SlideShare a Scribd company logo
1 of 24
Download to read offline
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 41
Paggawa ng Mabuti sa Kapwa
8
CO_Q4_ESP8_Module41
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 41: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa:
Department of Education - Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600
Telefax No.: (085) 342-5969
Email Address: caraga@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Prescilla P. Capisnon
Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib
Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Rashiel Joy F. Lepaopao, Jezzine F. Salar,
Judith E. Ecoben, Megie M. Lillo, Jhon Rey C. Clarion
Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit,
Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat
Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Ivan Paul V. Damalerio
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Isidro M. Biol Jr.
Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseňares
Lope C. Papeleras
Michael C. Paso
Juan Jr. L. Espina
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 41
Paggawa nang Mabuti sa Kapwa
ii
CO_Q4_ESP8_Module41
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1
CO_Q4_ESP8_Module41
Alamin
Isa sa dakilang pamana ng karunungan ng tao sa sanlibutan ay ang
tinaguriang ‘The Golden Rule’ ni Confucius. Isinasaad nito na: “Gawin mo sa iyong
kapwa ang nais mong gawin nila sa iyo”.
Tanggap at tinangkilik ng halos lahat ng tao ang ginintuang kaalamang ito;
ano man ang lahi, paniniwala o ideolohiya. Patunay na tumatagos sa puso at
damdamin nino man ang isinasaad nito.
Naranasan mo na bang gawin ito sa iyong kapwa? Ni minsan ba’y sumagi sa
iyong isipan na dapat makailang beses munang iisipin bago gawin ang isang bagay
sa iba?
Sa modyul na ito matututunan mo ang mga pamamaraan na maipakita ang
kabutihan sa iyong kapwa. Lilinangin din ang kasanayang pampagkatuto na:
A. Nailalahad ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa.
(EsP8PB-IIIe-11.1)
2
CO_Q4_ESP8_Module41
Subukin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Gumigising nang maaga si Ryan bago pumasok upang tulungan ang kanyang
nanay na abala sa mga gawaing bahay at sa kanilang tindahan. Paano ipinakita
ni Ryan ang pagiging mabuting anak sa kanyang nanay?
A. Maagang papasok si Ryan sa paaralan.
B. Gumising nang maaga si Ryan para magtrabaho.
C. Nagtitinda si Ryan at hindi na pumasok sa paaralan.
D. Tumulong sa kanyang nanay sa gawaing bahay at sa tindahan.
2. Kalilipat lang ni Cristy kaya wala siyang kaibigan sa klase. Mabuti na lang at may
nagpakilala sa kanya at nagbigay impormasyon tungkol sa kanilang paaralan.
Paano naipakita ng kaklase ang kabutihang ginawa kay Cristy?
A. Pakikipagkaibigan ni Cristy at ang bagong kaklase.
B. Paglapit ng mag-aaral kay Cristy para may makausap.
C. Paglipat ni Cristy ng paaralan para magkaroon ng bagong kaibigan.
D. Pagpapakilala ng mag-aaral kay Cristy at pagtuturo sa kanya ng tungkol
sa kanilang paaralan.
3. Bata pa si Lito ngunit kakikitaan na siya ng kabaitan. Minsan nagkasundo sila
ng kanyang kalaro na mag-unahan sa pagtakbo. Sa kanilang pagtakbo ay biglang
nadapa ang kanyang kalaro kaya binalikan niya ito at tinulungang makatayo.
Paano naipakita ni Lito ang kabutihan sa kalaro?
A. Sa paglalaro, gumawa siya ng kasunduan.
B. Para maipakita ang lakas niya sa pagtakbo.
C. Pakikipaglaro sa kaibigan para hindi ito mabagot.
D. Pagpapahalaga sa kapakananan ng kalaro kaysa manalo.
4. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob?
A. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan
B. Pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang kasambahay
C. Tinitiyak na laging may pera para masuportahan ang pamilya
D. Gumasta ng malaki sa kanyang birthday para marami ang makakain
3
CO_Q4_ESP8_Module41
5. Magkasabay na umuuwi galing sa paaralan sina Gng. Reyes at ang ilan niyang
mag-aaral. Agad na kinuha ng isang mag-aaral ang mga gamit ng guro upang
tulungan ito sa pagdadala; samantala ang iba ay masayang nakikipag-usap kay
Gng. Reyes. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng kabutihang ginawa sa kapwa?
A. Pakikipag-usap ng guro sa mga mag-aaral
B. Pagpapadala ni Gng. Reyes ng kanyang mga gamit sa mag-aaral
C. Pagtulong ng mag-aaral kay Gng. Reyes sa pagdadala ng gamit nito
D. Pagiging masayahin ng mga mag-aaral dahil guro ang kanilang kasama
6. Pinipiling mapag-isa ni Mario kahit sa loob ng silid-aralan. Minsan, kinausap siya
ng kanilang pangulo at hinikayat na makilahok sa klase kaya nang sumunod na
mga araw, kapansin-pansin na nakikiisa na si Mario sa mga gawain sa paaralan.
Paano ipinakita ng pangulo ng klase ang kabutihang loob kay Mario?
A. Hinahayaan siya sa pagiging tahimik
B. Pagbabago ng ugali ni Mario sa mga kaklase
C. Nakikisama na si Mario sa kanyang mga kaklase
D. Paghikayat ng nito kay Mario na makilahok sa klase
7. Maituturing na likas sa tao ang pagiging mabuti o may kagandahang loob dahil;
A. Tao siya kaya dapat magpakabuti
B. Namana niya ito sa mga magulang
C. Kusa siyang tumutulong sa kanyang kapwa
D. Matalino siyang gumawa ng kung ano sa kapwa
8. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
A. Pagbibigay ng limos sa batang kalye
B. Pagpapaaral ng mahihirap na estudyante
C. Gumagastos ng malaki sa ginagawang handaan
D. Handang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iba
9. Nagtuturo si G. Castro ng asignaturang MAPEH kung saan hinasa niya ang mga
mag-aaral sa pagkanta at hinikayat niya itong sumali sa mga patimpalak sa pag-
awit hanggang sa maging sikat na mang-aawit ang mga mag-aaral. Paano
ipinamalas ni G. Castro ang kabutihang loob sa kanyang mga mag-aaral?
A. Pagtuturo ni G. Castro ng asignaturang MAPEH
B. Pagtuturo na may bayad sa kanyang kakayahan
C. Binigyang-tuon ni G. Castro ang ibang talento ng mag-aaral
D. Paghasa at paghikayat sa mag-aaral na paunlarin ang talento
4
CO_Q4_ESP8_Module41
10.Nahuli mong nangupya ang iyong kaklase noong kayo ay may pagsusulit. Ano
ang iyong gagawin?
A. Kakaibiganin ang iyong kaklase upang makahingi ka ng sagot.
B. Isuplong sa inyong guro ang iyong kaklase upang maiwasto ang kaniyang
gawain
C. Ipagsawalang bahala ang nakita sapagkat hindi naman ikaw ang
gumagawa
D. Huwag gagayahin ang ginawa ng iyong kaklase dahil alam mo naman ang
tamang sagot
11.Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa? Dahil;
A. Nakapagpapasaya ka sa kapwa
B. May gumawa rin nito sa kanya
C. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa
D. Tungkulin ng bawat tao na gumawa ng mabuti sa kapwa
12.Laging binibigyan ni Karen ang matalik niyang kaibigan ng sagot kung may
pagsusulit samantalang si Liza naman ay hinikayat ang mga kaklase na mag-
aral ng pangkatan bilang paghahanda sa kanilang pagsusulit. Sino kina Karen
at Liza ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
A. Si Karen na nagbibigay ng sagot sa kanyang kaibigan
B. Pagtutulungan nina Karen at kaibigan sa pagsagot sa pasulit
C. Paghikayat ni Liza sa mga kaklase para kanya-kanyang mag-aral
D. Pangunguna ni Liza sa kanyang mga kaklase sa pangkatang pag-aaral
13.Ang tamang pakikitungo ng mga mag-aaral sa mga guro, kamag-aaral o janitor
sa paaralan ay tanda ng:
A. Pagtulong
B. Kabutihan
C. Pagpapasikat
D. Pagpapakilala
14.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita nangg kabutihang loob sa kapwa sa loob
ng paaralan?
A. Pagpapahiram ng bolpen sa kaklase
B. Paglilinis sa silid-aralan kapag nariyan ang guro
C. Manahimik upang hindi makapag-ingay sa klase
D. Binibigyan ng meryenda ang kaklase na nagpapakopya ng sagot sa pasulit
15.Bilang kabataan, paano maipakikita ang kabutihan sa kapwa kabataan?
A. Pakikipagkaibigan sa mga kabataan
B. Nakikisalamuha sa kapwa kabataan kung may pagtitipon
C. Pamunuan ang mga kabataan dahil mayaman siya sa kanilang lugar
D. Nakikiisa sa mga gawain at proyekto ng kabataan sa kanyang barangay
5
CO_Q4_ESP8_Module41
Aralin
1
Paggawa nang Mabuti sa
Kapwa
“Tumulong nang walang kapalit, sinomang nangangailangan ay bigyan ng
