SlideShare a Scribd company logo
1 of 17
YUNIT 5; ARALIN 3
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
BIONOTE
Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Bionote
•Narinig mo na ba ang tinatawag na information
fatigue? Katulad ito ng information overload na
madalas nating naririnig, kung saan nahihirapan
tayong iproseso ang napakaraming impormasyon. Isa
sa pinakamalaking hamong kinahaharap natin
ngayong tinatawag na information era ay kung
paano natin matatandaan ang maraming
impormasyong ating nababasa o kinakailangang
basahin.
Bukod pa riyan ay ang paggamit ng mga impormasyong
ating nalalaman upang maisakatuparan ang ating
gampanin na makapag-ambag ng ating mga sariling
kaalaman sa kasalukuyang panahon.
Maikli lamang ang bionote kung ikukumpara sa iba
pang uri ng mga sulating akademiko. Bagaman maikli,
kinakailangan itong magkaroon ng siksik ng
impormasyon. Kailangan ding maging payak nito at
hindi paligoy-ligoy, upang maging mabisang sandata sa
pagpapakilala ng sarili.
Isa sa pinakamalaking hamong kinahaharap natin
ngayong tinatawag na information era ay kung
paano natin matatandaan ang maraming
impormasyong ating nababasa o kinakailangang
basahin.
1. Dapat maging maikli ang bionote.
2. Siguraduhing tama ang mga natipong impormasyon tungkol sa taong
ipinakikilala.
3. Gumamit ng ikatlong panauhan sa paglalahad.
4. Tukuyin at kilalanin ang mga mambabasang pagtutuonan ng
pagpapakilala.
5. Tiyaking impormatibo ang nilalaman ng bionote kaya dapat na
inuunang ilahad ang pinakamahahalagang impormasyon tungkol sa
ipinakikilala.
6. Bigyang-diin lamang ang mga angkop na kasanayan at/o katangiang
kaugnay ng layunin ng pagpapakilala.
7. Maging tapat sa paglalahad ng impormasyong iuugnay sa paksa.
Upang maihanda ang sarili sa pagsulat ng maayos at
mabisang bionote, ito ang mga dapat tandaan at gawin sa
paglikha nito:
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Bionote Maraming
gamit ang bionote. Ito ang pinakamaikli ngunit
pinakamabisang daluyan upang mailahad ng isang
tao ang kaniyang pagkakakilanlan, kakayahan, at
mahahalagang kinasasangkutan.
Upang mapagtagumpayan ang pagbuo ng maikli
ngunit epektibong bionote, may tatlong yugto
dapat na pagdaanan sa pagsulat nito.
Bago sumulat ng Bionote
• Sa pagsulat ng bionote, mahalagang maisagawa ang
sumusunod na hakbang bilang paghahanda at pagtugon sa
mga kahingian ng tinukoy na akademikong sulatin.
1. Itakda at tiyakin ang layunin ng pagsulat ng bionote.
Ang layunin ang magsisilbing gabay kung anong
impormasyon ang mahalagang isama sa bionote. Kapag tiyak
ang layunin, matutukoy rin ang mga detalyeng nararapat na
mabasa ng mga tao.
2. Pagpasyahan ang haba ng susulating bionote.
Malaki ang kaugnayan nito sa layunin ng pagbuo ng
bionote. Sinasagot nito ang mga tanong na: (1) sino
ang target na mambabasa o makikinig ng bionote; (2)
anong kahingian o layunin ang tinutugunan sa
paggawa nito, lalo na kung pampropesyonal o
organisasyonal ang gamit; at (3) anong pamamaraan
ng paglalahad ang gagamitin, pasalita ba o pasulat na
tutugunan ng magiging nilalaman.
3. Bumuo ng balangkas ng susulating bionote
Mahalagang bahagi ang pagbuo ng balangkas upang
