SlideShare a Scribd company logo
1
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS)
ACCREDITATION AND EQUIVALENCY (A&E) SYSTEM
REVIEWER PARA SA BAHAGI V
PAGPAPALAWAK
NG PANANAW
COMPILED BY:
VICENTE R. ANTOFINA, JR. – MT, Hernani
Cluster Head
Members:
ROEL ADOR-DALSC, Maydolong
MICHELLE DITALO-MT, Maydolong
MERVIN BORAC-DALSC, Balangkayan
ROSABETH COPADA - MT, Balangkayan
OLIVER GUIAL – DALSC, Llorente
GLENDA ASADON – MT, Llorente
ROSALIA EJADA – MT, Llorente
EUPHROSYNE G. TIU – DALSC, Hernani
ENRIQUE CORRE – DALSC, Gen. MacArthur
JANE MAGALONA – MT, Gen MacArthur
BRIAN BAGARINO – MT, Geen. MacArthur
2
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin Pahina
Ang Mundo Ayon sa Mapa 2
Ipagdiwang Natin ang Pagkakaiba ng Ating Kultura 6
Mga Awit, Sayaw at Laro sa Asya 10
Masasarap na Pagkain ng Asya 15
Nakaugnay Tayo sa Mundo 18
Ang Ating Pamilya sa Nagbabagong Panahon 22
Ang Utang Panlabas ng Pilipinas 26
Mag-isip Nang Pandaigdig Kumilos Nang Pambansa 30
Mga Pangunahing Katangiang Heograpikal ng Mundo 34
Mga Pangunahing Relihiyon sa Buong Mundo 38
Mga Pilipinong Nagbigay ng Mahahalagang Kontribusyon 40
Mga Tagapayapang Pandaigdig 44
Paano Lutasin ang mga Alitan 48
Saan sa Mundo 51
Tulong International 55
3
ANG MUNDO AYON SA MAPA
KONSEPTO:
♦Pinaniniwalaang sa unang panahon na iisa lamang ang kontinente. Ang kontinenteng ito
kalaunan, ang nahati ito sa maraming kontinente;
♦ Binubuo ng malalaking mass ng lupain ang kontinente. Maraming mga bansa ang
matatagpuan sa isang kontinente;
♦ Ang pitong kontinente ng mundo ay Asya, Africa, Antarctica, Australia, Europa, Hilaga
at Timog Amerika;
♦ Ang Antarctica sa kabilang ay isang kontinente lamang. Walang naninirahan dito. Ito
ay eksklusibong ginagamit para sa pananaliksik;
♦ Ang bawat kontinente ay matatagpuan sa bawat sulok ng mundo;
♦ Ang bawat bansa sa bawat kontinente ay mayroong maiihahandog na iba’t ibang
atraksiyon at makukulay na mga tao na talagang kakaiba at walang katulad.
♦ Ang mga kontinente, gaya ng iminumungkahi ng Continental Drift Theory, ay nabuo
bilang resulta ng paggalaw sa ibabaw at ilalim ng rabaw ng mundo.
♦ Ang rabaw ng mundo ay kinakatawan sa isang mapa. Ang mga bahaging ito ay
maaaring hugis o anyong kontinente, mga bansa, mga lawas ng tubig, bulubundukin, at
iba pa.
♦ Matatagpuan sa mapa ang mga impormasyong nagpapadali sa paghahanap ng mga
bahagi ng rabaw ng mundo.
♦ Ang mga mahahalagang impormasyon mula sa simple hanggang sa pangunahing
direksiyon, mga latitude, mga longitude, ang ekwador, at ang prime meridian ay mga
“kagamitang” ginagamit upang matagpuan ang isang punto saan mang lupalop sa mundo.
♦ Ang pag-aaral sa pagbabasa ng mapa ay edukasyonal at interesante, gaya ng anumang
paglalakbay.
♦ Ang mapa ang humihikayat sa ating kuryosidad at nagiging interesado tayong malaman
ang tungkol sa mga banyagang lupain.
4
♦ Ang pagkilala sa mga banyagang bansa ay hindi lamang limitado sa mga pisikal na
katangian ng isang partikular na pook, kung hindi pati na rin ang mga taong nakatira dito.
♦ Ang kaalaman na ang mga taong mula sa ibang bansa ay magkakatulad o magkakaiba
sa maraming paraan ang nagpapadali sa atin na makaugnay at tanggapin ang mga
pagkakatulad ng mga tao, at higit na mahalaga, ang ating mga pagkakaiba.
PAGSUBOK
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ang ___________ ay isang mabisang gamit upang matagpuan ang isang partikular
na pook sa rabaw ng mundo.
a. kartero b. mapa c. mga direksiyon d. kompas
2. Ang itaas, ibaba, kanan, kaliwa, silangan, kanluran, hilaga, at timog ay mga
halimbawa ng mga salitang __________.
a. latitude b. nagbibigay ng direksiyon
c. longitude d. mapa
3. Ang ____________ ay tinatawag minsan na parallels.
a. mapa b. latitude
c. longitude d. mga salitang nagbibigay ng
direksiyon
4. NEWS ay tumatayo para sa silangan, kanluran, _____, at ______.
a. longitude at latitude b. ang ekwador at prime meridian
c. direksiyon sa mapa d. hilaga at timog
5. Ang mundo ay nahahati sa apat na __________: Hilaga, Timog, Silangan,
Kanlurang hemispehere.
a. hemispheres
b. mga mapa
c. mga salitang nagbibigay ng direksiyon
d. latitude
6. Ito representasyon ng rabaw ng mundo.
a. mapa b. globo c. kumpas d. direksiyon
5
7. Alin sa sumusunod ang dalawang hemisphere na matatagpuan sa pagitan ng
ekwador.
a. Hilaga at Timog na Hemisphere
b. Longhitud at Latitud
c. ekwador at prime meridian
d. Hilaga at Kanluran
8. Pinaniniwalaang ang pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.
a. United States b. Japan c. Australia d. Italy
9. Ang kabiserang bansang ito ay Ouagadougou.
a. Malaysia b. Burkina c. India d. Pakistan
10. Sa kontinenteng ito matatagpuan ang pinakamaliit na estado.
a. Antarktika b. Africa
c. Timog Amerika d. Europa
11. Tinutukoy ang bansang ito na “lupain ng sumisikat na araw”. Tokyo ang kabisera
nito.
a. Australia b. Japan c. Hong Kong d. Russia
12. Ang bansang ito ang tanging Kristiyanong bansa sa Asya. Maynila ang kabisera
nito.
a. Pilipinas b. Malaysia c. Thailand d. Singapore
13. Ito ay isang kontinente at isang bansa.
a. Africa b. Australia
c. Antarctica d. Timog Amerika
14. Kilala ang bansang ito sa pizza at ang tanyag na Tower of Pisa.
a. Italy b. Roma c. Pransiya d. Israel
15. Ang bansang ito ang may pinakamaraming Tsino.
a. Hong Kong b. Taiwan c. Tsina d. Singapore
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. (b) Mabisang kagamitan ang mapa sa paghahanap ng mga pook sa rabaw ng
mundo. Gaya ng tinalakay sa Aralin 1, sa pamamagitan ng mga mapa,
matatagpuan mo kung nasaan ang mga kontinente, mga bansa, lawas ng tubig,
bulubundukin. Ang ibang mapa ay ginagamit rin sa pagsukat ng mga pagbabago
sa klima at maging sa pagtaya ng dami o kawalan ng ilang likas na yaman, o sa
pagmomonitor ng trapiko.
6
2. (c) Ang mga salitang gaya ng itaas, ilalim, kanan, kaliwa, silangan, kanluran,
hilagang silangan, timog kanluran, at iba pa ay mga halimbawa ng mga salitang
nagbibigay ng direksiyon. Ang unang tatlong halimbawa ay mga simpleng salitang
nagbibigay ng direksiyon at natutuhan nang maaga habang bata pa. Ang mga
salitang hilagang silanga, hilagang kanluran, timog silangan, at timog kanluran ay
mga sekondaryong salita na nagbibigay ng direksiyon. Sa kabilang banda, ang
mga salitang gaya ng silangan, kanluran, hilaga, at timog ay mga pangunahing
salitang nagbibigay ng direksiyon.
3. (c) Kung minsan, tinatawag na mga parallel ang latitude. Kung pamilyar ka sa
heometriya, matatandaan na upang matawag na parallel ang isang linya o plane,
kailangang nakahanay ito sa parehong direksiyon at parehong distansiya sa
pagitan ng bawat punto. Ang dalawang lane ng mga sasakyan na papunta sa
iisang direksiyon ay isang halimbawa ng isang parallel.
4. (d) Ang akronym na NEWS ay isang mabilis at madaling paraan upang
matandaan ang apat na pangunahing salita na nagbibigay ng direksiyon dahil ang
mga ito ang madalas gamiting direksiyon kapag gumagamit ng isang mapa.
5. (a) Gaya ng ipinaliwanag sa Aralin 1, ang apat na hemisphere ay makatutulong
upang madaling mahanap ang isang partikular na pook sa mapa.
6. A
7. A
8. A
9. B
10. D
11. B
12. A
13. B
14. A
15. C
7
IPAGDIWANG NATIN ANG PAGKAKAIBA NG ATING KULTURA
KONSEPTO
♦ Kung maluwag sa kalooban ang pagtanggap sa kultura ng iba, magiging mas mabuting
tao ka.
♦ Hindi mali o mas nakababa ang mga kaugalian, paniniwala at pagpapahalaga ng ibang
tao, iba lamang ito sa iyong kinagawian.
♦ Dapat matuto tayong tanggapin, respetuhin at bigyang halaga ang kultura ng iba.
♦ Kapag magkakaiba ang kultura ng mga miyembro ng isang pamilya o komunidad,
maaaring mas maging maunlad ang mga ito.
♦ Dapat may paggalang sa isa’t isa ang bawat miyembro ng pamilya at komunidad na
magkakaiba ang kultura.
♦ Magiging mapayapa at maunlad ang isang komunidad kung ang lahat ng mga
miyembro nito ay bibigyan ng parehong oportunidad upang paunlarin ang kani-kanilang
mga buhay.
♦ Maaaring magdulot ng pag-unlad at kapayapaan sa bawat isa at sa buong mundo ang
pagtanggap, pagrespeto at pagpapahalaga sa pagkakaiba ng ating mga kultura.
♦ Walang isang kultura ang mas mahusay o mas magaling kaysa iba; sadyang magkakaiba
lamang ang lahat ng kultura.
♦ Maaaring gamitin ang mga pagkakaiba natin sa kultura upang umunlad ang bawat tao,
pamilya, komunidad, bansa at ang buong mundo.
PAGSUBOK
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ibig sabihin ng kultura ay _______________.
a. kung paano nabubuhay ang mga tao
b. literatura, musika at sining
c. mga paniniwala, pagpapahalaga, kaugalian
d. Lahat ng nasa itaas.
2. May _______________ ang mga Pilipino at Hapon.
a. parehong kultura
b. magkaibang kultura
c. walang kultura
8
d. Wala sa itaas.
3. _______________ ang isang Kristiyanong Pilipino na lumaki sa Metro Manila at Muslim
na Pilipino na lumaki sa Mindanao.
a. May parehong kultura
b. May magkaibang kultura
c. Walang kultura
d. Wala sa itaas.
4. _____________________ ang pakikisama sa isang taong may ibang kultura.
a. Makatutulong sa iyo bilang isang indibidwal
b. Hindi makaaapekto sa iyo sa kahit anong paraan
c. Magdudulot lamang ng masamang epekto sa iyo bilang isang tao
d. Hindi posible.
5. Kabilang sa ___________ kultura ang mga taong naninirahan sa Pilipinas.
a. iisang b. dalawang c. walang d. iba’t ibang
6. Maaari akong maging mas mabuting tao kung ________________.
a. hindi ko papakailaman ang paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga ng ibang tao
b. matututunan ko ang kultura ng ibang mga grupo
c. hindi ako sasama sa kahit anong kultural na grupo
d. sasama ako sa pinakamagaling na grupong kultural sa aking bansa
7. Kapag titingnan ko ang mundo sa mga mata ng taong iba ang kultura
_________________.
a. mas maiintindihan ko ang mga kaugalian ng ibang tao
b. mas gaganda ang tingin ko sa buhay at sa mundo
c. marami akong matututuhan tungkol sa sarili
d. Lahat ng nasa itaas.
8. Maaaring magkaroon ng matagumpay na buhay mag-asawa at pamilya ang dalawang
taong iba ang kultura kung____________.
a. may isa sa kanilang magpapabaya sa kaniyang kultura at aangkinin ang kultura ng
isa
b. hindi sila makikihalubilo sa mga taong iba ang kultura sa kanila
c. rerespetuhin nila ang kultura ng bawat isa
d. Wala sa itaas.
9. Kung magkaiba ang kultura ng mga magulang ng isang bata, _____________.
9
a. maaaring dalawang lenggwahe ang matutunan niya
b. nagiging bukas ang kalooban niya
c. marami siyang matututuhan tungkol sa ibang tao at sa sarili niya
d. Lahat ng nasa itaas.
10. _______________________ ang kultura ko.
a. Mas magaling sa kultura ng ibang tao
b. Pinakamagaling na kultura sa buong mundo
c. Pinakamababang kultura sa lahat
d. Iba sa kultura ng ibang grupo, ngunit okay lang
11. Sa isang komunidad, ang mga taong magkakaiba ang kultura
____________________.
a. ay dapat magtulungan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad
b. ay dapat mag-iwasan para maging mapayapa ang komunidad
c. ay dapat makipaglaban sa isa’t isa upang magkaroon lamang ng iisang
dominanteng kultura
d. Wala sa itaas.
12. Dapat ___________________________ ang minorya.
a. makipag-alitan sa mayorya
b. magtago ng kultura mula sa mga nakararaming kultura