malasakit”
- Francisco Baltazar
Florante at Laura
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay isang pagpapahalagang itinuturo sa atin.
May magandang pakiramdam sa atin tuwing tayo ay nakatutulong sa iba. Sa
panahon ng pandemya, sinusubok ang ating pagpapahalaga ukol sa paggawa ng
mabuti at pagpapakita ng malasakit sa kapwa. Sa aralin na ito, tingnan natin kung
paano mo pa ito maisasabuhay.
Balikan
Gawain 1: Nasunod mo ba?
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga pahayag na nagpapakita ng paggalang at pagsunod
sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad at ekis naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pagsusuot ng ID sa paaralan
Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap
Pagtawid sa kalsada na may babala na “Bawal Tumawid”
Pagmamano sa lolo at lola
Paggawa ng takdang-aralin
Pagsuot ng face mask sa panahon ng Enhanced Community
Quarantine (ECQ)
Paglabas ng bahay ng pitong taong gulang na bata
Pagpapaubaya ng upuan sa pampasaherong sasakyan sa matanda
Pag-alis ng bahay nang walang paalam
Paggawa ng gawaing-bahay na nakatakda sa kanya
6
CO_Q4_ESP8_Module41
Gabay na tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagsasabuhay ng pagsunod at paggalang sa magulang,
nakatatanda at awtoridad?
2. Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ano-ano pa ang mga pamamaraan upang
maipakita ang paggalang sa magulang, nakatatanda at awtoridad?
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa
bahaging Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na
gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
7
CO_Q4_ESP8_Module41
Tuklasin
Gawain 2: Kilos Ko, Alam Ko!
Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, tukuyin ang mga kilos na nagawa mo
ngayong pandemya na nagpapakita ng kabutihan sa kapwa. Matapos itong
matukoy, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga natukoy na kilos ang maituturing mong pinakamakabuluhan
para sa iyo? Bakit?
2. Ano ang naging reaksyon ng mga taong iyong nagawan ng kabutihan? Ilahad
ito.
Ang aking
mga kilos na
nagpapakita
ng kabutihan
sa kapwa
8
CO_Q4_ESP8_Module41
3. Ano ang nararamdaman mo sa tuwing ikaw ay nakagagawa ng mabuti sa
iba? Bakit?
4. Sa iyong palagay, ano ang mga mabuting epekto ng paggawa ng mabuti sa
iyong sarili at sa kapwa? Ipaliwanag ang mga ito.
5. Bilang kabataan, paano mo pa mahuhubog ang iyong mga kilos upang mas
makatulong sa kapwa at maging huwaran sa iba?
Suriin
Ano-anong kilos ng kabutihan ang sinulat mo sa bahaging Tuklasin?
Natatandaan mo ba kung kanino o sino-sino ang nagawan mo ng kabutihan? Ano
naman ang iyong naramdaman matapos itong isagawa?
Tama! Maaring nakagagawa tayo ng kabutihan sa ating magulang,
kapitbahay, kaibigan o maging ibang tao. Likas na matulungin ang tao sa kanyang
kapwa dahil isa ito sa ating tatak bilang Pilipino. Halimbawa, nang tinamaan ng
super typhoon Yolanda ang Tacloban ay sumibol ang bayanihan kung saan ang mga
tao sa iba’t ibang lugar ng bansa ay nagpaabot ng mga tulong dahil sa pagtulong
naipadarama natin ang ating pagdamay at pakikiisa sa nararamdaman sa kapwa.
Sa bahaging Tuklasin nasasabi mo ang ilan sa mga kilos na nagagawa ng tao
na kung saan ay nagdudulot ng kabutihan sa kapwa sa kanyang pang-araw-araw
na pamumuhay.
Ang pagtalima sa utos ng magulang at mga tuntunin sa pamayanan ay isa sa
maituturing na pinakamataas na kabutihan dahil sa paggawa ng mabuti at
pagsunod sa mga batas ay naipakikita ang paggalang na nagdudulot ng kaayusan
hindi lamang sa sariling pamilya maging sa pamayanan. Halimbawa, bilang
pagsunod sa Inter-Agency Task Forceon Emerging Infectious Diseases o IATF ay lagi
kang nagsusuot ng face mask tuwing lumalabas ng bahay at pinapanatili ang social
distancing sa labas. Ito ay tanda ng iyong pagrespeto at paggawa ng kabutihan sa
sarili at kapwa upang mapanatili na ligtas ang kalusugan ng bawat isa.
Isang halimbawa ng paggawa ng kabutihan ang pagbibigay ng donasyon para
sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng krisis tulad ng kalamidad, may
kaguluhan at sa simpleng pagtulong na malutas ang problema ng inyong
kapitbahay. Halimbawa, alam mong walang trabaho ang tatay o nanay ng iyong
kapitbahay kung kaya binigyan mo sila ng ulam sa tuwing nagluluto ang iyong
nanay. Ang ganitong pagpapakita ng kabutihan ay instrumento upang magkaroon
ng magadang ugnayan hindi lamang sa kapitbahay, maging sa mga kamag-anak.
9
CO_Q4_ESP8_Module41
Bilang mag-aaral naman, ang pagpapahiram ng gamit sa kaklase ay isang
mabuting gawain sa kapwa mag-aaral. Sa pagpapahiram ay natulungan mo siyang
matugunan ang kanyang pangangailangan. Halimbawa, nagsisimula na ang pasulit
nang mapansin mong walang ballpen ang iyong kaklase at dahil marami kang
ballpen ay naisipan mong ipahiram ang isa nito sa kanya upang makasagot ito sa
pagsusulit. Ang ganitong pangyayari ay maaaring mas magpalalim pa sa iyong
pakikipagkaibigan at mabuting pakikitungo sa kapwa mag-aaral.
Tuwing pasko o kaya’y bagong taon ay nakaugalian na nating mga Pilipino
ang magbigay ng regalo hindi lamang sa ating malalapit na pamilya kung hindi
maging sa mga batang nangangailangan. Halimbawa, ang iyong pamilya ay
namimigay ng laruan o damit sa mga bata sa lansangan o bahay-ampunan. Ang
pagmamalasakit sa mga matatanda at may kapansanan ay isa ring magandang
gawain sa pagpapakita ng ating pagkalinga at pagpapahalaga sa kanila.
Sa pangkalahatan, maraming ginagawa upang maipakita ang kabutihang
ginawa ng tao sa kanyang kapwa. Maaaring sa maliit o malaking bagay, ikaw ay
nakatulong na masolusyunan at mapawi ang kanilang agam-agam sa pang-araw-
araw na pamumuhay. Laging pakatandaan na ang paggawa ng kabutihan sa kapwa
ay nagsisimula sa sarili. Ito ay bukas palad na ibinibigay at walang hinihintay na
kapalit. Habang lumalalim ang kabutihang iyong ginawa ay mas magiging dalisay
ang kabutihang iyong ibinibigay sa kapwa.
Pagyamanin
Gawain 3: Isang Linggong Kabutihan!
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga kabutihang ginawa sa kapwa at ilahad ang
dahilan sa pagsasagawa ng mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
ARAW GINAWANG KABUTIHAN DAHILAN NG PAGSASAGAWA
Linggo
Lunes
Martes
Miyerkoles
Huwebes
Biyernes
Sabado
10
CO_Q4_ESP8_Module41
Rubrik sa talahanayan ng ginawang kabutihan
Pamantayan
Napakahusay
(10 puntos)
Mahusay
(8 puntos)
Nangangailangan
ng Pag-unlad
(5 puntos)
Ginawang
kabutihan
Nakalalahad ng
detalyado
(pangalan, lugar,
sa ginawang
kabutihan sa loob
ng isang linggo.
Nakalahad ng
detalyado sa
ginawang
kabutihan sa loob
ng 5 araw.
Nakalahad ng
detalyado sa
ginawang
kabutihan sa loob
ng 3 araw.
Kadahilanan sa
pagsasagawa ng
kabutihan
Nakapapaliwanag
sa tiyak na
kadahilanan sa
pagsasagawa ng
kabutihan sa loob
ng isang linggo.
Nakapapaliwanag
sa tiyak na
kadahilanan sa
pagsasagawa ng
kabutihan sa loob
ng 5 araw.
Nakapapaliwanag
sa tiyak na
kadahilanan sa
pagsasagawa ng
kabutihan sa loob
ng 3 araw.
Kabuoang
Puntos
Gawain 5: Tala-Tulong
Panuto: Gamit ang kronolohikong pag-uulat, bumuo ng isang ulat-salaysay na
naglalahad nang mabubuting ginawa ng Local Government Unit (LGU) at
Non-Government Organization (NGO) para sa mga nangangailangan sa
panahon ng COVID 19. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Rubrik sa Pagmamarka ng Tala-Tulong na Gawain
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Pagsasalaysay
Kompleto ang mga detalye ng mga kaganapan
at malinaw ang pagsasalaysay
10
Pinagkunan ng datos
Tiyak, wasto, ang batayan ng nakuhang
impormasyon
5
Timeline-Based
Pagsusunod-sunod
ng mga kaganapan
Sunod-sunod ang iniulat na kaganapan ayon
sa panahon ng pagsasagawa nito
10
Kabuoan 25
11
CO_Q4_ESP8_Module41
Isaisip
Gawain 6: Tuklas Kaalaman
Panuto: Isulat sa bawat patlang kung ano ang iyong iniisip at bagong kaalaman na
nakuha sa araling pinag-aralan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Bakit mahalaga ang paggawa ng
mabuti sa kapwa?
________________________________
________________________________
___
Bilang isang mapanagutang
