Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.
Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.
for LIT 203 (Panitikan sa Pilipinas)
Includes topics such as Kaligirang Kasaysayan ng Panahon (background), Katangian ng Literatura, Kilalang Manunulat at Akda (akdang Panrelihiyon sa Tagalog, Iloko, Bisaya, Mga Tula at Akdang ukol sa Tula, Tulang Maladula, Akdang Pangwika)
Proyekto sa FIL4: Panitikan ng Rehiyon
Halaw sa librong "Literatura ng Iba't-Ibang Rehiyon ng Pilipinas" (2001) ni Carmelita S. Lorenzo, et. al.
Presentasyon ni Rachelle Bonza
BSED IIB - FILIPINO
2. Ang isinaalang –alang na unang pananakop ng mga Kastila sa
ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi
noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral.
At dito nag simula ang panitikan ng mga tao rito. Ang diwa ng
pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang
sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong
dantaon ding pananakop na ito ng mga kastila.
Kasaysayan
3. ∞ Tinangkilik ang relihiyong Katoliko.
∞ Nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag.
∞ Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay.
∞ Nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato.
∞ Magagandang kasangkapan tulad ng piyano,
muwebles at mga kagamitang pangkusina.
MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA BUHAY NG MGA PILIPINO:
4. ∞ Nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng
karwahe, tren at bapor.
∞ Natuto silang mag diwang ng mga
kapistahan bilang parangal sa mga santo at
Papa.
∞ Bilang libangan, nagkaroon ng mga
sabong, karera ng kabayo at teatro.
5. 1. Ang “ALIBATA” na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na
nahalinhan ng alpabetong Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang
makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahon yaon.
Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na
naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at
iba pa.
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO.
6.
7. 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng
makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang
wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na
pambalarila sa wikang Filipino tulad sa Tagalog,
Ilokano at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng
mga lathalain ng mga panahong yaon.
8. 1. Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat na nalimbag sa
Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Aklat
ito nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva.
Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng
mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong
kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo. May 87
pahina lamang.
MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA
9.
10. 2. Nuestra Senora del Rosario – ikawalang aklat na nalimbag sa
Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at
nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni
Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot sa
relihiyon.
3. Barlaan at Josaphat – ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas.
Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Orihinal na nasa
wikang Griyego. Ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang
nalimbag sa Pilipinas.
11.
12. 4. Pasyon – aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni kristo. Binabasa
ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat na bersyon sa Tagalog ang
akdang ito, at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga
nagsisulat. Ang mga ito ay ang Version de Pilapil (Padre Mariano Pilapil);
Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen); Version dela Merced (Aniceto dela
Merced); at Version de Guia (Luis de Guia). Isinaalang –alang na
pinakapopular ang version de Pilapil.
5. Urbana at Felisa – aklat na sinulat ni Modesto Castro, ang tinaguriang
“Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog”. Naglalaman ito ng pagsusulatan ng
magkapatid na sina Urban at Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang-asal ang
nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa
kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino.
13.
14. A. Dalit
Ang pag aalay ng bulaklak kasabay nang pag-
awit bilang handog sa Birheng Maria. Dahil ang
Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri
siya ay hinahandugan tuwing buwan ng mayo.
Panahon ng Panitikang Pansimbahan
15.
16. B. Mga Nobena
Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo’y isa ring uro ng
pangnonobena sapagkat may mga pagdiriwang na maykaugnayan
halimbawa sa kanilang pagpapasalamat sa magandang ani, o
paghingi ng ulan, o pagpapaalis ng sakit na nananalasa sa kanilang
tribu, o pagpapa-alis ng sakit ng kabilang sa pamilya, o paglilibing sa
mga yumao na.
Ang nobena’y mga katipunan ng mga panalangin na kailangang
ganap sa loob ng 9 na araw. Maaaring sunod- sunod na araw o
tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo).
Batay na ito sa santo’t santa ng namiminitakasi.
17. C. Mga Buhay-buhay ng mga Santo’t Santa
Sa layunin ng mga Kastilang mapalaganap ang relihiyon,
sumulat sila ng mga nauukol sa buhay- buhay ng mga santo’t
santa para garing halimbawa ng mga tao. Nais nilang bigyang-
diing nasa pagpapakasakit ang walang hanggang
kaluwalhatian kay nararapat na magpakasakit amg mga tao
upang huwag mabulid sa impiyerno ang kanilang kaluluwa.
Mabibilang ito ang Pasyong Mahal na buhay at pagpapasakit
ng Panginoong Jesucristo upang matubos ang tao sa
pagkakasala.
18. D. Akdang Pangmagandang- asal
Kaalinsabay ng pagtuturo ng relihiyon ang pagtuturo ng
kagandahang- asal, mabuting pakikipamuhay sa kapuwa,
paggalang sa sarili, sa magulang at sa nakatatanda at iba pa
Kasama sa akdang nauukol sa kagandahang- asal ang akda ni Pagre
Modesto de Casto na Urbana at Feliza. Ito’y pagsusulatan ng
magkapatid na Urbana at Feliza. Napunta sa Maynila si Urbana at
siyaang nagpapayo sa kapatid na si Feliza at Honesto ng mga
nararapat gawin sa iba’t ibang pagkakataon sa iba’t ibang pook.
19. E. Senakulo
Isang dulang nag sasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.
F. Tibag
Isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni
Santa Elena sa krus na pinag pakuan kay Kristo.
G. Parabula
Kwentong hango sa Banal na kasulatan na maaaring umakay sa
tao sa makatuwid na landas ng buhay.
20.
21. A. Awit
Tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang pantig at may mga
pangyayaring hango sa tunay na buhay.
B. Kurido
Galing sa salitang Mehikanong “corrido” na ang ibig sabihin ay
“kasalukuyang pangyayari”. Ito ay tulang pasalaysay na may sukay na
walong pantig at pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at
kababalaghan.
Mga uri ng panitikan
22. C. Komedya/Moro-Moro
isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban
ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
D. Dung-aw
Binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng
yumaong asawa, magulang at anak.
E. Karagatan
Isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binat ang
makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pagibig ng dalaga.
23.
24. F. Duplo
Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula sa isinasagawa bilang paglalamay
sa patay.
G. Karilyo
Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong karting hugis tao sa
likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
H. Sarsuwela
Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong
yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag ibig,
paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa.