PANGUNGUSAP
Isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng
isang buong diwa.
Ito ay binubuo ng simuno at panaguri.
Simuno – ay siyang pinaguusapan sa pangungusap.
Panaguri – ay ang mga salitang nagsasabi tungkol sa
simuno, kung ano ang ginagawa ng simuno, o kung
ano ang nangyayari sa simuno.
Pangungusap
Kumakatawan ito sa bawat pahayag o pagsasalita
ng isang tao na nagdudulot o nagbibigay ng
kahulugan.
Halimbawa ng lipon ng mga salita:
Ang pagpapataas ng ekonomiya ay patuloy na
isinasagawa ng gobyerno natin.
Masarap matulog nang walang alalahanin.
Halimbawa ng isang salitang Pangungusap:
Takbo; Lakad; Inom
Ang bawat pangungusap ay may paksa na siyang
pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.
Sintaks – ay pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga
salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at
pangungusap.
Semantika – ang tawag sa mensaheng ipinaaabot
nito.
May mga pangungusap na nakalantad ang paksa at
mayroon namang di lantad ang paksa.
Nauuri ang pangungusap ayon sa anyo/ayos nito. Sa
pangungusap may malaking kinalaman ang gamit ng ay
dahil inilalalantad ng ay ang ayos ng pangungusap kung
ito’y;
1. Karaniwan – ang ayos ng pangungusap ay
karaniwan kung nauuna ang Panaguri at
sinusundan ng Simuno kaya’t di litaw ang ay. Ika
nga’y P – S ang balangkas ng pangungusap.
Halimbawa: P S
a. Binangungot siya kagabi kaya namatay.
P S
b. Ikinagitla ko ang balita sa televisyon.
2. Kabaligtaran – kung litaw o nakalantad ang ay sa loob
ng pangungusap ang balangkas ay S – P o nauuna ang
Simuno sinusundan ng Panaguri.
Halimbawa: S P
a. Ang balita sa telebisyon ay ikinagitla ko.
S P
b. Ang ekonomiya ng ating bansa ay patuloy na
nagbabago.
Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
1. Payak – ito ang pangungusap na may iisang pinag-
uusapan na kumakatawan sa iba’t ibang anyo. Bagamat
payak may inihahatid itong mensahe.
Mga anyo ng payak na pangungusap.
a. PS – PP – payak na simuno at payak na panaguri.
Halimbawa:
Masipag na magaaral si Jose.
Matalinong bata si Jay.
b. PS – TP – payak na simuno at tambalang panaguri.
Halimbawa:
Matalino at masipag na mag-aaral si Jose.
Mabait at mapagkakatiwalaan ang
kaibigan ko.
c. TS – PP – tambalang simuno at payak na panguri.
Halimbawa:
Kapwa Matulungin sina Jun at Lito.
Ang karukhaan at kalinisan ng loob ay
kailangan ninuman.
d. TS – TP – tambalang simuno at tambalang panguri.
Halimbawa:
Mapagkandili at maalalahanin sina mama at
papa.
Sina Pangulong Arroyo at Estrada ay mga
haligi ng bansa at magulang ng bayan.
2. Tambalan – ito ay pangungusap na may dalawang kaisipan
na pinag-uugnay o pinagdudugtong sa tulong ng pangatnig.
Halimbawa:
Si Luis ay mahilig mang-asar samantalang si
Loreng ay mapagmahal.
Unang kaisipan – Si Luis ay mahilig mang-asar.
Ikalawang kaisipan – Si Loreng ay mapagmahal.
Pangatnig – samantalang
3. Hugnayan – ito ay pangungusap na binubuo ng isang
sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. Ang
diwa ng dalawang sugnay ay makarugtong at pinaguugnay
o pinagsasama ng pangatnig.
Halimbawa:
Di malayong umunlad ang Pilipinas kung ang mga
mamamayan ay magtutulong-tulong.
Sugnay na makapag-iisa – Di malayong umunlad
ang Pilipinas.
Sugnay na di makapag-iisa – kung ang mga
mamamayan ay
magtutulong-tulong
Pangatnig - kung
4. Langkapan – ito ay pangungusap na binubuo ng isa o
mahigit pang sugnay na makapag-iisa o sugnay na di
makapag-iisa. Ang dalawang sugnay ay may magkaugnay
diwa.
