Edukasyon sa pagpapakatao cot ppt quarter 2 week 3.pptx
1. IKALAWANG MARKA MODULE 3:
LINGGO 3
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Mga Biro Ko,
Iniingatan Ko
Inihanda ni:
Frances Rianna M.
Acosta
Sambulawan Elementary School
2. Balik - Aral:
• Anu-ano ang mga paraan na makatutulong sa iyo upang higit na
mapamahalaan mo ang iyong sarili at makamit ang layunin sa
buhay?
• Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit timbangin mo kung
ano ang magiging bunga kung ito ay iyong susundin o hindi.
• Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay na nangyayari sa
iyo at sa iyong paligid.
3. • Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at dito ituon ang iyong
pansin.
• Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang iyong pamilya, mga
kaibigan, at higit sa lahat, magkaroon ng matibay na paniniwala sa
Diyos.
• Maging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa sa pagbibigay ng
puna at papuri.
• Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong sa pagkilala
natin sa ating sarili upang magkaroon ng pagbabago at pag-unlad
sa iyong ginagawa.
4. Bumuo ng tatlong pangkat at
pangalanan kung anong mga
traits sa katangian o Character
Traits.
HALIMBAWA: GRUPO NG PALAKAIBIGAN
O GRUPONG MAKABANSA
5. Anu-ano ang mga nakita ninyong nakapaskil na
mga larawan?
Ano ang masasabi ninyu sa mga nakita
ninyu?
Pwede ba natin itong gawin?
Ano ang bullying?
Ang bullying o paninirang-puri ay ang paggamit ng pwersa
o iba pang uri ng pananakot upang mapasunod sa iyong
gusto ang isang tao. Ito ay maaring pisikal kung
nagkakaroon ng sakitan, verbal kung gumagamit ng
masasakit na salitang nakakababa ng pagtingin ng isang
tao sa kanyang sarili, emotional at maging psychological.
6. Mahilig ka bang magbiro sa kapwa? Paano mo inilalahad
ang iyong biro na hindi nakakasakit sa damdamin?
LAYUNIN:
Nakapagpapakita ng pagkamahinahon ng damdamin at
kilos ng kapwa tulad nang:
1. Pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng damdamin sa
pagbibiro.
Makinig at unawain ang pakikinggang maikling kwento.
9. Ako naman ang
magbibigay ng
pick up line.
Ikeng, elepante
ka ba?
Bakit?
Kasi ang
laki ng
tainga
mo.
10. Natutuwa ako dahil
masayahin kayo at kaya
ninyong aliwin ang inyong
mga kamag-aral. Kaya lamang
ay dapat ninyong piliin ang
mga salitang gagamitin sa
pagbibiro.
Bakit kaya hindi
natuwa si Ikeng sa
nagiging biro sa
kanya?
Kasi po nasaktan siya sa
pagkukumpara sa kanya sa
elepante.
11. Tandaan ninyo na ang mga biro
ay dapat nakatutuwa at hindi
nakakasakit sa damdamin ng
kapwa.
12. Sagutin:
Alin sa mga birong ginamit sa kwento ang nakapagpapasaya ng
damdamin?
Unang grupo:
Pangalawang grupo:
Bakit hindi natuwa si Ikeng sa biro ng kanyang kaklase?
Kung ikaw si Ikeng, ano ang iyong mararamdaman?
Pangatlong grupo:
Nakakagamit ka na rin ba ng mga salitang nakasasakit sa
damdamin sa iyong pagbibiro? Ipaliwanag kung bakit dapat
ingatan ang mga salitang ginagamit sa pagbibiro.
13. Pagtataya:
Lagyan ng kaukulang tsek ( √) ang pinaniniwalaang pahayag.
MGA PAHAYAG TAMA MALI
1. Huwag dibdibin ang mga salitang ginagamit sa
pagbibiro.
2. Kailangang magagalit sa mga biro.
3. Ang mga salitang ginagamit sa pagbibiro ay dapat
piliin.
14. 4. Iwasan ang paggamit ng mga salitang nakasasakit sa
damdamin ng kapwa sa pagbibiro.
5. Maging masaya ang ating kapwa sa mga magagandang
salita na gagamitin ntin sa mga biro.
6. Ang mga biro ay tinatawanan kahit nakasasakit sa
damdamin ng iba
7. Ang mga nakatutuwang biro ay magandang pakinggan.
8. Lahat ng napapanood natin sa telebisyon at naririnig
na mga katatawanan sa radio at dapat gayahin.
9. Nasasaktan ang taong binibiro kung nakasasakit sa
kanyang damdamin.
15. 10. May mga birong hindi sinasadya na nakasasakit sa
damdamin ng iba.
Takdang Aralin:
Bawat pangkat ay magbigay ng isang halimbawa na mga biro na narinig o
napanood ninyo. Sabihin kung ano ang maaaring maramdaman ng taong
binibiro. Isulat sa isang papel o sa kwaderno ang inyong sagot.
Nasasabi/pinanggalingan ng
biro
Mga salitang ginagamit sa
pagbibiro
Maaaring mararamdaman ng
taong binibiro.
1.
2.
Editor's Notes
Magandang hapon mga bata
Huwag maging nega lalo na sa mga narinig o nakikita sa inyung mga paligid.