1. Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na
na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa), sa
(una, ikalawa, halimbawa, at iba pa; isang araw, samantala,
iba pa), (totoo/tunay, talaga, pero/ subalit, at iba pa)
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento
2. ANG KUWENTO NI SOLAMPID
(Maikling Kuwento)
Nina: Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D. Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D
http://www.rexinteractive.com; supplemental pp: 19-20
Mga larawan mula sa:
https://images.app.goo.gl/oGyqJs7aCaU7oE7W6
https://images.app.goo.gl/Tw64vTCj8LhzXQYe8
https://images.app.goo.gl/aKiutgAoreps83h47
https://images.app.goo.gl/XfzqC8DdpXofr5VFA
https://images.app.goo.gl/meEYMve3ZwStbvSA7
https://images.app.goo.gl/4HrWEvRCBE7aaG9M6
Masusing inihanda ni:
G. RICKSON B. SAYDOQUEN, Ed.D
3. TUKLASIN NATIN
Alin sa mga larawang ito ang dapat na mauna?
Pakilagyan ng tamang pagkakasunod-sunod na bilang ang
larawan
4. Alin sa mga larawang ito ang dapat na mauna?
Ikalawa?Ikatlo?
Pakilagyan ng tamang pagkakasunod-sunod na
bilang ang mga larawan
6. GAWIN NATIN
May pagkakaiba ba sa paraan ng
panliligaw noon at ngayon? paano mo
nasabi? pakisulat ang sagot sa kahon na
nasa ibaba.
7. May alam ba kayo sa paraan ng panliligaw
ng mga taga- Mindanao lalo na ang mga
Muslim?maari mo ba itong ibahagi?
Pakisulat ang sagot sa loob ng kahon.
8. Paghawan ng Sagabal
Hanapin sa Hanay B. ang kahulugan ng mga salita
na nasa Hanay A.
Hanay A Hanay B
1. mag-abuloy a. banal na aklat ng mga Muslim
2. tumangis b. magbigay /mag-alay
3. lamin k.uri ng tahanan ng mga Muslim
4. torongan d. lumuha
5. Qu’ran e. tore ng isang prinsesa
9. BASAHIN NATIN
ANG KUWENTO NI SOLAMPID
(Maikling Kuwento)
Nina: Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D. Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D
http://www.rexinteractive.com; supplemental pp: 19-20
Modyul : PDF ng Panitikang Rehiyonal pahina: 54
10. Noong unang panahon, may mag- asawang datu at ba’i
sa Agamaniyog na may isang anak na babae na
nagngangalang Solampid. Pinag-aral siya sa isang
paaralan sa Antara a Langit na matatagpuan sa pagitan
ng langit at lupa. Ipinadala siya upang mag- aral ng Banal
na Qu’ran, hanggang sa umako siyang napakagandang
dalaga. Naging guro niya si Somesen sa Alongan. Hindi
nagtagal, nagkasakit ang datu ng Agamaniyog. Malubha
ang sakit nito at ipinaalam kay Solampid. Umuwi si
Solampid at pinuntahan ang kanyang ama.
11. “Oh ama, ano ang nangyari sa’yo?” ang nag- aalalang tanong
ng dalaga. Sumagot sa kanya ang ama, “Mahal kong anak,
malapit na yata akong mawala sa mundong ito. Gusto kong
basahin mo sa akin ang Qu’ran bago ako mamatay at huwag
mong kalilimutang mag- abuloy sa mga mahihirap o magbigay ng
‘sadaka’ sa aking pangalan.”
“Oo, ama, ikinagagalak ko pong gawin lahat ng
kahilingan mo,” ang sagot ni Solampid. Umupo siya sa tabi ng
amang maysakit at sinimulan niya ang pag-awit ng bawat
bersikulo ng Qu’ran. Nang marinig ang kanyang boses, tumigil ang
ihip ng hangin at ang mga dahon ay tumigil sa paggalaw. Pati na
rin ang mga ibon ay tumigil sa paglipad upang makinig sa pag-awit
ni Solampid. Pagkatapos na mabasa niya ang Qu’ran, namatay
ang kanyang ama.
12. Tumangis nang malakas ang dalaga, “Nanalangin ang lahat sa kaisa-isa nating
Panginoon! Oh ama, bakit mo kami iniwan sa mundong ito?” Umiiyak si Solampid
patungo sa kanyang ina at niyakap ito. Umiiyak din ang lahat ng nasa bahay. Inihanda
ang datu para sa kanyang libing.
