2. Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
Nina:
Elyka Marisse O. Agan
Sharmagne Joyce S. Edio, Ayesa Krisna D. Guiamla
Maila T. Manambuay, Jennifer S. Glimada
Takdang Papel sa Pangangailangan sa Kursong Filipino 122N
Propesor: Zahra Cerafica
Pamantasan ng Notre Dame
Lungsod ng Cotabato
Ikalawang semester, 2011-2012
2
3. TALAAN NG NILALAMAN
INTRODUKSYON…………………………………………………………. 4
BALANGKAS……………………………………………………………… 6
KATAWAN…………………………………………………………………. 8
BAYBAYIN…………………………………………………………………. 8
KAKAYAHANG BUMASA NG MGA PILIPNO…………. 8
PINAGMULAN NG BAYBAYIN…………………………. 9
PARAAN NG PAGSULAT NG BAYBAYIN…………….... 9
PAGKAKA-IBA NG BAYBAYIN………………………… 10
PAGKAWALA NG BAYBAYIN………………………….. 12
ABECEDARIO………………………………………………………………. 13
PAGBAYBAY SA FILIPINO……………………………….. 15
NGALAN NG MGA LETRA NG FILIPINO……………….. 16
ARGUMENTO SA MUNGKAHING PAGBABAGO……… 18
LUMANG ALPABETO……………………………………………………… 20
KASAYSAYAN……………………………………………... 20
ANG MGA PAGBABAGO…………………………………... 21
MAKABAGONG ALPABETO………………………………………………. 24
PALIWANAG SA MGA IDINAGDAG NA TITIK……………. 24
PAGBASA NG MGA LETRA………………………………... 25
KONGKLUSYON…………………………………………………………….. 26
TALASANGGUNIAN………………………………………………………... 27
3
4. INTRODUKSYON
Namulat ang mga kabataan sa makabagong pamamaraan ng buhay kung saan ang
paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop ay unti-unting nang naibsan.
Kung susuriiing maigi, hindi lamang puro pasakit ang dala ng mga dayuhan sa ating
bansa sapagkat nabigyan nila ng pansin ang isa sa importanteng kailangan ng mga mamamayan
upang tuluyan nang makatakas sa pagkakagapos ang mga Pilipino.
Mula sa pagiging Indiyo, tinulungan ni Joe si Juan na magbasa at magsulat. Hindi man
agaran ang pagiging edukado ni Juan, naging daan naman ito upang mahalin niya ang kaalaman
at magpursige siya na makamtan ang pagiging madunong at hindi na tawaging mamang.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, bago pa man dumating ang mga dayuhan ay mayroon
nang sumisimbolo sa karunungan ng ating mga ninuno. Baybayin ang tawag dito. Gamit ang
mga kakaibang pantig ay nagawa ng ating mga ninuno na isulat ang mga mahahalagang
pangyayari noong unang panahon. Patunay lamang na marunong nang magsulat ang ating mga
ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa at mayroon na tayong sariling panitikan
noon pa man na nagpapatunay sa ating mayamang kultura at mga paniniwala.
Sa pagdaan ng mga araw, katulad ng makasaysayang ebolusyon ng tao mula sa pagiging
unggoy ay nagkaroon din ng pagbabago ang alpabetong ginagamit ng Pilipino. Ito ay ang
ginagamit ng mga mag-aaral sa kasalukuyan.
Labis na benepisyo ang naidulot ng makabagong alpabeto kay juan sapagkat magkasing-
tulad rin ang pagbigkas at tunog ng mga letra sa halos buong mundo.
4
5. Kung gaano kabilis ang pagkatuto ni Juan sa ipinakilalang mga titik ay tila ganoon din
kabilis ang paglimot o pagsawalang-bahala nito sa mga sumisimbolo ng karunungan bago
tuluyang nakamit ang kaginhawaan sa paggamit nito.
Nagkulang man ang libro ng kasaysayan na magbigay ng kaalaman sa pinagdaan ng
alpabeto, hindi sana ito maging dahilan upang tuluyan na lamang kalimutan ang dahilan ng pag-
usbong ni Juan.