matukoy kung alin ang pinakamahahalagang
impormasyon kaugnay ng ipinakikilala. Magiging
gabay rin ito tungo sa mas madaling pagbuo ng
unang borador ng isusulat na bionote.
Aktuwal na Pagsulat ng Bionote
Alalahaning sa bahaging ito mabubuo ang unang
borador. Inaasahan ding maisasakatuparan sa bahaging
ito ang itinakdang layunin ng pagsulat ng bionote. Kaya
marapat lamang na mailapat dito ang mga
pagsasaalang-alang at paghahandang isinagawa sa
unang bahagi.
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa paglalahad.
Isinasagawa ito upang ipakilala nang obhetibo ang
indibidwal na binibigyang-pansin sa bionote. Sa
paraang ito, tila inilalahad ng iba ang
paglalarawan sa tinutukoy sa sulatin, sa halip na
magtunog itong personal o pagmamayabang
(kung gagamitin ang unang panauhan).
2. Simulan sa pangalan ang pagpapakilala
Ito ang paraan upang mabigyang-katauhan agad
ang indibidwal na ipinakikilala, ito rin ang
inaasahang unang tatatak sa isip ng mga
nagbabasa o nakikinig ng bionote. Mahalaga ito
dahil ito ang pinakabatayan ng pagkakakilanlan ng
paksa.
3. Tukuyin ang edukasyong natamo.
Itinuturing ang edukasyon bilang pinakaunang
yugto ng pagtatagumpay ng isang tao. Sa
pagsulat ng bionote, mahalagang mabigyang-
diin ito sapagkat ito ang mag-uugnay sa mga
kasunod pang impormasyong ilalahad o sa
mga susunod pang tagumpay na ilalahad.
4. Ilahad ang propesyong kinabibilangan.
Ito ang pagpapakilala sa larangang kinabibilangan
ng ipinakikilala. Naitataas nito ang antas ng
pagtitiwala ng mambabasa o tagapakinig sa taong
ipinakikilala. Nagiging daan din ito upang
maipakilala ang paksa sa komunidad na may
kinalaman sa kaniyang propesyon.
5. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay
na nakamit ng paksang inilalarawan.
Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang na may
kinalaman sa magbabasa o makikinig at sa layunin ng
pagsulat ng bionote ang kailangang ilahad. Bagaman
mahalaga ang bawat pagkilalang natatamo,
kailangang piliin lamang ang pinakamahahalagang
makauugnay sa madla. Karaniwang nasa tatlo
hanggang limang pinakamahahalagang karangalan
ang dapat tukuyin sa isang bionote.
6. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye.
Magandang teknik ang paglalahad ng mga di-
inaasahang detalye na maaaring pumukaw sa interes
ng mambabasa o tagapakinig tungkol sa ipinakikilalang
indibidwal. Kapag nakapagbibigay ng detalyeng lingid sa
kaalaman ng lahat, malaki ang posibilidad na maikintal
ito sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig. Tiyakin
lamang na may kaugnayan ang inilalahad na
impormasyon sa layunin at kahingian ng pagsulat ng
bionote.
Muling Pagsulat ng Bionote
Ito ang pagsasaayos ng unang borador bilang bahagi ng pagtitiyak na
maayos at katanggap-tanggap ang pinal na kopya ng bionote.
1. Basahin ang unang borador.
Sa pagbasa ng akda, naiisa-isa ang mga bahaging nangangailangan ng
pagwawasto, partikular na sa gramatika ng sulatin at pagkakasunod-
sunod ng mga detalye.
2. Muling isulat ang bionote para sa huling borador.
Kapag naiwasto na ang unang borador, maaari nang isulat ang pinal na
kopya para sa tiyak na paggagamitan nito.

