3. Nakapag-aaral tayo sa silid-
aralan. May mga upuan para
sa bawat mag-aaral. May
napagsusulatan ang bawat
upuan. May pisara rin sa silid-
aralan. Nagsusulat ang guro
sa pisara habang tayo ay
tinuturian.
4. Nakababasa tayo ng mga
libro sa silid-aklatan.
Nakapagsusulat at
nakapag- aaral tayo rito.
Nakagagamit din tayo ng
iba’t-ibang aklat at mga
kagamitan sa pagkatuto
sa silid na ito.
5. Iba’t-ibang pagkain at
inumin ang ating
mabibili sa kantina.
Pumipila tayo nang
maayos upang makuha
natin ang ibig nating
kainin at inumin dito.
6. Pumunta tayo sa klinika
kapag tayo ay
nasaktan o sumama
ang ating pakiramdam.
Dito nalalapatan ng
lunas ang ating
kalagayan o
karamdaman.
7. Ginagamit natin ang
palikuran kung tayo
ay iihi, dudumi, o
mag- aayos ng sarili.
Dapat natin itong
gamitin nang maayos
at panatilihing
malinis.
9. Mahirap mag-aral
kung maingay at
magulo ang
kapaligiran.
Makapag-aaral tayo
nang mabuti at
tahimik at kaaya-aya
na kapaligiran.
10. Kapag marumi at
mabaho ang
kapaligiran, tayo ay
nalalagay sa panganib.
Mahirap mag- aral
kapag ganito ang
Ligtas tayo sa malinis at
maayos na kapaligiran.
Malayo tayo sa
aksidente
at sakit. Makapag-aaral
tayong mabuti kapag
ganito ang lugar.