Pagkatapos ng pagdadasal, inilibing ang datu sa Agamaniyog. Sumunod
naman ang pang-araw-araw na dasal at pagkatapos, bumalik na si Solampid sa
Antara a Langit. Pagkatapos ng ikasandaang araw mula nang mamatay ang ama ni
Solampid, bumalik na siya para sa isang kaugaliang sinusunod ng kanyang ama.
Tinulungan ni Solampid ang kanyang ina sa paghahanda ng pagkain para sa mga
bisita. Nang mga oras na iyon, nanonood sa kanya ang kanyang guro na si Somesen
sa Alongan at inihulog niya ang isang sulat na may larawan niya para kay Solampid.
Sinadya niyang ihulog ang mga ito sa harap ni Solampid. Kinuha ng ba’ing
Agamaniyog ang sulat na may larawan. Pumasok kaagad ito sa kanyang silid at
itinago ang sulat. Bago niya itinago, tiningnan muna niya ang larawan ni Somesen sa
Alongan at humanga siya sa kagandahang lalaki nito.
13. Abala naman si Solampid sa paghahanda ng pagkain para sa
mga bisita at pagkatapos ay pinakain niya ang lahat ng mga
naroroon. Para sa alaala ng kanyang ama ang paghahandang ito.
Pagkatapos ng lahat, pumunta na si Solampid sa “lamin”, ang tore
ng prinsesa upang matulog. Nanaginip siya na may isang
matandang lalaki na pumunta sa kanya at nagsabing, “Solampid,
hindi mo ba alam na si Somesen ay naghulog ng sulat at larawan
para sa iyo ngunit kinuha ng inyong ina at doon itinago sa kanyang
kahon? Gumising ka at buksan mo ang kahon at kunin mo ang
sulat.” Gumising si Solampid at sinunod ang sinabi ng matanda. At
natagpuan niya doon ang sulat at larawan. Binasa niya ang sulat.
Para sa ina ni Solampid ang sulat at nagsasabing umiibig si
Somesen sa Alongan kay Solampid at gusto rin niyang pakasalan
ito. Sinunog ni Solampid ang sulat.
14. Kinuha niya ang larawan at dali-dali siyang umalis ng bahay. Nang
dumating ang kanyang ina, kaagad namalayan niyang bukas ang kanyang
kahon. Nalaman niyang wala na ang larawan at sulat. Alam din niya na
walang ibang magbubukas ng kahon maliban sa kanyang anak. Pumunta
siya sa “lamin” ngunit wala na si Solampid. Bumaba siya at nakita niya
itong papalayo na sa “torongan”. Galit na galit ang ina ni Solampid.
Kumuha ito ng kutsilyo at nagbalak na patayin si Solampid. Muntik na
niyang maabutan ito ngunit tumalon ito sa ilog. Lumangoy siya hanggang
sa makarating sa kabilang dako ng ilog. Lumakad siya nang lumakad
hanggang sa makarating siya sa isang bahay na may dalawang matanda.
Bingi ang isang matanda at bulag naman ang isa. Pumasok kaagad si
Solampid sa bahay at nagtago. Dali-dali niyang isinara ang pinto.
Maya-maya, dumating ang kanyang ina, hinanap si Solampid doon ngunit
nabigo siya. Hindi niya nakita si Solampid kaya bumalik siya sa kanilang
bahay.
15. Pagkaraan ng ilang araw, may tatlong magkakapatid
na binatang dumating sa bahay na pinagtataguan ni
Solampid. Nagtago si Solampid sa silid ngunit nakita rin
siya. Nakinig ang magkakapatid sa kanyang kuwento at
napagkasunduan nilang ituring siya na kanilang sariling
kapatid. Dahil sa natuklasan din nilang may maganda
itong boses, pinakiusapan ang kanila gurong si Rajah
Indarapatra na tanggapin si Solampid na isa sa
kanilang mga mag-aaral. Hindi nagtagal umibig si
Rajah Indarapatra kay Solampid at pinakasalan ito.
16. LINANGIN NATIN
(Gawain 1)
1. Paano ipinakita ng babae ang kaniyang paninindigan sa
buhay?
2. Makatuwiran ba ang ginawa ng ina sa anak niya?
3. Tama bang bigyan ng pagkakataon ng Rajah ang babae
na nauwi sa kasalan?
4. Isa-isahin ang mga katangian ng mag-anak sa kuwento.
Sa mga tauhan, sino sa kanila ang nagiging makatuwiran?
bakit mo nasabi?
17. 5. Nagustuhan mo ba si Rajah Indarapatra? ano-anong
mga katangian ang nakukuha mo sa kaniya?
6. Bakit kaya hindi nagkatuluyan ang dalagang si
Solampid kay Somesen?