More Related Content

Similar to yunit-5-aralin-31 (1).pptx

G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptxG8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptxBenjohnAbaoRanido
 
GROUP-6-MEMORANDUM-AT-BIONOTE.pptx
GROUP-6-MEMORANDUM-AT-BIONOTE.pptxGROUP-6-MEMORANDUM-AT-BIONOTE.pptx
GROUP-6-MEMORANDUM-AT-BIONOTE.pptxReignCharlizePedrosa
 
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docxTALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docxPradoMarkDavid
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxMangalinoReyshe
 
Pagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynPagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynBrianDaiz
 
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptxPagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptxLOURENEMAYGALGO
 
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptxPaksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptxRyzaTarcena1
 
PPIITTP-Q3-A5-Prosidyuralpowerpoint.pptx
PPIITTP-Q3-A5-Prosidyuralpowerpoint.pptxPPIITTP-Q3-A5-Prosidyuralpowerpoint.pptx
PPIITTP-Q3-A5-Prosidyuralpowerpoint.pptxnaning1113
 
ARALIN 4 Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User.pptx
ARALIN 4  Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User.pptxARALIN 4  Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User.pptx
ARALIN 4 Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User.pptxNymphaMalaboDumdum
 
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buod
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buodFil 1 - Aralin 14 at 17 buod
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buodEllize Gonzales
 
paksa3-pagbasaatpananaliksik-filipino.pptx
paksa3-pagbasaatpananaliksik-filipino.pptxpaksa3-pagbasaatpananaliksik-filipino.pptx
paksa3-pagbasaatpananaliksik-filipino.pptxferdinandsanbuenaven
 
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptxMga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptxDenandSanbuenaventur
 
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon (2).pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon (2).pptxMga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon (2).pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon (2).pptxDenandSanbuenaventur
 

Similar to yunit-5-aralin-31 (1).pptx (20)

BIONOTE2.pptx
BIONOTE2.pptxBIONOTE2.pptx
BIONOTE2.pptx
 
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptxG8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
 
GROUP-6-MEMORANDUM-AT-BIONOTE.pptx
GROUP-6-MEMORANDUM-AT-BIONOTE.pptxGROUP-6-MEMORANDUM-AT-BIONOTE.pptx
GROUP-6-MEMORANDUM-AT-BIONOTE.pptx
 
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docxTALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
TALUMPATI-DAPAT-ISAALANG-ALANG.docx
 
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docxOnline Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
Online Course Module- Yunit 1 Aralin 2- Tekstong Impormatibo at Prosidyural.docx
 
Pagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynPagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlyn
 
Research.pptx
Research.pptxResearch.pptx
Research.pptx
 
Bionote.pptx
Bionote.pptxBionote.pptx
Bionote.pptx
 
PAGBASA PPT.pptx
PAGBASA PPT.pptxPAGBASA PPT.pptx
PAGBASA PPT.pptx
 
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptxPagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
Pagsulat ng Memo, Agenda at Katitikan ng Pulong.pptx
 
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptxPaksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
 
Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
PPIITTP-Q3-A5-Prosidyuralpowerpoint.pptx
PPIITTP-Q3-A5-Prosidyuralpowerpoint.pptxPPIITTP-Q3-A5-Prosidyuralpowerpoint.pptx
PPIITTP-Q3-A5-Prosidyuralpowerpoint.pptx
 
ARALIN 4 Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User.pptx
ARALIN 4  Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User.pptxARALIN 4  Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User.pptx
ARALIN 4 Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User.pptx
 
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buod
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buodFil 1 - Aralin 14 at 17 buod
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buod
 
Prosidyural.pptx
Prosidyural.pptxProsidyural.pptx
Prosidyural.pptx
 
TG FIL LARANG 1.2.docx
TG FIL LARANG 1.2.docxTG FIL LARANG 1.2.docx
TG FIL LARANG 1.2.docx
 
paksa3-pagbasaatpananaliksik-filipino.pptx
paksa3-pagbasaatpananaliksik-filipino.pptxpaksa3-pagbasaatpananaliksik-filipino.pptx
paksa3-pagbasaatpananaliksik-filipino.pptx
 
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptxMga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon.pptx
 
