SlideShare a Scribd company logo
1 of 39
Download to read offline
92
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
I. Layunin UNANG ARAW
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang
code ng bawat
kasanayan
1. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay. EsP7PS-Ie-3.1
2. Nakasusulat ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig.
3. Nakapagbabahagi ng mga hilig at kung paano ito pauunlarin.
II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89
3. Mga pahina sa Teksbuk
93
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Mga Larawan mula sa internet
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
A. Papagbigayin ang mga mag-aaral ng sariling opinyon sa sumusunod na tanong. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Naniniwala ka ba sa mensahe ng pahayag na “Mahalin mo ang iyong ginagawa at gawin ang
mga bagay na iyong minamahal”?
2. Kaya mo bang gumawa ng isang bagay sa loob ng maghapong kakaunti lamang ang pahinga
ngunit hindi gaanong nakakaramdam ng pagod?
B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin.
Paunang Pagtataya
Isulat sa notbuk ang titik lamang ng mga sagot sa sumusunod na pagsusulit.
1. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig MALIBAN sa:
a. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya bilang
isang inhenyero. Namulat siya sa gawain ng kanyang ama at napansin niyang
nagkakainteres na rin siya sa matematika, pagguhit at pagdidisenyo.
b. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kanyang mga kaibigan sa larong badminton. Nais niyang
makasama nang madalas ang kanyang mga kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito
sa kabila ng hirap. Ginagawa nila nang madalas ang gawaing ito nang sama-sama.
c. Si Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong na siya sa kanilang
patahian at lumaon ay nakahiligan na niya itong gawin. Natutuwa sa kanya ang kanyang ina
94
dahil mahusay na siyang magdisenyo ng mga damit na nagagamit nila sa kanilang negosyo.
d. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kanyang kapwa. Nang
makatapos ng pag-aaral ay naging misyon na niya ang kumalap ng tulong sa mga
nakaaangat sa buhay para sa mga nangangailangan. Nakahiligan na niya ang sumama sa
mga outreach programs at relief operations.
2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawaing kinahihiligan?
a. Nakapagpapasaya sa tao
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig MALIBAN sa:
a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang
larangan ng kanilang kinahihilig?
 Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.
 Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang
nagdesinyo at nagsaayos.
 Si Jennelyn palagiang nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doktor.
 Si Jenica, palagiang nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan.
a. Persuasive, Outdoor, Clerical, Mechanical
b. Naturalist, Visual, Existential, Intrapersonal
c. Outdoor, Artistic, Mechanical, Social Service
95
d. Bodily/Kinesthetic, Naturalist, Interpersonal, Visual
5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji?
a. Larangan: musical
Tuon: tao
b. Larangan: musical, artistic
Tuon: tao, ideya
c. Larangan: musical, literary
Tuon: tao, ideya
d. Larangan: musical, literary
Tuon: tao, datos, ideya
6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko/bokasyunal?
a. Makatutulong ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa
hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa
hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pag-aaral upang maitaas
ang antas ng pagkatuto.
d. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong pang-akademiko o teknikal-
bokasyonal.
7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo
bilang tao.
d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
96
8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kakalase ay gumagawa nito
kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Makalipas ang ilang
buwan nakita naman niya na uuso naman ang paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili rin
siya sa kanyang magulang ng mga kakailanganing gamit. Makalipas ang ilang linggo ay nahinto
na ang kanyang paggawa nito. Ano ang makatuwirang gawin ni Liza?
a. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan.
b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyang-pansin ang nauuso.
c. Suriin ang kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na
nakapagpapasaya sa kanya.
d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang matulungan siyang mataya kung ano talaga
ang nararapat na pagtuunan ng pansin.
9. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata?
a. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal at pandamdamin.
b. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap.
c. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung mapauunlad ang mga hilig.
d. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng kanilang hilig.
Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas oras, maluwag na oras, malayang
panahon o dibersyon ay isang gawaing nakalilibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o
para sa recreation. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong
paraan ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao
ang isang hilig, marami pa itong ibang kahalgahan. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng
pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na
ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig.
Maaari ring ipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa loob ng bahay,
mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng
natatanging kasanayan. (http://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-3.html)
97
10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang
pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:
a. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
b. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buong sigla at husay.
c. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa.
d. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makaimit ang
mga ito.
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
2. Nakikilala ang:
a. Mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga hilig
b. Mga hakbang sa pagpapaunlad ng hilig
3. Nakapagbabahagi ng mga hilig at kung paano ito pauunlarin.
4. Nakasusulat ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig.
B.Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang propesyong ipinakikita. Ibigay ang mga gawaing
kanilang kinahihiligang gawin. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)
98
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Ipabasa ang case study gamit ang PowerPoint presentation. Tumawag ng mag-aaral upang sagutin
ang mga tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Mga Tanong:
1. Ano ang kinagigiliwang gawin ni Leslie?
2. Ilarawan ang natatanging kakayahan ni Leslie?
3. Paano nakatutulong sa kanya at sa ibang tao ang taglay niyang hilig? Ipaliwanag.
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1
Ipakita ng guro ang mga larawan ng mga kilalang tao sa bansa at sa buong mundo. Tukuyin at
isulat sa notbuk ang mga bagay na kinagigiliwan nilang gawin. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
Mula pagkabata, nakasanayan na ni Leslie na panoorin ang kanyang ina sa paggawa
ng oatmeal cookies. Natuto siyang mag-bake at ito ang kanyang gustong gawin sa kanyang
libreng oras. Sinubukan niyang magtimpla gamit ang kakaibang sangkap.
Nakatanggap siya ng maraming papuri dahil sa kakaibang sarap ng kanyang timpla.
Dahil dito, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili.
Gumagawa siya ng oatmeal cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga
kaibigan bilang regalo. Hanggang nagbigay siya ng mga ito sa isang “Home for the Aged”
dahil nabalitaan niyang wala silang panghimagas.
Sa edad na 15, nagtayo na siya ng bakeshop sa tulong ng kanyang mga magulang
dahil sa kakaibang timpla ng kanyang mga oatmeal cookies. (www.guideposts.com)
99
Pangalan: Heidi Mendoza
Bagay na minamahal gawin:
_______________________________
_______________________________
Pangalan: Albert Einstein
Bagay na minamahal gawin:
___________________________
___________________________
Pangalan: Juan Luna
Bagay na minamahal gawin:
_________________________
_________________________
Pangalan: Gary Valenciano
Bagay na minamahal gawin:
___________________________
___________________________
100
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2
Ipatala sa mga mag-aaral ang mga bagay na ginagawa nila sa kanilang libreng oras gamit ang
pormat na nasa ibaba. Iranggo ito ayon sa pinakagusto hanggang sa pinakahuling gustong gawin.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Hilig Rango
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10
Ano ang ginagawa mo sa
iyong libreng oras?
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
__
Isulat ang sampung gawaing
gusto mong gawin sa iyong libreng
oras. Iranggo mo ito mula sa iyong
pinakagusto (Ranggo 1) hanggang sa
pinakahuling gusto (Ranggo 10).
Maaaring ginagawa mo ito sa
bahay, paaralan, o pamayanan.
101
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Suriin ang isinulat na mga pinagkakaabalahan. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa notbuk ang
kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong ginawang talaan? Sa iyong ginawang pagraranggo sa mga
ito?
2. Bakit mahalaga ang pagtuklas ng sariling mga kinahihiligan? Ang pagpapaunlad ng mga ito?
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na
buhay
Itala ang mga pansariling pamamaraan ng pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng mga Hilig. (Gawin
sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________
H. Paglalahat sa aralin Ang pagpapaunlad ng sariling hilig ay mahalaga. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao
ang isang hilig, marami pa itong ibang kahalagahan. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng
pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na
ginagawa ito nang nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig.
Maaari ring ipagbili ang produkto ng isang hilig.
I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng islogan na binubuo ng 15-20 salita tungkol sa “Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng
Sariling Hilig.” (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
102
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Isagawa ang alinman sa sumusunod:
1. Magsaliksik sa internet, gumupit sa mga pahayagan at magasin o magsagawa ng
panayam/interbyu ng kuwento ng tagumpay ng isang kilalang tao dahil sa pagpapaunlad ng
sariling hilig.
2. Humanda sa pagbabahagi sa klase.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
103
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
104
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang
code ng bawat kasanayan
1. Nasusuri ang sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito. EsP7PS-Ie-3.2
2. Nakasusulat ng sanaysay kahalagahan ng pagpapaunlad ng sariling hilig
3. Nakapagsasadula ng mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig at kung papaano ginamit
at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay.
II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89
105
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Sa pamamagitan ng concept web, isulat sa mga tatsulok ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng
mga hilig. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Kahalagahan ng
Pagpapaunlad
ng mga Hilig
106
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Nasusuri ng sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito.
2. Nakasusulat ng sanaysay kahalagahan ng pagpapaunlad ng sariling hilig
3. Nakapagsasadula ang mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig at kung papaano ginamit
at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay.
B. Tumawag ng 1-5 mag-aaral na magtatala ng mga hilig at epektong dulot nito sa sarili. Gamitin
ang talahanayan sa ibaba. (Reflective Approach)
Mga Hilig Epektong dulot sa Sarili
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Ipabasa sa mga mag-aaral ang Larangan ng Hilig na nasa pahina 65-68 ng Kagamitan ng Mag-
aaral at pasagutan ang mga tanong na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)
Mga Larangan ng Hilig
OUTDOOR
Nasisiyahan sa mga gawaing sports pang-outdoor
• Pagsakay ng bisikleta
• Pag-aalaga ng hayop o halaman
• Pagsali sa mga laro o outdoor
107
MECHANICAL
Nasisiyahan sa paggamit ng mga tools. Paggawangmgabagay (hal.: silya) gamit ang martilyo at
lagare
• Pag-aayos ng mga sirang bagay
• Masaya at gustong tumulong sa pag repair ng sasakyan
• Pagmonitor ng perang natipid at naipon sa bangko
COMPUTATIONAL
Nasisiyahang gumawa gamit
• Pag-solve ng mathematical ang bilang o numero equations
• Pag-aaral ng mga bituin, bato, Nasisiyahan sa pagtuklas ng klima, halaman at hayop
SCIENTIFIC
Bagong kaalaman, pagdisenyo
• Pag-imbento ng mga bagay at pag-imbento ng mga bagay at produkto
• Pamamahala ng isang opisina o pangkat
• Pag-oorganisa ng isang party o komite
PERSUASIVE
Nasisiyahan sa pakikipagugnayan sa ibang tao o klase
• Pamumuno sa isang pangkat o pakikipagkaibigan
ARTISTIC
Nasisiyahan sa pagdidisenyo
• Paggawa ng mga bagay (hal.; painting, awit)
• Pagdrowing ng mga larawan o pagdoodle
• Paggawa ng mga bagay na pansining
• Paggawa ng handicraft ng mga bagay
108
LITERARY
Nasisiyahan sa pagbabasa
• Pagbabasa ng mga nobela o fiction
• Pagsusulat ng mga kuwento, tula pagsusulat
• Pagbubuo ng crossword puzzle
MUSICAL
Nasisiyahan sa pakikinig o musical instrument
• Pakikinig sa o paglikha ng awit
• Pagtutugtog ng piano o iba pang paglikha ng awit o pagtugtug ng musical instrument
• Pag-awit
• Pagsasayaw
SOCIAL SERVICES
Nasisiyahang tumulong sa kamag-aral sa
• Pagbisita sa kaibigang may sakit ibang tao
• Nakikinig sa mga problema ng ibang tao o kaibigan
• Paglilista ng perang tinanggap at ginastos
CLERICAL
Nasisiyahan sa pagbabasa at paggawa ng takdang-aralin
• Paglilista ng mga bagay na paperworks na gagawin
• Paggawa nang maayos ng report na isusumite sa klase
Ganap mo na bang naunawaan ang iba’t ibang larangan ng mga hilig? Sa pagkakataon namang ito
ay sikapin mong unawain ang iba’t ibang tuon ng mga hilig. Pag-aralan ang ilustrayon sa ibaba.
May inihandang mga halibawa para sa iyo.
109
Mga Tuon Ng Mga Hilig
Mga Gawain tuon sa tao (May kinalaman sa Tao) tuon sa bagay (Gamit ang tools at machines)
Tuon sa Ideya
(Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya)
Tuon sa Data
(May kinalaman sa facts, records, files, numero, detalye) Hal.: Paglalaro ng badminton
(Outdoor Interest)
Pagtuturo sa kaibigan ng paglalaro ng badminton
Paggamit ng rocket at shuttle cock
Pag-iisip ng technigue o paraan para pumasok ang shuttle cock
Pagsusuri kung paano makashoot sa ring
(Artistic Interest)
Pagpipinta ng larawan
Pagtuturo sa kamag-aaral kung paano magpinta
Paggawa ng frame para sa larawan
Pagsubok ng bagong kulay para mapaganda ang larawan
Pagcheck kung tama ang mga paraan sa pagpipinta
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1
Pangkatin ang klase sa limang grupo. Balikan ang mga itinalang bagay na pinagkakaabalahan sa
libreng oras. Pumili sa isa sa mga tala ng miyembro at gawin ang panuto na nasa ibaba at ibahagi
ng lider sa klase ang natapos na gawain. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist
Approach)
110
a. Isulat sa unang kolum ang mga gawaing iyong iniranggo sa unang Gawain.
b. Lagyan ng tsek ang angkop na larangan (interest area) sa ikalawang kolum.
c. Lagyan ng tsek ang angkop na tuon sa huling kolum.
10 Gawaing Iniranggo
Mga Larangan ng Hilig
(Interest Areas)
Tuon
(Focus)
Outdoor
Mechanical
Computation
Scientific
Persuasive
Artistic
Literary
Musical
Social
Service
Clerical
Tao
Data
Bagay
Ideya
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2
Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong mga hilig?
2. May pagkakatulad ba ang larangan ng iyong hilig sa mga uri ng talentong natuklasan mo
111
batay sa resulta ng isinagawa mong Multiple Intelligence Survey sa ikalawang modyul?
Ipaliwanag.
3. Sa kabuuan, ano-ano ang tuon ng iyong mga hilig? May kaugnayan ba ng mga ito sa:
a. Pagtupad ng iyong mga tungkulin? Ipaliwanag.
b. Pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal? Ipaliwanag.
c. Sa pagtulong sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan? Pangatuwiranan.
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo 75-100 salita tungkol sa Ang Aking Hilig, Susi ko sa
Aking Tagumpay. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Mula sa mga isinulat na mga hilig gawin, pumili ng isa at isadula ito.
Ipakita kung papaano ginamit at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay. (Gawin sa loob
ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Kraytirya:
a. Husay ng pagganap 40%
b. Kooperasyon at Disiplina 30%
c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan) 30%
H. Paglalahat sa aralin Ang mga hilig ay mga bagay na nakapagpapasaya sa atin habang ating ginagawa. Ito rin ang
nagdidikta ng hanapbuhay o trabaho na maaari nating makuha o pasukan sa hinaharap.
I. Pagtataya ng Aralin Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach
112
Clerical Social Service Musical Persuasive
Artistic Literary Computational
Mechanical Scientific Outdoor
1. Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas.
2. Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools).
3. Nasisiyahang gumawa gamit ang bilang o numero.
4. Nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman, pagdisenyo at pag-imbento ng mga
bagay at produkto.
5. Nahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan.
6. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay.
7. Nasisiyahan sa pagbabasa at pagsusulat ng mga akdang pampanitikan.
8. Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog.
9. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao.
10. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina.
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Sumulat ng isang Tagline sa notbuk tungkol sa pagpapaunlad ng hilig.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
113
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
114
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang
code ng bawat kasanayan
1. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatuon sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpipili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan. EsP7PS-If-3.3
2. Nakabubuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig.
3. Napangangatuwiran kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga hilig.
II. Nilalaman
Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89
115
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Gamit ang graphic organizer, isa-isahin ang mga larangan ng hilig. Tumawag ng mga mag-aaral na
magbibigay ng kasagutan. Talakayin ng guro ang kahulugan ng bawat isa. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective/Collaborative Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatuon sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo
Larangan ng Hilig
116
o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan.
2. Nakabubuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig.
3. Napangangatuwiranan kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga hilig.
B. Ipabasa ang mga larangan ng hilig na nakasulat sa flashcards. Tumawag ng ilang mag-aaral na
magbigay ng sariling opinyon at paliwanag ukol dito. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
a.kahulugan ng hilig
b.kahalagahan ng hilig
c. ang dalawang aspekto ng hilig
d.ang sampung larangan ng mga hilig
e.ang apat na tuon ng mga hilig
f. pagsusuri ng sariling mga hilig
g. pagpapaunlad ng mga hilig
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Gamitin ang PowerPoint presentation, basahin at talakayin ang teksto tungkol sa Mga Hilig. (Gawin
sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Mga Hilig
May kakaiba ka bang saya o sigla kapag nagsusulat ka ng iyong mga pananaw, opinyon o
pagninilay? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong mga naisulat? Sa iyong libreng oras, pipiliin mo bang
magbasa at maghanap sa internet o mga aklat ng magagandang ideya na gagamitin mo sa iyong
sanaysay o tula? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig mo ang
pagsusulat. Ano ba ang ibig sabihin ng hilig?
Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang gumaganyak
sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon dahil gusto mo ang iyong
ginagawa, hilig mo ito at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong pag-
117
unlad (Santamaria, 2006).
Sa kabilang dako, kung ang trabaho o gawain mo ay hindi ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay
nababagot. Iiwasan mo ang mga gawaing di mo gustong gawin o ipagpapaliban mo ang mga ito.
Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng mga kagamitang pinatatakbo ng kuryente tulad ng coffee
maker o juicer, ngunit ayaw mong subukang gamitin ito, patunay ito na hindi mo hilig ang
pagbubutingting (tinker) ng mga bagay.
Ang ibang hilig ay maaaring:
a. Natutuhan mula sa mga karanasan
b. Minamana
c. Galing sa ating mga pagpapahalaga
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gawain. Ang
taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at may pagmamalaki sa
gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili, gayundin
nagpapaunlad ng kanyang tiwala sa sarili.
Isa pa, nakatutulong ang mga hilig, kasama nang aptityud, potensyal at pangkalahatang
karunungan (general intelligence) tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng
kasanayan, kakayahan (proficiencies). Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil
palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan sa iyo bilang tao.
Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig? Makatutulong sa iyo ang kasunod ng mga
hakbang:
1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain.
2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
May dalawang aspekto ng mga hilig: ang larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon
ng atensyon (Abiva, 1993)
Narito at ating balikan ang sampung larangan ng hilig:
1. Outdoor
2. Mechanical
118
3. Computational
4. Scientific
5. Persuasive
6. Artistic
7. Literary
8. Musical
9. Social Service
10.Clerical
Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. Ito ay
maaaring sa tao, datos at bagay.
1.Tao
2.Datos
3. Bagay
4. Ideya
Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at
may higt sa isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika (musical)
at pagsulat (literary). Ito ay may tatlong tuon- tao (pag-awit o pagpaparinig ng nilikhang awit sa
kaibigan), datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya
(paggamit ng estratehiya kung paano mapalalaganap ang mensahe ng awit.
Kung may mga panahong kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay
kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga ang
pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri
ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw
sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan
din ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman
kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga
kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.
119
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Pasagutan ang mga tanong sa Tayahin ang Iyong Pag-unawa na makikita sa PowerPoint
presentation. Isulat ang sagot sa notbuk.
1. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito?
2. Bakit mahalaga ang mga hilig?
3. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
4. Ipaliwanag ang dalawang aspeto ng mga hilig?
5. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at tuon ng mga ito?
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa limang grupo. Gawin ang sumusunod na panuto.
1. Sagutin ang tanong at isulat ang kasagutan sa Manila paper.
Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
2. Punan ang graphic organizer sa ibaba.
3. Maghanda ang lider sa pagbabahagi sa klase ng natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
ay nakatutulong sa
Ang pagpapaunlad
ng mga hilig
Pagtupad ng mga tungkulin
Paghahanda tungo sa pagpili ng
propesyon (kursong akademiko
o teknikal-bokasyonal)
120
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Piliin sa kahon ang tinutukoy ng bawat pahayag. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
____________1. May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye
____________2. Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya
____________3. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
____________4. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
____________5. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina
____________6. Dahil sa pagtulong sa negosyo ng pamilyang pagtitinda ng mga lutong pagkain,
nakahiligan mo na rin ang pagluluto.
____________7. Labis ang iyong pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso
sa pagtulong sa iyong kapwa na nangangailangan.
____________8. Nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-aalaga ng
halaman.
____________9. Nasisiyahan sa gawaing panlabas.
____________10. Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo, at pag-imbento
ng mga bagay o produkto.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na
buhay
Ipatala ang mga natatanging hilig at isulat kung paano ito ibabahagi at palalaguin. (Gawin sa loob
ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Ideya Social Service Minamana
Data Clerical Artistic
Galing sa ating mga pagpapahalaga Scientific
Natutuhan mula sa mga karanasan Outdoor
121
Mga Hilig Ko Ibabahagi at papalaguin ko ito sa
pamamagitan ng:
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
H. Paglalahat sa aralin Mahalagang tandaang ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at
may higit sa isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika
(musical) at pagsulat (literary). Ito ay may tatlong tuon; tao (pag-awit o pagpaparinig ng nilikhang
awit sa kaibigan), datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya
(paggamit ng estratehiya kung paano mapalalaganap ang mensahe ng awit).
Kung may mga panahong kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay
kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga ang
pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri
ng mga gawain, kurso o trabahong magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa
iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan din
ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman
kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga
kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.
I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na nagpaliliwanag tungkol sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng hilig sa pagpaplano ng buhay, negosyo o hanapbuhay. (Gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
122
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita -20%
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
123
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punung-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
124
DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na
Tala sa Pagtuturo)
Paaralan Baitang/Antas 7
Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. 1. Natutukoy ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig.
2. 2. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig. EsP7PS-If3.4
a. a. Nakabubuo ng Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig.
b. b. Nakapagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig.
3. 3. Naibabahagi ang pagpapaunlad ng hilig sa pagpili ng mga gawain o trabaho at pagpapaunlad ng
4. pagkatao.
II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89
125
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Panturong Biswal: flash cards, Manila paper, marker
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Pangkatin ang klase sa limang grupo. Gamit ang flash card, ayusin ang mga letra upang mabuo
ang mga salita at ibigay ang kahulugan nito: (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative
Approach)
1. CIESTINCIF
2. TISARTCI
3. RYLIARTE
4. RELICCLA
5. TIOTAOCMUPANL
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
1. Natutukoy ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig.
2. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig.
a. Nakabubuo ng Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig.
b. Nakapagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunlad ng kanyang mga
hilig.
3. Naibabahagi ang pagpapaunlad ng hilig sa pagpili ng mga gawain o trabaho at
pagpapaunlad ng pagkatao.
126
B. Basahin ang sumusunod na kasabihan at ipaliwanag ito: (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
“Mahalin mo ang iyong ginagawa at gawin ang mga bagay na iyong minamahal”― Bob Ong
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Tumawag ng ilang mag-aaral na magbibigay ng mga sariling paraang ginagamit upang mapabuti at
mapaunlad ang kanilang hilig. Itala sa Manila paper ang kasagutan at ipaliwanag ito sa klase.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. ______________________________________
2. ______________________________________
3. ______________________________________
4. ______________________________________
5. ______________________________________
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Punan ang Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig na nasa ibaba. Magtala ng limang hilig at
isulat sa inyong notbuk. Pumili ng 3-5 mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa. (Gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
TSART NG PAGPAPAUNLAD NG AKING MGA HILIG
Mga Hilig Paano ko
Papaunlarin
ito ?
Mga Taong
Hinihingan ng
Tulong/
Suporta o
Kokounsultahin
Panahong
Ilalaan
Mga
Pangarap
na Gusto
kong
Makamit
Gamit ang
Hilig
Maaaring
Balakid
Paano
malalampas
an ang mga
ito?
Halimbawa:
Pagtugtog
* Tutugtog
ako sa loob
Mga kaibigan at
guro
Isang oras
araw-araw
Tuturuan
ng
Baka
may
Ipangangako
ko sa aking
127
ng gitara ng isang
oras araw-
araw
* Mag-
eenrol ako
sa isang
guitar
school
pagtugtog
ng gitara
ang mga
kapitbahay
upang
mapaunlad
ang aming
ugnayan at
mailapit ko
sila sa
Diyos.
ipagawa
sa aking
gawain
sa bahay
magulang na
pagbubutihin
ko ang pag-
aaral, para
payagan nila
ako sa mga
hilig ko.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Sumulat ng talaarawan (diary) ng mga ginawa sa buong maghapon tungkol sa pagpapaunlad ng
sarili at mga hilig. Ibahagi sa klase ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%
128
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Sagutin ang sumusunod na katanungan: (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang pakiramdam mo nang natapos mo ang gawain?
2. May mga bago ka bang natuklasan tungkol sa iyong sarili?
3. Paano makatutulong ang iyong mga hilig sa iyong paghahanda sa susunod na yugto ng buhay?
4. May mga bago ka bang natutuhan o insights?
5. May mga karagdagang kaalaman ka ba na nasaliksik o mga tanong tungkol sa hilig?
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Kompletuhin ang pahayag. Isulat sa inyong notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig sa paghahanda sa pag-aaral, pagnenegosyo at
paghahanapbuhay dahil
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
H. Paglalahat sa aralin Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga hilig, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil
palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o
kaganapan. Kung malinaw sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa
pagiging abala. Maiiwasan din ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking
suweldo ngunit di naman kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig,
makikilala mo ang mga kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.
I. Pagtataya ng Aralin Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Limang puntos sa bawat
katanungan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Paano mo iuugnay ang mga natuklasan mong hilig sa gusto mong kurso o negosyo?
129
Ipaliwanag.
2. Ano-anong hilig ang kailangan mong pag-ibayuhin o baguhin? Ipaliwanag.
3. Paano makatutulong ang iyong mga hilig sa paghahanda sa iyong pinaplanong kurso
akademiko o teknikal-bokasyonal o hanapbuhay o negosyo? Pangatuwiranan.
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
Humanda para sa Pagsusulit.
Ihanda rin ang sumusunod:
a. Portfolio
b. Notbuk
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
130
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

