1. Iba’t ibang Genre ng
Pelikula.
March 7, 2014
Presented by:
Orlando “Lance” Pistan
2. Ano ang Genre?
Ang Genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo na kaiba
sa iba pang uri. Nagkakaiba-iba ang mga ito dahil sa:
1. Sentral na kwento
2. Emosyong ipinapadama, at
3. Mga kaisipang pinapairal sa bawat palabas.
3. Sa pelikula, ang Genre ay tumutukoy sa iba’t ibang uri
ng naratibo na iniikutan ng manunulat ng pelikula
upang ilahad ang pangyayaring kasasangkutan ng mga
tauhan sa pelikula.
5. Genre ng Pelikula:
Bakbakan
umaatikabong bakbakan, suntukan at stunts ang
makikita sa pelikulang ito; makapigil hininga ang eksena
ng bida lalo na sa pakikipagbakbakan sa kaaway tungo
sa huling bahagi ng pelikula.
6. Genre ng Pelikula:
Sci-Fi
kuwentong nakakamangha dahil sa siyensya at
teknolohiya; ang tagpo at panahon ng pelikula ay
nakatuon sa hinaharap.
7. Genre ng Pelikula:
Katatakutan
ang bisa ng pelikulang ito’y takutin talaga ang mga
manonood dahil sa mga aswang, multo at iba pang mga
nilalang at lugar na nakakatakot.
8. Genre ng Pelikula:
Katatawanan
ang bisa naman ng pelikulang ito’y patawanin ang
manonood sa maraming paraan tulad ng pagbibigay ng
joke, paggaya sa nakakatawang kilos o galaw ng ibang
tao, pagpapalitan ng nakakatawang diyalogo at ang
paggamit ng slapstick.
9. Genre ng Pelikula:
Historikal
binabalikan ng pelikulang ito ang mahahalagang tao,
lugar o pangyayari sa ating kasaysayan na malaki ang
impluwensiya kung sino tayo tayo ngayon bilang Pilipino
at kung ano ang katayuan natin bilang bansa.
10. Genre ng Pelikula:
Fantasya
kuwento ito na umiikot sa mundong puno ng mahika at
kakaibang mga nilalang, mga hayop na nagsasalita, mga
lugar na kung saan sa panaginip lamang nararating o sa
mga pangyayaring tanging sa imahinasyon ng bata
nagkakaroon ng buhay.
11. Genre ng Pelikula:
Melodrama
mabigat ang dating ng pelikulang ito sa emosyon ng
nanonood dahil tiyak na magpapaiyak sila sa mga
madamdaming tagpo at sa matinding pangyayaring
nakakaantig sa sensibilidad ng tao.
13. 1. Pag-ibig
2. Labanan ng kabutihan at kasamaan
3. Paghahanap / Pakikipagsapalaran
4. Kombinasyon ng 3 Formulang
nabanggit
14.
15. Pag-ibig
•Dalawang taong nag-iibigan, karaniwang lalaki at babae
•Magkakaroon ng balakid sa relasyon
•May kontrabida at pagsubok na kakaharapin
•Maaaring may masayang ending o trahedya
•Hindi limitado sa magkasintahan
16. Labanan ng kabutihan
at kasamaan
•Tunggalian ng dalawang panig
•Magkaulayaw sila mula sa simula hanggang sa wakas
•Ang kabutihan ang laging nagtatagumpay
•Maaapi muna ang bida
•Kontrahan sa hitsura ng mga tauhan
17. Bida Kontrabida
Imahe (hitsura, katawan,
kasarian, taas)
Ideya tungkol sa kanilang
buhay, pagsubok,
kabiguan at tagumpay
Damdamin natin sa
kanilang karakter
18. Paghahanap /
Pakikipagsapalaran
•Mapupunta ang bida sa isang sitwasyong na kailangang
harapin
•Pinagmulang lahi o tunay na pamilya
•Maghahanap ng kayamanan
•Nakasalalay sa bida ang tagumpay ng isang indibidwal,
komunidad o sangkatauhan