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon (2).pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon (2).pptxMga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon (2).pptx
Mga-Salitang-Ginagamit-sa-Impormal-na-Komunikasyon (2).pptx
 

Recently uploaded

TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxjennygomez299283
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxFILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxellamaycatipun17
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANLovelyAngelFrancia1
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 

Recently uploaded (20)

TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptxFILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
FILILIPINO-PPT PAGPAPANTIG NG MAHAHABANG SALITADAY1.pptx
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 

yunit-5-aralin-31 (1).pptx

  • 1. YUNIT 5; ARALIN 3 MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE
  • 2. Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Bionote •Narinig mo na ba ang tinatawag na information fatigue? Katulad ito ng information overload na madalas nating naririnig, kung saan nahihirapan tayong iproseso ang napakaraming impormasyon. Isa sa pinakamalaking hamong kinahaharap natin ngayong tinatawag na information era ay kung paano natin matatandaan ang maraming impormasyong ating nababasa o kinakailangang basahin.
  • 3. Bukod pa riyan ay ang paggamit ng mga impormasyong ating nalalaman upang maisakatuparan ang ating gampanin na makapag-ambag ng ating mga sariling kaalaman sa kasalukuyang panahon. Maikli lamang ang bionote kung ikukumpara sa iba pang uri ng mga sulating akademiko. Bagaman maikli, kinakailangan itong magkaroon ng siksik ng impormasyon. Kailangan ding maging payak nito at hindi paligoy-ligoy, upang maging mabisang sandata sa pagpapakilala ng sarili.
  • 4. Isa sa pinakamalaking hamong kinahaharap natin ngayong tinatawag na information era ay kung paano natin matatandaan ang maraming impormasyong ating nababasa o kinakailangang basahin.
  • 5. 1. Dapat maging maikli ang bionote. 2. Siguraduhing tama ang mga natipong impormasyon tungkol sa taong ipinakikilala. 3. Gumamit ng ikatlong panauhan sa paglalahad. 4. Tukuyin at kilalanin ang mga mambabasang pagtutuonan ng pagpapakilala. 5. Tiyaking impormatibo ang nilalaman ng bionote kaya dapat na inuunang ilahad ang pinakamahahalagang impormasyon tungkol sa ipinakikilala. 6. Bigyang-diin lamang ang mga angkop na kasanayan at/o katangiang kaugnay ng layunin ng pagpapakilala. 7. Maging tapat sa paglalahad ng impormasyong iuugnay sa paksa. Upang maihanda ang sarili sa pagsulat ng maayos at mabisang bionote, ito ang mga dapat tandaan at gawin sa paglikha nito:
  • 6. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Bionote Maraming gamit ang bionote. Ito ang pinakamaikli ngunit pinakamabisang daluyan upang mailahad ng isang tao ang kaniyang pagkakakilanlan, kakayahan, at mahahalagang kinasasangkutan. Upang mapagtagumpayan ang pagbuo ng maikli ngunit epektibong bionote, may tatlong yugto dapat na pagdaanan sa pagsulat nito.
  • 7. Bago sumulat ng Bionote • Sa pagsulat ng bionote, mahalagang maisagawa ang sumusunod na hakbang bilang paghahanda at pagtugon sa mga kahingian ng tinukoy na akademikong sulatin. 1. Itakda at tiyakin ang layunin ng pagsulat ng bionote. Ang layunin ang magsisilbing gabay kung anong impormasyon ang mahalagang isama sa bionote. Kapag tiyak ang layunin, matutukoy rin ang mga detalyeng nararapat na mabasa ng mga tao.