Halimbawa:
Makapapasa talaga siya at makatatamo ng
diploma kung magsisipag sa pag-aaral at
magtitiis ng hirap.
Ang 2 sugnay na makapag-iisa – Makapapasa
talaga siya at makatatamo ng diploma.
Ang 2 sugnay na di makapag-iisa – kung magsisipag
sa pag-aaral at magtitiis ng hirap.
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit/Tungkulin
1. Paturol – ipinahahayag ng uring ito ng pangungusap ang isang
katotohanan o kalagayan ayon sa paraan ng pagkakapahayag.
Palagiang sa tuldok tinatapos ang pangungusap na nagsasaad ng
katotohanan.
Halimbawa:
Napakagandang pamana ang edukasyon.
Totoong masaya ang buhay, may lungkot man o
ligaya.
2. Pautos – may himig ng pag-uutos ang diwa ng pangungusap.
Ang pag-uutos ay nauuri sa dalawa:
a. May paggalang sa kapwa sa tulong ng unlaping
paki o maki.
b. Pag-uutos ng walang paggalang o pasintabi.
Halimbawang A.
1. Pakiabot bg aking sapatos.
2. Makikuha ng gamit ko.
Halimbawang B.
1. Abutin mo nga ang sapatos ko.
2. Kunin mo ang gamit ko.
3. Patanong – pangungusap na may himig ng pagtatanong. Tanong
4. Padamdam – ginagamitan ng tandang padamdam (!) ang
bawat pangungusap na may himig ng matinfing emosyon.
Ang tandang padmdam ay maaaring ilagay sa una o sa
hulihan ng pangungusap.
Halimbawa:
Naku po! Magilawgaw, naluluha tuloy ako.
Ayun! Siya nga ang magnanakaw!
Pangungusap na Walang Paksa
Anumang salita o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri
basta’t may diwa o mensaheng ipinaaabot. Ang mensaheng
ipinaaabot ay maaaring magpakilos sa kapwa dahil nauunawaan ito.
Uri ng pangungusap na walang paksa
1. Eksistensyal – may bagay na umiiral sa himig/tono ng
pangungusap sa tulong ng katagang may o mayroon. Na kahit
dalawa o tatlong mga salita ang ginagamit may diwang
ipinaaabot.
Halimbawa:
May tumatakbo.
May dumating.
Mayroong panauhin.
Mayroong napapaayon.
2. Sambitla – ito’y isa o dalawang pantig ng salita na
nagpapaabot ng diwa/kaisipan. Kadalasan isang ekspresyon
ang pahayag.
Halimbawa:
Yehe!
Yahoo!
Wow!
Walastik!
3. Penomenal – Nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang
ang banggitin, may diwa nang ipinaaabot na sapat upang
mabigyang kahulugan ang pahayag.
Halimbawa:
Samakalawa; Bukas; Sa linggo; Mayamaya
4. Pagtawag – ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan
ng isang tao ay may sapat na kahulugang ipinaabot. Ang
tinawagan ay agad lalapit dahil baka may iuutos ang
tumawag.
Halimbawa:
Luis!; Maria!; bunso!
5. Paghanga – ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng
paghanga.
Halimbawa:
Ang ganda nya!
Ang talino mo!
Galing!
6. Pautos – Salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot na
diwa o mensahe kaya’t di pwedeng di sundin lalo na kung ang
pagkakasabi ay medyo madiin.
Halimbawa:
Kunin mo. ; Lakad na. ; Takbo. ; Sayaw.
7. Pormularyong Panlipunan – ito ang mga salitang sadyang
itinakda sa sitwasyon: umaga, tanghali, gabi.
Halimbawa:
Magandang umaga.
Magandang gabi.
Magandang tanghali.
Paalam.
Adyos.
Tao po.
Pag-aangkop ng Salita sa pangungusap
Nagiging malinaw at epektib ang pahayag kung iniaangkop
ang salitang gagamitin sa loob ng pangungusap sa
pamamagitan ng mga salitang piling-pili.
Kailan Tiyak o angkop ang Salita sa Loob ng Pangungusap?
1. Kung mismong ang salitang ginagamit ay sadyang
dapat sa loob ng pangungusap.