c. magpabaya sa kultura at subukang maging bahagi ng kultura ng mayorya
d. Wala sa itaas.
13. Dapat subukan nating _____________ sa/ang ibang kultura,
a. pagtiisan
b. pairalin ang diskriminasyon
c. tanggapin, respetuhin at pahalagahan
d. Lahat ng nasa itaas.
14. Dapat _________________ lahat ng kultura sa buong mundo.
a. maging bahagi ng kulturang pandaigdig
b. magdiwang ng ating kultural ng pagkakaiba
c. pumuli ng isang kultura na pinakamahusay sa lahat
d. wala sa itaas.
15. Nagkakaiba lamang sa ____________ ang mga tao sa mundo.
a. anyong pisikal
10
b. emosyon
c. katalinuhan
d. kultura
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. (d) Sinasakop ng kultura ang mga paniniwala, pagpapahalaga, kaugalian, literatura,
musika, sining, at ang paraan ng pamumuhay ng mga tao.
2. (b) Magkaiba ang kultura ng Pilipino at Hapon, gayun din sa mga taong bumubuo ng
iba’t ibang bansa.
3. (b) Ang mga taong naninirahan sa isang bansa ay maaring magkaroon ng ibang
kultura.
4. (a) Maaaring lumawak ang kaalaman at pang-unawa ng isang tao kapag nakikihalubilo
siya sa mga taong iba ang kultura.
5. (d) Maraming kultura ang mga Pilipino dahil marami sa kanila ang naninirahan sa ibang
bahagi ng bansa at mayroong magkakaibang relihiyon, paniniwala, atbp.
6. (b) Makatutulong sa iyo ang pagkilala ng ibang mga kultura sa pagpapalawak ng iyong
pag-intindi at kaalaman tungkol sa ibang tao.
7. (d) Tama lahat ng mga aytem.
8. (c) Mahalaga ang pagrespeto at pagtanggap ng kultura ng iyong asawa sa mga
relasyong may magkahalong kultura.
9. (d) Tama lahat.
10. (d) Walang kultura ang mas nakaaangat o nakabababa sa iba.
11. (a) Magbibigay ng kaunlaran at kapayapaan sa iyong komunidad ang pagkilos nang
sama-sama opagtutulungan ng iba’t ibang kultura.
12. (d) Dapat pagtibayin ng mga minorya ang kanilang kultura. Dapat din nilang
respetuhin ang kultura ng iba. Kailangan din itong gawin ng mayorya.
13. (c) Mahalaga ang tatlong salitang ito—pagtanggap, pagrespeto at pagpapahalaga—
upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa ating mundo.
14. (b) Nagiging mas maganda at makulay ang ating mundo dahil sa ating mga
pagkakaiba, lalung lalo na ng kultura. Dahilan ito ng pagdiriwang, at hindi
pagkakahati-hati.
15. (d) Galing lahat tayo sa iisang ninuno. Nagkataon lamang na magkakaiba ang ating
kultura at paniniwala.
11
MGA AWIT SAYAW AT LARO SA ASYA
KONSEPTO:
 Tulad nating mga Pilipino, tunay na mahilig sa musika ang ating mga kapatid na
Asyano dahil ito ay nagbibigay-aliw sa atin at ginagamit pa sa mga seremonya at
mga panrelihiyong gawain.
 Maraming instrumentong pang-musika sa Asya. Iba-iba ang kanilang pangalan
ngunit magkakatulad naman sila. Makakakita ka ng instrumentong katulad ng:
♦ tambol
♦ instrumentong di-kuwerdas tulad ng koto, ruan, rebab at sitar
♦ gong
♦ plawta
 May mga iba’t ibang uri ng awit na gustung-gustong kantahin ng ating mga kapatid
na Asyano. Maaaring naiiba ang tunog ng mga ito pero katulad din ito ng awiting
Pilipino dahil pinapaksa rin nila ang
♦ pag-ibig;
♦ gawain; at
♦ pagpuri sa Diyos
 Ang pagsasayaw ay mahalaga sa mga Asyano dahil ito ay paraan ng pagpapahayag
ng mga bagay na mahalaga sa kanila.
 May iba’t ibang uri ng sayaw sa Asya. Iba-iba ang mga sayaw na ito pero may mga
pagkakatulad din sila.
 Ang mga sayaw na ito ay itinatanghal upang:
− magpasalamat sa magandang ani;
− magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang ibinibigay Niya;
− malugod na tanggapin ang mga bisita; at
− itaboy ang kamalasan at iba pa.
 Maraming uri ng laro at isports ang nilalaro sa buong Asya. May mga laro sa
Pilipinas na matatagpuan din sa ibang lugar sa Asya. Lamang ang mga ito ay
tinatawag sa ibang pangalan. Halimbawa ay ang:
♦ Menko (katulad ng ating Tex)
♦ Sepak takraw (katulad ng ating Sipa)
12
♦ Kelereng (katulad ng ating Holen)
 Mahalaga ang mga laro at isports sa mga Asyano. Narito ang ilan sa mga dahilan
kung bakit:
♦ Nakapagpapalakas ng katawang ng mga manlalaro
♦ Nakatutulong upang maging maliksi dahil sa mas magandang takbo ng oxygen
sa
katawan
♦ Nakakapagpapaunlad ng pagtutulungan ng mga magkakasama at nagtuturo sa
mga
tao upang tulung-tulong na gumawa para sa isang layunin.
 Magkakatulad tayo ng ating mga kapatid na Asyano sa maraming bagay. Ang
isports at laro ay ilan lamang sa mga bagay na iyon. Lahat tayo ay mahilig maglaro
at sumali sa mga isports.
 Magkakatulad tayo ng ating mga kapatid na Asyano sa maraming bagay. Ito ay
mapatutunayan ng pagkakapareho ng ating
♦ Musika. Maraming awitin mula sa iba’t ibang lugar sa Asya ang tungkol sa pag-
ibig o papuri sa Diyos.
♦ Sayaw. May mga sayaw na nagsasaad ng kalungkutan o kasiyahan at itinatanghal
nang may kandila o espada.
♦ Laro at isports. Maraming laro at isports dito sa Pilipinas na kinahihiligan din ng
maraming tao sa ibang bahagi ng Asya.
 Kung iyong pakaiisipin, malalaman mo na marami tayong pagkakatulad sa
maraming bagay sa ating mga kapatid na Asyano. Maaari tayong makibahagi sa
kanila dahil kinahihiligan natin ang magkakaparehong bagay. Dapat ay subukan
nating matuto ng maraming bagay tungkol sa iba pang mga Asyano. Kapag marami
na tayong alam sa kanila, madali na ang pakikipagkaibigan.
PAGSUBOK
Sagutin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.
a. Gong Ageng b. Kendang Gending
c. Rebab d. Trompong
13
2.
a. Gong Ageng b. Kendang Gending
c. Sitar d. Suling Bali
3.
a. Sitar b. Kendang Gending
c. Koto d. Ruan
4.
a. Kendang b. Suling Bali
c. Trompong d. Kulintang
5.
a. Koto b. Sitar
c. Rebab d. Kendang
6. Ang Kulintangan ay katulad ng ________________ sa Indonesia.
a. Gamelan b. Dalandan c. Gendelan d. Ruan
7. Alin sa mga pares ng mga di-kwerdas na instrumento sa ibaba ang magkatulad?
a. gitara ng Europa at Suling Bali ng Indonesia
b. Koto ng Silangang Asya at Sitar ng Timog Asya
c. Sitar ng Silangang Asya at Kulintang ng Timog-Silangang Asya
d. Wala sa nabanggit
8. Ang isa sa mga pinakapopular na paksa ng iba’t ibang awit sa buong Asya ay ang
a. Palengke b. pag-ibig c. iyong bahay d. pagkamatay
9.
a. Manipuri b. Cabaret
c. Candl’abra d. Bharata Natyam
14
10.
a. Candl’abra b. Odissi
c. Manipuri d. Kuchipudi
11.
a. Wira Pertiwi b. Kuchipudi
c. Renjinshi d. Cabaret
12.
a. Bharat Natyam b. Renjinshi
c. Odissi d. Wira Pertiwi
13.
a. Khon b. Manipuri
c. Renjinshi d. Larm See
14.
a. Khon b. Bharat Natyam
c. Larm See d. Manipur
15
15.
a. Basho b. Menko
c. Der Ree d. Tex
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. A
2. D
3. A
4. D
5. A
6. (a). Ang orkestra ng mga Indonesyo ay tinatawag na gamelan.
7. (b). Ang Koto ng Silangang Asya at ang Sitar ng Timog Asya ay parehong
instrumentong dekwerdas.
8. Ang tamang sagot ay (b). Pag-ibig ang pinapaksa ng karamihan sa mga awit sa Asya.
Ito ang pinakapopular na paksa ng maraming awit dito.
9. C
10. D
11. A
12. B
13. D
14. A
15. A
16
MASASARAP NA PAGKAIN NG ASYA
KONSEPTO
♦ May iba’t ibang uri ng pagkain sa buong Asya. Sa ngayon dapat ay napagtanto mo na
maraming pagkakatulad ang mga pagkain natin sa mga pagkain nila. Halimbawa, kung
masaya ka sa mga pagkaing maaanghang, maaari mong magustuhan ang mga pagkain
sa Indonesya at India. Kung gusto mo ang tokwa, maaaring magustuhan mo ang mga
pagkaing mula sa Hapon at Tsina.
♦ May iba’t ibang paniniwala at pamamaraan ang magkakaibang kultura at relihiyon sa
kung ano ang puwedeng kaining pagkain. Halimbawa, hindi pinapayagan ang Muslim na
kumain ng baboy. Sa kabilang banda, hindi rin pinapayagan ang mga Hindus na kumain
ng baka dahil naniniwala sila na isang sagradong hayop ang baka.
♦ Maraming bagay ang pinagsasaluhan natin ng ating mga kapatid sa Asya. Marami rin
silang ibinabahagi sa atin. Sa kaso ng Tsina, marami tayong pinagsasaluhang pagkain
gaya ng siopao at mami.
♦ Marami tayong natutunan mula sa ating mga kapatid sa Asya. Ang kailangan pa nating
gawin ay pagsikapan nating pag-aralan ang iba pang mga bagay sa kanila. Sa ganitong
paraan, naiintindihan natin sila at maaabot natin sila bilang kaibigan.
PAGSUBOK
Sagutin: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga matandang henerasyon sa Silangang Asya ay kalimitang kumakain ng:
a. Hamburgers at french fries
b. Potato Chips at softdrinks
c. Isda at kanin
d. Manok at catsup
2. Ang isang putahe na ibinahagi sa atin ng Intsik ay:
a. Pancit Canton
b. Chicken curry
c. Beef Kebabs
d. Shawarma
3. Dalawang putahe na gawa sa hilaw na isda ang:
a. Fugu at inihaw na tilapia
17
b. Yakisoba at Mechado
c. Sushi at Kilawin
d. Siopao at Siomai
4. Napakahalaga sa mga Hapones ang __________ ng pagkain.
a. paghahanda b. paghahain c. pagluluto d. pagtitipid
5. Ginagamitan ng maraming sili ang pagkain sa Indonesia. Ito ay napaka__________.
a. maanghang b. tamis c. asim d.
sustansiya
6. Karamihan ng mga taga-Indonesia, taga-Gitnang Silangan at taga-Pakistan ay mga
Muslim. Hindi sila kumakain ng __________.
a. Karneng kambing
b. Karneng tupa
c. Karneng kalabaw
d. Karneng baboy
7. Sa Japan, kalimitang __________ang isda na inihahaing sushi.
a. luto b. hilaw c. pinakuluan d. binuro
8. __________ ang pangunahing karne sa Gitnang Silangan.
a. baboy b. kabayo c. tupa d.
kalabaw
9. _________________ ay isang sangkap ng pulbos na kalimitang ginagamit upang
magkaroon ng lasa ang pagkain sa Timog Asya. Naghahanda nito ang bawat magaling
na tagapagluto sa India.
a. curry b. vetsin c. asin d. asukal
10. Sa Indonesia, karamihan sa pagkain ay may gatas ng ___________________
bilang isang sangkap.
a. ina b. baka c. niyog d. kambing
11. Ang intsik at hapon ay umiinom ng _________________ sa tuwing kumakain.
a. kape b. tsaa c. lemonada d. gatas
12. Hindi kumakain ng _____________ ang mga Hindus.
a. kalabaw b. baboy c. tupa d. baka
13. Ang ____________________ ay ihinahanda sa panahon ng Ramadan ng Muslim.
a. ubas b. Koresche Esfanaj c. baka d. halal
18
14. Sa pamayanan ng mga Muslim sa Kanlurang Asya, nararapat na ihanda ang
pagkain ayon sa nakagawian ng Islam. Tinatawag itong ____________________.
a. Halal
b. imported
c. tradisyonal
d. komersiyal
15. Ang pagtulong sa ____________________ ng pagkain ang kabutihang dulot ng
yogurt.
a. Pagsarap b. pagtipla c. pagtunaw d.
pagluto
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. C
2. A
3. C
4. B
5. A
6. D
7. B
8. C
9. A
10. C
11. B
12. D
13. B
14. A
15. C
19
NAKAUGNAY TAYO SA MUNDO
KONSEPTO:
♦ Nakaugnay ang Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng negosyo at
industriya, teknolohiya, edukasyon, media, at isports. Ilan lamang ito sa mga halimbawa
ng maraming larangan kung paano nakaugnay ang Pilipinas sa ibang bansa.
♦ Maraming produkto na ginagamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay ang
mabubuting halimbawa ng mga ugnayang ito.
♦ Nakakaapekto ang mga ugnayang ito sa iyong pang-araw-araw na buhay, ayon sa
mga produktong binibili o mga trabaho at oportunidad na pang-edukasyon na bukas sa
iyo sa komunidad/ bayan mo.
Narito ang ilang ugnayan ng Pilipinas at ng mundo:
♦ Teknolohiya
♦ Isports
♦ Militar
♦ Edukasyon
♦ Empleyo
♦ Media
♦ Turismo
♦ Salapi
♦ Negosyo at Industriya
PAGSUBOK
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Tungkol ang larangang ito sa iba’t ibang produkto na tinatanggap at ipinapadadala
natin sa ibang bansa. Kabilang din rito ang iba’t ibang kompanyang pag-aari ng