5
6. BALANGKAS
1. Alibata
1.1 Introduksyon ng Alibata
1.2 Paraan ng Pagsulat
1.3 Pinagmulan ng Baybayin
1.3.1 Paraan ng Pagsulat ng Baybayin
1.3.1.1 Ang Katinig at Kudlit
1.3.1.2 Ang mga Patinig
1.3.1.3 Mga Bantas
1.3.1.4 Direksyon ng Pagbasa ng Baybayin
1.3.1.5 Pagkakaiba ng Baybayin
1.4 Pagkawala ng Baybayin
1.5 Alpabeto
2. Ang Makabagong Filipino (ABECEDARIO)
2.1 Pagbaybay sa Filipino: Papantig o Patitik
2.2 Ngalan ng mga letra ng Alpabeto
2.3 Argumento sa mga Mungkahing Pagbabago
3. ABAKADA
3.1 Kasaysayan
3.2 Ang mga Pagbabago
6
7. 4. Makabagong Alpabetong Filipino
4.1 Paggamit sa mga Idinagdag na Walong Titik
4.2 Paliwanag Ukol sa Titik
4.3 Ang Pagbasa ng mga Letra
7
8. ALIBATA (BAYBAYIN)
Kakayahang Bumasa at Sumulat ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila
Bago dumating ang mga Kastila sa bansa, pinapaniwalaang ang mga sinaunang Pilipino
ay maalam sa pagbasa at pagsulat. Patunay na dito ay ang matandang alpabeto o mas kilala sa
tawag na Alibata. Ayon kay Miguel Lopez de Legazpi, ang mga Bisaya ay nagsusulat ng katulad
sa ating ninunong Malayo kung saan nila ito unang natutunan.
Ang Baybayin ay nagpatuloy na lumaganap sa iba’t ibang parte ng Pilipinas sa unang
dekada ng pagdating ng mga Kastila.
Paraan ng Pagsulat ng mga Sinaunang Pilipino
Gumamit ng iba’t-ibang sulatan ang ating mga ninuno noong unang panahon, kabilang na
dito ay ang dahon ng saging, balat ng puno at iba pa. Ang mga panulat naman nila ay ang mga
matutulis na mga bato at pinatulis na kawayan.
A Hanunóo boy of Mindoro
carves letters into a piece
of bamboo. The Hanunóo
script is one of three
forms of the baybayin that
is still in use today.
The bamboo document and the dagger
used to write it.
From The Alphabet: A Key to the History of Mankind
by David Diringer. 1948, p. 300.
8
9. Ang Pinagmulan ng Baybayin
Ang Baybayin ay galing sa salitang “baybay” na ang ibig sabihin sa wikang Ingles ay “to
spell”. Tinawag itong Alibata noong 20th dekada ni Paul Versoza.
Ayon kay Padre Chirino, isang Kastilang mananalaysay, ang matandang alpabeto o
Alibata ay pinaghalong kabihasnang Malayo, Arabe, Kambodya, Tsina, Sayam, Borneo at
Indiya. Pinapatunayan lamang nito na ang ating mga ninuno ay mulat sa pagbasa at pagsulat.
Tinuturuan ng mga ina ang kanilang mga supling sa tahanan kung paano magbasa at magsulat
habang ang mga ama naman ay nasa bukirin, nangangaso o nakikidigma.
Ayon kay Jose Villa Panganiban (1994) ang alibata ay malaganap na ginagamit noong
1300 sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan samantalang Sanskrito ang ginagamit sa Mindanao at
Sulu. Ang mga epiko ng mga Bisaya, Tagalog, Iloco, Ipugao at Bikol ay nasusulat sa alibata;
samantalang ang mga epiko ng Maguindanao ay nasusulat sa Sanskrito. Lumilitaw na bagamat
hindi pa matatawag na bansa ang ating mga lupain noong mga panahong iyon malinaw na may
pundasyon ng panitikan at kulturang umiiral na ginagabayan ng mga wika ng bawat pangkat-
etniko.
Ang hugis ng mga letra sa Baybayin ay may pagkakahawig sa sinaunang
pagsusulat na Kavi ng mga taga-Java, Indonesia na itinigil noong ika-labing apat na siglo.
Ngunit, sinasabi rin ng mga Kastila na ang pagdating ng Baybayin sa Pilipinas ay noong ika-
labing anim na siglo lamang kaya mas pinaniniwalaan ng mga Pilipino na ang Baybayin ay
talagang nagmula sa Borneo.