Mali: Maamong humapon ang ibon sa bintana
ng silid ko.
Tama: Maamong dumapo ang ibon sa bintana
ng silid ko.
2. Tiyakin ang panlaping gagamitin sa loob ng
pangungusap.
Mali: Nagsidapo sa puno ang maamong ibon.
Tama: Dumapo sa puno ang maamong ibon.
3. Bawasan ang dami ng salitang dayuhan sa loob ng
pangungusap.
Mali: Nag-study kami ng aking friends sa library.
Tama: Nag-aaral kami ng aking mga kaibigan sa
library.
4. Timbangin ang ideya ng pahayag sa pangungusap.
Mali: Ang tulog at naghihilik na bata ay himbing na
himbing.
Tama: Ang natutulog at naghihilik na bata ay
himbing na himbing.
5. Huwag haluan ng balbal n pahayag/salita ang pormal na
pahayag.
Mali: Sa mga bagets ng bulwagang ito, hinihiling ko
ang inyong pakikiisa sa isang maayos at
napapanahong layunin.
Tama: Sa kabataan ng bulwagang ito, hinihiling ko
ang inyong pakikiisa sa isang maayos at
napapanahong layunin.
6. Tiyaking nasa tamang aspekto ng pandiwa ang diwa ng
pangungusap.
Mali: Magsilabasan ang mga maligno tuwing
undas.
Tama: Naglalabasan ang mga maligno tuwing
undas.
7. Tiyaking tamang salita ang gagamitin sa sitwasyon.
Mali: Matangos ang bahay naming sa burol.
Tama: Matangos ang ilong ng kaibigan ko.
8. Gamitin ang angkop na salita sa bagay o tao.
Mali: Ang ganda niya gusto kong bilhin.
Tama: Ang ganda nito, gusto kong ganyan ang
bilhin.
9. Huwag gamitin ang katagang sa kung ang sinusundang salita ay
mayroon.
Mali: Mayroon sa bahay mga panauhing taga-
Amerika.
Tama: Mayroong panauhin sa bahay na taga-
Amerika.
10. Huwag nang gamitin ang salitang dayuhan kung may
katumbas sa sariling wika.
Mali: Kitang-kita ang skills ng mga estudyante sa
paglalaro.
Tama: Kitang-kita ang kasanayan ng mga estudyante
sa paglalaro.
Maraming Salamat Po!

Pangungusap(uri)

  • 1.
    PANGUNGUSAP Isang salita olipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay binubuo ng simuno at panaguri. Simuno – ay siyang pinaguusapan sa pangungusap. Panaguri – ay ang mga salitang nagsasabi tungkol sa simuno, kung ano ang ginagawa ng simuno, o kung ano ang nangyayari sa simuno.
  • 2.
    Pangungusap Kumakatawan ito sabawat pahayag o pagsasalita ng isang tao na nagdudulot o nagbibigay ng kahulugan. Halimbawa ng lipon ng mga salita: Ang pagpapataas ng ekonomiya ay patuloy na isinasagawa ng gobyerno natin. Masarap matulog nang walang alalahanin. Halimbawa ng isang salitang Pangungusap: Takbo; Lakad; Inom
  • 3.
    Ang bawat pangungusapay may paksa na siyang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. Sintaks – ay pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at pangungusap. Semantika – ang tawag sa mensaheng ipinaaabot nito. May mga pangungusap na nakalantad ang paksa at mayroon namang di lantad ang paksa.
  • 4.
    Nauuri ang pangungusapayon sa anyo/ayos nito. Sa pangungusap may malaking kinalaman ang gamit ng ay dahil inilalalantad ng ay ang ayos ng pangungusap kung ito’y; 1. Karaniwan – ang ayos ng pangungusap ay karaniwan kung nauuna ang Panaguri at sinusundan ng Simuno kaya’t di litaw ang ay. Ika nga’y P – S ang balangkas ng pangungusap. Halimbawa: P S a. Binangungot siya kagabi kaya namatay. P S b. Ikinagitla ko ang balita sa televisyon.
  • 5.
    2. Kabaligtaran –kung litaw o nakalantad ang ay sa loob ng pangungusap ang balangkas ay S – P o nauuna ang Simuno sinusundan ng Panaguri. Halimbawa: S P a. Ang balita sa telebisyon ay ikinagitla ko. S P b. Ang ekonomiya ng ating bansa ay patuloy na nagbabago.
  • 6.
    Uri ng Pangungusapayon sa Kayarian 1. Payak – ito ang pangungusap na may iisang pinag- uusapan na kumakatawan sa iba’t ibang anyo. Bagamat payak may inihahatid itong mensahe. Mga anyo ng payak na pangungusap. a. PS – PP – payak na simuno at payak na panaguri. Halimbawa: Masipag na magaaral si Jose. Matalinong bata si Jay.
  • 7.
    b. PS –TP – payak na simuno at tambalang panaguri. Halimbawa: Matalino at masipag na mag-aaral si Jose. Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko. c. TS – PP – tambalang simuno at payak na panguri. Halimbawa: Kapwa Matulungin sina Jun at Lito. Ang karukhaan at kalinisan ng loob ay kailangan ninuman.
  • 8.
    d. TS –TP – tambalang simuno at tambalang panguri. Halimbawa: Mapagkandili at maalalahanin sina mama at papa. Sina Pangulong Arroyo at Estrada ay mga haligi ng bansa at magulang ng bayan. 2. Tambalan – ito ay pangungusap na may dalawang kaisipan na pinag-uugnay o pinagdudugtong sa tulong ng pangatnig.
  • 9.
    Halimbawa: Si Luis aymahilig mang-asar samantalang si Loreng ay mapagmahal. Unang kaisipan – Si Luis ay mahilig mang-asar. Ikalawang kaisipan – Si Loreng ay mapagmahal. Pangatnig – samantalang 3. Hugnayan – ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa. Ang diwa ng dalawang sugnay ay makarugtong at pinaguugnay o pinagsasama ng pangatnig.
  • 10.
    Halimbawa: Di malayong umunladang Pilipinas kung ang mga mamamayan ay magtutulong-tulong. Sugnay na makapag-iisa – Di malayong umunlad ang Pilipinas. Sugnay na di makapag-iisa – kung ang mga mamamayan ay magtutulong-tulong Pangatnig - kung
  • 11.
    4. Langkapan –ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa o sugnay na di makapag-iisa. Ang dalawang sugnay ay may magkaugnay diwa. Halimbawa: Makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma kung magsisipag sa pag-aaral at magtitiis ng hirap. Ang 2 sugnay na makapag-iisa – Makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma. Ang 2 sugnay na di makapag-iisa – kung magsisipag sa pag-aaral at magtitiis ng hirap.
  • 12.
    Uri ng Pangungusapayon sa Gamit/Tungkulin 1. Paturol – ipinahahayag ng uring ito ng pangungusap ang isang katotohanan o kalagayan ayon sa paraan ng pagkakapahayag. Palagiang sa tuldok tinatapos ang pangungusap na nagsasaad ng katotohanan. Halimbawa: Napakagandang pamana ang edukasyon. Totoong masaya ang buhay, may lungkot man o ligaya. 2. Pautos – may himig ng pag-uutos ang diwa ng pangungusap. Ang pag-uutos ay nauuri sa dalawa: a. May paggalang sa kapwa sa tulong ng unlaping paki o maki. b. Pag-uutos ng walang paggalang o pasintabi.
  • 13.
    Halimbawang A. 1. Pakiabotbg aking sapatos. 2. Makikuha ng gamit ko. Halimbawang B. 1. Abutin mo nga ang sapatos ko. 2. Kunin mo ang gamit ko. 3. Patanong – pangungusap na may himig ng pagtatanong. Tanong
  • 14.
    4. Padamdam –ginagamitan ng tandang padamdam (!) ang bawat pangungusap na may himig ng matinfing emosyon. Ang tandang padmdam ay maaaring ilagay sa una o sa hulihan ng pangungusap. Halimbawa: Naku po! Magilawgaw, naluluha tuloy ako. Ayun! Siya nga ang magnanakaw!
  • 15.
    Pangungusap na WalangPaksa Anumang salita o lipon ng mga salita na walang simuno at panaguri basta’t may diwa o mensaheng ipinaaabot. Ang mensaheng ipinaaabot ay maaaring magpakilos sa kapwa dahil nauunawaan ito. Uri ng pangungusap na walang paksa 1. Eksistensyal – may bagay na umiiral sa himig/tono ng pangungusap sa tulong ng katagang may o mayroon. Na kahit dalawa o tatlong mga salita ang ginagamit may diwang ipinaaabot. Halimbawa: May tumatakbo. May dumating. Mayroong panauhin. Mayroong napapaayon.
  • 16.
    2. Sambitla –ito’y isa o dalawang pantig ng salita na nagpapaabot ng diwa/kaisipan. Kadalasan isang ekspresyon ang pahayag. Halimbawa: Yehe! Yahoo! Wow! Walastik! 3. Penomenal – Nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang ang banggitin, may diwa nang ipinaaabot na sapat upang mabigyang kahulugan ang pahayag. Halimbawa: Samakalawa; Bukas; Sa linggo; Mayamaya
  • 17.
    4. Pagtawag –ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan ng isang tao ay may sapat na kahulugang ipinaabot. Ang tinawagan ay agad lalapit dahil baka may iuutos ang tumawag. Halimbawa: Luis!; Maria!; bunso! 5. Paghanga – ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga. Halimbawa: Ang ganda nya! Ang talino mo! Galing!
  • 18.
    6. Pautos –Salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot na diwa o mensahe kaya’t di pwedeng di sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo madiin. Halimbawa: Kunin mo. ; Lakad na. ; Takbo. ; Sayaw. 7. Pormularyong Panlipunan – ito ang mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyon: umaga, tanghali, gabi. Halimbawa: Magandang umaga. Magandang gabi. Magandang tanghali. Paalam. Adyos. Tao po.
  • 19.
    Pag-aangkop ng Salitasa pangungusap Nagiging malinaw at epektib ang pahayag kung iniaangkop ang salitang gagamitin sa loob ng pangungusap sa pamamagitan ng mga salitang piling-pili. Kailan Tiyak o angkop ang Salita sa Loob ng Pangungusap? 1. Kung mismong ang salitang ginagamit ay sadyang dapat sa loob ng pangungusap. Mali: Maamong humapon ang ibon sa bintana ng silid ko. Tama: Maamong dumapo ang ibon sa bintana ng silid ko.
  • 20.
    2. Tiyakin angpanlaping gagamitin sa loob ng pangungusap. Mali: Nagsidapo sa puno ang maamong ibon. Tama: Dumapo sa puno ang maamong ibon. 3. Bawasan ang dami ng salitang dayuhan sa loob ng pangungusap. Mali: Nag-study kami ng aking friends sa library. Tama: Nag-aaral kami ng aking mga kaibigan sa library.
  • 21.
    4. Timbangin angideya ng pahayag sa pangungusap. Mali: Ang tulog at naghihilik na bata ay himbing na himbing. Tama: Ang natutulog at naghihilik na bata ay himbing na himbing. 5. Huwag haluan ng balbal n pahayag/salita ang pormal na pahayag. Mali: Sa mga bagets ng bulwagang ito, hinihiling ko ang inyong pakikiisa sa isang maayos at napapanahong layunin. Tama: Sa kabataan ng bulwagang ito, hinihiling ko ang inyong pakikiisa sa isang maayos at napapanahong layunin.
  • 22.
    6. Tiyaking nasatamang aspekto ng pandiwa ang diwa ng pangungusap. Mali: Magsilabasan ang mga maligno tuwing undas. Tama: Naglalabasan ang mga maligno tuwing undas. 7. Tiyaking tamang salita ang gagamitin sa sitwasyon. Mali: Matangos ang bahay naming sa burol. Tama: Matangos ang ilong ng kaibigan ko.
  • 23.
    8. Gamitin angangkop na salita sa bagay o tao. Mali: Ang ganda niya gusto kong bilhin. Tama: Ang ganda nito, gusto kong ganyan ang bilhin. 9. Huwag gamitin ang katagang sa kung ang sinusundang salita ay mayroon. Mali: Mayroon sa bahay mga panauhing taga- Amerika. Tama: Mayroong panauhin sa bahay na taga- Amerika. 10. Huwag nang gamitin ang salitang dayuhan kung may katumbas sa sariling wika. Mali: Kitang-kita ang skills ng mga estudyante sa paglalaro. Tama: Kitang-kita ang kasanayan ng mga estudyante sa paglalaro.
  • 24.