dayuhan na may opisina at pabrika sa Pilipinas.
a. Isports b. Edukasyon
c. Kalusugan d. Negosyo at Industriya
2. Kabilang dito ang maraming atletang Pilipino sa Pilipinas na dumarayo sa ibang
bansa para lumahok sa ilang pangunahing paligsahan. Isang halimbawa nito ang
Olympics at Southeast Asian Games.
a. Edukasyon
20
b. Isports
c. Negosyo at Industriya
d. Kalusugan
3. Kabilang dito ang mga programa na layuning paunlarin ang iyong husay at kaalaman
sa agham, matematika, agham panlipunan, atbp. Isang halimbawa nito ang programang
ALS A&E.
a. Edukasyon
b. Isports
c. Kalusugan
d. Teknolohiya
4. Kabilang sa larangang ito ang mga aparato tulad ng computer, makina, appliance, at
iba pang elektroniko na pinadadali ang maraming gawain para sa atin. Kabilang din dito
ang mga trabaho at kakayahan tulad ng pagpoprograma sa computer at agham
medisina.
a. Kalusugan
b. Teknolohiya
c. Empleyo
d. Salapi
5. Kabilang sa larangang ito ang iba’t ibang trabaho na bukas sa buong mundo.
Maraming Pilipino ang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho.
a. Media
b. Teknolohiya
c. Empleyo
d. Turismo
6. Lumalahok din ang Pilipinas sa Hukbong Pamayapa ng United Nations, isang grupo ng
mga sundalo mula sa iba’t ibang bansa na itinatalagang magpanatili ng kapayapaan at
seguridad sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
a. Teknolohiya
b. Militar
c. Turismo
d. Kalusugan
21
7. Sinimulan na rin ng ilang istasyon ng telebisyon sa Pilipinas na magpalabas ng ilan
sa kanilang balita at ibang programa sa ibang bansa para sa mga OFWs at iba pang
Pilipinong naninirahan doon.
a. Media
b. Teknolohiya
c. Turismo
d. Empleyo
8. Maraming Pilipino ang nagpupunta sa ibang bansa para tingnan ang iba’t ibang pook.
a. Media
b. Kalusugan
c. Salapi
d. Turismo
9. Mayroon ka bang kamag-anak na nagpadala ng pera sa iyo mula sa ibang bansa? Sa
anong aspeto ito may kaugnayan sa ating bansa?
a. Empleyo
b. Salapi
c. Media
d. Kalusugan
10. Alin sa sumusunod na mga produkto an gang may kaugnayan sa sa pakikipag-
ugnayan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo
a. Gasolina
b. Garments
c. Pataba
d. Lahat ng nabanggit
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. D
2. B
3. A
4. B
5. C
6. B
7. A
22
8. D
9. B
10. A
23
ANG AKING PAMILYA SA NAGBABAGONG PANAHON
KONSEPTO
♦ Ang mga pamilya ay maaaring ang:
— magkasama ang dalawang magulang; o
— maaaring ang tatay o nanay lamang ang magulang
♦ Ang solong magulang ay maaaring:
— hindi kasal na lalaki o babae;
— hiwalay; at
— balo
♦ Ang mga pansamantalang paghihiwalay, migrasyon, at teknolohiya ay ilang mga
suliranin at mga hamon na kinakaharap ng mga pamilya ngayon.
♦ Ang pansamantalang paghihiwalay ay kalimitang nangyayari dahil sa pangangailangang
magtrabaho sa ibang bansa ang isa sa magulang.
♦ Ang migrasyon ay kalimitan ding bunga ng kagustuhan ng mga magulang na maghanap
ng mas magandang lugar na pagtatrabahuhan. Ang migrasyon ay nagdudulot ng
suliraning ukol sa kung paano sasabay sa bagong kapaligiran at kultura.
♦ Napapadali ng teknolohiya ang mga trabaho ng pamilya. Subalit ito ay nakakaapekto
sa pamamaraan ng ugnayan at komunikasyon ng mga pamilya.
♦ Ang mga isyung pandaigdigan na nakakaapekto sa mga pamilya ay ang mga: usaping
pangkaligiran, kalusugan at ang nagbabagong papel ng kababaihan.
♦ Ang mga pamilya ay dapat isabuhay ang pagiging may alam, aktibo at alerto sa mga
isyung ito.
♦ Pinagtitibay ng konstitusyon ang karapatan at responsibidad ng mga pamiya.
PAGSUBOK
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Nagtatatrabaho sa Saudi Arabia si Mang Jose. Isa siyang manggagawa sa
konstruksiyon. Nasa Saudi siya sa loob ng anim na taon. Sabik na sabik na siya sa
kanyang pamilya. Ano ang magagawa ng kanyang pamilya upang sumaya siya?
a. Ang pamilya ni Mang Jose ay dapat tumawag sa kaniya upang humingi ng pera.
b. Maipapakita nila ang pagmamahal sa kanya kung madalas silang tatawag sa kanya
24
c. Dapat dalawin nila si Mang Jose sa Saudi Arabia.
d. Dapat makibalita sila kay Mang Jose.
2. Si Angel ay isang nurse sa Chicago, U.S.A. Siya ay malapit nang magdiwang ng
kanyang kaarawan. Siya ay malungkot sapagkat wala siyang kasamang magdiriwang
nito. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ng pamilya ni Angel?
a. Ang pagpapadala ng bithday card o pagtawag sa kanya sa araw ng kanyang
kaarawan ay isang paraan din ng pag-alala sa kanya.
b. Ang mga kasapi ng pamilya ng taong nagpunta sa ibang lugar ay dapat pa ring
magdiwang ng kaniyang kaarawan.
c.Ang pagdiriwang ng kaarawan ni Angel kahit na wala siya sa bansa ay isang paraan
ng pagpapakita na patuloy siyang naaalala.
d. Lahat ng nabanggit.
3. Si Diding ay isang katulong sa Hongkong. Hindi niya nakita ang kanyang anak na si
Boboy sa loob ng apat na taon. Nang bumalik siya ng Pilipinas gusto niyang siya ay
patuloy na minamahal ng kanyang anak. Gusto siyang tulungan ng kanyang asawang
si Tony. Alin ang HINDI dapat gawin ni Tony?
a. Si Tony ay makakatulong kung ipaliliwanag niya kung bakit umalis si Diding
patungo sa ibang bansa.
b. Dapat niyang ipaliwanag sa anak nilang si Boboy na mahal na mahal siya ng
kanyang ina.
c. Turuan si Boboy na sumbatan si Diding sa pag-alis nito papuntang HongKong.
d. Lahat ng nabanggit.
4. Alin sa mga sumusunod ang mga benepisyong nakukuha mula sa mga makabagong
teknolohiyang?
a. Makakuha ng impormasyon
b. Napapagaan ang buhay
c. Komunikasyon
d. Lahat ay tama
5. Alin sa mga sumusunod ang mga benepisyong nakukuha mula sa mga makabagong
teknolohiyang?
a. Kawalan ng oras na makipag-ugnayan ng pamilya
b. Nakakalimutan ang pamilya
c. Kawalan ng oras sa pamilya
25
d. Lahat ng nabanggit.
6. Alin sa mga sumusunod ang dapat gagawin upang malutas ang mga problemang
likha ng teknolohiya?
a. Gamitin nang wasto ang mga kasangkapang ito.
b. Iwasan ang paggamit ng teknolohiya.
c. Hayaang gamitin ang teknolohiya sa lahat ng oras.
d. Huwag pansinin ito.
7. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa dahilan ng pansamantalang
migrasyon ng ibang kasapi ng pamilya.
a. Pagnanasa ng magulang na maghanap ng isang maunlad na lugar
b. Maaaring makakuha ng maayos na trabaho
c. Dahil sa pagbabago ng kapaligiran at kultura
d. Makasalamuha ang ibang tao sa ibang bansa
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing usapin na nakaaapekto sa
mundo?
a. Kapaligiran
b. Kalusugan
c. Nagbabagong mga pagpapahalaga
d. Pabahay
9. Paano magkakaroon ng kaalaman ang iyong pamilya ukol sa usaping ang
nagbabagong papel ng kababaihan?
a. Alamin ang mga pagbabago sa mga ideya at pagpapahalaga.
b. Alamin kung ano ang karapatan ng kababaihan
c. Alamin kung paano nagbabago ang kanilang mga papel.
d. Lahat ng nabanggit
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan ng pagiging aktibo ng isang pamilya
sa paglahok sa usaping tungkol sa nagbabagong papel ng kababaihan?
a. Matutong irespeto ang kababaihan.
b. Pakialaman ang takbo ng buhay ng iyong mga kapitbahay na kababaihan
c. Ituro ang mga halagahang ito sa iyong mga anak.
d. Gawin ang iyong tungkulin at maging halimbawa sa iyong mga kaibigan at
pamilya.
26
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. D
2. B
3. C
4. D
5. D
6. A
7. D
8. D
9. D
10. B
27
ANG UTANG PANLABAS NG PILIPNAS
KONSEPTO
♦ Maraming mga pangangailangan ang ating bansa gaya ng pabahay, edukasyon,
serbisyong medikal, at katahimikan at kaayusan.
♦ Ang pangunahing pinagkukunan ng badyet o pondo ng ating pamahalaan ay ang rentas
internas (ang mga buwis na kinokolekta nito).
♦ Ang kakulangan sa badyet ay tumutukoy sa gastos na hindi matutumbasan ng rentas
internas.
♦ Kapag nakakaranas ng kakulangan sa badyet ang ating pamahalaan, ito ay napipilitang
mangutang upang matustusan ang gastos na hindi matutumbasan ng rentas internas.
♦ Maraming mga pinansiyal na institusyong pangdaigdig ang binuo upang matugunan
ang mga pangangailangan ng mga bansang kinakapos, lalo na ang mga bansang maralita
at papaunlad pa lamang. Ang iba sa mga institusyong ito ay nagbibigay ng tulong
pinansiyal at tulong teknikal sa mga bansang nangangailangan sa mga ito. Nabibilang sa
mga institusyong ito ang World Bank, IMF, at ADB.
♦ Tumutulong ang World Bank upang maisakatuparan ang mga proyektong
pangkaunlaran ng ating pamahalaan. Nagbibigay ito ng tulong pinansiyal at tulong
teknikal upang maiahon tayo sa kahirapan.
♦ Ang IMF ay nagpapautang sa mga kasaping kinakapos upang kanila itong magamit sa
pagsasakatuparan ng kanilang mga proyektong pangkaunlaran. At bilang tagapangasiwa
ng sistema ng pagpapalitan ng mga pera ng mga bansang kasapi nito, ang IMF ay
nagpapatupad ng kanilang pakikipagtulungang pampananalapi.
♦ Nilalayon ng ADB na tulungan ang mga pamahalaan ng mga bansa sa Asya na iahon sa
kahirapan ang kanilang mga mamamayan. Nagbibigay ang ADB ng tulong pinansiyal at
tulong teknikal para maisagawa ng mga pamahalaang tinutulungan nito ang kanilang mga
proyektong pangkaunlaran.
♦ Ang pagsasapribado, deregulasyon, liberalisasyon ng kalakalan, pangongolekta ng
karagdagang rentas internas, at pagtitipid sa gugol ay iilan lamang sa mga
rekomendasyon ng IMF upang makalikom ang ating pamahalaan ng karagdagang rentas
internas at maisaayos nito ang ating ekonomiya. Inaasahang sa pagsasagawa ng mga
28
rekomendasyong ito, mababawasan ang kahirapan sa ating bayan at makakapagbayad
ang ating pamahalaan ng utang panlabas.
♦ Ang Batas sa Automatikong Laang-gugulin (Automatic Appropriations Law) ang
nagbibigay ng kapangyarihan sa ating pamahalaan na bigyan ng priyoridad ang lingkurang
pautang sa kapinsalaan ng serbisyong panlipunan gaya ng kalusugan at edukasyon.
♦ Ang bitag ng pagkakautang ay ginagamit upang ilarawan ang kalagayan ng mga
bansang maralita na nahihirapang magbayad o hindi makapagbayad ng kanilang utang
panlabas. Ang tanging lunas nila sa kanilang kalagayan ay ang walang tigil na
pangungutang na lalong nagpapabaon sa kanila sa utang.
♦ Tungkulin ng nangutang na bayaran ang kanyang inutang. Kung kaya kailangang
bayaran ng ating pamahalaan ang ating utang panlabas.
♦ Kinakailangang mangutang ang ating pamahalaan upang matugunan ang mga
pangangailangan ng ating bayan.
♦ Nagbibigay ng tulong pinansiyal at tulong teknikal ang mga banyagang institusyon sa
mga bansang maralita upang mabawasan ang kahirapan sa mga bansang ito at maisulong
sila tungo sa kaunlaran.
♦ Ang isang bansang nangutang ay may tungkuling magbayad. Kaya dapat lamang na
magsagawa ang ating pamahalaan ng masusing pagpaplano ng mga proyektong
pangkaunlaran bago mangutang ng pondo para sa mga ito.
♦ Ang iresponsableng pangungutang para sa mga proyektong hindi naman
mapapakinabangan ay dapat iwasan ng ating pamahalaan upang hindi tayo magdusa.
♦ Ang mga kondisyong ipinapataw (o mga rekomendasyon) ng mga banyagang
institusyon ay kinakailangang isagawa ng ating pamahalaan bago ito makautang. Ang
mga kondisyong ito ay ang pagsasapribado, deregulasyon, liberalisasyon ng kalakalan,
pangongolekta ng karagdagang rentas internas, at pagtitipid sa gugol.
PAGSUBOK:
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang __________________ ay ang pagbebenta ng mga ari-arian ng ating
pamahalaan sa pribadong sektor.