kabataan, ano ang iyong
nararamdaman habang
gumagawa ng kabutihan sa
kapwa?
______________________________
______________________________
______________________________
Magbigay ng mga hakbang
upang mapanatili ang paggawa
ng kabutihan sa kapwa.
1.
2.
3.
4.
5.
12
CO_Q4_ESP8_Module41
Isagawa
Gawain 7: Mabuting Ako!
Panuto: Gamit ang graphic organizer ilahad ang mga kabutihang nagawa sa
sumusunod:
a. Pamilya
b. Paaralan
c. Pamayanan
Pamilya
Ako
Paaralan Pamayanan
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
13
CO_Q4_ESP8_Module41
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa? Dahil;
A. Nakapagpapasaya ka sa kapwa
B. May gumawa rin nito sa kanya
C. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa
D. Tungkulin ng bawat tao na gumawa ng mabuti sa kapwa
2. Laging binibigyan ni Karen ang matalik niyang kaibigan ng sagot kung may
pagsusulit samantalang si Liza naman ay hinikayat ang mga kaklase na mag-
aral ng pangkatan bilang paghahanda sa kanilang pagsusulit. Sino kina Karen
at Liza ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
A. Si Karen na nagbibigay ng sagot sa kanyang kaibigan
B. Pagtutulungan nina Karen at kaibigan sa pagsagot sa pasulit
C. Paghikayat ni Liza sa mga kaklase para kanya-kanyang mag-aral
D. Pangunguna ni Liza sa kanyang mga kaklase sa pangkatang pag-aaral
3. Ang tamang pakikitungo ng mga mag-aaral sa mga guro, kamag-aral o janitor sa
paaralan ay tanda ng:
A. Pagtulong
B. Kabutihan
C. Pagpapasikat
D. Pagpapakilala
4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa sa loob ng
paaralan?
A. Pagpapahiram ng bolpen sa kaklase
B. Paglilinis sa silid-aralan kapag nariyan ang guro
C. Manahimik upang hindi makapag-ingay sa klase
D. Binibigyan ng meryenda ang kaklase na nagpapakopya ng sagot sa pasulit
5. Bilang kabataan, paano maipakikita ang kabutihan sa kapwa kabataan?
A. Pakikipagkaibigan sa mga kabataan
B. Nakikisalamuha sa kapwa kabataan kung may pagtitipon
C. Pamunuan ang mga kabataan dahil mayaman siya sa kanilang lugar
D. Nakikiisa sa mga gawain at proyekto ng kabataan sa kanyang barangay
14
CO_Q4_ESP8_Module41
6. Pinipiling mapag-isa ni Mario kahit sa loob ng silid-aralan. Minsan, kinausap siya
ng kanilang pangulo at hinikayat na makilahok sa klase kaya nang sumunod na
mga araw, kapansin-pansin na nakikiisa na si Mario sa mga gawain sa paaralan.
Paano ipinakita ng Pangulo ng klase ang kabutihang loob kay Mario?
A. Hinahayaan siya sa pagiging tahimik
B. Pagbabago ng ugali ni Mario sa mga kaklase
C. Nakikisama na si Mario sa kanyang mga kaklase
D. Paghikayat ng nito kay Mario na makilahok sa klase
7. Maituturing na likas sa tao ang pagiging mabuti o may kagandahang loob dahil;
A. Tao siya kaya dapat magpakabuti
B. Namana niya ito sa mga magulang
C. Kusa siyang tumutulong sa kanyang kapwa
D. Matalino siyang gumawa ng kung ano sa kapwa
8. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
A. Pagbibigay ng limos sa batang kalye
B. Pagpapaaral ng mahihirap na estudyante
C. Gumagastos ng malaki sa ginagawang handaan
D. Handang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iba
9. Nagtuturo si G. Castro ng asignaturang MAPEH kung saan hinasa niya ang mga
mag-aaral sa pagkanta at hinikayat niya itong sumali sa mga patimpalak sa pag-
awit hanggang sa maging sikat na mang-aawit ang mga mag-aaral. Paano
ipinamalas ni G. Castro ang kabutihang loob sa kanyang mga mag-aaral?
A. Pagtuturo ni G. Castro ng asignaturang MAPEH
B. Pagtuturo na may bayad sa kanyang kakayahan
C. Binigyang-tuon ni G. Castro ang ibang talento ng mag-aaral
D. Paghasa at paghikayat sa mag-aaral na paunlarin ang talento
10.Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng tunay na pagtulong?
A. Paglilinis sa paaralan kung may Brigada Eskwela
B. Pagbibigay ng pagkain at damit sa mga nasunugan
C. Pagtulong sa kapitbahay dahil walang ibang mahingan ng tulong
D. Laging pagdadala ng gamit ng guro para mabigyan ng mataas na marka
11.Gumigising nang maaga si Ryan bago pumasok upang tulungan ang kanyang
nanay na abala sa mga gawaing bahay at sa kanilang tindahan. Paano ipinakita
ni Ryan ang pagiging mabuting anak sa kanyang nanay?
A. Maagang papasok si Ryan sa paaralan.
B. Gumising nang maaga si Ryan para magtrabaho.
C. Nagtitinda si Ryan at hindi na pumasok sa paaralan.
D. Tumulong sa kanyang nanay sa gawaing bahay at sa tindahan.
15
CO_Q4_ESP8_Module41
12.Kalilipat lang ni Cristy kaya wala siyang kaibigan sa klase. Mabuti na lang at may
nagpakilala sa kanya at nagbigay impormasyon tungkol sa kanilang paaralan.
Paano naipakita ng kaklase ang kabutihang ginawa kay Cristy?
A. Pakikipagkaibigan ni Cristy ang bagong kaklase.
B. Paglapit ng mag-aaral kay Cristy para may makausap
C. Paglipat ni Cristy ng paaralan para magkaroon ng bagong kaibigan.
D. Pagpapakilala ng mag-aaral kay Cristy at pagtuturo sa kanya ng tungkol
sa kanilang paaralan.
13.Bata pa si Lito ngunit kakikitaan na siya ng kabaitan. Minsan nagkasundo sila
ng kanyang kalaro na mag-unahan sa pagtakbo. Sa kanilang pagtakbo ay biglang
nadapa ang kanyang kalaro kaya binalikan niya ito at tinulungang makatayo.
Paano naipakita ni Lito ang kabutihan sa kalaro?
A. Sa paglalaro, gumawa siya ng kasunduan.
B. Para maipakita ang lakas niya sa pagtakbo
C. Pakikipaglaro sa kaibigan para hindi ito mabagot
D. Pagpapahalaga sa kapakananan ng kalaro kaysa manalo
14.Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob?
A. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan
B. Pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang kasambahay
C. Tinitiyak na laging may pera para masuportahan ang pamilya
D. Gumasta ng malaki sa kanyang birthday para marami ang makakain
15.Magkasabay na umuwi galing sa paaralan sina Gng. Reyes at ilan niyang mag-
aaral. Agad na kinuha ng isang mag-aaral ang mga gamit ng guro upang tulungan
ito sa pagdadala; samantala ang iba ay masayang nakikipag-usap kay Gng.
Reyes. Piliin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang ginawa sa kapwa?
A. Pakikipag-usap ng guro sa mga mag-aaral
B. Pagpapadala ni Gng. Reyes ng kanyang mga gamit sa mag-aaral
C. Pagtulong ng mag-aaral kay Gng. Reyes sa pagdadala ng gamit nito
D. Pagiging masayahin ng mga mag-aaral dahil guro ang kanilang kasama
16
CO_Q4_ESP8_Module41
Karagdagang Gawain
Gawain 8: Dayalogo ng Kabutihan
Panuto: Lapatan ng dayalogo ang mga pangyayari sa komiks upang maipakita ang
ginawang kabutihang loob ng tauhan sa pangyayari. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Pa
17
CO_Q4_ESP8_Module41
Pamantayan Higit na
inaasahan
5 puntos
Nakamit ang
inaasahan
4 puntos
Bahagyang
nakamit ang
inaasahan
3 puntos
Hindi
nakamit
ang
inaasahan
2 puntos
Nilalaman ng
Dayalogo
Komprehensibo
at naipahayag
sa dayalogo ang
kabutihang
ginawa sa
kapwa. Wasto
ang lahat ng
impormasyon
Kompleto at
naipahayag sa
dayalogo ang
kabutihang
ginawa sa
kapwa. Wasto
ang lahat ng
impormasyon
May ilang
kakulangan sa
pagpapahayag
ng kabutihang
loob sa
dayalogo. May
ilang maling
impormasyon
Maraming
kakulangan
sa
nilalaman
ng
dayalogo.
Organisasyon
ng Kaisipan
Organisado at
may malinaw na
kaisahan ang
daloy ng
paglalahad ng
kaisipan sa
usapan
Malinaw at
maayos ang
paglalahad ng
kaisipan sa
usapan ng
tauhan.
Hindi
masyadong
maayos at
malinaw ang
paglalahad ng
kaisipan sa
usapan.
Walang
kaayusan
ang
paglalahad
ng kaisipan
sa usapan
ng mga
tauhan.
Kabuoang
Puntos
18
CO_Q4_ESP8_Module41
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.
D
2.
B
3.
D
4.
B
5.
C
6.
D
7.
C
8.
B
9.
D
10.
B
11.
C
12.
D
13.
B
14.
A
15.
D
Balikan
1.
/
2.
/
3.
/
4.
/
5.
/
6.
/
7.
x
8.
/
9.
x
10.
/
Tayahin
1.
C
2.
D
3.
B
4.
A
5.
D
6.
D
7.
C
8.
B
9.
D
10.
B
11.
D
12.
B
13.
D
14.
B
15.
C
19
CO_Q4_ESP8_Module41
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina Mignon C. et. Al. Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul ng
mAg-aaral. Pasig City, 2013.
Julian-Baisa, Ailene G., Del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S. et. Al.
Pinagyamang Pluma 8. Quezon City, 2014
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