More Related Content

What's hot

ANG MABUTING PAGPAPASIYA.pptx
ANG MABUTING PAGPAPASIYA.pptxANG MABUTING PAGPAPASIYA.pptx
ANG MABUTING PAGPAPASIYA.pptxRonaldSaycon1
 
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaRoselle Liwanag
 
ESP7 Modyul 11 Panloob na Salik na Nakakaapekto sa Pagpapahalaga
ESP7 Modyul 11 Panloob na Salik na Nakakaapekto sa PagpapahalagaESP7 Modyul 11 Panloob na Salik na Nakakaapekto sa Pagpapahalaga
ESP7 Modyul 11 Panloob na Salik na Nakakaapekto sa PagpapahalagaRoselle Liwanag
 
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!avonnecastiilo
 
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxAng Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxShannenMayGestiada3
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Manuel Dinlayan
 
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptxESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptxAilenjaneEnoc2
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...MaamAraJelene
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaRodel Sinamban
 
Mga larangan ng hilig
Mga larangan ng hiligMga larangan ng hilig
Mga larangan ng hiligvanessagui
 
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaRoselle Liwanag
 
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...Glenda Acera
 
Pagbibinata at Pagdadalaga
Pagbibinata at PagdadalagaPagbibinata at Pagdadalaga
Pagbibinata at PagdadalagaHamdanAlversado
 
Konsensya at likas na batas moral revised.pptx
Konsensya at likas na batas moral revised.pptxKonsensya at likas na batas moral revised.pptx
Konsensya at likas na batas moral revised.pptxGenerosaFrancisco
 
ESP 7 Modyul 7 Kalayaan
ESP 7 Modyul 7 KalayaanESP 7 Modyul 7 Kalayaan
ESP 7 Modyul 7 KalayaanLemuel Estrada
 

What's hot (20)

Mga hilig
Mga hiligMga hilig
Mga hilig
 
ANG MABUTING PAGPAPASIYA.pptx
ANG MABUTING PAGPAPASIYA.pptxANG MABUTING PAGPAPASIYA.pptx
ANG MABUTING PAGPAPASIYA.pptx
 
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
 
ESP7 Modyul 11 Panloob na Salik na Nakakaapekto sa Pagpapahalaga
ESP7 Modyul 11 Panloob na Salik na Nakakaapekto sa PagpapahalagaESP7 Modyul 11 Panloob na Salik na Nakakaapekto sa Pagpapahalaga
ESP7 Modyul 11 Panloob na Salik na Nakakaapekto sa Pagpapahalaga
 
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
ESP 7 MODYUL 13 MANGARAP KA!
 
Es p 7 module 1 day 1
Es p 7 module 1 day 1Es p 7 module 1 day 1
Es p 7 module 1 day 1
 
Modyul 12 ESP 7
Modyul 12 ESP 7Modyul 12 ESP 7
Modyul 12 ESP 7
 
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxAng Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
 
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptxESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptxESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
 
Mga larangan ng hilig
Mga larangan ng hiligMga larangan ng hilig
Mga larangan ng hilig
 
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
 
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
 
Pagbibinata at Pagdadalaga
Pagbibinata at PagdadalagaPagbibinata at Pagdadalaga
Pagbibinata at Pagdadalaga
 
Konsensya at likas na batas moral revised.pptx
Konsensya at likas na batas moral revised.pptxKonsensya at likas na batas moral revised.pptx
Konsensya at likas na batas moral revised.pptx
 
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Hirarkiya ng PagpapahalagaHirarkiya ng Pagpapahalaga
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
 
ESP 7 Modyul 7 Kalayaan
ESP 7 Modyul 7 KalayaanESP 7 Modyul 7 Kalayaan
ESP 7 Modyul 7 Kalayaan
 

Similar to EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.pdf

EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxAniceto Buniel
 
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxAniceto Buniel
 
COT ESP6.docx
COT ESP6.docxCOT ESP6.docx
COT ESP6.docxlomar5
 
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docxDLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docxGrace659666
 
DLL ESP (MELCs) W6.docxffffffffffffffffffffffffffffff
DLL ESP (MELCs) W6.docxffffffffffffffffffffffffffffffDLL ESP (MELCs) W6.docxffffffffffffffffffffffffffffff
DLL ESP (MELCs) W6.docxffffffffffffffffffffffffffffffMaritesOlanio
 