a. pagsasangla
b. kolateral
c. pagsasapribado
29
d. pagpapaupa
2. Dahil sa _________________, ang PLDT ay may kakompetensiya na ngayon sa
industriya ng telekomunikasyon gaya ng BAYANTEL at PILTEL.
a. Regulasyon
b. Deregulasyon
c. pagsasapribado
d. palisiya
3. Dapat bigyan ng priyoridad ng ating pamahalaan ang mga pangangailangan ng
ating bayan para ___________ ang gastos nito.
a. madagdagan
b. maubos
c. malaman
d. mabawasan
4. Ang pagbubukas ng ating ekonomiya sa mundo ay tinatawag na liberalisasyon ng
_____________.
a. Teknolohiya
b. industriya
c. kalakalan
d. pamumuhay
5. Upang mapalaki ang pondo ng ating pamahalaan, dapat makalikom ito ng
karagdagang _________.
a. buwis
b. kita
c. sahod
d. kaunlaran
6. Nilalayon ng mga rekomendasyon ng IMF na tulungan ang mga bansang kasapi na
gawing mahusay ang pangongolekta nila ng _______________.
a. interes
b. rentas internas
c. utang
d. ari-arian
BATAYAN SA PAGWASTO
30
11. C
12. B
13. D
14. C
15. A
16. B
31
MAG-ISIP NG PANDAIGDIG KUMILOS NANG PAMBANSA
KONSEPTO
♦ Ang AIDS ay isang sakit na sanhi ng virus na HIV na umaatake sa immune system ng
tao. Ito ay nakamamatay na sakit na apekto ang humigit-kumulang sa 20 milyong tao sa
buong mundo. Ito ay karaniwang nakukuha sa diprotektadong pakikipagtalik. Maaari rin
itong makuha sa pagsasalo ng HIVinfected na karayom, pagsasalin ng dugo, organ
donations at ina-sa-sanggol na paglilipat habang nagbubuntis. Wala pang alam na lunas
ngayon sa sakit na AIDS.
♦ Ang mga ilegal na paraan ng pangingisda ay maaaring maglimita sa populasyon ng isda
at sumira sa mga kaligiran sa tubig. Ilang halimbawa nito ay ang pangingisda na
gumagamit ng dinamita at cyanide.
♦ Ang mga nakalalasong dumi ay solido, likido o ukol sa gas na waste na mapanganib sa
kalusugan ng tao at nakapipinsala rin ng kaligiran.
♦ Ang polusyon sa kapaligiran ay sanhi ng pagkakaipon ng mga mapanganib na waste sa
kaligiran.
♦ Ang mga mina sa lupa ay mga bomba na itinanim sa ilalim ng lupa noong pangalawang
Digmaang pandaigdig. Ito’y sumasabog kapag may nakatapak dito.
♦ Ang mga armas nukleyar ay mga armas na nagdudulot na maramihang pagkakasira.
♦ Ang mga alalahaning pambuong-mundo tulad ng mga isyu tungkol sa AIDS, polusyong
kaligiran, at peace and order ay nakakaapekto sa ating lahat. Ito ang dahilan kung bakit
kailangan nating makibahagi sa pagtutugon sa mga ito.
♦ Ang bawat isa sa atin ay kailangang magtrabaho upang matugunan ang mga
alalahaning pambuong-mundo na tinalakay sa araling ito. Iyun ay kung nais nating
manatili ang lahi natin sa susunod pang mga milyong taon.
♦ Kasama sa pambuong-mundo na pag-iisip at ang panglokal na pagkilos ay paggawa ng
kung ano iyong magagawa upang makatulong na matugunan ang mga alalahaning
pambuong-mundo na kinakaharap nating lahat sa ngayon.
PAGSUBOK
Sagutin ang sumusunod na mgat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang ibig sabihin ng AIDS?
32
a. isang sakit na nakakamatay
b. uri ng armas
c. istratehiya sa paglaban sa mga criminal
d. pandaigdigang pulisya
2. Ano ang mina sa lupa?
a. isang armas militar
b. isang uri ng lupa
c. isang piraso ng ari-arian
d. isang daang-yungib na ginagamit sa pagmimina ng mga mineral.
3. Anu-ano ang bumubuo sa nakalalasong dumi?
a. basura mula sa mga bahay
b. nakapipinsalang dumi dulot ng mga gawain ng tao
c. mga materyal mula sa halaman
d. napanis na pagkain
4. Ano ang sanhi ng polusyon sa kapaligiran?
a. pagtatambak o pagtapon ng mga halamang materyal sa iyong kapaligiran
b. pagtatambak o pagtapon ng mga nakapipinsalang substansiya sa iyong
kapaligiran
c. pagtatambak o pagtapon ng lupa sa iyong kapaligiran
d. pagtatambak o pagtapon ng maduming tubig sa iyong kapiligiran
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi isang paraan ng ilegal na pangingisda?
a. pangingisda na gumagamit ng dinamita
b. pangingisdang muro-ami
c. ang paggamit ng lambat na may malalaking butas
d. pangingisda na gumagamit ng cyanide.
6. Alin sa sumusunod ang HINDI nakatutulong na mabawasan ang polusyon.
a. paghiwa-hiwalay ng basurang nabubulok sa mga basurang dinabubulok
b. pagtapon ng basura sa mga ilog o karagatan
c. ang paggamit muli ng basura (recycling)
d. paglahok sa mga gawaing paglilinis ng kumunidad
7. Alin sa mga sumusunod ang mga posibleng paraan na makuha ang HIV at AIDS?
a. kagat ng lamok
b. di-protektadong na pakikipagtalik sa isang taong positibo sa HIV
33
c. magkakasam pakikipag-kamay sa isang tao na positibo ng HIV
d. paghalik sa pisngi ng kaibigang positibo ng HIV
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan upang maiwasan ang HIV infection?
a. pagiging matapat sa iisang katalik
b. paggamit ng proteksiyon sa tuwing magtatalik tulad ng mga kondom
c. paglayo sa mga taong may AIDS
d. pag-eksamen sa dugo bago gamitin sa mga transfusion
9. Bakit sinasabing ang AIDS ay isang pandaigdig na suliranin?
a. Ito ay naging isang pandemic, na nakaapekto sa humigit-kumulang 20
milyong tao sa buong mundo.
b. Ito ay may epekto lamang sa mga “maruruming” tao.
c. Ito ay nakaapekto sa mga Pilipino.
d. Ito ay hindi nakamamatay
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ilegal na pamamaraan ng pangingisda?
a. paggamit ng lambat na may malaking butas
b. paggamit ng lambat na may maliliit na butas
c. paggamit ng lason at iba pang mga nakapipinsalang kemikal
d. pangingisda na gumagamit ng dinamita.
11. Alin sa mga sumusunod ang posibleng pagmulan ng mga mapanganib na waste?
a. mga dahong nabubulok
b. infected na karayom at mga tinapong gamot ng hospital
c. mga kemikal na waste mula sa mga paggawaan
d. nakalalasong pintura, pampaputi ng damit o asido mula sa mga sambahayan
12. Ano na ang nagawa ng United Nations upang matugunan ang mga pandagdig na
suliranin?
a. Ito ay tumutulong sa mga kasapi at di-kasaping bansa na mapanatili ang
kapayapaan sa buong mundo
b. Matulungang matutugunan ang mga iba’t ibang suliranin ng mga bansa.
c. Magkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa.
d. Lahat ay tama.
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. A
34
2. A
3. B
4. D
5. C
6. B
7. B
8. C
9. A
10. A
11. A
12. D
35
MGA PANGUNAHING HEOGRAPIKAL NA KATANGIAN NG MUNDO
KONSEPTO
♦ Ang mga pangunahing katangiang heograpiko ng mundo ay ang mga kontinente,
karagatan, dagat, lawa, ilog, at bulubundukin.
♦ Ang Hilagang Polo ay matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng mundo samantalang
ang Timog Polo ay matatagpuan sa pinakatimog na nahagi ng mundo.
♦ Ang ekwador ay pahalang na linya na humahati sa mundo kaya may Hilagang
Hemisphere at Timog na Hemisphere.
♦ Ang prime meridian ay isang patayong linya na bumabagtas sa Greenwich sa England,
na kasama ng international date line, ay humahati sa mundo kaya may Silangan at
Kanlurang Hemisphere. Ang mga latitudinal na linya ay mga linyang imaginary na
bumabagtas mulang silangan tungo sa kanluran at sumusukat sa angular na distansiya
hilaga o timog ng ekwador.
♦ Ang mga longhitudinal na linya ay mga linyang imaginary na bumabagtas mulang hilaga
tungo sa timog at sumusukat sa angular na distansiya silangan o kanluran ng prime
meridian.
♦ Maraming katangiang heograpiko ang Pilipinas na maaari nating ipagmalaki. Kabilang
dito ang mga dagat, bulubundukin, burol, at iba pa, gaya ng Dagat Sulu, ang Dagat
Celebes, ang Dagat Pilipinas, ang Cordillera, Bundok Apo, ang Ilog Pasig, ang Ilog
Cagayan, ang Ilog Pagsanjan, ang Lawa ng Laguna, ang Lawa ng Buhi, ang lawa ng
Lanao, Boracay, Camiguin, ang Bulkang Mayon, ang Chocolate Hills, at pulo ng Corregidor.
PAGSUBOK
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Saang kontinente kabilang ang Pilipinas?
a. Europa
b. Asya
c. Timog Amerika
d. Africa
2. Tukuyin ang karagatang pinakamalapit sa Pilipinas.
a. Karagatang Pasipiko
b. Karagatang Antarktika
36
c. Karagatang Celebes
d. Karagatang Indian
3. Saan bahagi ng ekwador matatagpuan ang Pilipinas?
a. Timog Hemisphere
b. Hilagang Hemisphere
c. Silangang Hemisphere
d. Kanlurang Hemisphere
4. Dagat na napaliligiran ng tatlong continent
a. Dagat Caspian
b. Dagat na Pula
c. Dagat ng Kanlurang Pilipinas
d. Dagat Meditiranean
5. Pinakamahabang ilog sa buong mundo?
a. Ilog Euphrates
b. Ilog Nile
c. Ilog Jordan
d. Ilog Amazon
6. Ano ang pinakamaliit na kontinente?
a. Australia
b. Europa
c. Hilagang Amerika
d. Antarktika
7. Ano ang pinakatimog na kontinente?
a. Africa
b. Asya
c. Europa
d. Antarctica
8. Ano ang kontinenteng may pinakamalawak na lupain?
a. Europa
b. Asya
c. Africa
d. Timog Amerika
9. Ano ang kontinenteng may pinakamaraming bilang ng industriyalisadong bansa?
37
a. Europa
b. Hilagang Amerika
c. Timog Amerika
d. Asya
10. Itinuturing na “bagong mundo” noong unang panahon?
a. Australia
b. Timog Amerika
c. Hilagang Amerika
d. Afrika
11. Ano ang ikalawang pinakamalaking kontinente?
a. Africa
b. Europa
c. Timog Amerika
d. Hilagang Amerika
12. Ano-anong mga punto sa mundo ang bumubuo sa linya ng rotasyon o pag-inog?
a. Hilagang Hemisphere at Timog Hemisphere
b. Hilagang Polo at Timog Polo
c. Latitude
d. Longitude
Pag-aralan ang mapa at sagutin ang sumusunod na tanong.
38
13. Anong bansa ang may coordinates na 11° hilagang latitud, 122° silangang
longhitud?
a. Tsina
b. Japan
c. Malaysia
d. Pilipinas
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. B
2. A
3. B
4. D
5. B
6. A
7. D
8. B
9. A
10. A
11. A
12. B
13. D
39
MGA PANGUNAHING RELIHIYON SA BUONG MUNDO
KONSEPTO
♦ Ang limang pangunahing relihiyon sa buong daigdig ay: Kristiyanismo, Islam,
Hinduismo, Judaismo at Budismo. Pinakamaraming tagapaniwala ang mga relihiyong ito
sa buong daigdig.
♦ Sumusunod ang mga Kristiyano sa mga turo ni Kristo, lalo na sa kanyang mga kautusan
na dapat natin mahalin ang isa’t isa at mahalin ang Diyos nang higit sa lahat.
♦ Sumusunod ang mga Muslim sa kalooban o kagustuhan ng Diyos o ni Allah.
♦ Nagbibigay-halaga ang mga Hudyo (Jew) sa mga kautusan ng Diyos o ni Yahweh.
♦ Naniniwala ang mga Hindu sa isang makapangyarihang puwersa na kabuuan ng lahat
at siya ring humigit sa lahat ng bagay.
♦ Ninanais ng mga Buddist na makamit ang nirvana at maging malaya mula sa paghihirap
at ilusyon.
♦ Dapat nating igalang at maging mapagparaya sa paniniwala at kaugaliang panrelihiyon
ng ibang tao, kahit na ang mga ito ay naiiba sa ating pansariling paniniwala.
♦ Itinuturo ng iba’t ibang relihiyon sa daigdig ang magkakatulad na batayang
katotohanan, ngunit sa iba’t ibang paraan.
PAGSUBOK
Sagutin: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Itinuro ni Hesukristo sa mga tao na _____________.
a. dapat nilang mahalin ang kanilang sarili lamang.
b. dapat nilang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal nila sa sarili.
c. dapat nilang mahalin ang sarili higit sa iba.
d. wala sa mga ibinigay na sagot
2. Higit na binibigyan pagpapahalaga ng mga Muslim ang _____________.
a. pagsunod sa kalooban ni Allah
b. pagsunod sa kalooban ni Mohammed
c. pagsunod sa diwa ng digmaan
d. lahat ng sagot sa itaas
3. Naniniwala ang mga Hindu na ______________.
a. sagrado at dapat sambahin ang mga hayo
40
b. marurumi at dapat patayin ang mga hayop
c. sagrado lahat ng bagay at hindi dapat saktan ang anumang nabubuhay na
nilalang
d. wala sa mga ibinigay na sagot