Modyul 1-pagkilos-tungo-sa-pagmamahalan-ng-pamilya-2
Modyul 1-pagkilos-tungo-sa-pagmamahalan-ng-pamilya-2Modyul 1-pagkilos-tungo-sa-pagmamahalan-ng-pamilya-2
Modyul 1-pagkilos-tungo-sa-pagmamahalan-ng-pamilya-2Ivy Bautista
 
Ang mga panlilinlang kabanata18
Ang mga panlilinlang kabanata18Ang mga panlilinlang kabanata18
Ang mga panlilinlang kabanata18juristandres14
 
ESP PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxJannicaAlolod2
 
ESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
ESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWAESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
ESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWALeoJohnDongque
 
Esp10.module9
Esp10.module9Esp10.module9
Esp10.module9Corz Gaza
 
Paggawangmabutisakapwa 120113193428-phpapp02
Paggawangmabutisakapwa 120113193428-phpapp02Paggawangmabutisakapwa 120113193428-phpapp02
Paggawangmabutisakapwa 120113193428-phpapp02X-tian Mike
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterJocelFrancisco2
 
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWAMODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWANitz Antiniolos
 
Simbolo, Hulaan Mo - Activity for Konsepto ng Kasarian.ppt
Simbolo, Hulaan Mo - Activity for Konsepto ng Kasarian.pptSimbolo, Hulaan Mo - Activity for Konsepto ng Kasarian.ppt
Simbolo, Hulaan Mo - Activity for Konsepto ng Kasarian.pptAljonMendoza3
 
CATCH UP FRIDAY LESSON power point .pptx
CATCH UP FRIDAY LESSON power point .pptxCATCH UP FRIDAY LESSON power point .pptx
CATCH UP FRIDAY LESSON power point .pptxMarjorieMendinaBerma
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganJared Ram Juezan
 
EsP 8 Modyul 14 (Part 1)
EsP 8 Modyul 14 (Part 1)EsP 8 Modyul 14 (Part 1)
EsP 8 Modyul 14 (Part 1)Mich Timado
 

What's hot (20)

Modyul 1-pagkilos-tungo-sa-pagmamahalan-ng-pamilya-2
Modyul 1-pagkilos-tungo-sa-pagmamahalan-ng-pamilya-2Modyul 1-pagkilos-tungo-sa-pagmamahalan-ng-pamilya-2
Modyul 1-pagkilos-tungo-sa-pagmamahalan-ng-pamilya-2
 