9
10. Ang Paraan ng Pagsulat ng Baybayin
Ang Baybayin ay isang papantig na paraan ng pagsulat, ibig sabihin ang bawat letra ay
nagrerepresenta ng pantig sa halip na isang tunog sa modernong alpabeto. Binubuo ito ng tatlong
patinig at labing apat na labing-apat ng katinig. Kapag pinagsama ang mga patinig at katinig
gamit ang kudlit, ang dating labing-pitong tunog ay umaabot hanggang apatnapu’t lima; ang
tawag sa pagsusulat na ito ay abugida.
Ang Katinig at Kudlit
Sa pinakasimpleng paraan, ang bawat katinig ay kumakatawan sa isang pantig. Ang
pagdadagdag ng kudlit sa mismong letra ng mga katinig ay nakakapagpabago sa likas ng tunog
ng patinig sa a. Kapag ang kudlit ay inilalagay sa itaas ng bawat katinig ay magkakaroon ito ng
tunog na gaya sa e o i. Kapag ito ay inilagay sa ibaba ng katinig ang magkakaroon ito ng tunog
na tulad sa o o u.
Ang Mga Patinig
Ang tatlong patinig ay ginagamit lamang sa unahan ng mga salita at pantig, o mga pantig
na walang katinig. Hindi tulad ng bagong alpabeto, ang sinaunang alpabeto ay mayroon lamang
tatlong patinig sa kadahilanang hindi pinaghiwalay ang pagkakabigkas ng i at e, at o at u
10
11. hanggang sa pagdating ng mga Kastila. Maging ngayon ay may mga salita pa rin na puwede ang
alin man sa i at e, at o at u: lalaki/lalake, puno/punung-kahoy.
Mga Bantas
Hindi kailangang maglaan ng espasyo sa pagsulat ng Baybayin, sa halip ito ay sinusulat
ng tuloy-tuloy na daloy at ang nagsisilbing bantas lamang ay ang isang tuwid na linyang patayo
ngunit madalas sa hindi na ito ay dalawang linya. Ginagamit ang mga linyang ito upang matukoy
ang pagtatapos ng isang pangungusap o salita.
Direksiyon ng Pagbasa ng Baybayin
Ang pagbasa ng Baybayin ay tulad lamang sa paraan ng pagbasa natin ngayon kung saan
nagsisimula sa kaliwa ang unang salita papuntang kanan. Mahigpit na pinagtalunan ito dahil ang
paniniwala ng ibang mga manunulat ay binabasa ito sa paraang patayo dahil na rin sa hugis ng
kawayang pinagsulatan ng mga Baybayin nito kung saan ito ay hugis pahaba.
Pagkaka-iba ng Baybayin
Ang Baybayin ay pare-parehong pagsulat, at katulad na lamang ng alpabeto natin ngayon
ang anyo ng bawat letra ay nakasalalay sa sulat-kamay ng isang tao. Ang pagpasok ng imprenta
sa Pilipinas, naipakita dito ang pagkaka-iba ng paraan ng pagsulat ng alpabeto, nagkaroon tuloy
ng maling kuro-kuro na ang bawat probinsiya ay may kanya-kanyang paraan ng pagsulat ng
Baybayin noong ika-labing siyam na siglo.
11
12. Ang Pagkawala ng Baybayin
Unti-unting nawala ang paggamit ng baybayin noon ika-labing anim na siglo kahit na
tinangka ito ng iilang paring Kastila na gamitin sa panrelihiyong panunulat. Ang mga Pilipino
noong mga ika-labing pito at walong siglo ay pumipirma pa rin gamit ang Baybayin kahit na
karamihan na sa mga dokumento ay nakasulat sa paraang gusto ng mga Kastila.
Pinapaniwalaang kaya nawala ang paggamit ng Baybayin ay dahil na rin sa
kumplikadong paraan ng pagsulat nito. Sinasabing mas madali ang paraan ng pagsulat na
ipinakilala ng mga Kastila sapagkat mas naayon ito sa pagbabago ng panahon at may mga iba na
ring mga salitang hindi na kayang ibaybay pa ng Baybayin dahil na rin sa kulang ang pantig nito.
Hindi nakikilala ang kaibahan ng e at i, o at u, maging ng d at r; at higit sa lahat walang paraan
upang matanggal ang mga patinig sa bawat letra sapagkat ang Baybayin ay nasa anyo ng
papantig kaya ang mga katinig ay hindi pwedeng ipagsama at ang mga huling papantig ng mga
katinig ay hindi maaaring isulat. Kung wala ang mga katitikan na ito, ang salitang Espanyol ay
magkakaroon ng ibang kahulugan at maaari ring mawala.
