13. Ano kaya ang kahulugan ng ating
pagkabuhay sa mundo?
Ano-anong elemento ba ang kailangan
nating taglayin upang maging
makabuluhan ang ating buhay?
17. KAHULUGAN
Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
May kapayakan at kakaunti ang mga tauhan.
Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi
ng buhay ng tao.
18.
19. 1. KUWENTO NG TAUHAN
Inilalarawan ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa
kanila ng isang mambabasa.
20. 2. KUWENTO NG
KATUTUBONG KULAY
Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit
ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
21. 3. KUWENTONG BAYAN
Nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
23. 5. KUWENTO NG KATATAKUTAN
Mga pangyayaring kasindak-sindak.
24. 6. KUWENTO NG MADULANG
PANGYAYARI
Binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
25. 7. KUWENTO NG
SIKOLOHIKO
Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin
ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at
kalagayan.
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan.
27. 9. KUWENTO NG KATATAWANAN
Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa.
28. 10. KWENTO NG PAG-IBIG
Tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
29.
30. ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili,
tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
31. Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang
maikling kuwento:
Simula at ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing
tauhan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan.
Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa
kapwa, o sa kalikasan.
Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi
kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
32. Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.
Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting
na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging
winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan
ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para
bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya
kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.
35. TAKDANG-GAWAIN
Magsaliksik patungkol sa iba’t ibang teoryang
pampanitikan at kahulugan nito. Isulat ang
iyong nalikom na impormasyon sa iyong
sariling kwaderno.