Paggalang sa may kapangyarihan
Paggalang sa may kapangyarihanPaggalang sa may kapangyarihan
Paggalang sa may kapangyarihan
 
Pagsunod at paggalang
Pagsunod at paggalangPagsunod at paggalang
Pagsunod at paggalang
 
EsP 8 Modyul 8.pptx
EsP 8 Modyul 8.pptxEsP 8 Modyul 8.pptx
EsP 8 Modyul 8.pptx
 
Ang mga panlilinlang kabanata18
Ang mga panlilinlang kabanata18Ang mga panlilinlang kabanata18
Ang mga panlilinlang kabanata18
 
karapatang-pantao.pptx
karapatang-pantao.pptxkarapatang-pantao.pptx
karapatang-pantao.pptx
 
ESP PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP PAGLABAG SA KATAPATAN.pptxESP PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
ESP PAGLABAG SA KATAPATAN.pptx
 
ESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
ESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWAESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
ESP 8, KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
 
Esp10.module9
Esp10.module9Esp10.module9
Esp10.module9
 
Katapatan
KatapatanKatapatan
Katapatan
 
Paggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwaPaggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwa
 
Paggawangmabutisakapwa 120113193428-phpapp02
Paggawangmabutisakapwa 120113193428-phpapp02Paggawangmabutisakapwa 120113193428-phpapp02
Paggawangmabutisakapwa 120113193428-phpapp02
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
 
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWAMODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
MODUL 11: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPWA
 
Simbolo, Hulaan Mo - Activity for Konsepto ng Kasarian.ppt
Simbolo, Hulaan Mo - Activity for Konsepto ng Kasarian.pptSimbolo, Hulaan Mo - Activity for Konsepto ng Kasarian.ppt
Simbolo, Hulaan Mo - Activity for Konsepto ng Kasarian.ppt
 
CATCH UP FRIDAY LESSON power point .pptx
CATCH UP FRIDAY LESSON power point .pptxCATCH UP FRIDAY LESSON power point .pptx
CATCH UP FRIDAY LESSON power point .pptx
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
 
EsP 8 Modyul 14 (Part 1)
EsP 8 Modyul 14 (Part 1)EsP 8 Modyul 14 (Part 1)
EsP 8 Modyul 14 (Part 1)
 
Esp 8
Esp 8Esp 8
Esp 8
 
Es p 8 modyul 10
Es p 8  modyul 10Es p 8  modyul 10
Es p 8 modyul 10
 

Similar to ESP8 Q4 MOD41.pdf

Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docxQ2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docxArlynAyag1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfRenzZapata1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralinar_yhelle
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docxEsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docxMyleneTongson
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...OLIVESAMSON2
 
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxAniceto Buniel
 
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxAniceto Buniel
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfMerylLao
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guroelviesabang
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docxBabylynNate
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfNoelPiedad
 
COT ESP6.docx
COT ESP6.docxCOT ESP6.docx
COT ESP6.docxlomar5
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdfESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdfShydenTaghapBillones
 

Similar to ESP8 Q4 MOD41.pdf (20)

ESP8 Q4 MOD42.pdf
ESP8 Q4 MOD42.pdfESP8 Q4 MOD42.pdf
ESP8 Q4 MOD42.pdf
 
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.pdf
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.pdfEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.pdf
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.pdf
 
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docxQ2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralin
 
Lm esp grade10_q3
Lm esp grade10_q3Lm esp grade10_q3
Lm esp grade10_q3
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
 
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docxEsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
 
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
COT ESP6.docx
COT ESP6.docxCOT ESP6.docx
COT ESP6.docx
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdfESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf
 

Recently uploaded

Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 

Recently uploaded (20)

Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 

ESP8 Q4 MOD41.pdf

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na Markahan – Modyul 41 Paggawa ng Mabuti sa Kapwa 8 CO_Q4_ESP8_Module41
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 41: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa: Department of Education - Caraga Region Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Prescilla P. Capisnon Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Rashiel Joy F. Lepaopao, Jezzine F. Salar, Judith E. Ecoben, Megie M. Lillo, Jhon Rey C. Clarion Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Ivan Paul V. Damalerio Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseňares Lope C. Papeleras Michael C. Paso Juan Jr. L. Espina
  • 3. 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na Markahan – Modyul 41 Paggawa nang Mabuti sa Kapwa
  • 4. ii CO_Q4_ESP8_Module41 Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag- aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q4_ESP8_Module41 Alamin Isa sa dakilang pamana ng karunungan ng tao sa sanlibutan ay ang tinaguriang ‘The Golden Rule’ ni Confucius. Isinasaad nito na: “Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin nila sa iyo”. Tanggap at tinangkilik ng halos lahat ng tao ang ginintuang kaalamang ito; ano man ang lahi, paniniwala o ideolohiya. Patunay na tumatagos sa puso at damdamin nino man ang isinasaad nito. Naranasan mo na bang gawin ito sa iyong kapwa? Ni minsan ba’y sumagi sa iyong isipan na dapat makailang beses munang iisipin bago gawin ang isang bagay sa iba? Sa modyul na ito matututunan mo ang mga pamamaraan na maipakita ang kabutihan sa iyong kapwa. Lilinangin din ang kasanayang pampagkatuto na: A. Nailalahad ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa. (EsP8PB-IIIe-11.1)
  • 6. 2 CO_Q4_ESP8_Module41 Subukin Maraming Pagpipilian Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Gumigising nang maaga si Ryan bago pumasok upang tulungan ang kanyang nanay na abala sa mga gawaing bahay at sa kanilang tindahan. Paano ipinakita ni Ryan ang pagiging mabuting anak sa kanyang nanay? A. Maagang papasok si Ryan sa paaralan. B. Gumising nang maaga si Ryan para magtrabaho. C. Nagtitinda si Ryan at hindi na pumasok sa paaralan. D. Tumulong sa kanyang nanay sa gawaing bahay at sa tindahan. 2. Kalilipat lang ni Cristy kaya wala siyang kaibigan sa klase. Mabuti na lang at may nagpakilala sa kanya at nagbigay impormasyon tungkol sa kanilang paaralan. Paano naipakita ng kaklase ang kabutihang ginawa kay Cristy? A. Pakikipagkaibigan ni Cristy at ang bagong kaklase. B. Paglapit ng mag-aaral kay Cristy para may makausap. C. Paglipat ni Cristy ng paaralan para magkaroon ng bagong kaibigan. D. Pagpapakilala ng mag-aaral kay Cristy at pagtuturo sa kanya ng tungkol sa kanilang paaralan. 3. Bata pa si Lito ngunit kakikitaan na siya ng kabaitan. Minsan nagkasundo sila ng kanyang kalaro na mag-unahan sa pagtakbo. Sa kanilang pagtakbo ay biglang nadapa ang kanyang kalaro kaya binalikan niya ito at tinulungang makatayo. Paano naipakita ni Lito ang kabutihan sa kalaro? A. Sa paglalaro, gumawa siya ng kasunduan. B. Para maipakita ang lakas niya sa pagtakbo. C. Pakikipaglaro sa kaibigan para hindi ito mabagot. D. Pagpapahalaga sa kapakananan ng kalaro kaysa manalo. 4. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob? A. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan B. Pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang kasambahay C. Tinitiyak na laging may pera para masuportahan ang pamilya D. Gumasta ng malaki sa kanyang birthday para marami ang makakain
  • 7. 3 CO_Q4_ESP8_Module41 5. Magkasabay na umuuwi galing sa paaralan sina Gng. Reyes at ang ilan niyang mag-aaral. Agad na kinuha ng isang mag-aaral ang mga gamit ng guro upang tulungan ito sa pagdadala; samantala ang iba ay masayang nakikipag-usap kay Gng. Reyes. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng kabutihang ginawa sa kapwa? A. Pakikipag-usap ng guro sa mga mag-aaral B. Pagpapadala ni Gng. Reyes ng kanyang mga gamit sa mag-aaral C. Pagtulong ng mag-aaral kay Gng. Reyes sa pagdadala ng gamit nito D. Pagiging masayahin ng mga mag-aaral dahil guro ang kanilang kasama 6. Pinipiling mapag-isa ni Mario kahit sa loob ng silid-aralan. Minsan, kinausap siya ng kanilang pangulo at hinikayat na makilahok sa klase kaya nang sumunod na mga araw, kapansin-pansin na nakikiisa na si Mario sa mga gawain sa paaralan. Paano ipinakita ng pangulo ng klase ang kabutihang loob kay Mario? A. Hinahayaan siya sa pagiging tahimik B. Pagbabago ng ugali ni Mario sa mga kaklase C. Nakikisama na si Mario sa kanyang mga kaklase D. Paghikayat ng nito kay Mario na makilahok sa klase 7. Maituturing na likas sa tao ang pagiging mabuti o may kagandahang loob dahil; A. Tao siya kaya dapat magpakabuti B. Namana niya ito sa mga magulang C. Kusa siyang tumutulong sa kanyang kapwa D. Matalino siyang gumawa ng kung ano sa kapwa 8. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa? A. Pagbibigay ng limos sa batang kalye B. Pagpapaaral ng mahihirap na estudyante C. Gumagastos ng malaki sa ginagawang handaan D. Handang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iba 9. Nagtuturo si G. Castro ng asignaturang MAPEH kung saan hinasa niya ang mga mag-aaral sa pagkanta at hinikayat niya itong sumali sa mga patimpalak sa pag- awit hanggang sa maging sikat na mang-aawit ang mga mag-aaral. Paano ipinamalas ni G. Castro ang kabutihang loob sa kanyang mga mag-aaral? A. Pagtuturo ni G. Castro ng asignaturang MAPEH B. Pagtuturo na may bayad sa kanyang kakayahan C. Binigyang-tuon ni G. Castro ang ibang talento ng mag-aaral D. Paghasa at paghikayat sa mag-aaral na paunlarin ang talento
  • 8. 4 CO_Q4_ESP8_Module41 10.Nahuli mong nangupya ang iyong kaklase noong kayo ay may pagsusulit. Ano ang iyong gagawin? A. Kakaibiganin ang iyong kaklase upang makahingi ka ng sagot. B. Isuplong sa inyong guro ang iyong kaklase upang maiwasto ang kaniyang gawain C. Ipagsawalang bahala ang nakita sapagkat hindi naman ikaw ang gumagawa D. Huwag gagayahin ang ginawa ng iyong kaklase dahil alam mo naman ang tamang sagot 11.Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa? Dahil; A. Nakapagpapasaya ka sa kapwa B. May gumawa rin nito sa kanya C. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa D. Tungkulin ng bawat tao na gumawa ng mabuti sa kapwa 12.Laging binibigyan ni Karen ang matalik niyang kaibigan ng sagot kung may pagsusulit samantalang si Liza naman ay hinikayat ang mga kaklase na mag- aral ng pangkatan bilang paghahanda sa kanilang pagsusulit. Sino kina Karen at Liza ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa? A. Si Karen na nagbibigay ng sagot sa kanyang kaibigan B. Pagtutulungan nina Karen at kaibigan sa pagsagot sa pasulit C. Paghikayat ni Liza sa mga kaklase para kanya-kanyang mag-aral D. Pangunguna ni Liza sa kanyang mga kaklase sa pangkatang pag-aaral 13.Ang tamang pakikitungo ng mga mag-aaral sa mga guro, kamag-aaral o janitor sa paaralan ay tanda ng: A. Pagtulong B. Kabutihan C. Pagpapasikat D. Pagpapakilala 14.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita nangg kabutihang loob sa kapwa sa loob ng paaralan? A. Pagpapahiram ng bolpen sa kaklase B. Paglilinis sa silid-aralan kapag nariyan ang guro C. Manahimik upang hindi makapag-ingay sa klase D. Binibigyan ng meryenda ang kaklase na nagpapakopya ng sagot sa pasulit 15.Bilang kabataan, paano maipakikita ang kabutihan sa kapwa kabataan? A. Pakikipagkaibigan sa mga kabataan B. Nakikisalamuha sa kapwa kabataan kung may pagtitipon C. Pamunuan ang mga kabataan dahil mayaman siya sa kanilang lugar D. Nakikiisa sa mga gawain at proyekto ng kabataan sa kanyang barangay
