang naranasan, ano ang
ugaling nagtulak sa kanya upang maghangad palagi ng
pagbabago?Nakabubuti ba ito sa kanya?Ipaliwanag.
7. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabuhay sa ibang
katauhan o kalagayan, ano kaya ito at bakit?
8. Bilang kabataan, paano mo maipakikita na
pinahahalagahan mo ang mga katangian at kakayahang
ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?