SlideShare a Scribd company logo
1 of 23
PANANAW NG MAY-AKDA
TUNGKOL SA PAKSA BATAY
SA NAPAKINGGAN
PAG SUSUBOK
Sa sinundang aralin inyong natutunan ang iba’t ibang ekspresyon sa PAG
SUSUBOKpagpapahayag ng damdamin.Tulad ng paggamit ng sambitla,
pagpapahayag ng damdamin o emosyon ng isang tao tulad ng kasiyahan,
pagkalungkot, pagkalito at pagkabigla.
Ngayon ay susubukan nating balikan ang iyong natutunan. Isulat sa patlang
ang emosyon o damdamin ng bawat pahayag sa
PAGSUSUBOK
__________________1. Huwag! Nasasakal na ako sa kulungang ito.
__________________2. Masaya akong makilala ang modernong babae.
__________________3. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas!
__________________4. Anong nalalaman mo tungkol sa pag-ibig?
__________________5.Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang
panahong ito?
MAIKLING PAGTALAKAY
Kay Estella Zeehandelar Sanaysay (Indonesia) Salin ni Ruth Elynia Mabanglo mula sa “Mga
Liham ng Isang Prinsesang Javanese” Japara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makakilala ng
isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking
loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng
tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligayahan kundi
maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang
pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng
mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong
Kanluran. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin
kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng
Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang- araw
maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo
ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o
apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang
buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling
bayan.Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang
lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang
malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong
iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang
lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na iniuukol ko sa mga
pinagkakautangan ko ng buhay, mgataong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May
karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi
pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit, at bagongsilang na
Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit
noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may
isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa. Gumigising
ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at kalayaan – isang paghahangad na makatayong mag-
isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot
na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupain, umaabot sa akin, at sa
kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing
sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo’y
kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa
tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang
lolo kong si Pangeran ArioTjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang
progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na
nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat – ang sibilisasyong Kanluran.
Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay
patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kaunlarang minana sa kanilang ama; at nagdulot
naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga
pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang
pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong
nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at
naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y
bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming
mga lumang tradisyon at kumbensiyon.
Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay
araw-araw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man
lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saanman, liban lamang kung
sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas
sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinailangang
“ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng
bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang
mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang
lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong
tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko
para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi
nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang
tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong
nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang
naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang
Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito — ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa
hungkag at kainip-inip na panahong iyo, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-
awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa.
Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas — ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa
lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas
ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang
iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-
inanyayahang panauhin. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-
anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi
nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring
nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa
oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands ),
“opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-
unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at pumunta
sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay
iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng
mangyari noon. Nasindak ang “mundo”; naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala
pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin,
walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong
makarating sa malayo, mas malayo.Wala akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi
iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang
makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi
para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang
pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang
pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa
kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin — mababaw pa ngang
ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung
tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi
para sa babae ang batas at kumbensiyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa
kanya lang? Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig? Paano namin
maiibigan ang isang lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila kami
iibigin? Hindi yata maaaring mangyari iyon. Mahigpit na ipinaghihiwalay ang mga
kabataang babae at lalaki, at kailanma’y hindi pinapayagang magkakilala.
PAGLINANG NGTALASALITAAN
Bigyan kahulugan ang mga salitang may salungguhit ayon sa kung paano ito
ginamit sa sanaysay. Maaaring gumamit ng diksiyonaryo pagkatapos upang
matiyak kung tama ang pagkaunawa sa mga sali
PAGLINANG NGTALASALITAAN
• a. Nang marinig ko ang salitang emansipasyon, nakapang-akit ito samagising na hangaring
ang pagsasarili at kalayaan. _____________________
• b. Hindi ko nais na wasakin ang puso ng mga mahal ko sa buhay.
___________________________
• c. Ito ang nagbukas ng pinto sa mga kababaihan na ipamalas ang kanilang talento.
____________________________
• d. Ipinagkasundo ako ng aking mga magulang sa hindi kilalang lalaki.
_____________________________
• e. Bata pa lang ako ay nais ko nang makatayong mag-isa sa aking buhay.
_____________________________
PAG-AARALAN
Naibigan mo ba ang akdang binasa? Lubhang napapaisip ka ba sa pananaw ng
tauhan? Kung gayon, alamin natin ang kahulugan ng pananaw. Ang pananaw
sa ingles ay points of view, Ito ay nangangahulugan ng paraan ng
pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay suliranin o pangyayari.
Personal na pang-unawa o punto de bista.
PAG-AARALAN
• Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na nagpapahayag ng pananaw:
Lahat tayo ay may iba't-ibang pananaw sa buhay pampolitika,relihiyon at marami
pang iba. Dapat nating igalang ang pananaw ng bawat isa,dahil may kanya-
kanyang tayong paniniwala. Sa pananaw ng marami,ang pagbibigay ng maayos
na edukasyon sa kanilang mga anak ang magpapaangat sa kanila sa kahirapan.
Sa aking pananaw dapat pagtuunan ng pamahalaan ang lumalalang kaso sa
ipinagbabawal na gamot. Ang pananaw ng aking anak na dapat ay magtulong-
tulong ang kanyang mga kaklase para sa kanilang gawain ay kanyang ipinahayag.
Ngayon, mas madali mo nang matutunan ang pagbibigay ng opinyon at
paninindigan sa mga pahayag.
PAGBIBIGAY NG OPINYON AT
PANININDIGAN
Ang pagbibigay ng opinyon sa isang mahalagang isyu na kinakaharap ng
bansa ay isang magandang indikasyon na ang mga mamamayan ay
nakikisangkot sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid at lipunang
ginagalawan. Maaaring positibo o negatibo ang pagbibigay ng opinyon. Ilan sa
mga salita o pariralang maaaring gamitin sa pagbibigay ng opinyon ay ang
sumusunod:
PAGBIBIGAY NG OPINYON AT
PANININDIGAN
Positibong Opinyon
•Tama ang sinabi mo…
• Sa palagay ko totoong…
• Iyan nga ang nararapat…
• Pareho tayo ng iniisip
• Ganyan din ang palagay ko…
• Sang-ayon ako…
• Oo nga…
•Tunay na…
•Talagan
PAGBIBIGAY NG OPINYON AT
PANININDIGAN
Negatibong Opinyon
• Mabuti naman, ngunit…
• Ikinalulungkot ko sapagkat…
• Hindi ako sang-ayon dahil…
• Nauunawaan kita, subalit…
• Hindi totoong…
• Huwag kang
MGA HALIMBAWA NG OPINYON AT
PANININDIGAN
Halimbawa:
1.Sa palagay ko, totoong mahirap manirahan sa ibang bansa.
2.Hindi totoong masarap manirahan sa ibang bansa.
3.Hindi ako sang-ayon dahil iba ang sinasabi mo sa nabasa ko.
4.Oo nga. Napakagaling nga ni Kobe sa basketball.
5.Tama ang sinabi mo dahil ganyan ang napag-aalan natin sa
eskwelahan.
TANDAANAN
Tandaan:
Ang unang pangungusap ay nagsasad ng positibong opinyon, samantala ang
ikalawang halimbawa ay isang negatibong opinyon
PAGSASANAY
Panuto: Upang mapalawak ang iyong natutunan at mabibigyan ka nang pagkakataong mahasa pa ang iyong
kasanayan subukin mong gawin ang mga sumusunod na gawain :
Gawain 1: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Iguhit sa sagutang papel ang mukhang nakangiti kung itoý
nagpapahayag ng positibong opinyon o mukhang malungkot kung ito’y negatibong opinyon.
____1. Sang-ayon ako sa lahat ng mga pagbabago sa mundo.
____2. Mabuti naman ngunit, ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay
ngayon kaysa noon.
____3.Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag na natin silang tularan.
____4. Hindi ako sang-ayon sa mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at kultura.
____5.Ganyan din ang palagay ko kung kaya’t gawin natin ito sa tamang panahon.
PAGSASANAY
Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa Sagutin ang mga tanong upang matiyak kung gaano mo
naunawaan ang iyong binasa. Isulat sa sagutang papel ang mga kasagutan.
1. Sa palagay mo, sino ang nagsasalita sa akda? Kanino niya nais iparating ang liham na
ito?_______________________________________________
2. Anong katangian ang tinataglay ng nagsasalita sa akda?
Patunayan.__________________________________________
3. Anong bahagi ng akdang nagpapahiwatig na ang sumulat ay naimpluwensiyahannang
pananaw ng mga babaeng Kanluranin?____________________________________
4. Paano niya ipinahayag ang damdamin sa mga kaugaliang kanyang nararanasan?
Nakatutulong ba ito sa kanya?______________________________________________
PAGSASANAY
Gawain 3:Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang PO kung itoý
nagpapahayag ng positibong opinyon at NO kung negatibong opinyon.
____1. Kaisa ako sa lahat ng mga pagbabagong nais nilang mangyari sa bansa
____2.Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang paraan.
____3. Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-
uugali at kultura.
____4.Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang
tularan.
____5. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito
PAGSASANAY
Gawain 4: Magbigay o sumulat ng limang halimbawa ng opinion at
paninindigan.
SALAMAT SA PAKIKIPAGKOOPER-RASYON
SANA MAY NATUTUNAN KAYO