  • 9. 5 CO_Q4_ESP8_Module41 Aralin 1 Paggawa nang Mabuti sa Kapwa “Tumulong nang walang kapalit, sinomang nangangailangan ay bigyan ng malasakit” - Francisco Baltazar Florante at Laura Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay isang pagpapahalagang itinuturo sa atin. May magandang pakiramdam sa atin tuwing tayo ay nakatutulong sa iba. Sa panahon ng pandemya, sinusubok ang ating pagpapahalaga ukol sa paggawa ng mabuti at pagpapakita ng malasakit sa kapwa. Sa aralin na ito, tingnan natin kung paano mo pa ito maisasabuhay. Balikan Gawain 1: Nasunod mo ba? Panuto: Lagyan ng tsek ang mga pahayag na nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad at ekis naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Pagsusuot ng ID sa paaralan Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap Pagtawid sa kalsada na may babala na “Bawal Tumawid” Pagmamano sa lolo at lola Paggawa ng takdang-aralin Pagsuot ng face mask sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) Paglabas ng bahay ng pitong taong gulang na bata Pagpapaubaya ng upuan sa pampasaherong sasakyan sa matanda Pag-alis ng bahay nang walang paalam Paggawa ng gawaing-bahay na nakatakda sa kanya
  • 10. 6 CO_Q4_ESP8_Module41 Gabay na tanong: 1. Bakit mahalaga ang pagsasabuhay ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at awtoridad? 2. Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ano-ano pa ang mga pamamaraan upang maipakita ang paggalang sa magulang, nakatatanda at awtoridad? Mga Tala para sa Guro Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa bahaging Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
  • 11. 7 CO_Q4_ESP8_Module41 Tuklasin Gawain 2: Kilos Ko, Alam Ko! Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, tukuyin ang mga kilos na nagawa mo ngayong pandemya na nagpapakita ng kabutihan sa kapwa. Matapos itong matukoy, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gabay na Tanong: 1. Alin sa mga natukoy na kilos ang maituturing mong pinakamakabuluhan para sa iyo? Bakit? 2. Ano ang naging reaksyon ng mga taong iyong nagawan ng kabutihan? Ilahad ito. Ang aking mga kilos na nagpapakita ng kabutihan sa kapwa
  • 12. 8 CO_Q4_ESP8_Module41 3. Ano ang nararamdaman mo sa tuwing ikaw ay nakagagawa ng mabuti sa iba? Bakit? 4. Sa iyong palagay, ano ang mga mabuting epekto ng paggawa ng mabuti sa iyong sarili at sa kapwa? Ipaliwanag ang mga ito. 5. Bilang kabataan, paano mo pa mahuhubog ang iyong mga kilos upang mas makatulong sa kapwa at maging huwaran sa iba? Suriin Ano-anong kilos ng kabutihan ang sinulat mo sa bahaging Tuklasin? Natatandaan mo ba kung kanino o sino-sino ang nagawan mo ng kabutihan? Ano naman ang iyong naramdaman matapos itong isagawa? Tama! Maaring nakagagawa tayo ng kabutihan sa ating magulang, kapitbahay, kaibigan o maging ibang tao. Likas na matulungin ang tao sa kanyang kapwa dahil isa ito sa ating tatak bilang Pilipino. Halimbawa, nang tinamaan ng super typhoon Yolanda ang Tacloban ay sumibol ang bayanihan kung saan ang mga tao sa iba’t ibang lugar ng bansa ay nagpaabot ng mga tulong dahil sa pagtulong naipadarama natin ang ating pagdamay at pakikiisa sa nararamdaman sa kapwa. Sa bahaging Tuklasin nasasabi mo ang ilan sa mga kilos na nagagawa ng tao na kung saan ay nagdudulot ng kabutihan sa kapwa sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pagtalima sa utos ng magulang at mga tuntunin sa pamayanan ay isa sa maituturing na pinakamataas na kabutihan dahil sa paggawa ng mabuti at pagsunod sa mga batas ay naipakikita ang paggalang na nagdudulot ng kaayusan hindi lamang sa sariling pamilya maging sa pamayanan. Halimbawa, bilang pagsunod sa Inter-Agency Task Forceon Emerging Infectious Diseases o IATF ay lagi kang nagsusuot ng face mask tuwing lumalabas ng bahay at pinapanatili ang social distancing sa labas. Ito ay tanda ng iyong pagrespeto at paggawa ng kabutihan sa sarili at kapwa upang mapanatili na ligtas ang kalusugan ng bawat isa. Isang halimbawa ng paggawa ng kabutihan ang pagbibigay ng donasyon para sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng krisis tulad ng kalamidad, may kaguluhan at sa simpleng pagtulong na malutas ang problema ng inyong kapitbahay. Halimbawa, alam mong walang trabaho ang tatay o nanay ng iyong kapitbahay kung kaya binigyan mo sila ng ulam sa tuwing nagluluto ang iyong nanay. Ang ganitong pagpapakita ng kabutihan ay instrumento upang magkaroon ng magadang ugnayan hindi lamang sa kapitbahay, maging sa mga kamag-anak.
  • 13. 9 CO_Q4_ESP8_Module41 Bilang mag-aaral naman, ang pagpapahiram ng gamit sa kaklase ay isang mabuting gawain sa kapwa mag-aaral. Sa pagpapahiram ay natulungan mo siyang matugunan ang kanyang pangangailangan. Halimbawa, nagsisimula na ang pasulit nang mapansin mong walang ballpen ang iyong kaklase at dahil marami kang ballpen ay naisipan mong ipahiram ang isa nito sa kanya upang makasagot ito sa pagsusulit. Ang ganitong pangyayari ay maaaring mas magpalalim pa sa iyong pakikipagkaibigan at mabuting pakikitungo sa kapwa mag-aaral. Tuwing pasko o kaya’y bagong taon ay nakaugalian na nating mga Pilipino ang magbigay ng regalo hindi lamang sa ating malalapit na pamilya kung hindi maging sa mga batang nangangailangan. Halimbawa, ang iyong pamilya ay namimigay ng laruan o damit sa mga bata sa lansangan o bahay-ampunan. Ang pagmamalasakit sa mga matatanda at may kapansanan ay isa ring magandang gawain sa pagpapakita ng ating pagkalinga at pagpapahalaga sa kanila. Sa pangkalahatan, maraming ginagawa upang maipakita ang kabutihang ginawa ng tao sa kanyang kapwa. Maaaring sa maliit o malaking bagay, ikaw ay nakatulong na masolusyunan at mapawi ang kanilang agam-agam sa pang-araw- araw na pamumuhay. Laging pakatandaan na ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay nagsisimula sa sarili. Ito ay bukas palad na ibinibigay at walang hinihintay na kapalit. Habang lumalalim ang kabutihang iyong ginawa ay mas magiging dalisay ang kabutihang iyong ibinibigay sa kapwa. Pagyamanin Gawain 3: Isang Linggong Kabutihan! Panuto: Punan ang talahanayan ng mga kabutihang ginawa sa kapwa at ilahad ang dahilan sa pagsasagawa ng mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ARAW GINAWANG KABUTIHAN DAHILAN NG PAGSASAGAWA Linggo Lunes Martes Miyerkoles Huwebes Biyernes Sabado
  • 14. 10 CO_Q4_ESP8_Module41 Rubrik sa talahanayan ng ginawang kabutihan Pamantayan Napakahusay (10 puntos) Mahusay (8 puntos) Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) Ginawang kabutihan Nakalalahad ng detalyado (pangalan, lugar, sa ginawang kabutihan sa loob ng isang linggo. Nakalahad ng detalyado sa ginawang kabutihan sa loob ng 5 araw. Nakalahad ng detalyado sa ginawang kabutihan sa loob ng 3 araw. Kadahilanan sa pagsasagawa ng kabutihan Nakapapaliwanag sa tiyak na kadahilanan sa pagsasagawa ng kabutihan sa loob ng isang linggo. Nakapapaliwanag sa tiyak na kadahilanan sa pagsasagawa ng kabutihan sa loob ng 5 araw. Nakapapaliwanag sa tiyak na kadahilanan sa pagsasagawa ng kabutihan sa loob ng 3 araw. Kabuoang Puntos Gawain 5: Tala-Tulong Panuto: Gamit ang kronolohikong pag-uulat, bumuo ng isang ulat-salaysay na naglalahad nang mabubuting ginawa ng Local Government Unit (LGU) at Non-Government Organization (NGO) para sa mga nangangailangan sa panahon ng COVID 19. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Rubrik sa Pagmamarka ng Tala-Tulong na Gawain Pamantayan Deskripsiyon Puntos Pagsasalaysay Kompleto ang mga detalye ng mga kaganapan at malinaw ang pagsasalaysay 10 Pinagkunan ng datos Tiyak, wasto, ang batayan ng nakuhang impormasyon 5 Timeline-Based Pagsusunod-sunod ng mga kaganapan Sunod-sunod ang iniulat na kaganapan ayon sa panahon ng pagsasagawa nito 10 Kabuoan 25