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
DLL-ESP10-Module-1.1  Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docxDLL-ESP10-Module-1.1  Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docxJasminAndAngie
 
DLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docxDLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docxssuser570191
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfAniceto Buniel
 
-DLL-Q1 , Wk. 3-gr.8- rada.docxkkakaa;l;lal
-DLL-Q1 , Wk. 3-gr.8- rada.docxkkakaa;l;lal-DLL-Q1 , Wk. 3-gr.8- rada.docxkkakaa;l;lal
-DLL-Q1 , Wk. 3-gr.8- rada.docxkkakaa;l;lalSheenaMarieTulagan
 
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeeeDLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeeeMaritesOlanio
 
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docxQ2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docxArlynAyag1
 
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptxHomeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptxHenryViernes
 
Day 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDay 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDixieRamos2
 

Similar to EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.pdf (20)

EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
 
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docxEsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.docx
 
COT ESP6.docx
COT ESP6.docxCOT ESP6.docx
COT ESP6.docx
 
ESP8 Q4 MOD41.pdf
ESP8 Q4 MOD41.pdfESP8 Q4 MOD41.pdf
ESP8 Q4 MOD41.pdf
 
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docxDLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
DLL_EPP-4-HE_Q1_W4.docx
 
DLL ESP (MELCs) W6.docxffffffffffffffffffffffffffffff
DLL ESP (MELCs) W6.docxffffffffffffffffffffffffffffffDLL ESP (MELCs) W6.docxffffffffffffffffffffffffffffff
DLL ESP (MELCs) W6.docxffffffffffffffffffffffffffffff
 
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
DLL-ESP10-Module-1.1  Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docxDLL-ESP10-Module-1.1  Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
 
DLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docxDLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docx
 
Es p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarterEs p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarter
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
 
DLL_ESP 1_Q1_W1.docx
DLL_ESP 1_Q1_W1.docxDLL_ESP 1_Q1_W1.docx
DLL_ESP 1_Q1_W1.docx
 
-DLL-Q1 , Wk. 3-gr.8- rada.docxkkakaa;l;lal
-DLL-Q1 , Wk. 3-gr.8- rada.docxkkakaa;l;lal-DLL-Q1 , Wk. 3-gr.8- rada.docxkkakaa;l;lal
-DLL-Q1 , Wk. 3-gr.8- rada.docxkkakaa;l;lal
 
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeeeDLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
 
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docxQ2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
Q2-ESP DL week 1 day 1November 10, 2023.docx
 
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptxHomeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
 
Day 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDay 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docx
 
DLL June 2019.docx
DLL June 2019.docxDLL June 2019.docx
DLL June 2019.docx
 
ESP6 dll week 8 oct16-20.docx
ESP6 dll week 8 oct16-20.docxESP6 dll week 8 oct16-20.docx
ESP6 dll week 8 oct16-20.docx
 
DLL_ESP 4_Q3_W8.docx
DLL_ESP 4_Q3_W8.docxDLL_ESP 4_Q3_W8.docx
DLL_ESP 4_Q3_W8.docx
 

