2. Ito ang opisina ng aming punong-
guro. Dito siya tumatanggap ng mga
panauhin. Dito rin siya nakikipag- usap sa
mga guro at iba pang kaibigan sa
paaralan.
Opisina ng Punong-guro
3. Ito ang aming silid- aralan. Dito
kami tinuturuang bumasa, sumulat, at
bumilang. Dito rin kami natututong
umawit at tumula.
Silid- aralan
4. Ito ang aming silid- aklatan. Dito
kami nagbabasa at humihiram ng mga
aklat. Minsan, ditto rin naming ginagawa
ang aming takdang- aralin.
Silid- aklatan
5. Ito ang aming klinika. Dito kami
nagpapagamot at nagpapahinga kung
kami ay mag- sakit.
Klinika
6. Ito ang aming kantina. Dito kami
bumibili ng pagkain at kumakain.
Kantina
7. Ito ang aming palaruan. Dito kami
naglalaro.
Palaruan