8. Pandiwa
- nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay
sa isang lipon ng mga salita
- binubuo ng salitangugat at panlapi
- Maaaring gumagamit ng isa o higit pang
panlapi sa pagbuo ng salitang kilos
- Maaaring gumagamit ng isa o higit pang
panlapi sa pagbuo ng salitang kilos
9. Ang aspekto ng pandiwa ay
nagpapakita kung kailan
nangyayari o ipagpapatuloy pa ang
kilos.
10. Aspektong Naganap o Perpekto – ito ay nagsasaad na tapos nang
gawin ang kilos.
Halimbawa:
Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang
negosyante.
Pawatas Perpektibo
Umalis umalis
Magnegosyo nagnegosyo
Bigyan binigyan
11. 2. Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong
katatapos pa lamang ng kilos. Nabubuo ito sa pamamagitan
ng paglalagay ng panlaping “ka” at pag-uulit sa unang
pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong
perpektibo.
Halimbawa:
Pawatas Katatapos
Magbigay kabibigay
Mag-ayos kaaayos
Mag-usap kauusap
12. 3. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay
nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa
ring ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa:
Pawatas Imperpektibo
Magpasalamat nagpapasalamat
Ipaalam ipinapaalam
13. 4. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang
kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Pawatas Kontemplatibo
Mabunga magbubunga
Kumita kikita
Kumilos kikilos
14. Aspekto ng Pandiwa
1. Pangnagdaan.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing natapos na.
Halimbawa:
Nabatid mo ba ang tungkulin at
pananagutan mo sa ating bansa?
15. 2. Pangkasalukuyan.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing
nasimulan na ngunit ipinagpapatuloy pa
rin.
Halimbawa:
Kailangang gisingin an gating
kamalayan sa nagaganap sa ating paligid.
16. 3. Panghinaharap.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing
isasagawa o magaganap pa lamang.
Halimbawa:
Madarama mo ang wagas na pakikipag-
isa sa layunin ng makabuluhang pamumuhay
kung maging tapat ka sa iyong sarili.
18. Pokus ang tumutukoy sa
kaugnayang pambalarila na
matatagpuan sa pandiwa at sa isang
kaganapang pandiwang karaniwan
nang pinangungunahan ng panandang
pampokus na ang.
19. 1. Pokus sa actor o tagaganap.
Ang gumaganap ng kilos ang simuno.
Halimbawa:
Humihitit ka na naman.
20. Tuwirang layon ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Tinatakpan nito ang lahat ng daanang
hangin n gating katawan.
2. Pokus sa layon o goal
21. 3. Pokus sa benepaktibo o pinaglalaanan.
Ang kaganapang pinaglalaanan ng kilos
ang simuno.
Halimbawa:
Pinagmamalasakitan ng may-ari
ang mga kabataang nalulong sa
paninigarilyo.
22. 4. Pokus sa ganapan o lokatib na pokus.
Ang ganapan o ang pinangyarihan ng kilos ang simuno ng
pangungusap.
Halimbawa:
Ang tindahang binibilihan mo ng sigarilyo ay
nagsara.
5. Instrumental o pananangkapan na pokus.
Ang instrumento ang simuno sa pangungusap.
Halimbawa:
Ipinang-alis niya ng bisyong paninigarilyo ang
pagsipsip ng kendi o pagkain ng tsokolate.
23. 6. Kawsatibong pokus.
Ang dahilan o sanhi ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Ikinamatay ng tatay mo ang kanser sa baga.
7. Pokus resiprokal.
Ang resiprokal ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Pinakiusapan siya ng nanay mo na
makipagtulungan sa proyekto ng Kagawaran ng
Kalusugan, ang “Yosi, kadiri.”
24. Mga Uri ng Pandiwang Di-Karaniwan
1. Maykaltas
Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita.
Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)
2. Maylipat
Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.
Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)
25. 3. Maypalit
Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan
ng iba.
Halimbawa:
Hagkan (halikan), datnan (datingan),
tawanan (tawahan)
4. Metatesis
(pagkakaltas + paglipat)
Halimbawa:
mangtahi = mananahi
mambato = mamato
26. Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng
panlaping pag- at salitang ugat.
pag + sukat = pagsukat
pag + tulong = pagtulong
Mga Gamit ng Pangngalang Pandiwa
27. 1. Bilang Simuno ng Pangungusap
Halimbawa:
Ang paggalang sa matanda ay isang
mabuting asal.
2. Tuwirang Layon sa Pandiwa
Halimbawa:
Si Karl ay mahilig maglaro ng computer.
28. 3. Bilang Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:
Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.
4. Bilang Di-tuwirang Layon
Halimbawa:
Si Patrick ay magtatayo ng paaralan ukol
sa pagtuturo ng Ingles.