2. DULA
Ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa
isang tanghalan.
3. Bahagi ng Dula
1.Yugto
- Ito ang bahaging pinaghahati sa dula.
2.Tanghal
- Kung kinakailangang magbago ang ayos ng
tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto.
3. Tagpo
- Ito ang paglabas pasok ng mga tauhang gumaganap
sa tanghalan.
4. Mga uri ng Dula
1.Trahedya
- Nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga
pangunahing tauhan.
2. Komedya
- Ang wakas ay kasiya-siya sa mga ,amood dahil nagtapos
na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo.
3. Melodrama
- kasiya-siya din ang wakas nito bagama’t ang uring ito’y
may malulungkot na bahagi.
5. Mga uri ng Dula
4. Parsa
- Ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng
mga pananalitang katawatawa.
5. Saynete
- Mga karaniwang ugali ang pinapaksa rito.
6. Mga Elemento ng Dula
A.Banghay
- Ito ang pagkasunod- sunod na pangyayari sa Dula.
B. Tauhan
- Kung babantayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan
binubuo lamang ito ng dalawa: ang tauhang nagbabago habang
umuunlad ang aksyon sa dula at ang tauhang walang
pagbabago mula simula hanggang matapos ang dula.
7. Mga uri ng Dula
C. Diyalogo
- Ito ay may dalawang katangian:
- Una, ito ay gumagamit upang maipaalam sa
manonood o mambabasa ang mga nangyayari at
ang kasalukuyamg nagaganap sa isip at damdamin
ng tauhan.
- Ikalawa, ang pagbitiw ng diyalogo ay kinakailangan
malakas kaysa normal na pagsasalita.
8. Maikling Kuwento
- Isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman
ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kiabibilangan ng isa o
ilang tauhan.
- Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.
10. Mga Elemento ng Maikling Kuwento
1.Panimula
- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito
rin kadalasang pinapakilala ang mga tauhan sa kuwento.
2. Saglit na kasiglahan
- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
- Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o
mga tauhan sa kuwento.
11. Mga Elemento ng Maikling Kuwento
4. Tunggalian
- Ang tugalian ay may apat na uri:
- Tao laban sa tao
- Tao laban sa sarili
- Tao laban sa lipunan
- Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
12. Mga Elemento ng Maikling Kuwento
5. Kasukdulan
- Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
6. Kakalasan
- Ito ang tulay sa wakas ng kuwento.
7. Wakas
- Ito ang resolusyon o ang kinahihinatnan ng
kuwento.
13. Mga Elemento ng Maikling Kuwento
8. Tagpuan
- Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o
mga insidente. Kasama din dito ang panahon kung kalian
naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa
- Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan
- Ito naman ang mensahe ng kuwento
11. Banghay
- Ito ay mga pangyayari sa kuwento.