EsP-DLL-7-Mod-3-Sharmaine.pdf

  • 1. 92 DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Una I. Layunin UNANG ARAW A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay. EsP7PS-Ie-3.1 2. Nakasusulat ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig. 3. Nakapagbabahagi ng mga hilig at kung paano ito pauunlarin. II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89 3. Mga pahina sa Teksbuk
  • 2. 93 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333 B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga Larawan mula sa internet Panturong Biswal: LCD projector, laptop III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. A. Papagbigayin ang mga mag-aaral ng sariling opinyon sa sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Naniniwala ka ba sa mensahe ng pahayag na “Mahalin mo ang iyong ginagawa at gawin ang mga bagay na iyong minamahal”? 2. Kaya mo bang gumawa ng isang bagay sa loob ng maghapong kakaunti lamang ang pahinga ngunit hindi gaanong nakakaramdam ng pagod? B. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. Paunang Pagtataya Isulat sa notbuk ang titik lamang ng mga sagot sa sumusunod na pagsusulit. 1. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig MALIBAN sa: a. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya bilang isang inhenyero. Namulat siya sa gawain ng kanyang ama at napansin niyang nagkakainteres na rin siya sa matematika, pagguhit at pagdidisenyo. b. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kanyang mga kaibigan sa larong badminton. Nais niyang makasama nang madalas ang kanyang mga kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito sa kabila ng hirap. Ginagawa nila nang madalas ang gawaing ito nang sama-sama. c. Si Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong na siya sa kanilang patahian at lumaon ay nakahiligan na niya itong gawin. Natutuwa sa kanya ang kanyang ina
  • 3. 94 dahil mahusay na siyang magdisenyo ng mga damit na nagagamit nila sa kanilang negosyo. d. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kanyang kapwa. Nang makatapos ng pag-aaral ay naging misyon na niya ang kumalap ng tulong sa mga nakaaangat sa buhay para sa mga nangangailangan. Nakahiligan na niya ang sumama sa mga outreach programs at relief operations. 2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawaing kinahihiligan? a. Nakapagpapasaya sa tao b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap 3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig MALIBAN sa: a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin. d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito. 4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang larangan ng kanilang kinahihilig?  Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.  Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang nagdesinyo at nagsaayos.  Si Jennelyn palagiang nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doktor.  Si Jenica, palagiang nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan. a. Persuasive, Outdoor, Clerical, Mechanical b. Naturalist, Visual, Existential, Intrapersonal c. Outdoor, Artistic, Mechanical, Social Service
  • 4. 95 d. Bodily/Kinesthetic, Naturalist, Interpersonal, Visual 5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji? a. Larangan: musical Tuon: tao b. Larangan: musical, artistic Tuon: tao, ideya c. Larangan: musical, literary Tuon: tao, ideya d. Larangan: musical, literary Tuon: tao, datos, ideya 6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko/bokasyunal? a. Makatutulong ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap. b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap. c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pag-aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto. d. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong pang-akademiko o teknikal- bokasyonal. 7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig? a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain. b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras. c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao. d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
  • 5. 96 8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kakalase ay gumagawa nito kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Makalipas ang ilang buwan nakita naman niya na uuso naman ang paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang magulang ng mga kakailanganing gamit. Makalipas ang ilang linggo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano ang makatuwirang gawin ni Liza? a. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan. b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyang-pansin ang nauuso. c. Suriin ang kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na nakapagpapasaya sa kanya. d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang matulungan siyang mataya kung ano talaga ang nararapat na pagtuunan ng pansin. 9. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata? a. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal at pandamdamin. b. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap. c. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung mapauunlad ang mga hilig. d. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng kanilang hilig. Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas oras, maluwag na oras, malayang panahon o dibersyon ay isang gawaing nakalilibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o para sa recreation. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao ang isang hilig, marami pa itong ibang kahalgahan. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig. Maaari ring ipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa loob ng bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng natatanging kasanayan. (http://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-3.html)
  • 6. 97 10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay: a. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig. b. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buong sigla at husay. c. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa. d. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makaimit ang mga ito. B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay. 2. Nakikilala ang: a. Mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga hilig b. Mga hakbang sa pagpapaunlad ng hilig 3. Nakapagbabahagi ng mga hilig at kung paano ito pauunlarin. 4. Nakasusulat ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig. B.Tingnan ang bawat larawan at tukuyin ang propesyong ipinakikita. Ibigay ang mga gawaing kanilang kinahihiligang gawin. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Integrative Approach)
  • 7. 98 C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Ipabasa ang case study gamit ang PowerPoint presentation. Tumawag ng mag-aaral upang sagutin ang mga tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Mga Tanong: 1. Ano ang kinagigiliwang gawin ni Leslie? 2. Ilarawan ang natatanging kakayahan ni Leslie? 3. Paano nakatutulong sa kanya at sa ibang tao ang taglay niyang hilig? Ipaliwanag. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Ipakita ng guro ang mga larawan ng mga kilalang tao sa bansa at sa buong mundo. Tukuyin at isulat sa notbuk ang mga bagay na kinagigiliwan nilang gawin. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Mula pagkabata, nakasanayan na ni Leslie na panoorin ang kanyang ina sa paggawa ng oatmeal cookies. Natuto siyang mag-bake at ito ang kanyang gustong gawin sa kanyang libreng oras. Sinubukan niyang magtimpla gamit ang kakaibang sangkap. Nakatanggap siya ng maraming papuri dahil sa kakaibang sarap ng kanyang timpla. Dahil dito, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili. Gumagawa siya ng oatmeal cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga kaibigan bilang regalo. Hanggang nagbigay siya ng mga ito sa isang “Home for the Aged” dahil nabalitaan niyang wala silang panghimagas. Sa edad na 15, nagtayo na siya ng bakeshop sa tulong ng kanyang mga magulang dahil sa kakaibang timpla ng kanyang mga oatmeal cookies. (www.guideposts.com)
  • 8. 99 Pangalan: Heidi Mendoza Bagay na minamahal gawin: _______________________________ _______________________________ Pangalan: Albert Einstein Bagay na minamahal gawin: ___________________________ ___________________________ Pangalan: Juan Luna Bagay na minamahal gawin: _________________________ _________________________ Pangalan: Gary Valenciano Bagay na minamahal gawin: ___________________________ ___________________________
  • 9. 100 E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Ipatala sa mga mag-aaral ang mga bagay na ginagawa nila sa kanilang libreng oras gamit ang pormat na nasa ibaba. Iranggo ito ayon sa pinakagusto hanggang sa pinakahuling gustong gawin. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Hilig Rango 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10 Ano ang ginagawa mo sa iyong libreng oras? ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ __ Isulat ang sampung gawaing gusto mong gawin sa iyong libreng oras. Iranggo mo ito mula sa iyong pinakagusto (Ranggo 1) hanggang sa pinakahuling gusto (Ranggo 10). Maaaring ginagawa mo ito sa bahay, paaralan, o pamayanan.
  • 10. 101 F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Suriin ang isinulat na mga pinagkakaabalahan. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa notbuk ang kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong ginawang talaan? Sa iyong ginawang pagraranggo sa mga ito? 2. Bakit mahalaga ang pagtuklas ng sariling mga kinahihiligan? Ang pagpapaunlad ng mga ito? G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-araw na buhay Itala ang mga pansariling pamamaraan ng pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng mga Hilig. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach) 1. ________________________________ 2. ________________________________ 3. ________________________________ 4. ________________________________ 5. ________________________________ H. Paglalahat sa aralin Ang pagpapaunlad ng sariling hilig ay mahalaga. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao ang isang hilig, marami pa itong ibang kahalagahan. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na ginagawa ito nang nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig. Maaari ring ipagbili ang produkto ng isang hilig. I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng islogan na binubuo ng 15-20 salita tungkol sa “Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng Sariling Hilig.” (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach) Kraytirya: a. Angkop sa Paksa 40% b. Paggamit ng Salita 30% c. Orihinalidad 20% d. Kalinisan 10%
  • 11. 102 J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation Isagawa ang alinman sa sumusunod: 1. Magsaliksik sa internet, gumupit sa mga pahayagan at magasin o magsagawa ng panayam/interbyu ng kuwento ng tagumpay ng isang kilalang tao dahil sa pagpapaunlad ng sariling hilig. 2. Humanda sa pagbabahagi sa klase. IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag- aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
  • 12. 103 nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punong-guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
