Uri ng Pang-abay 
1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito 
sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na 
aksyon ng pandiwa. 
Halimbawa: 
Taimtim na pinakinggan ang kanyang 
awitin hanggang sa huling nota. 
2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito 
sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad 
na aksyon ng pandiwa. 
Halimbawa: 
Agad napalalambot ng musika ang isang 
matigas na kalooban. 
3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa 
pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng 
pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan. 
Halimbawa: 
Umawit si Nelsa sa isang amateur 
singng contest sa radyo. 
4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito 
ng pag-aalinlangan at walang katiyakan. 
Halimbawa: 
Tila nagwagi siya ng unang gantimpala. 
5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito 
sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. 
Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan. 
Halimbawa: 
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng 
pagtakbo. 
6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay 
nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon. 
Halimbawa: 
Opo, mahusay sumayaw si Gabby. 
7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng 
pagtutol o di pagsang-ayon. 
Halimbawa: 
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng 
mga tao. 
8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa 
pagtutulad ng dalawang bagay. 
Halimbawa: 
Higit na magaling sumayaw si Anna 
kaysa kay Nena.

Uri ng pang abay

  • 1.
    Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota. 2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban. 3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan. Halimbawa: Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo. 4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan. Halimbawa: Tila nagwagi siya ng unang gantimpala. 5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan. Halimbawa: Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo. 6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon. Halimbawa: Opo, mahusay sumayaw si Gabby. 7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon. Halimbawa: Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao. 8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay. Halimbawa: Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.