1. Inihanda ni: Rizalino A. Cervino Jr.
Pangalan: Iskor:
Pangkat: Petsa:
Sanggunian: Panitikang Asyano- Ikasiyam na Baitang
Worksheet 5:
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilahok sa isasagawang debate o kauri nito
Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng
kabataang Asyano
ILIPAT
Nakatulong ang pag-aaral ng iba’t ibang akdang pampanitikan tulad ng sanaysay na pormal at
impormal sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang Asyano sapagkat malinaw na nailahad ditto ang
kultura at tradisyon ng bansang Indonesia tungkol sa kawalan ng kalayaan ng babae at nagkaroon ng pantay na
karapatan ng tulad sa kalalakihan sa ibang bansa sa Asya.
Samantala, sa tulong ng mga pang-ugnay, malalim na nasuri ang nilalaman ng sanaysay na pormal o
impormal na tinalakay sapagkat naorganisa ang mga ideya at kaisipang napapaloob sa nabanggit na akda.
GAWAIN 1
Ibigay ang iyong pananaw o opinyon tungkol sa kasunod na isyung nasa ibaba. Gumamit ng
mga pang-ugnay sa pagbibigay mo ng opinyon o pananaw.
“ANG MGA INA AY DAPAT MANATILI SA TAHANAN AT HAYAANG ANG AMA
ANG MAGHANAPBUHAY UPANG MASUBAYBAYAN ANG KANILANG MGA ANAK.”
GAWAIN 2
Magtanghal ng isang pagtatalo/debate tungkol sa kasunod na napapanahong isyu. Gumamit
ng mga pang-ugnay sa pagdedebate.
Tema/ Isyu
“ANG MGA BABAE AY MAHINA KAYA DAPAT SILANG PASAKOP SA
KAPANGYARIHAN NG MGA LALAKI.”