3. Madalas na isa o dalawang pahina na
nakasaad ang mga pangunahing
impormasyon ng indibidwal.
Dito rin makikita ang mga
kinawiwilihang gawin, talento at iba pang
detalye tulad ng bigat, taas, relihiyon, mga
magulang at iba pa.
Isa itong detalyadong paglalahad ng
impormasyon sa sarili.
Karaniwang umaabot sa tatlo o higit pang
pahina.
Nakasaad dito ang karanasan sa trabaho,
kwalipikasyon at mga dinaluhang
pagsasanay at seminar.
4. Isa o dalawang pahina na naglalahad ng
propesyonal na kwalipikasyon at mga
kasanayan ng isang indibidwal.
Makikira rin dito ang pangunahing
impormasyon tulad ng pangalan, tirahan,
petsa ng kapanganakan, edukasyon at iba
pa.
Isang maikling impormatibong sulatin,
karaniwan isang talata lamang na
naglalahad ng mga kalsipikasyon ng
isang indibidwal at ng kaniyang
kredibilidad bilang isang propesyunal.
Taglay nito ang pinakamalaking buod ng
tagumpay, pag-aaral, pagsasanay ng
may-akda atbp.
5. Harper (2016)
• Ang salitang bio ay salitang Griyego na ibig sabihin sa
Filipino ay buhay, graphia na ibig sabihin ay tala (tala ng
buhay).
• Biography – mahabang salaysay ng buhay ng isang tao.
Mula rito nabuo ang salitang bionote.
6. World Mart (2009)
• Talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon tungkol sa
may-akda sa loob ng karaniwa’y 2 – 3 pangungusap o
isang tala lamang na madalas ay kalakip ng artikulo o
akdang isinusulat ng taong pinatutungkulan.
7. Duenas at Sanz (2012)
• Sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences,
ang bionote ay tala ng buhay ng isang tao na naglalaman ng
buod ng kanyang academic career na madalas na makikita o
mababasa sa mga dyornal, aklat, abstrak ng mga sulating
papel, websites atbp.
• Kadalasan itong ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume o
anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa
isang business o propesyunal na layunin.
• Karaniwang makikita sa: social network o digital
communication sites (bionote o pagpapakilala sa sarili ng mga
gumagawa ng blog).
• Ito rin ay maaring gamitin ng taong naglalathala ng isang aklat
o artikulo.
8. Layunin ng Bionote
• Maipakilala ang sarili sa madla sa
pamamagitan ng pagbanggit ng mga
personal na impormasyon tungkol sa
sarili at mga nagawa sa buhay.
9. Brogan at Hummel (2014)
MGA HAKBANG UPANG MAKABUO NG ISANG MAAYOS AT
EPEKTIBONG BIONOTE
Tiyakin ang layunin
Pagdesisyunan ang haba ng bionote
Gamitin ang ikatlong panauhan perspektib
Simulan sa pangalan
Ilahad ang propesyong kinabibilangan
Isa-isahin ang mahahalagang nakamit na tagumpay
Idagdag ang ilang di inaasahang detalye
Isama ang contact information
Basahin at isulat muli ang bionote
10. • Ang bionote ay isang maikling tala ng personal na
impormasyon tungkol sa isang awtor. Maaari itong
makita sa likuran ng pabalat ng isang libro, kadalasan’y
may kasamang larawang ng awtor.
11. BIONOTE
CHRISTIAN JOY U. PEREZ, LPT, MAEd
Si Christian Joy Ulanday Perez o mas kilala
bilang “Sir. CeeJae” ay isang lisensiyadong guro.
Nagtapos ng Batsilyer ng Edukasyong
Pansekundarya medyor ng Filipino sa Southern
Luzon State University at Master of Arts in
Education major in Filipino sa Laguna State
Polytechnic University, San. Pablo City Campus.
Kasalukuyan siyang guro ng Senior High School
sa Manuel S. Enverga University Foundation
Candelaria Inc. Siya ay humahawak ng ilang
posisyon sa paaralan gaya ng pagiging
Community Extention Service – Highschool
Coordinator, School Emergency Response Unit
Adviser.
Siya rin ay miyembro ng Language Society sa
College of Teacher Education at aktibong
miyembro ng Reading Association of the
Philippines.
2x2 Picture
12. Gawain
• Bilang kakailanganin sa inyong portfolio, bumuo ng
isang BIONOTE tungkol sa iyong sarili na magiging
unang pahina ng iyong portfolio.
• PDF FILE FORMAT.
• OCTUBRE 3, 2023 ang araw ng pagpapasa.