More Related Content

Similar to PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx

Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino
Portfolio sa Sikolohiyang PilipinoPortfolio sa Sikolohiyang Pilipino
Portfolio sa Sikolohiyang PilipinoRonceis Achas
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxcyrindalmacio
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2aguilarliezelann
 
Dr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalDr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalLUZ PINGOL
 
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxaralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxCharmaineCanono
 
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxaralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxCharmaineCanono
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinStemGeneroso
 
Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021AnneDelaTorre1
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Jenita Guinoo
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1abcd24_OP
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekdionesioable
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 

Similar to PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx (20)

Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Ang Pagtutuli
 
Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino
Portfolio sa Sikolohiyang PilipinoPortfolio sa Sikolohiyang Pilipino
Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino
 
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptxFIL Q1 W1- DAY 2.pptx
FIL Q1 W1- DAY 2.pptx
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
Dr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalDr. Jose Rizal
Dr. Jose Rizal
 
Sa loob ng love class
Sa loob ng love classSa loob ng love class
Sa loob ng love class
 
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxaralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
 
aralin1angamagrade9.pptx
aralin1angamagrade9.pptxaralin1angamagrade9.pptx
aralin1angamagrade9.pptx
 
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxaralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021Disederata jan 21 24,2021
Disederata jan 21 24,2021
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
Quisha
QuishaQuisha
Quisha
 
Kwento
KwentoKwento
Kwento
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Fil 7
Fil 7Fil 7
Fil 7
 
HELE
HELE HELE
HELE
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 

More from JohnQuidulit2

Pakitang turo sa junior high school for rqa
Pakitang turo sa junior high school for rqaPakitang turo sa junior high school for rqa
Pakitang turo sa junior high school for rqaJohnQuidulit2
 
arts images for class reporting of the student
arts images for class reporting of the studentarts images for class reporting of the student
arts images for class reporting of the studentJohnQuidulit2
 
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaralTekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaralJohnQuidulit2
 
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docxmtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docxJohnQuidulit2
 

More from JohnQuidulit2 (6)

Pakitang turo sa junior high school for rqa
Pakitang turo sa junior high school for rqaPakitang turo sa junior high school for rqa
Pakitang turo sa junior high school for rqa
 
arts images for class reporting of the student
arts images for class reporting of the studentarts images for class reporting of the student
arts images for class reporting of the student
 
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaralTekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
Tekstong propesyunal para sa mga mag-aaral
 
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docxmtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
mtb-....-joanna_-12-07-22-final.docx
 
panitikang isabelo
panitikang isabelopanitikang isabelo
panitikang isabelo
 
ap-marte.docx
ap-marte.docxap-marte.docx
ap-marte.docx
 

Recently uploaded

Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1MaeganVeeu
 

Recently uploaded (20)

Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 

PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx

  • 1. PANANAW NG MAY-AKDA TUNGKOL SA PAKSA BATAY SA NAPAKINGGAN
  • 2. PAG SUSUBOK Sa sinundang aralin inyong natutunan ang iba’t ibang ekspresyon sa PAG SUSUBOKpagpapahayag ng damdamin.Tulad ng paggamit ng sambitla, pagpapahayag ng damdamin o emosyon ng isang tao tulad ng kasiyahan, pagkalungkot, pagkalito at pagkabigla. Ngayon ay susubukan nating balikan ang iyong natutunan. Isulat sa patlang ang emosyon o damdamin ng bawat pahayag sa
  • 3. PAGSUSUBOK __________________1. Huwag! Nasasakal na ako sa kulungang ito. __________________2. Masaya akong makilala ang modernong babae. __________________3. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas! __________________4. Anong nalalaman mo tungkol sa pag-ibig? __________________5.Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito?
  • 4. MAIKLING PAGTALAKAY Kay Estella Zeehandelar Sanaysay (Indonesia) Salin ni Ruth Elynia Mabanglo mula sa “Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese” Japara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kaligayahan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang- araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo
  • 5. ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan.Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na iniuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mgataong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo? Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit, at bagongsilang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at kalayaan – isang paghahangad na makatayong mag- isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
  • 6. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran ArioTjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat – ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kaunlarang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga lumang tradisyon at kumbensiyon.
  • 7. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saanman, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay – kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito — ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyo, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa- awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa.
  • 8. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas — ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di- inanyayahang panauhin. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing- anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands ), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna- unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”; naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo.Wala akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
  • 9. Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin — mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensiyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang? Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig? Paano namin maiibigan ang isang lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila kami iibigin? Hindi yata maaaring mangyari iyon. Mahigpit na ipinaghihiwalay ang mga kabataang babae at lalaki, at kailanma’y hindi pinapayagang magkakilala.
  • 10. PAGLINANG NGTALASALITAAN Bigyan kahulugan ang mga salitang may salungguhit ayon sa kung paano ito ginamit sa sanaysay. Maaaring gumamit ng diksiyonaryo pagkatapos upang matiyak kung tama ang pagkaunawa sa mga sali
  • 11. PAGLINANG NGTALASALITAAN • a. Nang marinig ko ang salitang emansipasyon, nakapang-akit ito samagising na hangaring ang pagsasarili at kalayaan. _____________________ • b. Hindi ko nais na wasakin ang puso ng mga mahal ko sa buhay. ___________________________ • c. Ito ang nagbukas ng pinto sa mga kababaihan na ipamalas ang kanilang talento. ____________________________ • d. Ipinagkasundo ako ng aking mga magulang sa hindi kilalang lalaki. _____________________________ • e. Bata pa lang ako ay nais ko nang makatayong mag-isa sa aking buhay. _____________________________
  • 12. PAG-AARALAN Naibigan mo ba ang akdang binasa? Lubhang napapaisip ka ba sa pananaw ng tauhan? Kung gayon, alamin natin ang kahulugan ng pananaw. Ang pananaw sa ingles ay points of view, Ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay suliranin o pangyayari. Personal na pang-unawa o punto de bista.
