SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Download to read offline
CO_Q3_ESP 7_Module 4
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
7
Edukasyon sa Pagpapakatao- 7
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan- Modyul 4: Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address: Meralco Ave., cor. St. Paul Road, Pasig, City
Telefax: 02-8631-4070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat: Liezel Joy P. Diño
Language Editor: Florenil M. Malabayabas
Tagasuri: Annabelle M. Marmol, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo
Tagaguhit: Gerardo G. Lacdao
Tagalapat: Liezel Joy P. Diño, Jefferson R. Repizo
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez,
Danilo C. Padilla, Annabelle M. Marmol, Lany M. Semilla, Mariam B. Rivamonte,
Nestor T. Rualo
7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
4 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
1
Bakit ko kailangang piliin ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga?
Ano ang maganda na maaari nitong maidulot para sa akin? Ang mga
pinahahalagahan ko ba ngayon ay makaaapekto sa kung ano ang maaaring
maging kinabukasan ko? Ito at marami pang mga katanungan ang madalas
kinahaharap ng mga nagbibinata/nagdadalagang katulad mo. Sa modyul na
ito ay matutuklasan mo ang inaasam mong mga kasagutan.
LAYUNIN
Sa araling ito inaasahan na:
• Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya
ng mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng
ating pagkatao.
Alamin
2 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Subukin
Panuto: Isulat ang letrang A kung ang sitwasyon ay nagpapatunay na
ang piniling uri ng pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad
ng ating pagkatao at letrang B naman kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang-papel.
1. Si Gerald ay maagang nakapag-asawa kaya hindi siya
nakapagtapos ng pag-aaral. Labis ang suporta na kaniyang
natatanggap mula sa mga magulang na naninirahan na sa ibang
bansa. Dahil dito, madalas siyang lumabas, uminom ng alak at
magsugal kasama ang kaniyang mga kaibigan.
2. Dahil sa labis na kahirapan ay ipinangako ni Charise na siya ay
magiging isang doktor balang-araw. Nagsikap siya, nag-aral sa
araw at nagtrabaho naman sa gabi. Ano pa at makalipas ang
ilang taon ay natupad niya ang kaniyang pangarap na maging
ganap na doktor.
3. Madalas mag-Facebook at maglaro ng online games si Sam kung
kaya’t napapabayaan na niya ang pag-aaral ng leksiyon. Dahil
dito, siya ay bumagsak sa limang asignatura.
4. Lumaki sa layaw si Mike. Lahat ng kaniyang naisin ay nakukuha
niya. Ano pa at nagbinata siyang matigas ang ulo at walang alam
sa anomang gawain.
5. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Angelo, pinili niyang
ilaan ang kaniyang panahon para sa pagtulong sa mga batang
lansangan. Iniwan niya ang kaniyang negosyo sa mga taong
kaniyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kaniyang
yaman sa mga batang kaniyang tinutulungan. Nakahanda siyang
laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa
kapuwa na walang hinihintay na anomang kapalit.
3 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Aralin
4
Pagpapahalaga Ko: Gabay Tungo sa
Pag-unlad ng Aking Pagkatao
Ano-ano ba ang mahalaga sa isang kabataang katulad mo? Maraming
maaaring maging sagot sa tanong na ito sapagkat magkakaiba ang
pamantayan sa mga pinahahalagahan ng bawat indibidwal. Maaaring ang
iyong sagot ay pagkain, hangin, buhay, pag-aaral, magulang o kaibigan at iba
pang materyal at di-materyal na bagay na para sa sarili mong pananaw ay
mahalaga.
Bagama’t magkakaiba ang antas ng pagpapahalaga ng tao, mahalagang
hamon sa atin lalo na sa iyo ang pagsasabuhay ng mas mataas na antas ng
pagpapahalaga sa isang sitwasyon. Ito ay sa pamamagitan ng palaging pagpili
na gawin ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga kaysa sa mababang
antas. Sa ganitong paraan ay mas nasisigurado mong ginagawa mo ang tama
at mabuti.
Balikan
Panuto: Suriing mabuti at ipaliwanag ang mga larawan ayon sa antas ng
pagpapahalaga. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.
1. 2. 3. 4. 5.
4 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.1: Case Study
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Matapos nito ay
isulat sa ibaba ng bawat kahon ang iyong mga pamamaraang isasagawa kung
ikaw ang nahaharap sa katulad na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang-papel.
Mga Tala para sa Guro
Gamiting gabay ang mga larawan sa itaas upang masukat muli ang naging
pag-unawa ng mag-aaral sa nakaraang aralin. Matapos suriin ang larawan
ay bigyan ng sapat na panahon ang mag-aaral na pag-isipan muli ang
kanyang paliwanag sa kanyang sagot.
Dahil sa madalas na hindi pagkakasundo ay nagdesisyon ang mga
magulang ni Jamaica na maghiwalay na lamang. Gusto sana ni Jamaica
na sumama sa kaniyang ama sa pag-alis nito sa kanilang bahay ngunit
ayaw din niyang iwan ang kaniyang ina.
Kung ako si Jamaica, ang gagawin ko ay
.
Ginabi na sa pag-uwi sina Vnce at Zandro mula sa pag-eensayo ng
basketbol. Habang papauwi ay nakasaksi sila ng isang krimen. Dahil sa
takot ay kumaripas ng takbo ang dalawa at hindi nagawang tulungan
ang biktima ng krimen.
Kung ako si Vince o si Zandro, ang gagawin ko ay