4. Naniniwala ang mga Hudyo (Jew) na _________________.
a. higit na mahalaga ang pagkilos kaysa paniniwala
b. higit na mahalaga ang paniniwala kaysa sa pagkilos
c. walang halaga ang pagkilos at paniniwala
d. wala sa mga ibinigay na sagot
5. Ang layunin ng Buddhist ay __________________.
a. sambahin ang Buddha
b. sundin ang Buddha
c. mahalin ang Buddha
d. mamulat mula sa ilusyon
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. B
2. A
3. C
4. A
5. D
41
MGA PILIPINONG NAGBIGAY NG MAHALAGANG KONTRIBUSYON
KONSEPTO
Mga Filipino na nakapag-ambag nang malaki sa ating bayan sa nakaraang
panahon:
♦ Francisco Baltazar/Balagtas – sumulat ng awit na Florante at Laura
♦ Propesor Julian Felipe – sumulat ng himnong Marcha Nacional Filipina
♦ Jose Palma – sumulat ng Filipinas na naging batayan ng titik ng Pambansang Awit
♦ Fernando Amorsolo – kilala bilang “Dakilang Apo ng Sining sa Pilipinas”
♦ Guillermo Tolentino – kilala sa eskulturang tinatawag na Monumento ni Bonifacio
♦ Agapito Flores – nag-imbento ng ilaw-flourescent
♦ Eduardo San Juan – gumawa sa lunar rover o moon buggy
♦ Carlos P. Romulo – unang Asyano na naging Pangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng
United Nations
♦ Dr. Jose Rizal – sumulat ng Noli me tangere at El filibusterismo na nagmulat sa mga
Filipino laban sa tiraniya ng mga Espanyol
♦ Francisco Baltazar/Balagtas – Hari ng Mga Makatang Tagalog
♦ Propesor Julian Felipe – Kompositor ng Pambansang awit ng Pilipinas
♦ Jose Palma – Sumulat ng tula na naging batayan ng titik ng Pambansang awit
♦ Fernando Amorsolo – Ang Dakilang Apo ng Sining na Filipino
♦ Guillermo Tolentino – Klasikong Maestro ng Eskulturang Filipino
43
♦ Agapito Flores – Imbentor ng ilaw-flourescent
♦ Eduardo San Juan – Tagadisenyo ng lunar rover o moon buggy
♦ Carlos P. Romulo – Unang Asyano na naging Pangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng
United Nations
♦ Dr. Jose Rizal – sumulat ng Noli me tangere at El filibusterismo na nagmulat sa mga
Filipino laban sa tiraniya ng mga Espanyol
Mga Filipino na nakapag-ambag nang malaki sa ating bayan sa nakaraang mga taon:
♦ Lea Salonga – Kilala sa kanyang husay sa teatro at pag-awit tulad sa Miss Saigon
42
♦ Paeng Nepomuceno – Anim na ulit na kampeong pandaigdig sa bowling
♦ Efren “Bata” Reyes – Ang “Magician” ng Bilyard
♦ Napoleon Abueva – Ama ng Modernong Eskulturang Filipino
♦ Corazon C. Aquino – Ibinalik ang demokrasya sa Pilipinas
♦ Dr. Gregorio Zara – Nag-imbento ng makina ng eroplano na makalilipad na gamit ang
alkohol lamang.
PAGSUBOK
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Kilala si Lea Salonga sa buong mundo bilang ___________________ at
___________________.
a. Negosyante at turista
b. Mang-aawit at artista
c. Manunulat at nagpipinta
d. Mananayaw at musikera
2. Kilala si Efren “Bata” Reyes bilang ___________________ dahil sa paggawa ng mga
tirang imposible sa mga tournament ng bilyard.
a. Ang Sikat
b. Ang Mangangalakal
c. Ang “Magician”
d. Ang Basketbolista
3. Nasa ___________________ si Paeng Nepomuceno dahil sa pagiging kampeon ng
daigdig sa bawat naiibang dekada.
a. Encyclopedia
b. Time Magazine
c. Pelikula
d. Guinnes Book of World Records
4. Isang estudyante si Napoleon Abueva ng pumanaw na si
_________________________.
a. Guillermo Tolentino
b. Juan Luna
c. Jose Palma
d. Agapito Flores
43
5. Isang doktor si Dr. Fe del Mundo na gumawa ng inobasyon para sa
_________________________.
a. neurolohiya
b. physical theraphy
c. medisinang pediatriko
d. medisinang internal
6. Napanalunan ni Lea ang kanyang _____________________ sa kanyang pagganap
bilang Kim sa patok na musikal na Miss Saigon.
a. FAMAS Award
b. Oscar Award
c. Sir Laurence Olivier Award
d. MMFF Award
7. Pangunahing nagawa ng dating Pangulong Corazon C. Aquino na
_________________________ sa bansa.
a. pagpapasuko sa mga HUKBALAHAP
b. pagpapanumbalik ng demokrasya
c. pagpapatibay ng relasyon sa Amerika
d. pagpapalakas ng sandatahan ng Pilipinas
8. Ang _______________________ ni Napoleon Abueva ay isang nakataas na
eskultura ng siyam na hubo’t hubad na babae na nakapuwesto sa iba’t ibang
gawain.
a. Espoliarium
b. Oblation
c. Munumento ni Rizal
d. Siyam na Musa
9. Itinatag ni Dr. Fe del Mundo ang _________________________ sa Lungsod
Quezon.
a. Children’s Memorial Hospital
b. Philippine Heart Center
c. St. Luke’s Hospital
d. Philippine Government Hospital
10. Inimbento ni Dr. Gregorio Zara ang isang ________________________ na
tumatakbo sa simpleng alkohol lamang.
44
a. makina ng jeepney
b. makina ng eroplano
c. makina ng barko
d. makina ng traktura
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. B
2. C
3. D
4. A
5. C
6. C
7. B
8. D
9. A
10. B
45
MGA TAGAPAMAYAPANG PANDAIGDIG
KONSEPTO
♦ Kapag ang sariling kaguluhan ng isang bansa o kaguluhan sa iba ay naging banta sa
kapayapaang pandaigdig kailangang kumilos ang pamayanang pangdaigdig upang
maiwasan ang paglala ng kaguluhan.
♦ Nangangailangan ang pamayanang pandaigdig ng tagapamayapa upang malutas ang
kaguluhan at mapanatili at mapangalagaan ang kapayapaan.
♦ Upang masiguro ang kapayapaan ng mundo, ang mga samahang pandaigdig na
pinangungunahan ng United Nations ay dapat madaliin ang mga operasyong
pangkapayapaan upang maiwasan ang pagsabog ng mga kaguluhan.
♦ Ang mga samahang pangrehiyon tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO)
ay may napakahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga bansang
kasapi na nagkakagulo upang maiwasan ang paglala ng kaguluhan.
♦ Ang mga nagpapairal ng kapayapaan, hindi tulad ng mga tagapamayapa, ay ipinadadala
kahit walang pahintulot ng mga nagkakagulong pangkat. Maraming sandata ang mga ito
kaysa sa mga tagapamayapa.
♦ Isang samahang pandaigdig ang Organization of Islamic Conference (OIC) na may
layuning pag-isahin ang mga muslim sa buong mundo.
♦ Para maisagawa ang tungkulin ng UN na pagpapanatili ang kapayapaan, nakasalalay
ito sa mga sumusunod na kaanyuan ng operasyong pangkapayapaan:
− pagdisarma
− paggawa ng kapayapaan
− pagpapanatili ng kapayapaan
− makataong interbensiyon
− pagbuo ng kapayapaan
♦ Ang mga tungkulin ng tagapamayapa ng UN ay sumasaklaw mula sa paglalayo ng mga
magkagalit na panig. Tumutulong ang mga ito sa:
− pagsasagawa ng mga kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga magkasalungat
na panig;
− pagsubaybay sa tigil-putukan;
− gumawa ng mga lugar ng depensa o neutral;
46
− paggawa ng mga samahang politikal na nakakatrabaho ng pamahalaan, ng mga di-
panggobyernong samahan at ng mga mamamayan lokal na nagbibigay ng ginhawa sa
oras ng kagipitan, mapahinto ang mga nag-aaway at maisama ang mga ito salipunan; at
− paglinis ng mga mina; pag-organisa at pagsubaybay sa mga botohan
♦ Mahalagang malaman na ang mga tagapamayapa ay ipinadadala na may pahintulot ang
mga sangkot na bansa o panig.
♦ Ang mga tagapamayapa ay isang puwersang walang kinikilingan. Kailangan nilang
panatilihin ang kanilang pagiging makatarungan upang maiwasan ang paglaki ng
kaguluhan.
♦ Kailangan ang Tagapamayapang Pandaigdig upang maiwasan ang paglala ng mga
kaguluhan.
♦ Nagsisilbing tagapamagitan ang mga tagapamayapa sa mga di magkasundong panig.
Tumutulong ang mga ito na maayos ang kanilang kaguluhan nang mapayapa.
♦ Mahalaga na walang kikilingang panig at ang mga tagapamayapa upang makuha ang
tiwala ng bawat panig at magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan.
♦ May pinakamaraming nasira ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig at naging daan ito sa
pagtatag ng United Nations.
♦ Itinatag ang United Nations noong ika-24 ng Oktubre, 1945. Priyoridad nito ang
pagpapanatili ng kapayapaan sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang ideya na
magpadala ng mga tagapamayapa sa mga nagkakagulong lugar upang maiwasan ang
paglala ng mga kaguluhan.
PAGSUBOK
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Kailan nilikha ang United nations?
a. Oktubre 24, 1995
b. Oktubre 24, 1977
c. Oktubre 24, 1981
d. Oktubre 24, 1993
2. Ilan ang kasapi ng mga bansang nagkakaisa?
a. Siyamnaput lima
b. Tatlumpu’t lima
c. Dalawampu’t dalawa
47
d. Limampu’t isa
3. Ano ang layunin ng United Nations?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga bansa
b. Upang mapaunlad ang negosyo ng kasaping bansa.
c. Maiwasan ang isa pang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
d. Upang makontrol ang suplay ng langis.
4. Ito ang sangkap ng UN responsible sa pagpapatupad ng kanilang misyon.
a. Development Council
b. Konsehong Pangkalusugan
c. Policy Council
d. Security Council
5. Sino ang unang Asyanong nagging pangulo ng UN noong 1949 sa Fourth General
Assembly?
a. Carlos P. Romulo
b. Jovito Salonga
c. Sergio Osmeńa
d. Corazon Aquino
6. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa kahalagahan ng pagkakaroon
ng taong walang kinikilingan sa pagitan ng mga hindi magkasundong panig?
a. Pagkakaroon ng malaking posibilidad na makamit ang pagtitiwala ng
dalawang magkasalungat na panig
b. Napag-iigting ang alitan ng dalawang panig
c. Mahihikayat sila na posible ang mapayapang pakikipag-ayos sa pagitan nila.
d. Napaglalayo ang magkasalungat na panig at pagharapin ang mga ito
pagdating ng tamang oras.
7. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging dahilan ng pagkakatatag ng
United Nations?
a. Bilang resulta ng malulupit na epekto ng digmaan.
b. Upang itaguyod ang pakikipagtulungan sa mga bansa upang gawing
magandang tirahan ang mundo.
c. Ang mga pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan ay pinaiiral bilang
kasagutan sa mga kasiraang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
d. Lahat ng nabanggit.
48
8. Bakit kailangan ang mga Tagapamayapang Pandaigdig?
a. Upang gumanda ang takbo ng kalakalan sa buong mundo.
b. Upang tumulong na panatilihin ang kapayapaan sa buong mundo.
c. Upang lumakas ang ekonomiya
d. Upang matugunan ang pangangailangan tuwing may kalamidad.
9. Paano naglulunsad ng kapayapaan ang UN?
a. Pagbibigay ng pondo
b. Pagbibigay ng armas sa mga bansa
c. Magsilbing tagapamagitan o mediator sa dalawang naglalabang pwersa
d. Pagpapadala ng sundalo at armas nukleyar.
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. A
2. D
3. C
4. D
5. A
6. B
7. D
8. B
9. C
49
PAANO LUTASIN ANG MGA ALITAN
KONSEPTO
♦ Maaaring mangyari ang mga alitan kahit saan at kailan.
♦ Maaaring magkaroon ng mga alitan ang mga tao, grupo ng mga tao tulad ng mga
kompanya, komunidad o kahit mga bayan.
♦ Isang karaniwang dahilan ng alitan ay ang pagkakaiba sa kultura, ideya,
pinahahalagahan sa buhay, damdamin o mithiin.
♦ Maaaring humantong ang mga alitan sa negatibong resulta tulad ng awayan, nasirang
relasyon, labanan o digmaan pa nga.
♦ Sa paglutas ng alitan, importanteng makinig mabuti sa sinasabi ng kabilang panig.
♦ May iba’t ibang pamamaraan sa paglutas ng alitan. Ang mga ito’y: pag-iwas, maging
maunawain at mapagbigay, makipagkasundo, pakikipagkompetensiya, pagbabanta, at
pakikipagkumprontasyon.
♦ Ang pagiging maunawain, mapagbigay, at makipagsundo ay maaaring magkaroon ng
mas maraming positibong resulta kaysa iba pang pamamaraan.
♦ Ang pakikipagkumpitensya, pagbabanta at pakikipagkumprontasyon ay
makakapagpalubha ng alitan at makakasira ng relasyong hindi na maaaring ayusin ng
magkatunggaling panig.
♦ Ang pag-iwas ay puwedeng humantong sa isang positibong resulta dahil saglit na
makakalma ang mga panig na sangkot. Gayunman, kung patuloy na mag-iiwasan,
hinding-hindi malulutas ang alitan.
♦ Ang alitan ay hindi malulutas kung hindi magsisikap ang dalawang panig na lutasin ito.
Ang mga taong makakatulong sa paglutas ng alitan ay: ang ating mga nakakatanda, mga
opisyal ng barangay, hukuman at organisasyong internasyonal.
♦ Ang mga alitan ay maaaring resulta ng pagkakaiba sa kultura, ideya, paniniwala, layunin
at mithiin ng iba’t ibang tao, organisasyon at bansa.
♦ Maraming paraan sa pagpamagitan ng alitan pero ang mas importante’y pinakikinggan
ng mga tao at bayan ang panig ng isa’t isa at sinusuri ang mga ito. Sa pagiging bukas
lamang sa isa’t isa malulutas ang kanilang mga alitan o hindi pagkakasundo.
♦ Hindi lahat ng pamamaraan sa pagpamagitan ng alitan ay talagang makakalutas ng
mga alitan. Ang pakikipagkompetensiya, pagbabanta o pakikipagkumprontasyon sa isa
50
pang tao ay makakapagpalala lamang sa sitwasyon. Ang pag-iiwas, kung hindi naman ito
patatagalin, ay maaaring humantong sa positibong resulta. Pero kung hindi, mananatiling
hindi nalulutas ang alitan.
♦ Ang pakikipagsundo, pag-uunawa at mapagbigay sa isa’t isa ay pinakamahuhusay na
pamamaraan sa paglutas ng alitan dahil makikinabang sa pagkakasundo ang dalawang
panig at ang mga taong nakapaligid sa kanila.
♦ Ang mga alitang nilulutas agad ay makakapagdulot ng positibong resulta sa lahat ng
sangkot na panig. Makakapagpaganda ito ng relasyon ng mga tao at bansa. Sa kaso ng
mga grupo at organisasyon, hahantong ito sa pagbabago ng mga patakaran na
katanggap-tanggap at kapaki-pakinabang sa lahat.
PAGSUBOK
Sagutin: Ano ang magiging reaksiyon mo sa sumusunod na mga sitwasyon? Piliin ang ttitk
ng tamang sagot.
1. Nagtatalo kayo ng iyong kapatid na lalaki. Alam mong tama ka, pero iginigiit pa rin
niya ang kanyang panig.
a. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag ng kanyang panig
dahil alam kong tama ako.
b. Bibigyan ko siya ng pagkakataong magpaliwanag. Pagkaraan niyang
ipaliwanag ang kanyang panig, kalmadong ipapaliwanag ko naman ang aking
panig.
c. Sasabihin ko sa kanyang tama ako at dapat niya akong pakinggan.
d. Hahayaan ko sila baka ako pa ang papagbalingan nila.
2. May problema ang iyong barkada. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang
dalawa sa iyong mga kaibigan, sina Marco at Eric, kung sino ang mamamahala sa
maliit na negosyong pinaplanong itayo ng iyong barkada. Sinabi ni Marco kay Eric
na napakarami nitong gawain kaya hindi nito makakaya ang dagdag pang
responsibilidad. Sa kabilang banda, iginigiit ni Eric na dapat bigyan ng kanya-
kanyang tungkulin ang lahat. Bilang miyembro ng grupo, ano ang gagawin mo
para malutas ang alitan na ito?
a. Iiwasan kong masangkot sa kanilang alitan. May sarili akong tungkulin kaya
iuukol ko lamang ang sarili ko dito. Hahayaan ko silang harapin nilang dalawa
ang kanilang problema.
51
b. Kakampi ako kay Eric. Sasabihin ko kay Marco na makasarili siya at walang
pakiramdam. Sasabihin ko sa kanya na bilang miyembro ng grupo dapat din
siyang magkaroon ng responsibilidad kung hindi’y kumalas na lamang siya sa
barkada. Hindi namin kailangan ang katulad niya.
c. Kakampi ako kay Marco. Kung talagang marami siyang trabaho, mas
makakabuti sa grupo na huwag siyang bigyan ng dagdag na responsibilidad.
Kapag ganyan ang mangyari, hindi namin siya masyadong aasahan.
Matutulungan din namin si Marco na magampanan niya ng mas mahusay ang
kasalukuyan niyang mga tungkulin.
d. Wala akong kakampihan sa kanilang dalawa. Pareho silang kaibigan ko kaya
iiwasan kong kumampi kahit kanino sa kanilang dalawa. Sa halip, pakikinggan
ko silang mabuti. Pagkaraan, iaayos ko ang kanilang diyalago upang
makapag-usap sila. Hihikayatin ko na maghanap sila ng posibleng solusyon
na katanggap-tanggap sa kanilang dalawa.
3. Nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa iyo ang isa sa iyong mga kapitbahay.
Sinasabi niya sa iba mo pang mga kapitbahay na itinaas ang iyong posisyon sa
trabaho dahil kaibigan mo ang tagapamahala ng inyong kompanya. Sinabi pa
niyang hindi ka karapat-dapat sa promosyon na iyon. Ano ang gagawin mo?
a. Kakausapin ko siya at tatanungin ko kung bakit niya ipinagkalat ang
kasinungalingan tungkol sa akin. Hahayaan kong ipaliwanag niya ang
kanyang panig. Pagkatapos, ipapaliwanag ko sa kanya nang mahinahon ang
tunay na dahilan kung bakit tumaas ang posisyon ko sa trabaho.
b. Susugurin ko siya at hahamunin na patunayan niya ang kanyang mga
bintang.
c. Magbibitiw ako sa aking posisyon at maghahanap ng ibang trabaho.
d. Sasabihin ko sa kanya na bawiin niya ang kanyang sinabi at humingi siya sa
akin ng paumanhin sa harap ng maraming tao. Kung hindi niya ito gagawin,
bilang nakakataas sa kanya, gagamitin ko ang aking kapangyarihan na
matanggal siya sa trabaho.
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. B
2. D
3. A
52
SAAN SA MUNDO
KONSEPTO
♦ Ang mapa isang lapat na representasyon ng daigdig o bahagi nito.
♦ Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente: Asya, Europa, Hilagang Amerika, Timog
Amerika, Afrika, Australia at Antartika.
♦ Ang kontinente ay mas malaki kaysa sa isang bansa. Sa katunayan, maraming bansa ang
bumubuo sa isang kontinente. Subalit ang Australia ay parehong bansa at kontinente.
♦ Ang G8 o Grupo ng Walo ay tumatalakay sa mga bansang itinuturing na lider pang-
ekonomiko at politikal sa daigdig. Sila ang walong pinakamaunlad na mga bansa sa
daigdig ngayon.
♦ Ang G8 ay binubuo ng Canada, Pransiya, Alemanya, Italya, Hapon, United Kingdom, ang
Estados Unidos ng Amerika at Tsina.
♦ Sa kabisera ng isang bansa ay kadalasang matatagpuan ang luklukan ng pamahalaan.
Mas madalas kaysa sa hindi, ito ay isang lungsod.
♦ Ang kabisera ng isang bansa ay madalas na minamarkahan ng isang bituin o malaking
tuldok sa mapa ng bansang iyon.
♦ Ang mga lungsod ay lugar na tinitirhan ng malaking populasyon at sukat o mas
mahalaga kaysa sa bayan o nayon.
PAGSUBOK
1. Ano ang kabisera ng Estados Unidos?
a. California
b. Washington D.C.
c. Florida
d. San Francisco
2. Ano ang pinakamalaking lungsod sa Timog Amerika?
a. Colombia
b. Peru
c. Brasilia
d. Espanya
53
3. Sa anong lungsod tinatawag ng mga tao ang sarili bilang “porteños”?
a. Buenos Aires
b. Lima
c. El Salvador
d. Rio de Janeiro
4. Ano ang pinakamalaking lungsod sa Afrika?
a. Johannesburg
b. Cairo
c. Alexandria
d. Cape Town
5. Ano ang bansang kilala bilang kabisera ng mga turista sa daigdig?
a. Pransiya
b. Italya
c. Estados Unidos
d. Hong Kong
6. Alin sa mga sumusunod na mga bansa sa Asya ang kabilang sa mga miyembro ng G8?
a. Singapore at Japan
b. Saudi Arabia at China
c. Japan at China
d. Taiwan at India
7. Saang bansa mahahanap ang lungsod ng Vatican?
a. Pransiya
b. Espanya
c. Estados Unidos
d. Italya
8. Anong kontinente ang bansa din?
a. Australia
b. Africa
c. Europa
d. Amerika
9. Ano ang ibig sabihin ng mga inisyal na D.C. sa “Washington, D.C.”?
a. Dynamic City
b. District of Columbia
54
c. Direct Current
d. Destiny City
10. Anong lungsod ang kilala bilang “Lungsod ng mga Ilaw”?
a. London
b. Barcelona
c. Roma
d. Paris
11. Anu-ano ang tatlong lungsod na may plano at itinayo upang maging kabisera ng
kanilang bansa?
a. Brasilia, Manila, Brunei Darussalam
b. Washington D.C., Vienna, Berlin
c. Paris, Brasilia, Washington D.C.
d. Milano, Moscow, Dublin
12. Anong lungsod ang kabisera ng pangalawa sa pinakamalaking bansa sa buong mundo?
a. Ontario
b. Toronto
c. Vancouver
d. Edmonton
13. Ano ang pinakamalaking lungsod sa Asya?
a. Tokyo
b. Shanghai
c. Bangalore
d. Metro Manila
14. Saang lungsod ginanap ang 2000 Summer Olympics?
a. Brasilia
b. Sydney
c. Beijing
d. Stockholm
15. Aling lungsod ang kilala bilang “Fashion Capital of the World”?
a. Paris
b. Madrid
c. Glasgow
d. Istanbul
55
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. B
2. C
3. A
4. D
5. A
6. C
7. D
8. A
9. B
10. D
11. C
12. A
13. A
14. B
15. A
56
TULONG INTERNATIONAL
KONSEPTO
♦ Ang tulong internasyonal ay tulong na ipinagkakaloob ng mga bansa sa isa’t isa. Ito ay
maaaring nasa anyo ng kagamitan, serbisyo, o kapital. Ang mga may-kaloob o donor ay
maaaring maging multilateral o bilateral. Ang Pilipinas ay kasali rin sa pagbigay at
pagtanggap ng tulong.
♦ Ang tulong ay ibinibigay sa panahon ng krisis tulad ng lindol, bagyo o unos, pagsabog
ng bulkan, giyera, atbp. Ang tawag sa uri ng tulong na ito ay dagliang tulong o tulong sa
panahon ng matinding pangangailangan. Ang tulong ay maaari ring ibigay sa isang bansa
upang umunlad ang edukasyon, kalusugan, kapaligiran, agrikultura, at inprastraktura. Ang
tawag dito ay tulong pangkaunlaran. Ito ay maaaring ibigay bilang isang alay o abuloy, o
bilang isang utang.
♦ Maaaring magpabago ng buhay ng maraming tao ang tulong internasyonal. Nagbibigay
ito ng pagkakataon sa mga bansa na maging mabuting kapitbansa at tumulong sa isa’t
isa sa mahihirap na sitwasyon. Ang tulong ay magagamit ng mga batang kulang sa
edukasyon, mga magsasakang nagnanais kumita ng mas malaki, at mga taong may sakit
na nangangailangan ng mga gamot at pangangalaga sa kalusugan. Ang tulong ay maaari
ring gamitin sa pagpapatayo ng mga tulay, daan, dam, sentrong pangkalusugan, klinika,
paaralan at iba pa.
♦ Subalit ang tulong pangkaunlaran ay nangangahulugan din ng paghiram ng pera dahil
ang karamihan sa tulong na ipinagkakaloob ng mga organisasyong multilateral ay utang.
May mga kondisyon ding dapat sundin ang tumatanggap ng tulong. Naniniwala ang ibang
tao na ang paghihintay sa tulong ay magbubunga lamang nang kaugaliang maging
palaasa tayo sa ibang bansa. Dahil sa mga kadahilanang ito, hindi sang-ayon ang ibang
tao sa tulong internasyonal.
PAGSUBOK
1. Nang maganap ang lindol sa Baguio noong 1990, maraming tagapagligtas ang
dumating upang sagipin ang mga taong natabunan ng mga gumuhong gusali.Anong
uri ng tulong ang kinakailangan sa sitwasyong ito?
a. Kapital
57
b. Kagamitan
c. Serbisyo
d. Lahat ng nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ng United Nations na nagpapahiram ng pera at
nagbibigay ng tulong sa mga bansang nangangailangan.
a. World Food Program
b. World Bank
c. UNCHR
d. UNICEF
3. Ito ay uri ng tulong ibinibigay lamang ng isang bansa sa isa pang bansa.
a. Unilateral
b. Bilateral
c. Multilateral
d. International
4. Responsibilidad nito ang pangangasiwa ng pagbibigay ng tulong pinansiyal ng
pamahalaang Australia sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
a. Australian Aid (AUSAID)
b. International Needs Assessment (INA)
c. International Womens Development
d. Agency(IWDA) Australian Council for International Development (ACID)
5. Paano nagbibigay ng tulong ang Pilipinas para sa kaunlaran ng ibang bansa?
a. Pagpapadala ng mga domestic helpers sa mga bansa.
b. Pagpapadala ng mga Pilipinong scholars sa mga bansang nangangailangan ng
tulong
c. Sa pamamagitan ng pagiging aktibong kasapi ng United Nations.
d. Pagbibigay ng pera sa mga bansang nangangailangan.
BATAYAN SA PAGWAWASTO
1. D
2. B
3. B
4. A
5. C
58

