SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
Download to read offline
Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr.
Pangalan: Iskor:
Pangkat: Petsa:
KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese Japara,
Mayo 25, 1899
Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na
hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at
kaligayahan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip
ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na
babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang
ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali
ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaring lumuwag ang tali at kami’y
pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka
pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang
Worksheet 2:
LINANGIN
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan
 Nasusuri ang padron ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at opinyong inilahad sa
binasang sanaysay
 Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng
nagsasalita
PANIMULA:
May mga bansa sa Timog-Silangang Asya kung saan ang mga kababaihan ay hindi
binibigyan ng kalayaan tulad ng sa mga kalalakihan. Isa sa mga bansang hindi nagbibigay ng
kalayaan sa mga kababaihan ang bansang Indonesia. Dito, ang mga babae ay tinatrato bilang isang
nilalang na walang halaga o mababang uri at hindi maaaring pumantay sa talino at kapangyarihan
ng mga kalalakihan.
Subalit sa pagdaan ng panahon ay nabago ang ganitong pagtingin sa mga kababaihang
Indones.
Basahin at unawain ang susunod na akda at pagkatapos ay ilahad kung paano naiba ang
pagtingin ng lipunang Indones sa mga kababaihang Javaness.
Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr.
panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng
sariling bayan/ Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang
lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang
malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o
putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na
pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na iniuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga
taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga
taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong
pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na
Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong
musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang
kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito sa akin para
hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y
sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin
kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupain, umaabot sa akin, at sa
kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa
aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki
at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang
progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng
pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat- ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak
niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o
umibig sa kaunlarang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng
pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay
nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito
sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa
Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga
babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming
mga lumang tradisyon at kumbensiyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t
kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian
na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang
kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa
mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinailangang
“ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang
mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero,
isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko
namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago
ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit
wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na
mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang
mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y
ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman
ipinagbawal. Ito – ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na
panahong iyo, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong
nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas – ang
Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang
palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na
nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang
mga di-inanyayahang panauhin.
Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr.
A. PAGLINANG NG TALASALITAAN:
Ibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang salita sa pangungusap mula sa akda.
1. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon.
2. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkakaalipin.
3. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay.
4. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting
kapatid.
5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa pagpapahalaga o
pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa
Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong
bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng mga
nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa ( bilang Reyna
Wilhemina ng Netherlands ), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming
kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at
pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay
iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari
noon. Nasindak ang “mundo”; naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa.
Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa
amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong
hangaring makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng
kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman,
at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking
kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng
isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin – mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At
paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor
para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa
kanya lang?
A. PALINANG SA TALASALITAAN
Sanggunian: Panitikang Asyano- Ikasiyam na Baitang at Kayumanggi 9
MGA GAWAIN
B. PAGTALAKAY SA AKDA:
Sagutin ang mga gabay na tanong
1. Suriin kung anong uri ng pagkatao mayroon si Estela Zeehandelaar batay sa sumusunod
na ideya at opinyong inilahad sa binasang sanaysay.
“Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya
lamang ay may bukod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyong pumipigil sa akin at
ito ang pagmamahal na iniukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong
nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay.”
Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr.
Sanggunian: Panitikang Asyano- Ikasiyam na Baitang at Kayumanggi 9
B. PAGTALAKAY SA AKDA:
Sagutin ang mga gabay na tanong
2. Kung ikaw si Estela Zeehandelaar, susundin mo ba ang sumusunod na mga narinig na
tradisyon ng inyong lahi kahit mangahulugan ito ng hindi pag-unlad ng iyong
katauhan bilang babae? Bakit?
a. Labag sa kaugaliang Muslim ang pag-aaral ng mga babae lalo’t kailangang
lumabas ng bahay.
b. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagwa ng babaeng
Muslim.
c. Ipinagkakasundo sa di-kilalang lalaking Muslim na pinili ng mga magulang ang
mga babaeng Muslim.
3. Paano “NAKAWALA” sa tali ng lumang tradisyon ang kababaihang tulad ni Estela
Zeehandelaar sa kanilang bansa? Nangyayari ba ang ganito sa kasalukuyang lipunang
Asyano?