  • 13. PAG-AARALAN • Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na nagpapahayag ng pananaw: Lahat tayo ay may iba't-ibang pananaw sa buhay pampolitika,relihiyon at marami pang iba. Dapat nating igalang ang pananaw ng bawat isa,dahil may kanya- kanyang tayong paniniwala. Sa pananaw ng marami,ang pagbibigay ng maayos na edukasyon sa kanilang mga anak ang magpapaangat sa kanila sa kahirapan. Sa aking pananaw dapat pagtuunan ng pamahalaan ang lumalalang kaso sa ipinagbabawal na gamot. Ang pananaw ng aking anak na dapat ay magtulong- tulong ang kanyang mga kaklase para sa kanilang gawain ay kanyang ipinahayag. Ngayon, mas madali mo nang matutunan ang pagbibigay ng opinyon at paninindigan sa mga pahayag.
  • 14. PAGBIBIGAY NG OPINYON AT PANININDIGAN Ang pagbibigay ng opinyon sa isang mahalagang isyu na kinakaharap ng bansa ay isang magandang indikasyon na ang mga mamamayan ay nakikisangkot sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid at lipunang ginagalawan. Maaaring positibo o negatibo ang pagbibigay ng opinyon. Ilan sa mga salita o pariralang maaaring gamitin sa pagbibigay ng opinyon ay ang sumusunod:
  • 15. PAGBIBIGAY NG OPINYON AT PANININDIGAN Positibong Opinyon •Tama ang sinabi mo… • Sa palagay ko totoong… • Iyan nga ang nararapat… • Pareho tayo ng iniisip • Ganyan din ang palagay ko… • Sang-ayon ako… • Oo nga… •Tunay na… •Talagan
  • 16. PAGBIBIGAY NG OPINYON AT PANININDIGAN Negatibong Opinyon • Mabuti naman, ngunit… • Ikinalulungkot ko sapagkat… • Hindi ako sang-ayon dahil… • Nauunawaan kita, subalit… • Hindi totoong… • Huwag kang
  • 17. MGA HALIMBAWA NG OPINYON AT PANININDIGAN Halimbawa: 1.Sa palagay ko, totoong mahirap manirahan sa ibang bansa. 2.Hindi totoong masarap manirahan sa ibang bansa. 3.Hindi ako sang-ayon dahil iba ang sinasabi mo sa nabasa ko. 4.Oo nga. Napakagaling nga ni Kobe sa basketball. 5.Tama ang sinabi mo dahil ganyan ang napag-aalan natin sa eskwelahan.
  • 18. TANDAANAN Tandaan: Ang unang pangungusap ay nagsasad ng positibong opinyon, samantala ang ikalawang halimbawa ay isang negatibong opinyon
  • 19. PAGSASANAY Panuto: Upang mapalawak ang iyong natutunan at mabibigyan ka nang pagkakataong mahasa pa ang iyong kasanayan subukin mong gawin ang mga sumusunod na gawain : Gawain 1: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Iguhit sa sagutang papel ang mukhang nakangiti kung itoý nagpapahayag ng positibong opinyon o mukhang malungkot kung ito’y negatibong opinyon. ____1. Sang-ayon ako sa lahat ng mga pagbabago sa mundo. ____2. Mabuti naman ngunit, ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon kaysa noon. ____3.Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag na natin silang tularan. ____4. Hindi ako sang-ayon sa mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at kultura. ____5.Ganyan din ang palagay ko kung kaya’t gawin natin ito sa tamang panahon.
  • 20. PAGSASANAY Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa Sagutin ang mga tanong upang matiyak kung gaano mo naunawaan ang iyong binasa. Isulat sa sagutang papel ang mga kasagutan. 1. Sa palagay mo, sino ang nagsasalita sa akda? Kanino niya nais iparating ang liham na ito?_______________________________________________ 2. Anong katangian ang tinataglay ng nagsasalita sa akda? Patunayan.__________________________________________ 3. Anong bahagi ng akdang nagpapahiwatig na ang sumulat ay naimpluwensiyahannang pananaw ng mga babaeng Kanluranin?____________________________________ 4. Paano niya ipinahayag ang damdamin sa mga kaugaliang kanyang nararanasan? Nakatutulong ba ito sa kanya?______________________________________________
  • 21. PAGSASANAY Gawain 3:Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang PO kung itoý nagpapahayag ng positibong opinyon at NO kung negatibong opinyon. ____1. Kaisa ako sa lahat ng mga pagbabagong nais nilang mangyari sa bansa ____2.Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang paraan. ____3. Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag- uugali at kultura. ____4.Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang tularan. ____5. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito
  • 22. PAGSASANAY Gawain 4: Magbigay o sumulat ng limang halimbawa ng opinion at paninindigan.