  • 13. 104 DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Una IKALAWANG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Nasusuri ang sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito. EsP7PS-Ie-3.2 2. Nakasusulat ng sanaysay kahalagahan ng pagpapaunlad ng sariling hilig 3. Nakapagsasadula ng mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig at kung papaano ginamit at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay. II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89
  • 14. 105 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333 B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop III. Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. Sa pamamagitan ng concept web, isulat sa mga tatsulok ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga hilig. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach) Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng mga Hilig
  • 15. 106 B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Nasusuri ng sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito. 2. Nakasusulat ng sanaysay kahalagahan ng pagpapaunlad ng sariling hilig 3. Nakapagsasadula ang mga kahalagahan ng pagpapaunlad ng hilig at kung papaano ginamit at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay. B. Tumawag ng 1-5 mag-aaral na magtatala ng mga hilig at epektong dulot nito sa sarili. Gamitin ang talahanayan sa ibaba. (Reflective Approach) Mga Hilig Epektong dulot sa Sarili C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Ipabasa sa mga mag-aaral ang Larangan ng Hilig na nasa pahina 65-68 ng Kagamitan ng Mag- aaral at pasagutan ang mga tanong na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Mga Larangan ng Hilig OUTDOOR Nasisiyahan sa mga gawaing sports pang-outdoor • Pagsakay ng bisikleta • Pag-aalaga ng hayop o halaman • Pagsali sa mga laro o outdoor
  • 16. 107 MECHANICAL Nasisiyahan sa paggamit ng mga tools. Paggawangmgabagay (hal.: silya) gamit ang martilyo at lagare • Pag-aayos ng mga sirang bagay • Masaya at gustong tumulong sa pag repair ng sasakyan • Pagmonitor ng perang natipid at naipon sa bangko COMPUTATIONAL Nasisiyahang gumawa gamit • Pag-solve ng mathematical ang bilang o numero equations • Pag-aaral ng mga bituin, bato, Nasisiyahan sa pagtuklas ng klima, halaman at hayop SCIENTIFIC Bagong kaalaman, pagdisenyo • Pag-imbento ng mga bagay at pag-imbento ng mga bagay at produkto • Pamamahala ng isang opisina o pangkat • Pag-oorganisa ng isang party o komite PERSUASIVE Nasisiyahan sa pakikipagugnayan sa ibang tao o klase • Pamumuno sa isang pangkat o pakikipagkaibigan ARTISTIC Nasisiyahan sa pagdidisenyo • Paggawa ng mga bagay (hal.; painting, awit) • Pagdrowing ng mga larawan o pagdoodle • Paggawa ng mga bagay na pansining • Paggawa ng handicraft ng mga bagay
  • 17. 108 LITERARY Nasisiyahan sa pagbabasa • Pagbabasa ng mga nobela o fiction • Pagsusulat ng mga kuwento, tula pagsusulat • Pagbubuo ng crossword puzzle MUSICAL Nasisiyahan sa pakikinig o musical instrument • Pakikinig sa o paglikha ng awit • Pagtutugtog ng piano o iba pang paglikha ng awit o pagtugtug ng musical instrument • Pag-awit • Pagsasayaw SOCIAL SERVICES Nasisiyahang tumulong sa kamag-aral sa • Pagbisita sa kaibigang may sakit ibang tao • Nakikinig sa mga problema ng ibang tao o kaibigan • Paglilista ng perang tinanggap at ginastos CLERICAL Nasisiyahan sa pagbabasa at paggawa ng takdang-aralin • Paglilista ng mga bagay na paperworks na gagawin • Paggawa nang maayos ng report na isusumite sa klase Ganap mo na bang naunawaan ang iba’t ibang larangan ng mga hilig? Sa pagkakataon namang ito ay sikapin mong unawain ang iba’t ibang tuon ng mga hilig. Pag-aralan ang ilustrayon sa ibaba. May inihandang mga halibawa para sa iyo.
  • 18. 109 Mga Tuon Ng Mga Hilig Mga Gawain tuon sa tao (May kinalaman sa Tao) tuon sa bagay (Gamit ang tools at machines) Tuon sa Ideya (Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya) Tuon sa Data (May kinalaman sa facts, records, files, numero, detalye) Hal.: Paglalaro ng badminton (Outdoor Interest) Pagtuturo sa kaibigan ng paglalaro ng badminton Paggamit ng rocket at shuttle cock Pag-iisip ng technigue o paraan para pumasok ang shuttle cock Pagsusuri kung paano makashoot sa ring (Artistic Interest) Pagpipinta ng larawan Pagtuturo sa kamag-aaral kung paano magpinta Paggawa ng frame para sa larawan Pagsubok ng bagong kulay para mapaganda ang larawan Pagcheck kung tama ang mga paraan sa pagpipinta D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Pangkatin ang klase sa limang grupo. Balikan ang mga itinalang bagay na pinagkakaabalahan sa libreng oras. Pumili sa isa sa mga tala ng miyembro at gawin ang panuto na nasa ibaba at ibahagi ng lider sa klase ang natapos na gawain. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
  • 19. 110 a. Isulat sa unang kolum ang mga gawaing iyong iniranggo sa unang Gawain. b. Lagyan ng tsek ang angkop na larangan (interest area) sa ikalawang kolum. c. Lagyan ng tsek ang angkop na tuon sa huling kolum. 10 Gawaing Iniranggo Mga Larangan ng Hilig (Interest Areas) Tuon (Focus) Outdoor Mechanical Computation Scientific Persuasive Artistic Literary Musical Social Service Clerical Tao Data Bagay Ideya E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong mga hilig? 2. May pagkakatulad ba ang larangan ng iyong hilig sa mga uri ng talentong natuklasan mo
  • 20. 111 batay sa resulta ng isinagawa mong Multiple Intelligence Survey sa ikalawang modyul? Ipaliwanag. 3. Sa kabuuan, ano-ano ang tuon ng iyong mga hilig? May kaugnayan ba ng mga ito sa: a. Pagtupad ng iyong mga tungkulin? Ipaliwanag. b. Pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal? Ipaliwanag. c. Sa pagtulong sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan? Pangatuwiranan. F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo 75-100 salita tungkol sa Ang Aking Hilig, Susi ko sa Aking Tagumpay. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach) Kraytirya: a. Angkop sa Paksa 40% b. Paggamit ng Salita 30% c. Orihinalidad 20% d. Kalinisan 10% G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-araw na buhay Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Mula sa mga isinulat na mga hilig gawin, pumili ng isa at isadula ito. Ipakita kung papaano ginamit at nakatulong ang hilig na ito upang magtagumpay. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach) Kraytirya: a. Husay ng pagganap 40% b. Kooperasyon at Disiplina 30% c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan) 30% H. Paglalahat sa aralin Ang mga hilig ay mga bagay na nakapagpapasaya sa atin habang ating ginagawa. Ito rin ang nagdidikta ng hanapbuhay o trabaho na maaari nating makuha o pasukan sa hinaharap. I. Pagtataya ng Aralin Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pahayag. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach
  • 21. 112 Clerical Social Service Musical Persuasive Artistic Literary Computational Mechanical Scientific Outdoor 1. Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas. 2. Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools). 3. Nasisiyahang gumawa gamit ang bilang o numero. 4. Nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman, pagdisenyo at pag-imbento ng mga bagay at produkto. 5. Nahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan. 6. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay. 7. Nasisiyahan sa pagbabasa at pagsusulat ng mga akdang pampanitikan. 8. Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog. 9. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao. 10. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina. J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation Sumulat ng isang Tagline sa notbuk tungkol sa pagpapaunlad ng hilig. IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na
  • 22. 113 nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag- aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punong-guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
  • 23. 114 DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Una IKATLONG ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatuon sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpipili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan. EsP7PS-If-3.3 2. Nakabubuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig. 3. Napangangatuwiran kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga hilig. II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- aaral Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89
  • 24. 115 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333 B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop III.Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. Gamit ang graphic organizer, isa-isahin ang mga larangan ng hilig. Tumawag ng mga mag-aaral na magbibigay ng kasagutan. Talakayin ng guro ang kahulugan ng bawat isa. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Collaborative Approach) B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatuon sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo Larangan ng Hilig
  • 25. 116 o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan. 2. Nakabubuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig. 3. Napangangatuwiranan kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga hilig. B. Ipabasa ang mga larangan ng hilig na nakasulat sa flashcards. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbigay ng sariling opinyon at paliwanag ukol dito. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) a.kahulugan ng hilig b.kahalagahan ng hilig c. ang dalawang aspekto ng hilig d.ang sampung larangan ng mga hilig e.ang apat na tuon ng mga hilig f. pagsusuri ng sariling mga hilig g. pagpapaunlad ng mga hilig C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Gamitin ang PowerPoint presentation, basahin at talakayin ang teksto tungkol sa Mga Hilig. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Mga Hilig May kakaiba ka bang saya o sigla kapag nagsusulat ka ng iyong mga pananaw, opinyon o pagninilay? Ipinagmamalaki mo ba ang iyong mga naisulat? Sa iyong libreng oras, pipiliin mo bang magbasa at maghanap sa internet o mga aklat ng magagandang ideya na gagamitin mo sa iyong sanaysay o tula? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig mo ang pagsusulat. Ano ba ang ibig sabihin ng hilig? Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Nagsisikap ka kung may motibasyon dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong pag-
  • 26. 117 unlad (Santamaria, 2006). Sa kabilang dako, kung ang trabaho o gawain mo ay hindi ayon sa iyong mga hilig, ikaw ay nababagot. Iiwasan mo ang mga gawaing di mo gustong gawin o ipagpapaliban mo ang mga ito. Halimbawa, kahit gusto mong gumamit ng mga kagamitang pinatatakbo ng kuryente tulad ng coffee maker o juicer, ngunit ayaw mong subukang gamitin ito, patunay ito na hindi mo hilig ang pagbubutingting (tinker) ng mga bagay. Ang ibang hilig ay maaaring: a. Natutuhan mula sa mga karanasan b. Minamana c. Galing sa ating mga pagpapahalaga Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gawain. Ang taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at may pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili, gayundin nagpapaunlad ng kanyang tiwala sa sarili. Isa pa, nakatutulong ang mga hilig, kasama nang aptityud, potensyal at pangkalahatang karunungan (general intelligence) tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng kasanayan, kakayahan (proficiencies). Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan sa iyo bilang tao. Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig? Makatutulong sa iyo ang kasunod ng mga hakbang: 1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain. 2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. 3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin. May dalawang aspekto ng mga hilig: ang larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon (Abiva, 1993) Narito at ating balikan ang sampung larangan ng hilig: 1. Outdoor 2. Mechanical
  • 27. 118 3. Computational 4. Scientific 5. Persuasive 6. Artistic 7. Literary 8. Musical 9. Social Service 10.Clerical Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. Ito ay maaaring sa tao, datos at bagay. 1.Tao 2.Datos 3. Bagay 4. Ideya Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at may higt sa isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika (musical) at pagsulat (literary). Ito ay may tatlong tuon- tao (pag-awit o pagpaparinig ng nilikhang awit sa kaibigan), datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya (paggamit ng estratehiya kung paano mapalalaganap ang mensahe ng awit. Kung may mga panahong kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan din ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.
  • 28. 119 D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Pasagutan ang mga tanong sa Tayahin ang Iyong Pag-unawa na makikita sa PowerPoint presentation. Isulat ang sagot sa notbuk. 1. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito? 2. Bakit mahalaga ang mga hilig? 3. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig? 4. Ipaliwanag ang dalawang aspeto ng mga hilig? 5. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at tuon ng mga ito? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pangkatin ang klase sa limang grupo. Gawin ang sumusunod na panuto. 1. Sagutin ang tanong at isulat ang kasagutan sa Manila paper. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig? 2. Punan ang graphic organizer sa ibaba. 3. Maghanda ang lider sa pagbabahagi sa klase ng natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) ay nakatutulong sa Ang pagpapaunlad ng mga hilig Pagtupad ng mga tungkulin Paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon (kursong akademiko o teknikal-bokasyonal)
  • 29. 120 F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Piliin sa kahon ang tinutukoy ng bawat pahayag. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) ____________1. May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye ____________2. Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya ____________3. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay ____________4. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao ____________5. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina ____________6. Dahil sa pagtulong sa negosyo ng pamilyang pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto. ____________7. Labis ang iyong pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa na nangangailangan. ____________8. Nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-aalaga ng halaman. ____________9. Nasisiyahan sa gawaing panlabas. ____________10. Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo, at pag-imbento ng mga bagay o produkto. G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-araw na buhay Ipatala ang mga natatanging hilig at isulat kung paano ito ibabahagi at palalaguin. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Ideya Social Service Minamana Data Clerical Artistic Galing sa ating mga pagpapahalaga Scientific Natutuhan mula sa mga karanasan Outdoor
  • 30. 121 Mga Hilig Ko Ibabahagi at papalaguin ko ito sa pamamagitan ng: 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. H. Paglalahat sa aralin Mahalagang tandaang ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at may higit sa isang tuon. Halimbawa, ang paglikha ng awit ay indikasyon ng hilig sa musika (musical) at pagsulat (literary). Ito ay may tatlong tuon; tao (pag-awit o pagpaparinig ng nilikhang awit sa kaibigan), datos (paglapat sa mga linya ng awit ng mga pagkatuto sa karanasan) at ideya (paggamit ng estratehiya kung paano mapalalaganap ang mensahe ng awit). Kung may mga panahong kahit pagod ka na, patuloy ka pang gumagawa ng isang bagay kaya’t di mo napapansin ang paglipas ng oras, indikasyon ito ng iyong hilig. Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga ito, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso o trabahong magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan din ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito. I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na nagpaliliwanag tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng hilig sa pagpaplano ng buhay, negosyo o hanapbuhay. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Kraytirya: a. Nilalaman -50%
  • 31. 122 b. Kaugnayan sa Paksa -30% c. Paggamit ng Angkop na Salita -20% IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag- aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation? E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking
  • 32. 123 naranasang solusyunan sa tulong ng aking punung-guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
  • 33. 124 DAILY LESSON LOG (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan Baitang/Antas 7 Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao Petsa/Oras Markahan Una IKAAPAT ARAW I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang hilig. C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan 1. 1. Natutukoy ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig. 2. 2. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig. EsP7PS-If3.4 a. a. Nakabubuo ng Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig. b. b. Nakapagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig. 3. 3. Naibabahagi ang pagpapaunlad ng hilig sa pagpili ng mga gawain o trabaho at pagpapaunlad ng 4. pagkatao. II. Nilalaman Modyul 3: Pagpapaunlad ng mga Hilig A. Sanggunian 1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 30-39 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 65-89
  • 34. 125 aaral 3. Mga pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5333 B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: flash cards, Manila paper, marker III.Pamamaraan A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin. Pangkatin ang klase sa limang grupo. Gamit ang flash card, ayusin ang mga letra upang mabuo ang mga salita at ibigay ang kahulugan nito: (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach) 1. CIESTINCIF 2. TISARTCI 3. RYLIARTE 4. RELICCLA 5. TIOTAOCMUPANL B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. 1. Natutukoy ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig. 2. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng hilig. a. Nakabubuo ng Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig. b. Nakapagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig. 3. Naibabahagi ang pagpapaunlad ng hilig sa pagpili ng mga gawain o trabaho at pagpapaunlad ng pagkatao.
  • 35. 126 B. Basahin ang sumusunod na kasabihan at ipaliwanag ito: (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) “Mahalin mo ang iyong ginagawa at gawin ang mga bagay na iyong minamahal”― Bob Ong C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Tumawag ng ilang mag-aaral na magbibigay ng mga sariling paraang ginagamit upang mapabuti at mapaunlad ang kanilang hilig. Itala sa Manila paper ang kasagutan at ipaliwanag ito sa klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. ______________________________________ 2. ______________________________________ 3. ______________________________________ 4. ______________________________________ 5. ______________________________________ D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 Punan ang Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig na nasa ibaba. Magtala ng limang hilig at isulat sa inyong notbuk. Pumili ng 3-5 mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) TSART NG PAGPAPAUNLAD NG AKING MGA HILIG Mga Hilig Paano ko Papaunlarin ito ? Mga Taong Hinihingan ng Tulong/ Suporta o Kokounsultahin Panahong Ilalaan Mga Pangarap na Gusto kong Makamit Gamit ang Hilig Maaaring Balakid Paano malalampas an ang mga ito? Halimbawa: Pagtugtog * Tutugtog ako sa loob Mga kaibigan at guro Isang oras araw-araw Tuturuan ng Baka may Ipangangako ko sa aking
  • 36. 127 ng gitara ng isang oras araw- araw * Mag- eenrol ako sa isang guitar school pagtugtog ng gitara ang mga kapitbahay upang mapaunlad ang aming ugnayan at mailapit ko sila sa Diyos. ipagawa sa aking gawain sa bahay magulang na pagbubutihin ko ang pag- aaral, para payagan nila ako sa mga hilig ko. E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Sumulat ng talaarawan (diary) ng mga ginawa sa buong maghapon tungkol sa pagpapaunlad ng sarili at mga hilig. Ibahagi sa klase ang natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) Kraytirya: a. Nilalaman -50% b. Kaugnayan sa Paksa -30% c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%
  • 37. 128 F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Assessment) Sagutin ang sumusunod na katanungan: (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) 1. Ano ang pakiramdam mo nang natapos mo ang gawain? 2. May mga bago ka bang natuklasan tungkol sa iyong sarili? 3. Paano makatutulong ang iyong mga hilig sa iyong paghahanda sa susunod na yugto ng buhay? 4. May mga bago ka bang natutuhan o insights? 5. May mga karagdagang kaalaman ka ba na nasaliksik o mga tanong tungkol sa hilig? G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-araw na buhay Kompletuhin ang pahayag. Isulat sa inyong notbuk. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach) Mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig sa paghahanda sa pag-aaral, pagnenegosyo at paghahanapbuhay dahil _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ H. Paglalahat sa aralin Mahalaga ang pagtuklas mo sa mga hilig, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat isa dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan. Kung malinaw sa iyo ang iyong mga hilig, maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala. Maiiwasan din ang pagpili ng kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo ngunit di naman kawili-wilng pagkaabalahan. Kung alam mo ang iyong mga hilig, makikilala mo ang mga kongkretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito. I. Pagtataya ng Aralin Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Limang puntos sa bawat katanungan. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach) 1. Paano mo iuugnay ang mga natuklasan mong hilig sa gusto mong kurso o negosyo?
  • 38. 129 Ipaliwanag. 2. Ano-anong hilig ang kailangan mong pag-ibayuhin o baguhin? Ipaliwanag. 3. Paano makatutulong ang iyong mga hilig sa paghahanda sa iyong pinaplanong kurso akademiko o teknikal-bokasyonal o hanapbuhay o negosyo? Pangatuwiranan. J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation Humanda para sa Pagsusulit. Ihanda rin ang sumusunod: a. Portfolio b. Notbuk IV. MgaTala V. Pagninilay A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag- aaral na nakaunawa sa aralin? D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
  • 39. 130 E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa tulong ng aking punong-guro at superbisor? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?