  • 15. 11 CO_Q4_ESP8_Module41 Isaisip Gawain 6: Tuklas Kaalaman Panuto: Isulat sa bawat patlang kung ano ang iyong iniisip at bagong kaalaman na nakuha sa araling pinag-aralan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa? ________________________________ ________________________________ ___ Bilang isang mapanagutang kabataan, ano ang iyong nararamdaman habang gumagawa ng kabutihan sa kapwa? ______________________________ ______________________________ ______________________________ Magbigay ng mga hakbang upang mapanatili ang paggawa ng kabutihan sa kapwa. 1. 2. 3. 4. 5.
  • 16. 12 CO_Q4_ESP8_Module41 Isagawa Gawain 7: Mabuting Ako! Panuto: Gamit ang graphic organizer ilahad ang mga kabutihang nagawa sa sumusunod: a. Pamilya b. Paaralan c. Pamayanan Pamilya Ako Paaralan Pamayanan 1. 2. 3. 4. 5. 1. 2. 3. 4. 5. 1. 2. 3. 4. 5.
  • 17. 13 CO_Q4_ESP8_Module41 Tayahin Maraming Pagpipilian Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa? Dahil; A. Nakapagpapasaya ka sa kapwa B. May gumawa rin nito sa kanya C. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa D. Tungkulin ng bawat tao na gumawa ng mabuti sa kapwa 2. Laging binibigyan ni Karen ang matalik niyang kaibigan ng sagot kung may pagsusulit samantalang si Liza naman ay hinikayat ang mga kaklase na mag- aral ng pangkatan bilang paghahanda sa kanilang pagsusulit. Sino kina Karen at Liza ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa? A. Si Karen na nagbibigay ng sagot sa kanyang kaibigan B. Pagtutulungan nina Karen at kaibigan sa pagsagot sa pasulit C. Paghikayat ni Liza sa mga kaklase para kanya-kanyang mag-aral D. Pangunguna ni Liza sa kanyang mga kaklase sa pangkatang pag-aaral 3. Ang tamang pakikitungo ng mga mag-aaral sa mga guro, kamag-aral o janitor sa paaralan ay tanda ng: A. Pagtulong B. Kabutihan C. Pagpapasikat D. Pagpapakilala 4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa sa loob ng paaralan? A. Pagpapahiram ng bolpen sa kaklase B. Paglilinis sa silid-aralan kapag nariyan ang guro C. Manahimik upang hindi makapag-ingay sa klase D. Binibigyan ng meryenda ang kaklase na nagpapakopya ng sagot sa pasulit 5. Bilang kabataan, paano maipakikita ang kabutihan sa kapwa kabataan? A. Pakikipagkaibigan sa mga kabataan B. Nakikisalamuha sa kapwa kabataan kung may pagtitipon C. Pamunuan ang mga kabataan dahil mayaman siya sa kanilang lugar D. Nakikiisa sa mga gawain at proyekto ng kabataan sa kanyang barangay
  • 18. 14 CO_Q4_ESP8_Module41 6. Pinipiling mapag-isa ni Mario kahit sa loob ng silid-aralan. Minsan, kinausap siya ng kanilang pangulo at hinikayat na makilahok sa klase kaya nang sumunod na mga araw, kapansin-pansin na nakikiisa na si Mario sa mga gawain sa paaralan. Paano ipinakita ng Pangulo ng klase ang kabutihang loob kay Mario? A. Hinahayaan siya sa pagiging tahimik B. Pagbabago ng ugali ni Mario sa mga kaklase C. Nakikisama na si Mario sa kanyang mga kaklase D. Paghikayat ng nito kay Mario na makilahok sa klase 7. Maituturing na likas sa tao ang pagiging mabuti o may kagandahang loob dahil; A. Tao siya kaya dapat magpakabuti B. Namana niya ito sa mga magulang C. Kusa siyang tumutulong sa kanyang kapwa D. Matalino siyang gumawa ng kung ano sa kapwa 8. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa? A. Pagbibigay ng limos sa batang kalye B. Pagpapaaral ng mahihirap na estudyante C. Gumagastos ng malaki sa ginagawang handaan D. Handang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iba 9. Nagtuturo si G. Castro ng asignaturang MAPEH kung saan hinasa niya ang mga mag-aaral sa pagkanta at hinikayat niya itong sumali sa mga patimpalak sa pag- awit hanggang sa maging sikat na mang-aawit ang mga mag-aaral. Paano ipinamalas ni G. Castro ang kabutihang loob sa kanyang mga mag-aaral? A. Pagtuturo ni G. Castro ng asignaturang MAPEH B. Pagtuturo na may bayad sa kanyang kakayahan C. Binigyang-tuon ni G. Castro ang ibang talento ng mag-aaral D. Paghasa at paghikayat sa mag-aaral na paunlarin ang talento 10.Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng tunay na pagtulong? A. Paglilinis sa paaralan kung may Brigada Eskwela B. Pagbibigay ng pagkain at damit sa mga nasunugan C. Pagtulong sa kapitbahay dahil walang ibang mahingan ng tulong D. Laging pagdadala ng gamit ng guro para mabigyan ng mataas na marka 11.Gumigising nang maaga si Ryan bago pumasok upang tulungan ang kanyang nanay na abala sa mga gawaing bahay at sa kanilang tindahan. Paano ipinakita ni Ryan ang pagiging mabuting anak sa kanyang nanay? A. Maagang papasok si Ryan sa paaralan. B. Gumising nang maaga si Ryan para magtrabaho. C. Nagtitinda si Ryan at hindi na pumasok sa paaralan. D. Tumulong sa kanyang nanay sa gawaing bahay at sa tindahan.
  • 19. 15 CO_Q4_ESP8_Module41 12.Kalilipat lang ni Cristy kaya wala siyang kaibigan sa klase. Mabuti na lang at may nagpakilala sa kanya at nagbigay impormasyon tungkol sa kanilang paaralan. Paano naipakita ng kaklase ang kabutihang ginawa kay Cristy? A. Pakikipagkaibigan ni Cristy ang bagong kaklase. B. Paglapit ng mag-aaral kay Cristy para may makausap C. Paglipat ni Cristy ng paaralan para magkaroon ng bagong kaibigan. D. Pagpapakilala ng mag-aaral kay Cristy at pagtuturo sa kanya ng tungkol sa kanilang paaralan. 13.Bata pa si Lito ngunit kakikitaan na siya ng kabaitan. Minsan nagkasundo sila ng kanyang kalaro na mag-unahan sa pagtakbo. Sa kanilang pagtakbo ay biglang nadapa ang kanyang kalaro kaya binalikan niya ito at tinulungang makatayo. Paano naipakita ni Lito ang kabutihan sa kalaro? A. Sa paglalaro, gumawa siya ng kasunduan. B. Para maipakita ang lakas niya sa pagtakbo C. Pakikipaglaro sa kaibigan para hindi ito mabagot D. Pagpapahalaga sa kapakananan ng kalaro kaysa manalo 14.Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob? A. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan B. Pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang kasambahay C. Tinitiyak na laging may pera para masuportahan ang pamilya D. Gumasta ng malaki sa kanyang birthday para marami ang makakain 15.Magkasabay na umuwi galing sa paaralan sina Gng. Reyes at ilan niyang mag- aaral. Agad na kinuha ng isang mag-aaral ang mga gamit ng guro upang tulungan ito sa pagdadala; samantala ang iba ay masayang nakikipag-usap kay Gng. Reyes. Piliin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang ginawa sa kapwa? A. Pakikipag-usap ng guro sa mga mag-aaral B. Pagpapadala ni Gng. Reyes ng kanyang mga gamit sa mag-aaral C. Pagtulong ng mag-aaral kay Gng. Reyes sa pagdadala ng gamit nito D. Pagiging masayahin ng mga mag-aaral dahil guro ang kanilang kasama
  • 20. 16 CO_Q4_ESP8_Module41 Karagdagang Gawain Gawain 8: Dayalogo ng Kabutihan Panuto: Lapatan ng dayalogo ang mga pangyayari sa komiks upang maipakita ang ginawang kabutihang loob ng tauhan sa pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Pa
  • 21. 17 CO_Q4_ESP8_Module41 Pamantayan Higit na inaasahan 5 puntos Nakamit ang inaasahan 4 puntos Bahagyang nakamit ang inaasahan 3 puntos Hindi nakamit ang inaasahan 2 puntos Nilalaman ng Dayalogo Komprehensibo at naipahayag sa dayalogo ang kabutihang ginawa sa kapwa. Wasto ang lahat ng impormasyon Kompleto at naipahayag sa dayalogo ang kabutihang ginawa sa kapwa. Wasto ang lahat ng impormasyon May ilang kakulangan sa pagpapahayag ng kabutihang loob sa dayalogo. May ilang maling impormasyon Maraming kakulangan sa nilalaman ng dayalogo. Organisasyon ng Kaisipan Organisado at may malinaw na kaisahan ang daloy ng paglalahad ng kaisipan sa usapan Malinaw at maayos ang paglalahad ng kaisipan sa usapan ng tauhan. Hindi masyadong maayos at malinaw ang paglalahad ng kaisipan sa usapan. Walang kaayusan ang paglalahad ng kaisipan sa usapan ng mga tauhan. Kabuoang Puntos
  • 23. 19 CO_Q4_ESP8_Module41 Sanggunian Aklat Bognot, Regina Mignon C. et. Al. Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul ng mAg-aaral. Pasig City, 2013. Julian-Baisa, Ailene G., Del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S. et. Al. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City, 2014
  • 24. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph