Eupemismo tanong na retoriko

16,170 views

Published on

for Ed_Komm_3

Published in: Education
0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
16,170
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
50
Actions
Shares
0
Downloads
0
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Eupemismo tanong na retoriko

  1. 1. Abigail Alfaro
  2. 2. • Eupemismo• Antiklaymaks• Klaymaks• Epidiplosis• Paralepsis• Tanong na Retoriko
  3. 3. • Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga salitang nagpapagaan sa bigat ng realidad upang hindi ito lubos na makasakit ng damdamin, makapagpalungkot, o makapagpagalit.• Ginagamit din ito upang alisin ang halay sa usaping nauugnay sa seks o bawasan ang rimarim sa isang malagim na paksa, gaya ng patayan o karahasan. Halimbawa: Sumakabilang buhay na ang kanyang ama matapos ng matagal ding pakikipaglaban sa sakit.• Sariling halimbawa: mataba- malusog payatot- balingkinitan• Dagdag sa mga tayutay, tinalakay rin ni Alejandro(1970) ang mga kagamitang panretorika na makakatulong sa mabisang pagpapahayag. Kinabibilangan ito sa mga sumusunod:
  4. 4. • Tumutukoy sa paghahanay ng mga kaisipang may pababang intensidad ng damdamin.• Karaniwan itong ginagamit upang mag-iwan sa mga tagapakinig o mambabasa ng lungkot o pagkabahala, na kalauna’y inaasahang magbubunsod ng kanilang kilos.• Maaari rin itong kasangkapin upang magbigay ng malinaw na imahen ng pagwawakas ng isang pangyayari.• Halimbawa: Dahil sa pag-iisantabi ng kanyang irog, ang pag ibig niya para rito na dating kaykulay ay unti-unting nangitim, nangupas, naglaho.• Sariling halimbawa: Dahil sa paniniwalang patay na si Daniel, napilitan si Katerinang pakasalan si Nathan.
  5. 5. • Pinagsusunod-sunod nito ang mga kaisipan nang may pataas na intensidad ng damdamin. Pinaniniwala nito ang mga tagapakinig o mambabasa sa kagandahan, pinadadama sila ng masaya, at muling hinihimok mangarap kung nawalan man ng pag-asa.• Maaari rin itong magbigay ng malinaw na imahen ng pagsisimula at pagsulong ng isang pangyayari.• Halimbawa: Ang kanyang bagong kakilala ay nagpunla sa kanya ng bagong pag-ibig na unti-unting nagkaugat, tumubo, nagsanga, namulaklak.• Sariling halimbawa: Nang malaman na buhay ang kanilang anak na si Mara, nabuhayan ng loob ang mag-asawang sila Alvira at Amante.
  6. 6. • Ito ang paggamit ng iisang salita sa simula at katapusan ng pahayag upang ito ang gawing sentro ng pagtalakay at mapag-ukulan ng pinakamabigat na diin.• Halimbawa: Pag-ibig ang ipinunla niya mula sa simula kaya sa huli, ang inani niya ay pag-ibig.• Sariling halimbawa: Puro kasamaan ang ipinakita ni Gary David kaya kasamaang palad din ang kanyang napala sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay
  7. 7. • Ito ang paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagtangging sabihin ang isang bagay ngunit pagpapanggap lamang kaya lalo tuloy nabibigyang diin ang pahayag na ibinubulalas• Halimbawa: Ayoko na sanang sabihin ito pero kayo ang nagtutulak sa akin. Nag-uusap nga sila sa telepono! Alam ko dahil narinig ko ang lahat ng pinag uusapan nila nang di ko sinasadyang maiangat ang extension.• Sariling halimbawa: Ayoko sanang mag sumbong, pero dahil sa inuubos mo ang pasensya ko, napipilitan akong sabihin sa mga magulang mo ang mga kalokohan mo.
  8. 8. • Ito ang tanong na binibigay, hindi dahil lingid sa kaalaman ng mga tagapagsalita o manunulat ang sagot, kundi dahil nais niyang mag iwan ng bisa sa kanyang awdyens sa pamamagitan ng pagpapaisip o pagpapanilay sa kanila.• Ang tugon sa tanong ay hindi isang salita kundi maaaring paglikha ng panloob na pagbabago sa katauhan ng awdyens o buhay na pagkilos.• Halimbawa: Pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, pagsapi sa mga gang, pagbubulakbol sa pag aaral, maagang pagbubuntis—ilan lamang ito sa mga hamong hinaharap ng kabataan sa kasalukuyan. Maituturing pa kaya silang pag-asa ng bayan?Sariling halimbawa: Ano nga ba talaga ang love? Ito bayung sinasabing “buwis buhay” o “laslas pulso?” Paano momasasabi na nahanap mo na ang true love mo?
  9. 9. • Kab. 3-Estilo (p. 72-73) ; Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag ni Aurora Batnag, Teresita Fortunato, at Alvin Ringgo Reyes• http://redaquini.blogspot.com/2011/05/clara-finale- update-gary-david.html

×