2. • C. MAIKLING KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
• Binubuo ng pitong libo at isandaa’t pitong isla ang Pilipinas. Tatlo sa pinakamalaki rito ang
Luzon, Bisaya at Mindanao. Marahil ito ang dahilan kung bakit maraming wika sa Pilipinas.
Matagal pa bago dumating ang mga Espanyol sa baybayin ng Pilipinas, ang mga Pilipino ay
may sarili nang kalinangang mai- pagmalaki. Nakikipagkalakalan na ang ating mga ninuno sa
labas ng bansa. Bahagi ng kalinangang ito ang pagkakaroon ng malayang paraan ng
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng pananalita. Noon pa man, may
mga katibayang pagpapatunay na ang naunang nanirahan ay mayroon nang nabuong sistema
ng pagsulat. Ang mga nasa isla ng Luzon at Bisaya ay gumamit ng alibata (matandang sistema
ng pagsulat) na binubuo ng 17 titik, tatlo ang patinig at labing-apat ang katinig, samantalang
sa Mindanao at Sulu, ginamit naman ang Sanskrito. Ang Sanskrito ay wikang ginagamit ng
India- Indic na kabilang sa pamilya ng Slavic ng Silangang Europeyo. Walang matagpuang tala
ngayon hinggil sa huli. Tulad ng dapat asahan sa pagdating ng mga mananakop, ang mga
naunang tala ng pakikipagtalastasan ng ating mga ninuno ay sinunog ng mga Espanyol upang
mabago ang takbo ng pamumuhay at kultura ng mamamayan. Bilang mga nasakop, ipinailalim
ang ating kultura sa kultura ng mga bagong dating.
4. ALPABETO
• Ang alpabeto ay kalipunan ng mga titik
na mayroong pagkakasunod-sunod.
Mahalaga ang alpabeto sa pag-unlad ng
isang tao dahil ito ang pangunahing
pundasyon upang matutong bumasa’t
sumulat.
5. PAANO NAGING ALIBATA ANG BAYBAYIN?
ANO ANG KWENTO NITO?
Ang terminong “Alibata” ay isinilang noong 1921 sa ilalim ng panulat ni Dr. Paul
Versoza, isang Pilipinong guro. Ipinoposisyon niya ito bilang isang sistema ng
pagsusulat na dapat gamitin sa pagtuturo ng Filipino. Ngunit, mahalagang malaman na
ang terminong “Alibata” ay may mga isyu at hindi talaga kaugnay sa orihinal na
Baybayin. Ang salitang “Alibata” ay inimbento mula sa pagkakaugnay ng tatlong unang
letra ng alpabetong Arabe, na ayon kay Dr. Versoza ay katumbas ng “A,” “Li,” at “Ba.”
Dahil dito, tinawag niya itong “Alibata.” Ngunit ito ay kontrobersiyal at may mga
nagtutol sa terminong ito. Ang mga nagtutol ay nag-aangkin na ang “Alibata” ay hindi
orihinal na Pilipino, at ito ay likha lamang ng isang tao (Dr. Versoza) bilang pangalan
para sa sistema ng pagsusulat. Dahil dito, mas kinikilala pa rin ng marami ang
terminong “Baybayin” bilang mas totoo at mas tama na tawag para sa sinaunang
sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino. Sa kabuuan, ang Alibata at Baybayin ay
parehong tawag para sa parehong sistema ng pagsusulat, ngunit ang “Baybayin” ay mas
kinikilala at mas tinatanggap bilang tamang tawag ngayon.
6. ANO ANG PAGKAKAHALINTULAD NG
BAYBAYIN AT ALIBATA?
• Dalawang termino na madalas gamiting pantukoy sa
lumang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino bago pa
dumating ang mga Kastila.
• Nagdudulot ng ilang kalituhan sa kanilang
pagkakahulugan.
• Parehong tawag sa sistema ng pagsusulat na ginamit ng
mga sinaunang Pilipino. Ang “Baybayin” ay isang
katutubong termino mula sa mga taga-Luzon, habang
ang “Alibata” naman ay hango sa mga sinaunang letra ng
alpabetong Arabe (A, Li, Ba, Ta).
7. ALIBATA
• 1.Orihinal na terminolohiya:
• Ang “Alibata” ay isang termino na ginamit ni Paul
Versoza noong 1921 upang itaguyod ang
alpabetong Filipino. Subalit, hindi ito ang orihinal na
pangalan ng sistemang titik na ito.
• 2.Alpabeto at mga titik:
• Binubuo ng 20 titik, kung saan ang bawat titik ay
may kaugnayan sa mga tunog ng wika ng Tagalog.
• 1.Orihinal na terminolohiya:
• Ang “Baybayin” naman ang orihinal at mas tanyag
na pangalan ng sinaunang sistemang titik sa
Pilipinas.
• 2.Alpabeto at mga titik:
• Isang mas komprehensibong alpabeto na binubuo
ng 17 katinig at 3 patinig. Ito ay mas pangunahing
ginamit sa mga sinaunang wika sa Pilipinas, hindi
lamang sa Tagalog. Ang baybayin ay nása anyong
pantigan na may tatlong patinig (a,e-I,o-u) at
umaabot sa 14 katinig. Makikita ang mga halimbawa
ng baybayin sa Doctrina Cristiana (1593), ang
pinakaunang aklat na nalathala sa Filipinas na
isinulat ng mga misyonerong Espanyol.
BAYBAYIN
PAGKAKAIBA NG ALIBATA AT BAYBAYIN
8. •3.Iba’t ibang wika:
•Habang ang “Alibata” ay nagmula sa pagsusuri
ng mga titik na nauugma sa Tagalog, ang
“Baybayin” ay mas malawakang ginamit sa iba’t
ibang wika sa Pilipinas, tulad ng Kapampangan,
Ilokano, Bikolano, at iba pa.
•Sa kabuuan, ang “Baybayin” ang mas tanyag at
mas pangunahing sistema ng pagsusulat bago
dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ang
“Alibata” naman ay isang modernong pagtawag
na mas nauugma sa pagsusuri ng mga titik ayon
9. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL
Ayon sa pahayag ni Kuya Kim sa “24 Oras”, ang estudyante mula sa
University of the Philippines na si Bb. Rusell Irene Lagunsad ay nagsaad na
ang Alibata ay noong naimbento ng gurong si Paul Verzosa.
“Ang salitang Alibata, inimbento [ni Verzosa] kasapi ng dating National
Language Institute sa pag-aakala niyang yung Baybayin ay hango sa
paraan ng pagsulat ng mga Arabe,” she said.
Habang ang Baybayin naman ay isang Philippine script. Mayroon itong 17
letra, kung saan tatlo ang patinig at 14 ang katinig. Bawat isang katinig ay
may kasama itong patinig. (Published December 14, 2022 10:08 PM By
GMA Integrated News)
10. GROUP MEMBERS
ALBAY, AUGIFLOR
GUMABAY, CHRISTIAN VICK M.
TOMAS, MARK ANTHONY B.
BATUYONG, JOYCE
CARANGUIAN, ANGELICA
CARODAN, MARICEL
CASTILLO, CLAIRE
CORPUZ, QUEENY JANE Y.
DANGUILAN , HIACINE SYPHER GLACE