Para na rin sa sariling kapakanan ng mga Pilipino kung kaya’t pinili nilang itigil na ang
pagsulat gamit ang Baybayin. Mas pinili nila ang alpabeto sapagkat mas madali ito aralin at
matutunan at nagiging paraan din ito upang makasabay sila sa pag-unlad ng mga mamamayang
Kastila na sumakop sa bansa.
12
13. Alpabetong Baybayin
Ang Makabagong Filipino (ABECEDARIO)
Ang tatawagin nating Bagong Alpabetong Filipino ay binago at pinagyamang dating
Abakada, batay sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports.
Isinasagawa ng Surian ng Wikang Pambansa (Linangan ng mga wika sa Pilipinas na
ngayon) ang pagreporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng palabaybayang Filipino upang
maiayon ito sa itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 hinggil sa patuloy na pagpapayabong at
pagpapayaman ng Filipino bilang pambansa at pampahalagang wika at bilang pagtugon narin sa
mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa.
13
14. Ang wika ay isinagawa ng Surian sa pakikipagtulungan ng mga lingguwist/dalubwika,
manunulat, propesor/guro at mga samahang angwika. (Mababanggit na sa binuong Tanging
Lupon sa Repormang Ortograpiko ng Surian, ang nahirang na Tagapangulo ay ang principal na
awtor na aklat na ito.)
Mababanggit na nirebesa na ng Surian ang matandang Abakada noon pa mang 1976. Ang
pagbabagong iyon ay ipinalabas ng Kagawaran ng edukasyon at Kultura sa pamamagitan ng
Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976. Subalit iyon ay hindi naging matagumpay
sapagkat may lumitaw itong ilang kahinaan, tulad ng mga sumusunod: Una, hindi nilinaw kung
paano ang paraan ng pagbaybay-papantig ba o patitik? Magugunitang maraming taon ding
itinuro sa mga paaralan ang papantig na pabaybay sa halip na patitik. Ikalawa, hindi sinabi kung
paano tatawagin ang mga letra ng alpabeto- pa Abakada ba?pa-Kastila?o pa-Ingles? Ikatlo, hindi
rin nilinaw kung paano pagsusunud-sunurin ang mga letra ng alpabeto. Ikaapat,hindi naging
praktikal sapagkat isinama pa ng mga digrapong CH, LL, RR.
Kaya’t muling binalak ng Surian na muling repormahin ang palabaybayang Filipino.
Nagdaos ito ng mga simposyum tungkol sa posibleng reporma. At noong Disyembre 8, 1983, sa
unang simposyum sa ginanap sa Asian Institute of Tourism, ay ganito ang naging talakay ko
(AOS) sa nabanggit na mga kahinaan ng isinagawang pagrebisa ng Surian ng ating
palabaybayan.
14
15. Pagbaybay sa Filipino: Papantig o Patitik?
Ang pagbaybay (o pag-iispel) bas a Filipino ay dapat maging papantig o patitik? Ganito
ang sinsabing papantig na paraan n pagbabaybay: pa-pan-tig = papantig. Hndi iniisa-isa ang mga
letra o titik. Ang patitik naman ay ganito: p-a-t-i-t-i-k = patitik. Iniisa ang mga letra.
Bigyang-kahulugan muna natin ang pagbaybay at pagpapantig. Ang pagbabaybay ay isa-
isang pagsasabi o pagsulat sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga titik na bumubuo sa isang
salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, atb. Ang pagpapantig naman ay
pagsasabi o pagsulat sa maayos na pagkakasunud-sunod ng mga pantig na bumubuo sa salita.
Ang pagpapantig at pagbabaybay, samakatuwid, ay dalawang magkaibang gawain.
Maaarin rin naman na ang pinagmulan ng konseptong papantig na pagbabaybay ay isang
sistema ng pagbabaybay na itinuro ng mga Kastila sa ating mga ninuno. Sa Abecedario, ang
paraan ng pagbabaybay ay ganito: Sasabihin munang isa-isa ang mga letra ng unang pantig,
pagkatapos ay ang pantig. Ganoon din ang gagawin sa sumusunod pang (mga) pantig at
pagkatapos ay sasabihin naman ang buong salita. Halimbawa: BATHALA; be-a-te/BAT; hache-
a/HA; ele-a/LA = BATHALA. Kaya nga’t nang tangkaing pairalin ng matatandang
mambabalarila ang Abakada bilang kapalit ng Abecedario, malamang na umisip din sila ng isang
sistema ng pagbabaybay na matatawag nating atin. At iyon nga ang paraang papantig. Ngunit
gaya ng naipaliwanag na, ito ay hndi pagbabaybay kundi pagpapantig. Sapagkat pagpapantig, ito
ay pagbasa at hindi pagbabaybay. At sapagkat hndi nga magagamit ang papantig na paraan ng
pagbabaybay sa pantig mismo, sa mga ngalang pantangi, daglat, inisyal, at mga simbolong
pang-agham, sinusubok ng iba ang patitik na pagbabaybay na ang ginagamit ay tawag o ngalan
15
16. ng 20 titik ng Abakada. Subalit kinakitaan din ito ng kahinaan, gaya ng tinalakay sa mga
sumusunod na paska.
Ngalan ng mga Letra ng Alpabeto
Ayon kay Rufino (1967), kung patitik ang pagbaybay sa Filipino, ano naman ang
itatawag sa mga letra ng alpabeto? Sa ibang salita, sa pagbabaybay, paano ngangalanan ang mga
letrang bububuo ng salita o mga salitang binabaybay nang pasalita?pa Kastila ba?pa Ingles ba?pa
–Abakada ba> O kumbinasyon ng tatlong sistema?
Sa karanasan naming, hindi rin ito matatalakay nang hindi makukulayan ng emosyon.
Subalit hindi malulutas ang mga problemang kinakaharap ng wika sa pamamagitan ng emosyon,
ng bulag na pagyakap sa lipas at nilulumot nang mga katangian nito. May problema ang Filipino
sa ortograpya nito na humihingi ng obhektibo at praktikal na solusyon. Nasaksihan na natin ang
walang kapararakang mga pagtatalo sa wika na ang ilan ay humantong pa sa hukuman dahil sa
panatikong pagyakap ng ilang matatandang tanod sa puristikong uri ng Filipino, ang hindi sana
dapat mangyaring pagbayubay sa krus noong CONCON 1972 dahil lang sa nakapipikang
pagpilit ng mga delegadong Tagalog na isungalngal sa bunganga ng mga delegadong di-Tagalog
ang wikang Filipino. Ang mga iyon ay aral sa atin ng kahapon na ayaw na nating maulit pa.
Noong 1979, makaraan ang humigit kumilang sa tatlong taon, simula nang ipalabas ng Ministri
ng Edukasyon at Kultura ang isinaanyong bagong alpabeto.
16
17. Lumabas diumano sa isinagawang sarbey na ang pitong letrang “banyaga” na dating wala
sa Abakada ay dapat ngalanan ng gaya ng sumusunod: C/siy/, F/fa/, J/ja/, Q/kwa/, V/va/, X/xa/,
at Z/za/ (Pineda, 1981:4-5). Sa ibang salita, matangi sa “C” na isusunod sa ngalang Ingles, ang
lahat ay dapat isunod sa ngalan ng 20 titik ng Abakada.
Waring ibig naming maniwala na iba ang magiging resulta kung sa halip na pamiliin
lamang sa limang modelo ng alpabeto ay aktwal na pinabaybay ng mga salita ang diumano’y 390
tagasagot o respondent.
Kapag sa sarbey ay pinamili lamang ang mga tagasagot kung alin ang preperensya nila sa
5 modelo, hindi nila makikita ang kahinaan ng modelong kanilang napili. Halimbawa, maaaring
tanggapin ng nakararami ang modelong mananatili ang 20 titik na Abakada at pagkatapos ay
isusunod ang 11 letrang “banyaga” at tatawagin nang paano tinatawag ang mga ito sa Ingles.
Ngunit kapag ang modelong ito ay ginamit sa mga aktwal na pinaggagamitan ng wika, makikita
kaagad ang kahinaan nito.
Anupa’t simple lamang ang ibig nating tukuyin: na ano mang itatawag o ibibinyag na
ngalan sa mga letra ay iyon sanang gagamitin sa aktwal na sitwasyon. Kapag ipinagpilitan natin
ang ngalan ng mga letrang hindi naman ginagamit, lumilikha tayo ng isang artipisyal na alpabeto
na makasasagabal sa pagbulas ng wika. Sa ibang salita, tayo na rin ang lumilikha ng problema sa
ating wika upang siyang maging dahilan ng di pagtanggap dito ng bayan.
Isang litaw na litaw na kahinaan ng abakada o ng ngalan ng mga letra nito ay ang hindi
magandang mga salitang nabubuo sa pagbaybay. Ang sabi ng iba, sa Ingles man daw, may mga
nabubuo ring hindi magagandang salita. Ang iniisip nilang salita ay impit o glottal sa dulo.
Ikalawa, madaling remedyuhan iyon kung sakali man.
17
18. Ngayon, anu bang dapat itawag o ingalan sa mga letra ng alpabeto? Para sa amin, dapat
tawagin ang mga ito tulad ng kung paano tinatawag ang mga letrang Ingles, dahil sa sumusunod
na mga katwiran:
a. Ngalang Ingles naming talaga ang ginagamit ng bayan. Ito ang tradisyong umiiral.
Kung nagdududa rito, subukin kung may matutukoy na aktwal na pinanggagamitan
ng Abakada sa labas ng paaralan, sa tunay na buhay.
b. Kapag Ingles ang ningalan sa mga letra ng alpabeto, magagamit natin ito bilang
mabisang kasangkapan sa ating pangangailangang intelektwal sa kasalukuyang
panahon. Ang ngalan ng mga letra ayon sa Abakada ay maaari lamang sa mga
karaniwang salita, ngunit ang alpabeto ng isang wika ay ginagamit hindi lamang sa
mga karaniwang salita gaya ng naipaliwanag na.
c. Mga titik Romano kapwa ang ginagamit sa palabaybayan ng mga wikang Filipino at
Ingles. Maiiwasan ang pagkalito ng mga mag- aaral at ng bayan at makatitipid nang
malaki kung isa na lang ang gagamiting ngalan o tawag sa mga letra.
d. Gamitin man ang Ingles sa mga letra, mananatili parin ang likas na kakanyahan n
gating wika- ang papantig na paraan ng pagbasa, gayun din ang regular o konsistent
na paraan ng pagsulat at pagbasa- na kung ano ang bigkas ay siyang sulat, at kung
ano ang sulat ay siyang basa.
e. At higit sa lahat, matatamo ng Filipino ang pagtanggap at respeto ng bayan, lalo na ng
mga mambabatas, ng mga namamahala, at iba pang pangkat, kung ang ngalan ng mga
letra ng alpabeto ay iaangkop sa kasalukuyang tradisyon.
Sa kabilang dako, kung isasaalang-alang naman natin ang presyur sosyo-pulitiko-kultutal,
napakalakas din ng presyur na ito sapagkat natatagpuan ang mga letrang nabanggit sa mga hiram
18
19. na ngalang pantangi, sa mga katawagang teknikal, at sa mga salitang buhat sa ibang katutubong
wika ng bansa na nagpapahayag ng unikong katangian ng kulturang etniko. Sa bahaging ito ay
mauunawaan na natin marrahil ang dahilan kung bakit isinama ng SWP sa palabaybayang
Filipino ang labing isag letrang “banyaga” kahit ang mga ito ay hindi kumakatawan sa mga
ponema o makahulugang tunog.
Ngunit ang isaanyong bago ng SWP ang alpabeto noong 1976, waring sumobra ang
pagkiling o pagbibigay nito sa presyur ng lipunan na kalimitan ay nakukulayan ng pulitika at
rehyonalismo. Sapagkat sa sarbey na isinagawa ng SWP noong 1979 ay lumabas na hindi
tinanganggap ng mga tagasagot ang mga digrapo o kambal katinig na CH, LL, RR at
Totoong ang pagsama sa alpabeto ng mga digrrapong CH, LL, RR, NG, gayundin ng may
kilay na enye, ay isang paraang di matipid. Ang mga wika sa daigdig na gumagamit ng mga titik-
Romano ay unti-unting nagbabawas ng kani-kanilang mga digapo upang makapagtipid at upang
maging praktikal na rin. Kapag isinama sa ortogrrapiyang Filipino ang mga digrapo, ang gayon
ay isang hakbang na paurong. Sapagkat kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag ang-uusapan,
kapag naisulat ng mag-aaral ang mga letrang C at H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang
digrapong CH. Gayun din naman ang mga digrapong LL, RR, at NG. Ang letrang enye naman ay
lalagyan lamang ng kilay ang letrang N.
