1. Mga Antas ng Wika
Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy
ang iba’t ibang antas ng wika
2. Ang antas ng wika ay nahahati sa dalawang
kategorya: ang di-pormal at pormal.
• Sa di-pormal, ang wika ay
maaaring kolokyal, balbal,
o panlalawigan.
• sa kategoryang pormal,
ang wika ay maaaring
pampanitikan o pambansa.
3. Di-Pormal na Wika
• Di-pormal ang wika kapag ito ay ginagamit sa
pang-araw araw na pakikipag-usap.
• Mayroon itong tatlong antas: kolokyal, balbal, at
panlalawigan.
4. Kolokyal
• Ito ay wikang ginagamit natin sa araw-araw na pakikipag-
usap. Hindi rin ito kinakailangang nakasunod sa
estruktura at mga alituntunin ng balarila.
• Ilang halimbawa nito ang mga salitang “Tara!” at
“Musta?”
5. Balbal
• Ito ay mga salitang nagbabago ang kahulugan sa paglipas ng
panahon. Madalas din itong naririnig na ginagamit sa
lansangan.
• Halimbawa
“lapang” (para sa pagkain),
“erpat” (para sa tatay)
baduy!” (para sa nagsusuot ng damit na hindi na uso).
6. Panlalawigan
• Ito ay kilala rin sa tawag na diyalekto, o wikang ginagamit sa isang
tiyak na pook o lugar. Bawat diyalekto ay may sariling tono at
pagpapakahulugan sa mga salitang nakapaloob sa wika.
• Halimbawa, ang wikang Tagalog ay may iba’t ibang diyalekto. Ang mga nakatira sa mga
lalawigan ng Zambales, Bulacan, Mindoro, Batangas, Aurora, Quezon, Cavite, Laguna, Rizal,
Marinduque, gayundin sa Kamaynilaan, ay may iba’t ibang paraan at estilo ng paggamit ng
Tagalog.
7. • Dahil may magkakaibang tono at pagpapakahulugan ng mga salita, maaaring magkaiba ang
maging pag-unawa sa isang pangungusap o pahayag.
Halimbawa, kapag sinabing “Nakain ka ba
ng isda?” Ano ang naiisip mong
pakahulugan? Isang taong kumakain ng
isda? O isang taong kinakain ng isda?
8. Pormal na Wika
•Ang wika naman na nasa kategoryang pormal ay
ginagamit at kinikilala ng marami o mas malaking pangkat
ng tao. Mayroon itong dalawang antas: wikang pambansa
at wikang pampanitikan.
9. Pampanitikan
•Ito ay wikang ginagamit natin sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan
tulad ng tula, kuwento, at sanaysay.
Dahil dito, ang mga salitang gagamitin ay dapat na piliing mabuti at ang
pagsasaayos ng mga ito ay batay sa tamang estruktura at balarila.
Halimbawa: “lundayan,” “marikit,” at “sinisinta.”
10. • Itinituring itong pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ang
wikang ito sa pamahalaan, paaralan, at sa pakikipagtalastasan.
Gaya ng wikang pampanitikan, ang wikang pambansa ay mayroon
ding estruktura at nakabatay sa mga alituntunin ng balarila. Bahagi
ng wikang ito ang mga salitang “kalayaan,” “edukasyon,”
“pulitika,” at “ekonomiya.”
Pambansa
11.
12. •Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang antas ng wika?
2. Ilan ang antas ng wika?
3. Anong antas ng wika ang pinakakilala at
ginagamit ng mas nakararami?
13. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang
mga antas ng wika? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
14. Tukuyin kung anong antas ng wika kabilang ang sumusunod na
salita. Piliin ang iyong sagot mula sa kahon.
pambansa , pampanitikan, panlalawigan, balbal , kolokyal
1. bana
2. marilag
3. repa
4. tara
5. rapsa
6. kanlungan
7. pamahalaan
8. lodi
9. kapayapaan
10.uy
15. ¼ Gawin Natin
Gumamit ng mga salitang may magkakaparehong kahulugan sa iba’t ibang antas ng wika, tulad ng
ginawa sa talakayan. Maaaring pumili at magbigay ng sariling sitwasyon kung saan gagamitin ang salita
sa iba’t ibang antas. Ilahad o ibahagi ang iyong sagot sa klase.
Sitwasyon:
Antas Salita/Pahayag
Kolokyal
Balbal
Panlalawigan
Pampanitikan
Pambansa
16. ½ Takdang Aralin Magsaliksik ng mga salitang panlalawigan na may ibang katumbas sa
wikang ginagamit sa Kamaynilaan. Magtala ng 15 salita. Pagkatapos ay gamitin ang mga
salitang ito sa pangungusap at talakayin kung anong antas ng wika ito kabilang.
Panlalawigan Gamit sa Kamaynilaan Pangungusap