4. May mga lingkod sa paaralan na
namamahala sa edukasyon ng mga
mag- aaral. Sila ang mga pangunahing
lingkod sa paaralan.
5. Ang punong- guro ang
pinuno ng paaralan.
Tungkulin niya na ipatupad
ang mga programa ng
paaralan para sa pagkatuto
ng mga mag- aaral.
Punong- guro
6. Ang guro ang nagtuturo
ng mga aralin. Tinuturuan niya
ang mga mag- aaral upang
matuto ng mga kailangang
kasanayan. Siya ang
pangalawang magulang ng
mga mag- aaral sa paaralan.
Guro
7. Natututo ng kaalaman ang bawat
mag- aaral dahil sa mga pangunahing
lingkod sa paaralan.
9. May mga lingkod sa paaralan na
ang tungkulin ay tiyaking malusog at
ligtas sa sakit ang mga mag- aaral.
Sila ang mga tagapag- alaga sa
kalusugan.
10. Ang doktor ang tumitingin
sa kalusugan ng mga mag-
aaral. Ginagamot niya ang mga
mag- aaral na may sakit
habang nasa loob ng paaralan.
Nagbibigay siya ng mga gamot
at bakuna, kung kailangan.
Doktor ng Paaralan
11. Ang nars ang katulong ng
doktor sa pag- aalaga sa
kalusugan ng mga mag- aaral.
Siya ang kumukuha at
nagtatala ng taas at timbang ng
bawat mag- aaral sa simula ng
pasukan.
Nars ng Paaralan
12. Ang dentista ang nag-
aalaga sa mga ngipin ng mga
mag- aaral sa paaralan.
Nagbibigay rin siya ng payo
sa wastong pag- aalaga ng
ngipin.
Dentista ng Paaralan
13. Natututo ang bawat mag- aaral ng
wastong pag- aalaga sa katawan dahil
sa mga lingkod na nag- aalaga sa
kalusugan.
15. May mga lingkod sa paaralan na
tumutulong sa iba pang kailangan ng
mga mag- aaral sa paaralan.
16. Ang librarian ang
namamahala sa silid- aklatan
ng paaralan. Sa kaniya
humihiram ng aklat ang mga
mag- aaral.
Librarian
17. Ang tindero o tindera
ang nagbibili at nagsisilbi ng
pagkain sa kantina ng
paaralan. Tinitiyak niya na
malinis ang mga pagkain at
kasangkapan.
Tindero o Tindera sa Kantina
18. Ang guwardiya ang may
tungkulin na tiyaking ligtas ang
mga tao sa loob ng paaralan.
Sinusuri niya ang mga gamit ng
lahat ng taong pumapasok at
lumalabas sa gate ng paaralan.
Guwardiya
19. Ang dyanitor ang
naglilinis sa loob at sa paligid
ng paaralan. Siya rin ang
namamahala sa maayos ng
pagtatapon ng mga basura.
Dyanitor
20. Tumutulong ang mga lingkod sa
paaralan sa pagbibigay ng iba pang
kailangan ng mga mag- aaral.