Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan at uri ng mga tauhan sa kuwento.
2. TAUHAN
Ito ay isang mahalagang elemento ng
akdang pasalaysay tulad ng maikling
kuwento, epiko, parabula, pabula, at
alamat.
Nakasalalay sa maayos at
makatotohanang pagkakahabi ng mga
tauhan ang pagiging epektibo ng isang
akda
3. URI NG TAUHAN
Pangunahing Tauhan
Katunggaling Tauhan
Pantulong na Tauhan
Ang May-akda
5. KATUNGGALING TAUHAN
Siya ay sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan
Mahalaga ang kaniyang papel sa
kwento sapagkat sa mga tunggaliang ito
nabubuhay ang mga pangyayari sa
akda
6. PANTULONG NA TAUHAN
Karaniwang kasama ng pangunahing
tauhan
Ang pangunahing tungkulin nito sa akda
ay ang maging kapalagayang-loob o
sumusuporta sa tauhan
7. ANG MAY-AKDA
Sinasabing ang pangunahing tauhan at
ang awtor ay lagi nang magkasama ng
loob ng katha o kuwento
8. IBA PANG URI NG TAUHAN:
Round Character – may katangiang
tulad ng isang totoong tao; nagbabago
ang kanyang katauhan sa kabuoan ng
akda
Flat Character – tauhang hindi
nagbabago ang pagkatao mula simula
hanggang sa katapusan ng akda.