2. Apat na pamantayan ng wika ayon sa
sosyo-edukasyonal na pangkat na
ginagamitan ng wika:
Balbal (slang) ang pinakamababa.
Kasama rito ang barbarismo at kurupsyon
sa tunog at kahulugan. Mga salitang
nalikha at ginagamit sa mga lansangan.
Halimbawa:
Ihaw, bebot, praning, yosi
3. Apat na pamantayan ng wika
ayon sa sosyo-edukasyonal na
pangkat na ginagamitan ng wika:
Lalawiganin – Ang mataas –taas ngunit
ukol sa isang pook lamang at sa
katunayan ay isang diyalekto sa loob ng
isang wika.
Halimbawa:
ibad – negra uyab - kasintahan
gamay- maliit
4. Apat na pamantayan ng wika
ayon sa sosyo-edukasyonal na
pangkat na ginagamitan ng wika:
Kolokyalismo – ang anyo ng wika na
ginagamit sa mga impormal na usapan.
Kasama sa ganitong anyo ng wika ang lokal
na idyoma, balbal, o pinaikling pahayag na
ginagamit sa isang partikular na pangkat ng
tao.
Halimbawa:
Tomguts na ako…
Todits mo ipatong…
Anong chickabells…
5. Apat na pamantayan ng wika
ayon sa sosyo-edukasyonal na
pangkat na ginagamitan ng wika:
Ang Pamantayang Pangwika – Ito ang
pahayag na pinakamahusay at
pinakamatayog na pamantayan sa
paggamit ng wika ng isang bansa.
Naririto ang katangiang pambansa at
karangalang pambansa, gaya rin ng
pambansang pilosopiya at sikolohiya sa
tuktok ng kagalingan.
6. Varayti ng Wika
Idyolek – ang indibidwal na paggamit ng
isang tao sa kanyang wika. Partikular ito
sa kanyang sarili.
Halimbawa:
May taong gumagamit ng siya sa halip
na ito; may laging nagsisimula sa bale o
actually; may iba namang mura ang
itinutumbas sa tuldok.
7. Varayti ng Wika
Dayalek – ang wikang pekulyar o katangi-
tangi sa isang lugar o rehiyon, kasama
ang punto, bokabularyo, o pagkakabuo
ng mga salita.
Halimbawa, isang wika ang Tagalog,
pero iba’t iba dayalek ito. Nariyan ang
Tagalog-Cavite, Tagalog-Batangas,
Tagalog-Manila, Tagalog- Quezon,
Tagalog-Bulakan at iba pa.
8. Varayti ng Wika
Sosyolek – ang makauri o makapangkat na
paggamit ng wika. Bawat tao ay may uri, grupo o
antas na kinabibilangan. Ang pagpapangkat ay
maaaring ibatay sa pagkakapareho ng trabaho,
antas ng edukasyon, uri ng pamumuhay, grupong
kinaaaniban o kahit ang laki o baba ng sweldo.
Halimbawa, madalas na may taong halong Ingles
yaong mga nakatuntong sa kolehiyo. Kakaiba at
masasabing napakamalikhain naman ang
lengguwahe ng mga bading. Iba ang
bolabukaryo ng mga istambay sa kanto kaysa sa
doktor.
9. Kategorisasyon ng mga salitang
ginagamit ng kabataan (Pebrero
23, 1995)
Binaliktad – Ang kategorisasyong ito ay
may layong bumuo ng sariling
bokabularyo.
Halimbawa:
gat-bi – bigat astig – tigas
todits – dito erap - pare
10. Kategorisasyon ng mga
salitang ginagamit ng
kabataan (Pebrero 23, 1995)
Nilikha – ang kategorisasyon ay walang
tiyak na pinagmulan. Karaniwan itong
maririnig kung kani-kanino at kung saan-
saan.
Halimbawa
paeklat – maarte
hanep – paghanga
espi – esposo o asawang lalaki
11. Kategorisasyon ng mga
salitang ginagamit ng
kabataan (Pebrero 23, 1995)
Pinaghalo-halo – ang kategorisasyong ito
ay pinagsama-samang salita at /o pantig
ng salitang Ingles at Filipino.
Halimbawa:
In-nai-in - naaayon
kilig to the bones – paghanga
12. Kategorisasyon ng mga
salitang ginagamit ng
kabataan (Pebrero 23, 1995)
Iningles – ang kategorisasyong ito ng mga
salita ay puro Ingles ngunit naiiba ang
kahulugan.
Halimbawa:
Jinx – malas
Weird – pambihira
Yes, yes, yo – pagsang-ayon
13. Kategorisasyon ng mga
salitang ginagamit ng
kabataan (Pebrero 23, 1995)
Dinaglat – ang kategorisasyong ito ay
binubuo ng mga letra ng mga salita o
pariralang pinaikli.
Halimbawa:
SMB – Style Mo Bulok
MU – Mutual Understanding
ITALY – I Trust and Love You