.
5 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Suriin
Ayon kay Max Scheler, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang
isang tao ay pumipili ng isang pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga
pagpapahalaga. Ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos
ng tao ay nakasalalay sa pagpili ng
pahahalagahan. Sa mga gawaing
maituturing ng sariling konsensiya
bilang mabuti, nakikita na mas
pinipili ang mataas na pagpapahalaga
kaysa sa mababang pagpapahalaga o
positibong pagpapahalaga kaysa negatibong pagpapahalaga. Sa kabilang
banda, maituturing na masama ang isang gawain kung mas piniling gawin
ang mas mababa kaysa sa mataas na pagpapahalaga o negatibong
pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalaga.
Ang pananalig ng paggawa ng
mabuti, na nangangahulugan ng
pagpili ng mas mataas na mga
pagpapahalaga, laban sa masama, ang
nakapagpapataas sa pagkatao ng tao.
Sa pagbuo ng pagkatao ng tao at sa
pagkamit ng mas mataas na mga
pagpapahalaga, mahalagang malinaw
sa iyo na nakasalalay ito sa
pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
kahandaan na pumili ng tama at batay sa mga moral na prinsipyo.
“Ang pag-alam
sa kabutihan ay hindi
gumagalaw sa larangan ng
pag-iisip kundi sa larangan
din ng pakiramdam.
Ninanasa ng tao
ang mabuti at hindi ang
masama.”
“At huwag nating kaligtaan
ang paggawa ng mabuti at ang
pagtulong sa kapuwa, sapagkat
iyan ang alay na kinalulugdan ng
Diyos .” Mga Hebreo 13:16
6 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2: Larawan ng Pagpapahalaga
Panuto: Sa loob ng kahon ay gumuhit o magdikit ng mga larawang
nagpapakita ng kahalagahan sa pagpili ng mas mataas na antas/uri ng
pagpapahalaga ayon sa hirarkiya ng pagpapahalaga ni Max Scheler.
Pagkatapos ay isulat ang maikling paglalarawan at paliwanag sa tapat ng
bawat kahon. Gawin ang gawain sa iyong kuwaderno o sagutang-papel.
7 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Isaisip
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.3: Buod-Diwa
Panuto: Ang buod ng iyong natutuhan sa araling ito ay nakapaloob sa graphic
organizer sa ibaba. Suriin itong mabuti at ipaliwanag sa loob ng 3-5
pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.
_____________________________________________________
_________________________________________________________________
Ispirituwal
Pandamdam
Pambuhay
Banal
Makatotohanang
Pag-unlad ng Ating
Pagkatao
Simulan mong ipaliwanag dito…
8 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.5: Bakit List
Panuto: Sumulat ng limang (5) dahilan kung bakit kailangan mong piliin ang
mababang antas ng pagpapahalaga (Pandamdam at Pambuhay) at sa tapat
naman nito ay sampung (10) dahilan kung bakit kailangan mong piliin ang
mas mataas na antas ng pagpapahalaga (Ispirituwal at Banal). Isulat sa loob
ng kahon ang iyong mga sagot. Gawin ang gawain sa iyong sagutang-papel.
Panuto: Isulat ang letrang A kung ang sitwasyon ay nagpapatunay na
ang piniling uri ng pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad
ng ating pagkatao at letrang B naman kung hindi. Isulat ito sa iyong
sagutang-papel.
1. Si Gerald ay maagang nakapag-asawa kaya hindi siya
nakapagtapos ng pag-aaral. Labis ang suporta na kaniyang
natatanggap mula sa mga magulang na naninirahan na sa ibang
bansa. Dahil dito, madalas siyang lumabas, uminom ng alak at
magsugal kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Tayahin
Pandamdam at Pambuhay
Ispirituwal at Banal
9 CO_Q3_ESP 7_Module 4
2. Dahil sa labis na kahirapan ay ipinangako ni Charise na siya ay
magiging isang doktor balang-araw. Nagsikap siya, nag-aral sa
araw at nagtrabaho naman sa gabi. Ano pa at makalipas ang
ilang taon ay natupad niya ang kaniyang pangarap na maging
ganap na doktor.
3. Madalas mag-Facebook at maglaro ng online games si Sam kung
kaya’t napapabayaan na niya ang pag-aaral ng leksiyon. Dahil
dito, siya ay bumagsak sa limang asignatura.
4. Lumaki sa layaw si Mike. Lahat ng kaniyang naisin ay nakukuha
niya. Ano pa at nagbinata siyang matigas ang ulo at walang alam
sa anomang gawain.
5. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Angelo, pinili niyang
ilaan ang kaniyang panahon para sa pagtulong sa mga batang
lansangan. Iniwan niya ang kaniyang negosyo sa mga taong
kaniyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kaniyang
yaman sa mga batang kaniyang tinutulungan. Nakahanda siyang
laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa
kapuwa na walang hinihintay na anomang kapalit.
Karagdagang Gawain
Panuto: Gawin ang sumusunod.
1. Makinig o magbasa ng balita mula sa radyo, diyaryo, magasin o
internet tungkol sa mga kilalang tao sa lipunan na naging
matagumpay dahil tama ang pagpili nila ng pahahalagahan.
2. Ipaliwanag kung bakit ang kilalang tao na ito ang iyong napili.
Isulat ang iyong sagot sa isang bond paper kalakip ang larawan ng
taong napili.
10 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.
B
2.
A
3.
B
4.
B
5.
A
Tayahin
1.
B
2.
A
3.
B
4.
B
5.
A
11 CO_Q3_ESP 7_Module 4
Sanggunian
• Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay
Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi) Lungsod ng Pasig,
Pilipinas, 2012, pp. 23-35
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf

esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...HazelManaay1
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Mika Cristobal
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)HazelManaay1
 
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxMLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxXtnMaZhin1
 
SLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdfSLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdfJosephDy8
 
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docxEsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docxMaryfelBiascan
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfMerylLao
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guroelviesabang
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12EDITHA HONRADEZ
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12EDITHA HONRADEZ
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12EDITHA HONRADEZ
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...OLIVESAMSON2
 
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuroFilipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuroAlice Failano
 

Similar to ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf (20)

esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdfESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
 
Values Edu
Values EduValues Edu
Values Edu
 
Lm esp grade10_q3
Lm esp grade10_q3Lm esp grade10_q3
Lm esp grade10_q3
 
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
 
Aralin 7
Aralin 7Aralin 7
Aralin 7
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
 
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
Es p10 q2_mod4_pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya_v2 (1)
 
EsP7Q2F.pdf
EsP7Q2F.pdfEsP7Q2F.pdf
EsP7Q2F.pdf
 
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxMLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
 
SLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdfSLMQ1G10ESPM6.pdf
SLMQ1G10ESPM6.pdf
 
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docxEsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
EsP 7 Modyul-1 Act and worksheets.docx
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12
 
Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12Esp g1-teachers-guide-q12
Esp g1-teachers-guide-q12
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuroFilipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
 