Tanggapin na natin ang katotohanan na ang wikang Filipino ngayon ay ibang-iba na sa
wikang Tagalog noong araw. Pinayaman na ito at pinayayaman pa ng mga salitang hiram at
hinihiramsa ibang nakaiimpluwensyang mga wika, maging banyaga o katutubo.
Sa ngayon ay tinanggap na rin natin ang katotohanang walang puwang ang purism sa
pagpapaunlad ng wikang pambansa. Lahat ng bansang nasakop ng banyagang kapangyyarihan ay
19
20. naghangad o nagtangka ng purismo sa mga unang yugto ng kanilang pagpapaunlad ng wikang
pambansa.
Mangyari pa’y ahindi mawawala ang magiging paghatol naman ng iba’t ibang klase ng
tao. At tiyak na ang pinakamasakit na bintang ay nagmumula sa pangkat ng mga traditionalist na
pikit matang nakayakap sa paniniwalang anumang pagbabago sa dati nang mga tuntunin ay
tahasang paglapastangan sa katutubong kagandahan n gating wikang pambansa. Sa kasaysayan
ng lahat ng wika sa daigdig, kung sabagay, ay lagi nang may ganitong pangkat na ang akala’y
sila lamang ang dapat magsabi kunga no ang nararapat para sa wika. Hindi nila namamalayan ay
sila ang puno’t dulo ng mga nagiging problema natin ngayon sa paaralan.
Ang Lumang Alpabeto: ABAKADA
Ang Abakada ay naglalaman ng 20 titik. Ito ay ang isinakatutubong Alpabetong
Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa
Tagalog o Wikang Pambansa.
Kasaysayan
Ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit ang talapantigan
ng Baybayin bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ang mga Espanyol ay ipinakilala
ang Latin na Panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na siglo, ang mga
Pilipinong wika ay sinusulat na gamit ang Palabaybayang Kastila (Ortograpiyang Espanyol). Si
Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas.
20
21. Bunga ng pagpapahitulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at aklat sa gramatika ng
Wikang Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan
noong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na
Abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik niyon. Ang abakada ay binubuo ng dalawampung
titik; labinlimang katinig at limang patinig, na kumakatwan sa isang makahulugang tunog bawat
isa. Sinalaunan, ang abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika ng Pilipinas.
Nandirito din ang mga pangalan ng bawat titik ay nasa loob ng mga panandang pambanggit.
A - "A" B - "Ba" K - "Ka" D - "Da" E - "E"
G - "Ga" H - "Ha" I - "I" L - "La" M - "Ma"
N - "Na" NG - "Nga" O - "O" P - "Pa" R - "Ra"
S - "Sa" T - "Ta" U - "U" W - "Wa" Y - "Ya"
Ang Mga Pagbabago
Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng dating Abakada sa malawakang panghihiram
ng mga salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng
Wikang Pambansa ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon
din ng ilang public hearings ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kumbensyong Konstitusyunal.
Makalipas ang tatlong buwan, inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan
ng labing-isang titik ang dating Abakada. Iminungkahi nilang idagdag ang mga sumusunod: C,
21
22. CH, F, J, 1ST- , LL, Q, RR, V, X at Z na gagamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at
mga pantanging ngalan.
Ang Ilan sa mga naging problema ng mungkahing alpabetong ito ay ang magiging katawagan ng
bawat titik at ang magiging kaayusan o order ng mga ito sa alpabeto. May ilang mga mungkahi
ang ikinonsider kaugnay nito. Una sa mga ito ay ang sumusunod:
/ey/ /bi/ /si/ /si eych/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/ / dobol el/ /em/ /en/ /enye/ /en ji/ /o/
/pi/ /kyu/ /ar/ /dobol ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/.
Narito naman ang isa pang mungkahi:
/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/
/na/ /nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/ /si/ /a-che/ /jey/ /elye/ /enye/ /kyu/ /erre/ /vi/ /eks/
/way/ /zi/.
Hindi pa mang ganap na nalilinaw ang mga tanong na kaugnay ng mungkahi ng Lupong
Sanggunian, inilathala ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang tuntunin sa
palabaybayang Pilipino noong Abril 1, 1976. Kaugnay nito, ipinalabas ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura noong Hulyo 30, 1976 ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 upang
pagtibayin ang nasabing tuntunin ng palabaybayan nito.
Ilan sa kanilang mga argumento ay ang mga sumusunod:
1. Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunud-
sunurin.
22
23. 2. Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR at NG, gayundin ang may kilay na n ay
isang paraang di-matipid. Ang mga wika sa daigdig na may titik-Romano ay unti-unting
nagbabawas ng kanilang mga digrapo upang makapagtipid at upang maging praktikal na rin. Ang
pagdaragdag ng mga digrapo, kung gayon, ay isang hakbang na paurong.
Kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag-uusapan, kapag naisulat na ng isang mag-aaral ang C at
H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang digrapong CH. Gayundin ang letrang LL, RR at NG.
Ang letrang N naman ay may kilay lamang na N.
3. Mismong Malakanyang, sa isang liham sa Direktor ng SWP noong Enero 11, 1973, ay
tumanggi sa pagsasama ng mga digrapong CH, LL, RR at NG at iminungkahing dalawampu’t
pitong letra na lamang ang gamitin.
4. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alpabetong may
digrapo.
Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng
kalituhan lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang matutong sumulat at bumasa sa mga
paaralang primarya, ang mga mungkahing pagbabago ay hindi tinanggap ng taong-bayan.
Ito ang dahilan kung bakit ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng
midya at itinuro sa mga paaralan maging hanggang unang pitong buwan ng 1987.
Nagkaroon lamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alpabeto noong
mga huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino.
23
24. ANG MAKABAGONG ALPABETO
A B C D E F G H I J K L M N Ň NG O P Q R S T U V W X Y Z
Ang idinagdag na walong titik ( C, F, J, ŇQ, V, X, Z ) ay ginagamit para sa mga sumusunod.
1. Pantanging pangalan ng tao, hayop, bagay o lunan.
Carlos Volter El Niňo Jimenez Luzo
2. Mga katutubong salita mula sa mga dialekto ng bansa.
Hadji villa hacienda canao jihad
3. Mga salitang banyaga na walang katumbas sa Filipino.
Canvas jazz quorum fastfood visa xerox
Ilang Paliwanag ukol sa Titik Ñ (enye)
Sa dahilang ang titik Ň (enye) ay titik mula sa kastila, wala ni isa mang salitang Tagalog
(Filipino) na isinama sa diksyunaryong ito na nagsisimula sa naturang titik. Gayunpaman, may
iilang salitang etniko na natagpuan sa Ň (enye) na ginawang pinakakinatawan ng naturang titik.
Nagsama rin ng ilang salita na nagtataglay ng titik Ň (enye),bagamat ito ay nasa loob ng salita.
24
25. Halimbawa:
Caňao - panseremonyang sayaw ng mga Igorot
Piňa (ananas) - isang uri ng prutas
Ang Pagbasa ng mga Letra
Ang pagbigkas sa mga letra ng alpabetong Filipino ay bigkas-Ingles maliban sa Ň(enye)
na tawag kastila.
ABCDEFGHIJ
/ey/ /bi/ /si /di/ /i/ /ef/ /dzi/ /eyts/ /ay/ /dzey/
K L M N Ň NG O P Q
/key/ /el/ /em/ /en/ /enye/ /en dzi/ /o/ /pi/ /kyu/
RSTUVWXYZ
/ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/
25
26. KONGKLUSYON
Matapos ang pananliksik, nabigyan ng kaalaman ang mga mananaliksik tungkol sa mga
suliranin ng pagkawala ng makasaysayang baybayin at ang pagsulpot ng makabagong
Alpabetong Filipino. Nakita din ang mga kahalagahan ng bagong alpabeto sa mga Filipino at ang
mga benepisyo naidulot nito nito, katulad ng mas medaling komunikasyon sa mga banyaga
sapagkat halos magkapareho ang pagbanggit at pagbasa ng mga letra. Naging daan ito upang
makilala ang mga Filipino sa saang sulok ng mundo.Ang nangyaring pagbabago ay simbolo ng
kakayahan ng mga Filipinong makiayon sa pagbabagong na ihatid ng sibilisasyon at pagtanggap
nito bilang parte na ng ordinaryong pamumuhay magkagayunpaman, ang kagandahan ng mga
pangyayari noong unang panahon ay hindi pa rin dapat kaligtaan sapagkat nakasulat ito sa mga
libro ng kasaysayan na nag-aantay lamang na mabigyan ng pansin ng mga taong uhaw sa
kaalaman ng nakaraan.
26