5. 1. Hinihiling ang aktibong
partisipasyon ng bawat isa.
2. Panatilihing nakapatay ang
mikropono upang maiwasan
ang ingay at sagabal sa
ating pagtatalakay lalo na
kung walang nais sabihin o
itanong.
3. Kung nais sumagot,
magsalita o magtanong,
hangga’t maaari ay gamitin
ang mikropono.
4. Makinig nang mabuti sa
talakayan.
9. 1. Naihahayag ang
sariling pananaw tungkol
sa mahahalagang isyung
mahihinuha sa napanood
na pelikula.
2. Nagagamit ang
kahusayang gramatikal
(may tamang bantas,
baybay, magkakaugnay
na pangungusap/ talata)
sa pagsulat ng isang
suring- pelikula.
13. Ano ang Pelikula?
Ang pelikula, na kilala rin bilang
sine at pinilakang tabing, ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw
na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilangbahagingindustriya nglibangan.
16. Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay
isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng
pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na
nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito.
19. Sa pagbuo ng talataan, may mga
bahagi o hakbanging sinusunod upang
maging mabisa ang kabuuan nito. Maaaring
sundin ang anumang istilong nais subalit sa
pagkakataong ito, mahalagang isaalang-
alang ang pagkakasunud-sunod ng mga
talata upang magkaroon ng isang padron.
Narito ang mga sumusunod na hakbangin:
20. 1. Isulat ang pamagat ng
pelikulang susuriin.
2. Simulan ang talata sa
paglalahad ng paksa at buod ng
pelikula. Isulat sa rebyu ang sa
tingin mong pinakamahalagang
eksena
3. Sa ikalawang talata isusulat ang
mga papuri/puna sa tauhang
nagsiganap. Magkomento kung
naging epektibo ba ang karakter
ng aktor/artista sa pelikula.
21. 4. Sa ikatlong talata ilalahad ang
puna tungkol sa
direksyon/direktor ng nasabing
pelikula.
5. Sa ikaapat na talata naman ang
sinematograpiya at musika. Mga
eksenang tumatak sa isip dahil sa
mahusay na paggamit ng
kamera,ilaw at lokasyon
6. Sa ikalimang talata isusulat ang
kaugnayan ng pelikula sa
kasalukuyan at aral na mapupulot
22. 7. Gumamit ng kahusayang
gramatikal at tamang bantas
upang mas maging epektibo ang
suring-pelikula.
Halimbawa:
Ipinagkaiba ng raw at rin sa daw at
din
Wastong paggamit ng “ng” at
“nang”
Tamang paggamit ng bantas
Pag-uulit ng panlapi ng salita
23.
24. “Heneral Luna”
Nakuha ng aking atensyon ang pelikulang “Heneral Luna”. Ang
kuwento ay umiikot sa nabanggit na bayani na patuloy na ipinaglalaban
ang kasarinlan ng ating bansa laban sa mananakop na Amerikano. Ang
pinakamahalagang eksena sa akin ay nang pinapili n'ya ang ibang
opisyales na gustong makipagnegosyo sa mga Amerikano ng, “Negosyo o
kalayaan,bayanosarili— mamilika!”.
25. Naging kahanga-hanga ang mga nagsiganap sa palabas dahil naging
epektibo silang angkinin ang iba’t ibang karakter sa pelikula. Nakakakilabot ang
pagganap ni John Arcilla bilang Heneral Luna dahil sa husay nito sa pag-arte.
Nakapanindig-balahiboangbawat bitawn'ya nglinyasa buongistorya.
𝒩ahusay rin ang direktor na si Jerold Tarog sa pagsisiwalat ng
kagandahan ng k'wento ng bayaning si Heneral Luna. 𝒩agaling ang padirehe
n'ya ng pelikula kaya nagresulta ito sa isang kaaya-ayang pagbabago-bago ng
mgasenaryosapalabas.
26. 𝒩aganda ang bawat senaryo at ang mga “edit” na
nagpapakita ng pakiwari’y kalumaan ng panahon sa pelikula. Dahil dito’y
mas naging awtentik ang palabas. 𝒩aganda ang mga senaryo lalo na
iyong parte na pinatay ang heneral dahil sa tensyong nabuo ng anggulo,
ilaw at mga “effects” ng “editor”. Ang mga musika at “sound effects”
ay nakaragdag ng kiliti sa iba't ibang emosyon na gustong ilabas ng
palabas.
27. 𝒩aihahalintulad natin ang pelikulang ito sa kasalukuyang
panahon. Kung papansinin, kapwa Pilipino ang nagpabagsak sa Pilipino.
Naging isang mentalidad at sakit sa lipunang ating ginagalawan ang
pagiging utak-talangka. Pilit nating ibinabagsak ang mga taong
umaangat na nagbibigay ng panganib sa ating katayuan, kakayahan at
antas sa lipunan. 𝒩aging aral nawa itong pelikula. Patuloy nating
suportahan ang mga umaangat at maghilahan tayo pataas para sa
ikauunlad hindi lang ng ating mga sarili, maging ng lipunang ating
ginagalawan.
32. Pangkat
4
Pangkat 4:SapamamagitanngVenn
Diagram, ihambingat magtalangtig-
isang isyu sa “Goyo:AngBatang
Heneral”, isyusa kasalukuyang
panahonat magkatuladnaisyusa
dalawa. Pagkatapos, sagutin ang
katanungan:
• Bilang mag-aaral, magmungkahi ng
solusyon sa isyu n
a nangibabaw sa
pelikula.
Isyu sa Pelikula
Isyu sa
Kasalukuyan
P
a
g
k
a
t
u
l
a
d
33. PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 35 puntos
Maayos na pagtatala at paglalahad ng
mga ideya
30 puntos
Gumamit ng kahusayang gramatikal at
tamang bantas
25 puntos
Natapos ang gawain sa itinakdang oras 10 puntos
Kabuuan 100 puntos
Pamantayan sa Pagmamarka