18. (Gawain 2)
Basahin at unawain:
Ilang gabi nang nababahala ang mga mamamayan ng Barangay 657. Baka maulit muli
ang nakawan kung hindi sila mag-iingat. Nakarating sa Barangay ang suliraning ito kaya
kaagad nagpatawag ng pulong ang Punong Barangay. Inatasan niya ang mga tanod na
maging mapagmatyag. “ kung sakaling may kahina- hinalang kilos,” ayon sa kaniya. “
Ireport ninyo kaagad.”
Napag-alaman din na titiyakin nila na masusunod ang pagpapairal ng Curfew. Sabi nga
ng Punong Barangay, “Papayagan lamang ang menor de edad kapag kasama ang kanilang
mga magulang.
Sabi ng isang residente, “kung nakiisa lamang tayo sa barangay, marahil , hindi
maglalakas–loob ang mga magnanakaw na gumawa ng mali” kaawa-awang mga biktima.
19. 1.Tungkol saan ang binasa?____________
2.Paano sinikap ng Barangay na malutas ang
suliranin ng pook?________________
3.Bilang residente ng isang barangay paano ka
naman makatutulong sa inyong pook?______
4.Pansinin ang mga nakaitalikong salita, ano kaya
ang tawag natin sa mga salitang ito?_____
20. TANDAAN NATIN
Alam mo ba na……
Ang retorikal na pang-ugnay ay nag-uugnay ng salita o pahayag na
nagsasaad ng walang katiyakan o pag-aalinlangan sa pagkakaganap ng kilos o
kondisyon
Narito ang mga gamit ng Retorikal na Pang-ugay:
1. Baka – Nagsasaad ng walang katiyakan.
Halimbawa: Baka hindi nakapagtapos sa pag-aaral si Arturo kung hindi
siya hinamon ng kaniyang ama.
21. 2. Sakali – Nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa: Sakaling hindi nagsikap ang ina
na mapagkasundo ang mag-ama ay patuloy na
maghihinanakit si Arturo sa kaniyang ama.
22. 3. Kung – Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon.
Halimbawa: Kung nakinig din sana ang mga kapatid niya,
marahil ay matagumpay din sila.
4. Kapag – Nagsasabi ng tiyak na kondisyon.
Halimbawa: Papayagan lamang si Arturo na makipagkita sa
kasintahan kapag araw ng Linggo.
5. Disin sana – Nagsasaad ng kondisyon.
Halimbawa: Kung nakinig agad siya sa kaniyang ina, disin sana
ay nakasama pa niya nang matagal ang kaniyang ama.
23. PAGYAMANIN NATIN
PAGSASANAY A. Basahin at kopyahin ang sumusunod na pangungusap sa iyong
kuwaderno. Pagkatapos, salungguhitan ang retorikal na pang-ugnay na ginamit at
ipaliwanag kung paano ito ginamit sa pangungusap.
1. “Kung gusto mong kaawaan kita dapat magkaroon ka rin ng habag sa mga kasamahan
mo,” ang sabi ng amo sa katulong.
2. Baka mabigyan pa siya ng pagkakataon na makabayad sa kaniyang pagkakautang.
3. Sakaling makita ng ibang katulong ang nangyari ay pupuntahan nila ang amo para
makapagsumbong.
4. Kapag hindi nagbago ang katulong ay parurusahan siya ng kaniyang amo.
5. Kung alam lang ng amo na magiging buktot ang katulong disin sana ay hindi na niya ito
kinaawaan
24. PAGSASANAY B.
Basahin at unawain ang kasunod na talata. Suriin ang mga retorikal na
pang-ugnay na ginamit sa pangungusap nang nasabing talata. Piliin sa
kasunod na kahon ang angkop na pang-ugnay at isulat ito sa sagutang
papel.
Laging nauuna ang mga estudyante sa balita ______walang
pasok. Abala sila sa pagte-text sa kanilang mga kaklase at mga
kaibigan ______ ano ang puwede nilang gawin habang walang pasok.
_______may takdang-aralin na ibinigay ang guro ay pinag-uusapan nila
________
25. ano ang kanilang gagawin upang wala na silang maging
problema. Marami ang masaya _______walang klase pero para
sa iba mas nais nilang pumasok para may matutuhan silang
bago. Nag-aalala ang iba _______ magkaroon ng pasok ng
ilang Sabado upang gawing pamalit sa mga araw na walang
klase. _______ay pumasok na lamang sila kaysa mapalitan pa
ito sa mga araw na itinuturing nilang pahinga.
baka sakaling kapag disin sana kung
(mula sa Panitikang Rehiyonal pahina 54-55)