More Related Content

What's hot

A research about the Bakunawa
A research about the BakunawaA research about the Bakunawa
A research about the Bakunawa
Apolinario Katipunan
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
jenncadmumar
 
Ang tugmang de gulong
Ang tugmang de gulongAng tugmang de gulong
Ang tugmang de gulong
Jenita Guinoo
 
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdfAP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AntonetteRici
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
marryrosegardose
 
Mga uri ng pang abay
Mga uri ng pang abayMga uri ng pang abay
Mga uri ng pang abayvianic101524
 
Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)
Erwin Maneje
 
Bahagi ng globo
Bahagi ng globoBahagi ng globo
Bahagi ng globo
Helen de la Cruz
 
Katangian ng isang bansang maunlad
Katangian ng isang bansang maunladKatangian ng isang bansang maunlad
Katangian ng isang bansang maunlad
Den Zkie
 
Maagang pakikipagrelasyon.
Maagang pakikipagrelasyon.Maagang pakikipagrelasyon.
Maagang pakikipagrelasyon.AnGel del Mundo
 
Alamat ng Marinduque
Alamat ng MarinduqueAlamat ng Marinduque
Alamat ng Marinduque
Micah January
 
Wastong pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ng pilipinas
Wastong pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ng pilipinasWastong pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ng pilipinas
Wastong pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ng pilipinas
EDITHA HONRADEZ
 
Pagbuo ng KOMIKS STRIP
Pagbuo ng KOMIKS STRIPPagbuo ng KOMIKS STRIP
Pagbuo ng KOMIKS STRIP
bryanramos49
 
Mina ng ginto demo teaching(smy)
Mina ng ginto demo teaching(smy)Mina ng ginto demo teaching(smy)
Mina ng ginto demo teaching(smy)
shiela mae yamson
 
Grade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleGrade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino Module
Earl Estoque
 
Maikling tula
Maikling tulaMaikling tula
Maikling tula
Jered Adal
 
Mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para kaunlaran
Mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para kaunlaranMga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para kaunlaran
Mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para kaunlaran
Alice Bernardo
 
KARUNUNGANG-BAYAN
KARUNUNGANG-BAYANKARUNUNGANG-BAYAN
KARUNUNGANG-BAYAN
Wimabelle Banawa
 

What's hot (20)

A research about the Bakunawa
A research about the BakunawaA research about the Bakunawa
A research about the Bakunawa
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
 
Ang tugmang de gulong
Ang tugmang de gulongAng tugmang de gulong
Ang tugmang de gulong
 
(Likas na yaman)
(Likas na yaman)(Likas na yaman)
(Likas na yaman)
 
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdfAP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
 
Mga uri ng pang abay
Mga uri ng pang abayMga uri ng pang abay
Mga uri ng pang abay
 
Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)
 
Bahagi ng globo
Bahagi ng globoBahagi ng globo
Bahagi ng globo
 
Katangian ng isang bansang maunlad
Katangian ng isang bansang maunladKatangian ng isang bansang maunlad
Katangian ng isang bansang maunlad
 
Maagang pakikipagrelasyon.
Maagang pakikipagrelasyon.Maagang pakikipagrelasyon.
Maagang pakikipagrelasyon.
 