  • 8. 2. Pagpasyahan ang haba ng susulating bionote. Malaki ang kaugnayan nito sa layunin ng pagbuo ng bionote. Sinasagot nito ang mga tanong na: (1) sino ang target na mambabasa o makikinig ng bionote; (2) anong kahingian o layunin ang tinutugunan sa paggawa nito, lalo na kung pampropesyonal o organisasyonal ang gamit; at (3) anong pamamaraan ng paglalahad ang gagamitin, pasalita ba o pasulat na tutugunan ng magiging nilalaman.
  • 9. 3. Bumuo ng balangkas ng susulating bionote Mahalagang bahagi ang pagbuo ng balangkas upang matukoy kung alin ang pinakamahahalagang impormasyon kaugnay ng ipinakikilala. Magiging gabay rin ito tungo sa mas madaling pagbuo ng unang borador ng isusulat na bionote.
  • 10. Aktuwal na Pagsulat ng Bionote Alalahaning sa bahaging ito mabubuo ang unang borador. Inaasahan ding maisasakatuparan sa bahaging ito ang itinakdang layunin ng pagsulat ng bionote. Kaya marapat lamang na mailapat dito ang mga pagsasaalang-alang at paghahandang isinagawa sa unang bahagi.
  • 11. 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa paglalahad. Isinasagawa ito upang ipakilala nang obhetibo ang indibidwal na binibigyang-pansin sa bionote. Sa paraang ito, tila inilalahad ng iba ang paglalarawan sa tinutukoy sa sulatin, sa halip na magtunog itong personal o pagmamayabang (kung gagamitin ang unang panauhan).
  • 12. 2. Simulan sa pangalan ang pagpapakilala Ito ang paraan upang mabigyang-katauhan agad ang indibidwal na ipinakikilala, ito rin ang inaasahang unang tatatak sa isip ng mga nagbabasa o nakikinig ng bionote. Mahalaga ito dahil ito ang pinakabatayan ng pagkakakilanlan ng paksa.
  • 13. 3. Tukuyin ang edukasyong natamo. Itinuturing ang edukasyon bilang pinakaunang yugto ng pagtatagumpay ng isang tao. Sa pagsulat ng bionote, mahalagang mabigyang- diin ito sapagkat ito ang mag-uugnay sa mga kasunod pang impormasyong ilalahad o sa mga susunod pang tagumpay na ilalahad.
  • 14. 4. Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Ito ang pagpapakilala sa larangang kinabibilangan ng ipinakikilala. Naitataas nito ang antas ng pagtitiwala ng mambabasa o tagapakinig sa taong ipinakikilala. Nagiging daan din ito upang maipakilala ang paksa sa komunidad na may kinalaman sa kaniyang propesyon.
  • 15. 5. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay na nakamit ng paksang inilalarawan. Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang na may kinalaman sa magbabasa o makikinig at sa layunin ng pagsulat ng bionote ang kailangang ilahad. Bagaman mahalaga ang bawat pagkilalang natatamo, kailangang piliin lamang ang pinakamahahalagang makauugnay sa madla. Karaniwang nasa tatlo hanggang limang pinakamahahalagang karangalan ang dapat tukuyin sa isang bionote.
  • 16. 6. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye. Magandang teknik ang paglalahad ng mga di- inaasahang detalye na maaaring pumukaw sa interes ng mambabasa o tagapakinig tungkol sa ipinakikilalang indibidwal. Kapag nakapagbibigay ng detalyeng lingid sa kaalaman ng lahat, malaki ang posibilidad na maikintal ito sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig. Tiyakin lamang na may kaugnayan ang inilalahad na impormasyon sa layunin at kahingian ng pagsulat ng bionote.
  • 17. Muling Pagsulat ng Bionote Ito ang pagsasaayos ng unang borador bilang bahagi ng pagtitiyak na maayos at katanggap-tanggap ang pinal na kopya ng bionote. 1. Basahin ang unang borador. Sa pagbasa ng akda, naiisa-isa ang mga bahaging nangangailangan ng pagwawasto, partikular na sa gramatika ng sulatin at pagkakasunod- sunod ng mga detalye. 2. Muling isulat ang bionote para sa huling borador. Kapag naiwasto na ang unang borador, maaari nang isulat ang pinal na kopya para sa tiyak na paggagamitan nito.