More Related Content

What's hot

9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx
9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx
9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptxNymphaMalaboDumdum
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Jenita Guinoo
 
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptxQ4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptxwilma334882
 
Q2 L1 PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
Q2 L1 PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptxQ2 L1 PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
Q2 L1 PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptxagnescabico1
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIreneGabor2
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)Juan Miguel Palero
 
Metaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na PagpapakahuluganMetaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na PagpapakahuluganJeremiah Castro
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxEmmalyn Bagsit
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationJenita Guinoo
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioMdaby
 

What's hot (20)

9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx
9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx
9 ARALIN 7 Hashnu ang Manlililok ng Bato.pptx
 
Anim na sabado ng beyblade
Anim na sabado ng beybladeAnim na sabado ng beyblade
Anim na sabado ng beyblade
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9
 
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptxQ4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
Q4_COT1_FIL8_FLORANTE AT LAURA.pptx
 
Ang parabula ng banga
Ang parabula ng bangaAng parabula ng banga
Ang parabula ng banga
 
Q2 L1 PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
Q2 L1 PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptxQ2 L1 PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
Q2 L1 PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.pptx
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
 
Gamit ng modal
Gamit ng modalGamit ng modal
Gamit ng modal
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
 
Metaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na PagpapakahuluganMetaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na Pagpapakahulugan
 
NIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptxNIYEBENG ITIM.pptx
NIYEBENG ITIM.pptx
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptx
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 
Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar  Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Munting pagsinta
Munting  pagsintaMunting  pagsinta
Munting pagsinta
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
 

Similar to Worksheet 2 Sanaysay

Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptxKay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptxjaneclairemillan
 
Kay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarKay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarJoemel Rabago
 
Kay Estrella Zeehandelaar
Kay Estrella ZeehandelaarKay Estrella Zeehandelaar
Kay Estrella Zeehandelaaryaminohime
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxJohnQuidulit2
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismodionesioable
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2aguilarliezelann
 
Mahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa lihamMahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa lihamJeremiah Castro
 
Dr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalDr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalLUZ PINGOL
 
Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021AnneDelaTorre1
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1abcd24_OP
 
Nelson mandela
Nelson mandelaNelson mandela
Nelson mandelaPusa Cath
 

Similar to Worksheet 2 Sanaysay (20)

Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptxKay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
 
project in AP
project in APproject in AP
project in AP
 
Kay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarKay Estella Zeehandelaar
Kay Estella Zeehandelaar
 
Filipino ix
Filipino ixFilipino ix
Filipino ix
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Kay Estrella Zeehandelaar
Kay Estrella ZeehandelaarKay Estrella Zeehandelaar
Kay Estrella Zeehandelaar
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
Suring Pampanitikan
Suring PampanitikanSuring Pampanitikan
Suring Pampanitikan
 
Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Ang Pagtutuli
 
Mahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa lihamMahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa liham
 
Dr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalDr. Jose Rizal
Dr. Jose Rizal
 
Filipino rene vince martin
Filipino rene vince martinFilipino rene vince martin
Filipino rene vince martin
 
Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021
 
Akademiko
AkademikoAkademiko
Akademiko
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Nelson mandela
Nelson mandelaNelson mandela
Nelson mandela
 
HELE
HELE HELE
HELE
 

More from Arlyn Duque

Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1Arlyn Duque
 
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboPagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboArlyn Duque
 
Worksheet 5 Sanaysay
Worksheet 5 SanaysayWorksheet 5 Sanaysay
Worksheet 5 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet 4 Sanaysay
Worksheet 4 SanaysayWorksheet 4 Sanaysay
Worksheet 4 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet 3 Sanaysay
Worksheet 3 SanaysayWorksheet 3 Sanaysay
Worksheet 3 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet 1 Sanaysay
Worksheet 1 SanaysayWorksheet 1 Sanaysay
Worksheet 1 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet sa aralin 2 Pagbibigay ng Opinyon
Worksheet sa aralin 2  Pagbibigay ng OpinyonWorksheet sa aralin 2  Pagbibigay ng Opinyon
Worksheet sa aralin 2 Pagbibigay ng OpinyonArlyn Duque
 
Pagsusuri sa Maikling Pelikula
Pagsusuri sa Maikling PelikulaPagsusuri sa Maikling Pelikula
Pagsusuri sa Maikling PelikulaArlyn Duque
 
Gawain sa Pagbibigay Pahiwatig
Gawain sa Pagbibigay PahiwatigGawain sa Pagbibigay Pahiwatig
Gawain sa Pagbibigay PahiwatigArlyn Duque
 
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaPaggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaArlyn Duque
 
Gawain sa Tunggalian
Gawain sa TunggalianGawain sa Tunggalian
Gawain sa TunggalianArlyn Duque
 
Nobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianNobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianArlyn Duque
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Arlyn Duque
 
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang MarkahanPanimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang MarkahanArlyn Duque
 

More from Arlyn Duque (15)

Tiyo Simon
Tiyo SimonTiyo Simon
Tiyo Simon
 
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
 
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboPagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
 
Worksheet 5 Sanaysay
Worksheet 5 SanaysayWorksheet 5 Sanaysay
Worksheet 5 Sanaysay
 
Worksheet 4 Sanaysay
Worksheet 4 SanaysayWorksheet 4 Sanaysay
Worksheet 4 Sanaysay
 
Worksheet 3 Sanaysay
Worksheet 3 SanaysayWorksheet 3 Sanaysay
Worksheet 3 Sanaysay
 
Worksheet 1 Sanaysay
Worksheet 1 SanaysayWorksheet 1 Sanaysay
Worksheet 1 Sanaysay
 
Worksheet sa aralin 2 Pagbibigay ng Opinyon
Worksheet sa aralin 2  Pagbibigay ng OpinyonWorksheet sa aralin 2  Pagbibigay ng Opinyon
Worksheet sa aralin 2 Pagbibigay ng Opinyon
 
Pagsusuri sa Maikling Pelikula
Pagsusuri sa Maikling PelikulaPagsusuri sa Maikling Pelikula
Pagsusuri sa Maikling Pelikula
 
Gawain sa Pagbibigay Pahiwatig
Gawain sa Pagbibigay PahiwatigGawain sa Pagbibigay Pahiwatig
Gawain sa Pagbibigay Pahiwatig
 
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaPaggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
 
Gawain sa Tunggalian
Gawain sa TunggalianGawain sa Tunggalian
Gawain sa Tunggalian
 
Nobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianNobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng Tunggalian
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
 
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang MarkahanPanimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
 

Recently uploaded

Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 

Recently uploaded (20)

Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 

Worksheet 2 Sanaysay

  • 1. Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr. Pangalan: Iskor: Pangkat: Petsa: KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese Japara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligayahan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang Worksheet 2: LINANGIN Mga Kasanayang Pampagkatuto:  Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan  Nasusuri ang padron ng pag-iisip (thinking pattern) sa mga ideya at opinyong inilahad sa binasang sanaysay  Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng nagsasalita PANIMULA: May mga bansa sa Timog-Silangang Asya kung saan ang mga kababaihan ay hindi binibigyan ng kalayaan tulad ng sa mga kalalakihan. Isa sa mga bansang hindi nagbibigay ng kalayaan sa mga kababaihan ang bansang Indonesia. Dito, ang mga babae ay tinatrato bilang isang nilalang na walang halaga o mababang uri at hindi maaaring pumantay sa talino at kapangyarihan ng mga kalalakihan. Subalit sa pagdaan ng panahon ay nabago ang ganitong pagtingin sa mga kababaihang Indones. Basahin at unawain ang susunod na akda at pagkatapos ay ilahad kung paano naiba ang pagtingin ng lipunang Indones sa mga kababaihang Javaness.
  • 2. Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr. panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan/ Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na iniuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo? Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat- ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kaunlarang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga lumang tradisyon at kumbensiyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito – ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyo, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas – ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
  • 3. Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr. A. PAGLINANG NG TALASALITAAN: Ibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang salita sa pangungusap mula sa akda. 1. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon. 2. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkakaalipin. 3. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay. 4. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid. 5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa ( bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands ), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”; naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin – mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang? A. PALINANG SA TALASALITAAN Sanggunian: Panitikang Asyano- Ikasiyam na Baitang at Kayumanggi 9 MGA GAWAIN B. PAGTALAKAY SA AKDA: Sagutin ang mga gabay na tanong 1. Suriin kung anong uri ng pagkatao mayroon si Estela Zeehandelaar batay sa sumusunod na ideya at opinyong inilahad sa binasang sanaysay. “Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may bukod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyong pumipigil sa akin at ito ang pagmamahal na iniukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay.”
  • 4. Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr. Sanggunian: Panitikang Asyano- Ikasiyam na Baitang at Kayumanggi 9 B. PAGTALAKAY SA AKDA: Sagutin ang mga gabay na tanong 2. Kung ikaw si Estela Zeehandelaar, susundin mo ba ang sumusunod na mga narinig na tradisyon ng inyong lahi kahit mangahulugan ito ng hindi pag-unlad ng iyong katauhan bilang babae? Bakit? a. Labag sa kaugaliang Muslim ang pag-aaral ng mga babae lalo’t kailangang lumabas ng bahay. b. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagwa ng babaeng Muslim. c. Ipinagkakasundo sa di-kilalang lalaking Muslim na pinili ng mga magulang ang mga babaeng Muslim. 3. Paano “NAKAWALA” sa tali ng lumang tradisyon ang kababaihang tulad ni Estela Zeehandelaar sa kanilang bansa? Nangyayari ba ang ganito sa kasalukuyang lipunang Asyano?