Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Mga sawikain o idyuma

35,455 views

Published on

Halimbawa ng mga Sawikain at Idyuma

Published in: Education
  • Be the first to comment

Mga sawikain o idyuma

  1. 1. MGA SAWIKAIN O IDYUMA AT TAYUTAY
  2. 2. Sawikain o Idyuma • Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng ‘di tuwirang kahulugan.
  3. 3. Mga Halimbawa • luha ng buwaya – hindi totoong nagdadalamhati, nagkukunwari, pakitang tao • di-makabasag pinggan – mahinhin kumilos • kumagat sa pain – naloko, nalinlang, napaniwala agad • nagbibilang ng poste – walang trabaho • ibinilanggo sa mga bisig – niyakap nang mahigpit
  4. 4. Mga Halimbawa • Putok sa buho – walang ama o ina/ ampon • Itaga sa bato – tandaan • Pantay ang paa – patay na, yumao • May gintung kutsara sa bibig – mayamaa • Hampaslupa- mahirap • Kisapmata-iglap
  5. 5. Pagsasanay: Tukuyin ang Kahulugan 1. NAKALUTANG SA ULAP A. MABAGAL 2. BUTO’T BALAT B. ANAK 3. DI MAHULUGANG KARAYOM C. PAYAT NA PAYAT 4. ANGHEL NG TAHANAN D. MASAYA 5. KILOS PAGONG E. WALANG MAGULANG 6. PUTOK SA BUHO F. MARAMING TAO
  6. 6. Tayutay • Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin
  7. 7. Mga uri ng tayutay
  8. 8. Iba pang mga Halimbawa: • Si Lolo Candido ay kasing-tibay ng punong Narradahil sa edad na 80, nagagawa pa niyang bumuo ng bahay na siya mismo ang pumapanday. • Ang puso ni Manolito ay katulad ng isang bato. Hindi niya tinulungan ang matandang babae sa pagtawid kahit nagmakaawa na ito sa kanya. • Kawangis ni Angelo ang isang anghel dahil sa amo ng mukha nito. • Gaya ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot ang pag-ibig ni Cardo kay Edna
  9. 9. Metapora o Pagwawangis
  10. 10. Iba pang mga Halimbawa: • Tayo ay mga tupa at si Hesukristo ang ating pastol. • Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo. • Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksiyon. • Itay at Inay, kayo ang kayamanan na aking pinangangalagaan. Kayo’y hindi ko kailanman iiwan. • Si Justin ang payaso ng buhay ko, siya ay parating nariyan para ako’y patawanin.
  11. 11. Personipikasyon o Pagtatao
  12. 12. Iba pang mga Halimbawa: • Sa paghaplos ng malamig na hangin sa aking pisngi, naalala ko bigla ang aking lola na yumao. • Sana’y pagalitan siya ng kanyang konsenya sa pandarayang ginawa niya sa aming pagsusulit. • Nanatili na lamang si Kora s abahay dahil sa nangangalit na panahon. • Malakas na kumpas ng mga alon ang gumising sa kanyang natutulog na diwa.
  13. 13. Pagmamalabis o Hayperbole
  14. 14. Iba pang mga Halimbawa: • Umiyak si Betty ng dugo nang nalaman niyang hindi siya nakapasa sa LET. • Ga higante ang mga labahin ni Yaya Marie. • Abot langit ang pagmamahal niya sa akin • Pakiramdam ko nililitson ako sa sobrang init.
  15. 15. Apostrope o Pagtawag • Ito’y paggamit ng mga salita sa pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila nasa kanyang harapan ngunit wala naman, mga bagay na malayo o wala naman. HALIMABAWA: a. O aking salamin, salamat sa pagdamay sa akin! b. Anino, huwag mo akong takutin!
  16. 16. Ito’y pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan maaari rin naming ang isang tao’y kumakatawan sa isang pangkat. Halimbawa a. Isang bagong mukha ang aming nasilayan sa bahay ni Bentong. (isang bagong mukha na tumutukoy sa isang tao) b. Maraming kamay ang gumawa ng aming proyekto kaya maganda ang kinalabasan nito. (maraming kamay na tumutukoy sa grupo ng tao) Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
  17. 17. Pagtanggi o Litotes • gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang- ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. HALIMBAWA: a. Hindi ako sasama sa gimik nyo ngayon. b. Ayokong pumunta sa Boracay ng mag-isa.
  18. 18. Pagbabalik • Ibang katawagan sa idyuma ay sawikain. • Ang mga tayutay ay maraming uri tulad ng • Simili o Pagtutulad • Metapora o Pagwawangis • Personipikasyon o Pagtatao • Hyperbole o Pagmamalabis • Apostrophe og Pagtawag • Synecdoche o Pagpapalit-tawag • Litotes o Pagtanggi
  19. 19. Pagsus ulit Alamin ang kahulugan ng sumusunod na sawikain 1. Malaki ang ulo 6. Kumukulo ang Tiyan 2. Mabilis ang kamay 7. Kumagat sa pain 3. Mapurol ang utak 8. Nagbibilang ng poste 4. Magsunog ng kilay 9. Pantay ang mga paa 5. Butas ang Bulsa 10. Guhit ng palad
  20. 20. Pagtukoy sa tayutayPagtutlad Pagtatao Pagtawag Pagtanggi Pagwawangis Pagmamalabis Pagpapalit-saklaw 1. Sintaas ng Tore ni Babel ang bagong gusali! 2. O, tukso, layuan mo ako! 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 4. Sumisigaw ang init ng araw sa kanyang pagod na pagod na likod. 5. Nagdiwang ang Malacañang sanhi ng pagpapalaya ng mga Pilipinong bihag ng mga pirata sa Somalia. 6. Ayoko sa iyo.
  21. 21. Pagtutlad Pagtatao Pagtawag Pagtanggi Pagwawangis Pagmamalabis Pagpapalit-saklaw 7. Tumatakbo ang oras. 8. Ikaw ay isang tala sa aking paningin. 9. Bumaha ng handa sa kanilang bahay noong kaarawan ni Kapitan. 10. Ang kagandahan ko ay mistulang bituing nagniningning. 11. Lumilipad na naman ang isip ni Robert. 12. Para kang latang walang laman. 13. Tambakan ng basura ang silid-tulugan ni Mike. 14. Gaposte na si Marya ngayon. 15. Nalaglag ang puso niya sa tuwa nang malamang nakapasa siya sa Board

×