ESP7_Q3_Mod4_Hirarkiya-ng-Pagpapahalaga_FinalV.pdf

  • 1. CO_Q3_ESP 7_Module 4 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 4: Hirarkiya ng Pagpapahalaga 7
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao- 7 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan- Modyul 4: Hirarkiya ng Pagpapahalaga Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Ave., cor. St. Paul Road, Pasig, City Telefax: 02-8631-4070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Liezel Joy P. Diño Language Editor: Florenil M. Malabayabas Tagasuri: Annabelle M. Marmol, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo Tagaguhit: Gerardo G. Lacdao Tagalapat: Liezel Joy P. Diño, Jefferson R. Repizo Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez, Danilo C. Padilla, Annabelle M. Marmol, Lany M. Semilla, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo
  • 3. 7 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 4: Hirarkiya ng Pagpapahalaga
  • 4. 4 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 Bakit ko kailangang piliin ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga? Ano ang maganda na maaari nitong maidulot para sa akin? Ang mga pinahahalagahan ko ba ngayon ay makaaapekto sa kung ano ang maaaring maging kinabukasan ko? Ito at marami pang mga katanungan ang madalas kinahaharap ng mga nagbibinata/nagdadalagang katulad mo. Sa modyul na ito ay matutuklasan mo ang inaasam mong mga kasagutan. LAYUNIN Sa araling ito inaasahan na: • Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao. Alamin
  • 6. 2 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Subukin Panuto: Isulat ang letrang A kung ang sitwasyon ay nagpapatunay na ang piniling uri ng pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao at letrang B naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang-papel. 1. Si Gerald ay maagang nakapag-asawa kaya hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Labis ang suporta na kaniyang natatanggap mula sa mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito, madalas siyang lumabas, uminom ng alak at magsugal kasama ang kaniyang mga kaibigan. 2. Dahil sa labis na kahirapan ay ipinangako ni Charise na siya ay magiging isang doktor balang-araw. Nagsikap siya, nag-aral sa araw at nagtrabaho naman sa gabi. Ano pa at makalipas ang ilang taon ay natupad niya ang kaniyang pangarap na maging ganap na doktor. 3. Madalas mag-Facebook at maglaro ng online games si Sam kung kaya’t napapabayaan na niya ang pag-aaral ng leksiyon. Dahil dito, siya ay bumagsak sa limang asignatura. 4. Lumaki sa layaw si Mike. Lahat ng kaniyang naisin ay nakukuha niya. Ano pa at nagbinata siyang matigas ang ulo at walang alam sa anomang gawain. 5. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Angelo, pinili niyang ilaan ang kaniyang panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan. Iniwan niya ang kaniyang negosyo sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kaniyang yaman sa mga batang kaniyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapuwa na walang hinihintay na anomang kapalit.
  • 7. 3 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Aralin 4 Pagpapahalaga Ko: Gabay Tungo sa Pag-unlad ng Aking Pagkatao Ano-ano ba ang mahalaga sa isang kabataang katulad mo? Maraming maaaring maging sagot sa tanong na ito sapagkat magkakaiba ang pamantayan sa mga pinahahalagahan ng bawat indibidwal. Maaaring ang iyong sagot ay pagkain, hangin, buhay, pag-aaral, magulang o kaibigan at iba pang materyal at di-materyal na bagay na para sa sarili mong pananaw ay mahalaga. Bagama’t magkakaiba ang antas ng pagpapahalaga ng tao, mahalagang hamon sa atin lalo na sa iyo ang pagsasabuhay ng mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa isang sitwasyon. Ito ay sa pamamagitan ng palaging pagpili na gawin ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga kaysa sa mababang antas. Sa ganitong paraan ay mas nasisigurado mong ginagawa mo ang tama at mabuti. Balikan Panuto: Suriing mabuti at ipaliwanag ang mga larawan ayon sa antas ng pagpapahalaga. Gawin ito sa iyong sagutang-papel. 1. 2. 3. 4. 5.
  • 8. 4 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Tuklasin Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.1: Case Study Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Matapos nito ay isulat sa ibaba ng bawat kahon ang iyong mga pamamaraang isasagawa kung ikaw ang nahaharap sa katulad na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang-papel. Mga Tala para sa Guro Gamiting gabay ang mga larawan sa itaas upang masukat muli ang naging pag-unawa ng mag-aaral sa nakaraang aralin. Matapos suriin ang larawan ay bigyan ng sapat na panahon ang mag-aaral na pag-isipan muli ang kanyang paliwanag sa kanyang sagot. Dahil sa madalas na hindi pagkakasundo ay nagdesisyon ang mga magulang ni Jamaica na maghiwalay na lamang. Gusto sana ni Jamaica na sumama sa kaniyang ama sa pag-alis nito sa kanilang bahay ngunit ayaw din niyang iwan ang kaniyang ina. Kung ako si Jamaica, ang gagawin ko ay . Ginabi na sa pag-uwi sina Vnce at Zandro mula sa pag-eensayo ng basketbol. Habang papauwi ay nakasaksi sila ng isang krimen. Dahil sa takot ay kumaripas ng takbo ang dalawa at hindi nagawang tulungan ang biktima ng krimen. Kung ako si Vince o si Zandro, ang gagawin ko ay .
  • 9. 5 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Suriin Ayon kay Max Scheler, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga. Ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao ay nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan. Sa mga gawaing maituturing ng sariling konsensiya bilang mabuti, nakikita na mas pinipili ang mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababang pagpapahalaga o positibong pagpapahalaga kaysa negatibong pagpapahalaga. Sa kabilang banda, maituturing na masama ang isang gawain kung mas piniling gawin ang mas mababa kaysa sa mataas na pagpapahalaga o negatibong pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalaga. Ang pananalig ng paggawa ng mabuti, na nangangahulugan ng pagpili ng mas mataas na mga pagpapahalaga, laban sa masama, ang nakapagpapataas sa pagkatao ng tao. Sa pagbuo ng pagkatao ng tao at sa pagkamit ng mas mataas na mga pagpapahalaga, mahalagang malinaw sa iyo na nakasalalay ito sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan na pumili ng tama at batay sa mga moral na prinsipyo. “Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti at hindi ang masama.” “At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapuwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos .” Mga Hebreo 13:16
  • 10. 6 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Pagyamanin Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2: Larawan ng Pagpapahalaga Panuto: Sa loob ng kahon ay gumuhit o magdikit ng mga larawang nagpapakita ng kahalagahan sa pagpili ng mas mataas na antas/uri ng pagpapahalaga ayon sa hirarkiya ng pagpapahalaga ni Max Scheler. Pagkatapos ay isulat ang maikling paglalarawan at paliwanag sa tapat ng bawat kahon. Gawin ang gawain sa iyong kuwaderno o sagutang-papel.
  • 11. 7 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Isaisip Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.3: Buod-Diwa Panuto: Ang buod ng iyong natutuhan sa araling ito ay nakapaloob sa graphic organizer sa ibaba. Suriin itong mabuti at ipaliwanag sa loob ng 3-5 pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang-papel. _____________________________________________________ _________________________________________________________________ Ispirituwal Pandamdam Pambuhay Banal Makatotohanang Pag-unlad ng Ating Pagkatao Simulan mong ipaliwanag dito…
  • 12. 8 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Isagawa Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.5: Bakit List Panuto: Sumulat ng limang (5) dahilan kung bakit kailangan mong piliin ang mababang antas ng pagpapahalaga (Pandamdam at Pambuhay) at sa tapat naman nito ay sampung (10) dahilan kung bakit kailangan mong piliin ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga (Ispirituwal at Banal). Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga sagot. Gawin ang gawain sa iyong sagutang-papel. Panuto: Isulat ang letrang A kung ang sitwasyon ay nagpapatunay na ang piniling uri ng pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao at letrang B naman kung hindi. Isulat ito sa iyong sagutang-papel. 1. Si Gerald ay maagang nakapag-asawa kaya hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Labis ang suporta na kaniyang natatanggap mula sa mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito, madalas siyang lumabas, uminom ng alak at magsugal kasama ang kaniyang mga kaibigan. Tayahin Pandamdam at Pambuhay Ispirituwal at Banal
  • 13. 9 CO_Q3_ESP 7_Module 4 2. Dahil sa labis na kahirapan ay ipinangako ni Charise na siya ay magiging isang doktor balang-araw. Nagsikap siya, nag-aral sa araw at nagtrabaho naman sa gabi. Ano pa at makalipas ang ilang taon ay natupad niya ang kaniyang pangarap na maging ganap na doktor. 3. Madalas mag-Facebook at maglaro ng online games si Sam kung kaya’t napapabayaan na niya ang pag-aaral ng leksiyon. Dahil dito, siya ay bumagsak sa limang asignatura. 4. Lumaki sa layaw si Mike. Lahat ng kaniyang naisin ay nakukuha niya. Ano pa at nagbinata siyang matigas ang ulo at walang alam sa anomang gawain. 5. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Angelo, pinili niyang ilaan ang kaniyang panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan. Iniwan niya ang kaniyang negosyo sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kaniyang yaman sa mga batang kaniyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapuwa na walang hinihintay na anomang kapalit. Karagdagang Gawain Panuto: Gawin ang sumusunod. 1. Makinig o magbasa ng balita mula sa radyo, diyaryo, magasin o internet tungkol sa mga kilalang tao sa lipunan na naging matagumpay dahil tama ang pagpili nila ng pahahalagahan. 2. Ipaliwanag kung bakit ang kilalang tao na ito ang iyong napili. Isulat ang iyong sagot sa isang bond paper kalakip ang larawan ng taong napili.
  • 14. 10 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Susi sa Pagwawasto Subukin 1. B 2. A 3. B 4. B 5. A Tayahin 1. B 2. A 3. B 4. B 5. A
  • 15. 11 CO_Q3_ESP 7_Module 4 Sanggunian • Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi) Lungsod ng Pasig, Pilipinas, 2012, pp. 23-35
  • 16. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph