2. •Ano ang internet at social media?
•Ano-ano ang gamit ng wika sa internet at social
media?
•Ano-ano ang pangunahing katangian ng wika
ng Internet at social media?
Alamin ang mga sagot sa araling ito!
3. Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
•nabibigyang kahulugan mo ang internet at social media ;
•natutukoy mo ang iba’t ibang paggamit ng wika
sa internet at social media ; at
•nakikilala mo ang mga katangian ng wika
ng internet at social media.
4. Gamit ng Wika sa Internet at Social
Media
Kasabay nang mabilis na pag-unlad ng
teknolohiya sa larangan ng komunikasyon ay
ang pagbabago ng ugnayang pantao. Kasama
sa pag-unlad na ito ay ang bagong usbong na
gamit ng wika para sa internet at social
media.
5. Ang Internet at Social Media
•Ang internet ay network o daluyan ng pandaigdigang komunikasyon na
dumadaloy sa mga computer sa buong mundo upang makapag-ugnayan sa isa’t isa
ang mga tao at makapagpalitan ng mga impormasyon.
•Ang social media ay mga website at application na kailangan
ng internet at computer o anumang gadget gaya ng tablet, cellphone, at iba pa.
• Ang social media ang nagiging daan upang ang mga tao ay makalikha,
magpamahagi, at makipagpalitan sa mga virtual community ng impormasyon,
ideya, at mga interes sa pamamagitan ng mga teksto, larawan, at video.
Halimbawa: Facebook, Twitter, Instagram, LinkedIn, at Youtube
6.
7. Ang Wika sa Internet at Social Media
Maraming maaaring gawin sa internet at social media na makapagpapaunlad ng
wika.
Nakapagdodokumento ng mga alaala
•Paglalagay ng mga litrato sa Facebook na may maiikling caption at naka-tag sa
mga taong nasa larawan
Nagtuturo ng mga bagong bagay
•Panonood ng cooking show sa Youtube upang matutong magluto ng bagong putahe
Naipakikilala ang sarili
•Paglalagay ng mga mga credentials sa LinkedIn upang makita ng mga naghahanap
ng empleyado
8. Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
•Sa tulong ng Facebook, nalalaman kung sino ang mga “friends” ng iyong mga
kaibigan na maaari mo ring maging kaibigan sa pamamagitan ng pagpindot
sa icon na add friend
Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa
at tagapakinig
•Pagsusulat sa Facebook at Twitter ng mga opinyon ukol sa kung sino ang
pinakadapat na maging pangulo ng bansa
•Pagsusulat sa Twitter ng mga kuwento at tula na may habang 140 characters
Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag
•Paggamit ng mga acronym tulad ng lol (laugh out loud)
•Paggamit ng emojis gaya ng smiley upang magpahayag ng damdamin
9. Katangian ng Wika ng Internet at Social Media
Impormal at personal
•Pinapaboran ang kaswal na wika sa mga video sa Youtube upang mas makahikayat
ng mga manonood.
Mas maikli
•Sa Twitter ay maaaring magsulat ng hanggang sa 140 na characters lamang.
Dinamiko o pabago-bago
•Maraming sumusulpot na emojis na mayroong iba’t ibang kulay ayon sa kulay ng
lahi ng gagamit nito. Magagamit ang emojis hindi lamang sa pakikipag-
chat sa Facebook, Messenger, gayundin sa mga post ng Facebook,
Twitter at Instagram.
10. Mga Paalala
•Sikaping mapanatili pa rin ang paggamit ng pormal na
antas ng wikang gamit sa pormal na mga pag-uusap.
•Maging matalino sa paggamit ng Internet at social
media.
•Hindi lahat ng mga mababasa at mapapanood
sa Internet at social media ay totoo kaya iwasang
magbigay ng agarang komento.
11. Mahahalagang Kaalaman
•Gamit ang internet at social media, nagkakaroon ng
mga panibagong paraan ng pagpapahayag ang tao.
• Nagkakaroon ng ugnayan ang mga magkakalayo.
• Nababalik-balikan ang mga naging usapan.
•Naipahahayag ang pagsuporta o pagsang-ayon sa isang
pahayag sa social media hindi lamang sa paraang
pasulat gayundin sa pagbigay ng “like”, “heart”, “smile”,
at iba pa, o kaya naman ay sa pag-“share” nito.
12. Question 1
Ano ang social media?
1Ito ay makinarya para sa pakikipag-ugnayan ng tao
2Ito ay kasangkapang teknolohikal
3Ito ay mga website at application
4Ito ay koneksyong dumadaloy sa mga computer
Ang social media ay mga website at application na nagiging daan
upang ang mga tao ay makalikha, magpamahagi, at makipagpalitan sa
mga virtual community ng impormasyon, ideya, at mga interes sa
pamamagitan ng mga teksto, larawan, at video.
13. Question 2
Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng gamit ng wika sa Internet at social
media?
1Nagtuturo ng mga bagong bagay
2Nakapag-aabot ng utos
3Nakapagdodokumento ng mga alaala
4Naipakikilala ang sarili
Maaaring maglaman ng may bahid pag-uutos ang kahit na
anong post gaya ng larawan o anumang sulatin ngunit tandaan na
hindi ito ang pangunahing gamit ng wika sa Internet at social media.
14. Question 3
Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng mga katangian ng wika
sa internet at social media?
1Pormal
2Pabago-bago
3Maikli
4Personal
Ang wika sa Internet lalo sa social media ay tila
nakikipag-usap lamang, maikli, tiyak, at impormal.
15. Question 4
Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa
sitwasyon.
Pagkakaroon ng mga “meme” o mga litratong may caption na naglalarawan ng
senaryo para sa taong nasa litrato.
1Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag
2Nagtuturo ng mga bagong bagay
3Nakapagdodokumento ng mga alaala
4Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
Ang mga katulad ng meme ay kasama sa mga pagbabagong dulot ng palitan ng
impormasyon sa social media. Kung gayon, masasabing ang pagkakaroon ng
mga meme ay paggamit ng wika upang makabuo ng mga bagong paraan ng
pagpapahayag.
16. Question 5
Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa
sitwasyon.
Nagiging curator ang sinumang mahilig magpost ng mga litrato sa
kanilang Instagram account sa pamamagitan ng kanilang pagpili ng mga
larawan para sa bawat temang nais nila at pagsulat ng mga angkop na caption.
1Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
2Naipakikilala ang sarili
3Nagtuturo ng mga bagong bagay
4Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at
tagapakinig
Ang pagbabahagi ng mga kinuhang litrato ay paggamit ng wika
ng Internet at social media upang makalikha ng bagong content na maibabahagi
sa mga mambabasa maging sa tagapakinig.
17. Question 6
Tukuyin kung anong gamit ng wika sa Internet at social media ang tinutukoy sa
sitwasyon.
Ginagamit ng mga internet users ang mga forums upang makakilala ng mga
magkakatulad ng interes at doon ay makapag-usap.
1Nakapagdodokumento ng mga alaala
2Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
3Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag
4Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at
tagapakinig
Ang pagsali sa mga forum ay daluyan ng paggamit ng wika
upang makabuo at magpanatili ng mga ugnayan.
18. Question 7
Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa
sitwasyon.
Sa mga vines ay makahahanap ng mga video na nagbabahagi ng mga paraan kung
paano magsagawa ng calligraphy.
1Nagtuturo ng mga bagong bagay
2Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
3Naipakikilala ang sarili
4Nakapagdodokumento ng mga alaala
Sa tulong ng social media, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na
magpakita ng kanilang talento at ibahagi ito sa paraan ng pagtuturo kung kaya’t
masasabing ito ay isang halimbawa ng paggamit ng wika ng social media upang
matuto ng mga bagong bagay.
19. Question 8
Tukuyin kung alin ang pinakaakmang halimbawang senaryo para sa gamit ng wika
sa internet at social media na nakapagdodokumento ng mga alaala.
1Nakikipag-usap ang iyong kapatid gamit ang messanger na pawang
mga emoticons ang kaniyang ipinapadala sa kausap.
2Nanonood sa Youtube ang iyong ama ng kung paano linisin ang makina ng kotse.
3Hinahanap ng iyong ina sa facebook ang kaniyang kaklaseng matagal nang hindi
nakakausap.
4Nais ipagmalaki ng iyong kapatid ang kaniyang pagkapasa sa bar exam.
Ang pagpasa sa bar exam ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
umaasang maging abogado. Sa pagkakataong mangyari ito ay tiyak ang pagnanais
na ipagmalaki ito gamit ang social mediaupang marami ang agad na makaalam.
Ang sitwasyong ito ay paggamit ng social media sa pagdokumento ng alaala.
20. Question 9
Ang iyong kaibigan ay sumusubok ng isang uri ng anyo ng pagmensahe at ng
iba’t ibang filter upang siya ay makapagpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng
pag-iibang-anyo ng kaniyang mukha.
1Dinamiko ang gamit ng wika sa Internet at social media
2May kinikilingan ang gamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may
mga mapang-api na paraan ng pagpapahayag
3Mahal ang paggamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may mga
hindi makapagpahayag ng sariling saloobin
4Limitado ang gamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may mga
mapagpipilian lamang na mga paraan ng pagpapahayag
Dahil ang wika sa Internet ay mula sa iba’t ibang antas ng karunungan, kultura, at teknolohiya, may
mga katulad ng gayong pangyayari na nagpapayabong sa mga kalakaran ng social media. Patunay na
ang wika ng Internet at social media ay dinamiko dahil sa mga nag-aambag ng karunungan.
21. Question 10
Nagpost ang iyong kaibigan sa kaniyang blog ng mga dahilan kung bakit ayaw
niyang bumoto sa darating na eleksyon sa wikang Taglish. Nang hingan siya ng
pagninilay-nilay na papel ng inyong guro tungkol sa kaniyang tindig sa isyu ng
pagboto, ipinasa niya ang kaniyang sinulat sa kaniyang blog. Ibinalik ng inyong guro
ang kaniyang papel at hiningi sa kaniyang isulat muli. Mula sa sitwasyon, ano ang
maaaring dahilan kung bakit hindi tinanggap ang kaniyang blog post?
1Kung hinihingi ng guro na may mga pansuportang datos ang mga pahayag ay hindi
tatanggapin ang blog post
2Para sa isang sulatin ang hinihingi ng guro kaya hindi puwede ang blog post
3Ang wika sa Internet at social media ay nasa kaswal o kaya ay impormal na antas
ng wikang gamit
4Hinihingi ng guro na may kaayusan ang pagkakasulat kaya kailangan ng muling
pagsulatAng
22. Ang wika ng social media ay tuwirang impormal na tila kaswal lamang
na pakikipag-usap ang nagaganap kapag iyong binabasa. Maaari
namang maging pormal kung may kahilingang pormalidad.
Editor's Notes
vir·tu·al com·mun·i·ty
noun
plural noun: virtual communities
a community of people sharing common interests, ideas, and feelings over the Internet.
LinkedIn is a business- and employment-oriented social networking service that operates via websites and mobile apps
documentverb [ T ]
UK /ˈdɒk.jə.ment/ US /ˈdɑː.kjə.ment/
to record the details of an event, a process, etc.