Alamat ng Marinduque
Alamat ng MarinduqueAlamat ng Marinduque
Alamat ng Marinduque
 
Wastong pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ng pilipinas
Wastong pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ng pilipinasWastong pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ng pilipinas
Wastong pagpapahalaga sa pinagkukunang yaman ng pilipinas
 
Pagbuo ng KOMIKS STRIP
Pagbuo ng KOMIKS STRIPPagbuo ng KOMIKS STRIP
Pagbuo ng KOMIKS STRIP
 
Mina ng ginto demo teaching(smy)
Mina ng ginto demo teaching(smy)Mina ng ginto demo teaching(smy)
Mina ng ginto demo teaching(smy)
 
Grade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleGrade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino Module
 
Maikling tula
Maikling tulaMaikling tula
Maikling tula
 
Longitude at latitude
Longitude at latitudeLongitude at latitude
Longitude at latitude
 
Mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para kaunlaran
Mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para kaunlaranMga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para kaunlaran
Mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para kaunlaran
 
KARUNUNGANG-BAYAN
KARUNUNGANG-BAYANKARUNUNGANG-BAYAN
KARUNUNGANG-BAYAN
 

Similar to PRACTICE TEST IN BAHAGI V-PAGPAPALAWAK NG PANANAW

GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERGABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
Precious Sison-Cerdoncillo
 
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
Precious Sison-Cerdoncillo
 
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptxPPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
sunshinecasayuran2
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
PreSison
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Precious Sison-Cerdoncillo
 
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptxAP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
nanz18
 
Araling Panlipunan Grade 8 week 1
Araling Panlipunan Grade 8 week 1Araling Panlipunan Grade 8 week 1
Araling Panlipunan Grade 8 week 1
Andy Trani
 
AP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxAP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptx
MitsukeMitsuke
 
AP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxAP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptx
maryrose918742
 
Aralin 1 powerpoint presentation
Aralin 1 powerpoint presentationAralin 1 powerpoint presentation
Aralin 1 powerpoint presentation
Mark Bryan Ulalan
 
DLL_ARALING PAnlipunan2023-24quarter2888
DLL_ARALING PAnlipunan2023-24quarter2888DLL_ARALING PAnlipunan2023-24quarter2888
DLL_ARALING PAnlipunan2023-24quarter2888
NORELISONGCO1
 
AP 8 - Q1 - Module 1.pptx
AP 8 - Q1 - Module 1.pptxAP 8 - Q1 - Module 1.pptx
AP 8 - Q1 - Module 1.pptx
StevAlvarado
 
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Jessie Papaya
 
TG-Kasaysayan-ng-Daigdig-Q1-Q4.pdf
TG-Kasaysayan-ng-Daigdig-Q1-Q4.pdfTG-Kasaysayan-ng-Daigdig-Q1-Q4.pdf
TG-Kasaysayan-ng-Daigdig-Q1-Q4.pdf
CHRISTINELIGNACIO
 
Ap 9 tg kasaysayan ng daigdig
Ap 9 tg kasaysayan ng daigdigAp 9 tg kasaysayan ng daigdig
Ap 9 tg kasaysayan ng daigdig
Jared Ram Juezan
 
Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM
Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAMAraling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM
Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM
IVYMARNARANJO
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
PreSison
 
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docxGrade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
BaptistBataan
 

Similar to PRACTICE TEST IN BAHAGI V-PAGPAPALAWAK NG PANANAW (20)

GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERGABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
GABAY SA PAGTUTURO PARA SA MODYUL I_KASAYSAYAN NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTERMODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
MODYUL I_HEOGRAPIYA NG DAIGDIG_GRADE 8 FIRST QUARTER
 
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptxPPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
PPT-Araling Panlipunan 7 Quarter 1Week1.pptx
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
Aralin 1 Heograpiya ng Daigdig - Unang Markahan_Mahabang Pagsusulit sa AP 8
 
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptxAP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
AP 5 QUARTER 1 WEEK 1.pptx
 
Araling Panlipunan Grade 8 week 1
Araling Panlipunan Grade 8 week 1Araling Panlipunan Grade 8 week 1
Araling Panlipunan Grade 8 week 1
 
hekasi
 hekasi hekasi
hekasi
 
AP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxAP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptx
 
AP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptxAP Week 1 updated.pptx
AP Week 1 updated.pptx
 
Aralin 1 powerpoint presentation
Aralin 1 powerpoint presentationAralin 1 powerpoint presentation
Aralin 1 powerpoint presentation
 
DLL_ARALING PAnlipunan2023-24quarter2888
DLL_ARALING PAnlipunan2023-24quarter2888DLL_ARALING PAnlipunan2023-24quarter2888
DLL_ARALING PAnlipunan2023-24quarter2888
 
AP 8 - Q1 - Module 1.pptx
AP 8 - Q1 - Module 1.pptxAP 8 - Q1 - Module 1.pptx
AP 8 - Q1 - Module 1.pptx
 
week-1-AP Sept.4-8.docx
week-1-AP Sept.4-8.docxweek-1-AP Sept.4-8.docx
week-1-AP Sept.4-8.docx
 
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
 
TG-Kasaysayan-ng-Daigdig-Q1-Q4.pdf
TG-Kasaysayan-ng-Daigdig-Q1-Q4.pdfTG-Kasaysayan-ng-Daigdig-Q1-Q4.pdf
TG-Kasaysayan-ng-Daigdig-Q1-Q4.pdf
 
Ap 9 tg kasaysayan ng daigdig
Ap 9 tg kasaysayan ng daigdigAp 9 tg kasaysayan ng daigdig
Ap 9 tg kasaysayan ng daigdig
 
Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM
Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAMAraling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM
Araling Panlipunan GRADE 7 UNANG MARKAHAN EXAM
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
 
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docxGrade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
Grade7-DLL-First-Grading ARALING PANLIPUNAN SEPT.2022.docx
 

More from Vicente Antofina

ALS Lesson Log on MYDev Life Skills Module 2 Personal Development (Sessions 1-3)
ALS Lesson Log on MYDev Life Skills Module 2 Personal Development (Sessions 1-3)ALS Lesson Log on MYDev Life Skills Module 2 Personal Development (Sessions 1-3)
ALS Lesson Log on MYDev Life Skills Module 2 Personal Development (Sessions 1-3)
Vicente Antofina
 
ALS Form 2-Enrollment Form
ALS Form 2-Enrollment FormALS Form 2-Enrollment Form
ALS Form 2-Enrollment Form
Vicente Antofina
 
MyDev Life Skills module-2-interpersonal-communication
MyDev Life Skills module-2-interpersonal-communicationMyDev Life Skills module-2-interpersonal-communication
MyDev Life Skills module-2-interpersonal-communication
Vicente Antofina
 
Mydev Life Skills Opening Activity
Mydev Life Skills Opening Activity Mydev Life Skills Opening Activity
Mydev Life Skills Opening Activity
Vicente Antofina
 
Sample Lesson Log on MYDev Life Skills Opening Activity
Sample Lesson Log on MYDev Life Skills Opening ActivitySample Lesson Log on MYDev Life Skills Opening Activity
Sample Lesson Log on MYDev Life Skills Opening Activity
Vicente Antofina
 
LIFE SKILLS opening-activity
LIFE SKILLS opening-activityLIFE SKILLS opening-activity
LIFE SKILLS opening-activity
Vicente Antofina
 
ALS Schedule of Classes 2019
ALS Schedule of Classes 2019 ALS Schedule of Classes 2019
ALS Schedule of Classes 2019
Vicente Antofina
 
Budget of Work for LS 1 Communication Skills in English
Budget of Work for LS 1 Communication Skills in EnglishBudget of Work for LS 1 Communication Skills in English
Budget of Work for LS 1 Communication Skills in English
Vicente Antofina
 
ALS Learners' Attendance Record and Intervention Utilized
ALS Learners' Attendance Record and Intervention UtilizedALS Learners' Attendance Record and Intervention Utilized
ALS Learners' Attendance Record and Intervention Utilized
Vicente Antofina
 
Weekly Learning Competency Directory and Test Item Bank
Weekly Learning Competency Directory and Test Item BankWeekly Learning Competency Directory and Test Item Bank
Weekly Learning Competency Directory and Test Item Bank
Vicente Antofina
 
Clean Up Drive Activity Completion Report
Clean Up Drive Activity Completion Report Clean Up Drive Activity Completion Report
Clean Up Drive Activity Completion Report
Vicente Antofina
 
Clean Up Drive Activity Design
Clean Up Drive Activity DesignClean Up Drive Activity Design
Clean Up Drive Activity Design
Vicente Antofina
 
Week 1 Lesson Log for ALS
Week 1 Lesson Log for ALSWeek 1 Lesson Log for ALS
Week 1 Lesson Log for ALS
Vicente Antofina
 
My 2018 ALS-RPMS Table of Contents
My 2018 ALS-RPMS Table of ContentsMy 2018 ALS-RPMS Table of Contents
My 2018 ALS-RPMS Table of Contents
Vicente Antofina
 
Task Sheets in Nail Art
Task Sheets in Nail ArtTask Sheets in Nail Art
Task Sheets in Nail Art
Vicente Antofina
 
Practice Test in Science
Practice Test in SciencePractice Test in Science
Practice Test in Science
Vicente Antofina
 
REVIEW TEST ON BODY SYSTEMS
REVIEW TEST ON BODY SYSTEMSREVIEW TEST ON BODY SYSTEMS
REVIEW TEST ON BODY SYSTEMS
Vicente Antofina
 
ALS A&E REVIEWER IN MATHEMATICS
ALS A&E REVIEWER IN MATHEMATICSALS A&E REVIEWER IN MATHEMATICS
ALS A&E REVIEWER IN MATHEMATICS
Vicente Antofina
 
Beginning computer basics exercise
Beginning computer basics exercise Beginning computer basics exercise
Beginning computer basics exercise
Vicente Antofina
 
Beginning computer basics
Beginning computer basics Beginning computer basics
Beginning computer basics
Vicente Antofina
 

More from Vicente Antofina (20)

ALS Lesson Log on MYDev Life Skills Module 2 Personal Development (Sessions 1-3)
ALS Lesson Log on MYDev Life Skills Module 2 Personal Development (Sessions 1-3)ALS Lesson Log on MYDev Life Skills Module 2 Personal Development (Sessions 1-3)
ALS Lesson Log on MYDev Life Skills Module 2 Personal Development (Sessions 1-3)
 
ALS Form 2-Enrollment Form
ALS Form 2-Enrollment FormALS Form 2-Enrollment Form
ALS Form 2-Enrollment Form
 
MyDev Life Skills module-2-interpersonal-communication
MyDev Life Skills module-2-interpersonal-communicationMyDev Life Skills module-2-interpersonal-communication
MyDev Life Skills module-2-interpersonal-communication
 
Mydev Life Skills Opening Activity
Mydev Life Skills Opening Activity Mydev Life Skills Opening Activity
Mydev Life Skills Opening Activity
 
Sample Lesson Log on MYDev Life Skills Opening Activity
Sample Lesson Log on MYDev Life Skills Opening ActivitySample Lesson Log on MYDev Life Skills Opening Activity
Sample Lesson Log on MYDev Life Skills Opening Activity
 
LIFE SKILLS opening-activity
LIFE SKILLS opening-activityLIFE SKILLS opening-activity
LIFE SKILLS opening-activity
 
ALS Schedule of Classes 2019
ALS Schedule of Classes 2019 ALS Schedule of Classes 2019
ALS Schedule of Classes 2019
 
Budget of Work for LS 1 Communication Skills in English
Budget of Work for LS 1 Communication Skills in EnglishBudget of Work for LS 1 Communication Skills in English
Budget of Work for LS 1 Communication Skills in English
 
ALS Learners' Attendance Record and Intervention Utilized
ALS Learners' Attendance Record and Intervention UtilizedALS Learners' Attendance Record and Intervention Utilized
ALS Learners' Attendance Record and Intervention Utilized
 
Weekly Learning Competency Directory and Test Item Bank
Weekly Learning Competency Directory and Test Item BankWeekly Learning Competency Directory and Test Item Bank
Weekly Learning Competency Directory and Test Item Bank
 
Clean Up Drive Activity Completion Report
Clean Up Drive Activity Completion Report Clean Up Drive Activity Completion Report
Clean Up Drive Activity Completion Report
 
Clean Up Drive Activity Design
Clean Up Drive Activity DesignClean Up Drive Activity Design
Clean Up Drive Activity Design
 
Week 1 Lesson Log for ALS
Week 1 Lesson Log for ALSWeek 1 Lesson Log for ALS
Week 1 Lesson Log for ALS
 
My 2018 ALS-RPMS Table of Contents
My 2018 ALS-RPMS Table of ContentsMy 2018 ALS-RPMS Table of Contents
My 2018 ALS-RPMS Table of Contents
 
Task Sheets in Nail Art
Task Sheets in Nail ArtTask Sheets in Nail Art
Task Sheets in Nail Art
 
Practice Test in Science
Practice Test in SciencePractice Test in Science
Practice Test in Science
 
REVIEW TEST ON BODY SYSTEMS
REVIEW TEST ON BODY SYSTEMSREVIEW TEST ON BODY SYSTEMS
REVIEW TEST ON BODY SYSTEMS
 
ALS A&E REVIEWER IN MATHEMATICS
ALS A&E REVIEWER IN MATHEMATICSALS A&E REVIEWER IN MATHEMATICS
ALS A&E REVIEWER IN MATHEMATICS
 
Beginning computer basics exercise
Beginning computer basics exercise Beginning computer basics exercise
Beginning computer basics exercise
 
Beginning computer basics
Beginning computer basics Beginning computer basics
Beginning computer basics
 

PRACTICE TEST IN BAHAGI V-PAGPAPALAWAK NG PANANAW

  • 1. 1 ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS) ACCREDITATION AND EQUIVALENCY (A&E) SYSTEM REVIEWER PARA SA BAHAGI V PAGPAPALAWAK NG PANANAW COMPILED BY: VICENTE R. ANTOFINA, JR. – MT, Hernani Cluster Head Members: ROEL ADOR-DALSC, Maydolong MICHELLE DITALO-MT, Maydolong MERVIN BORAC-DALSC, Balangkayan ROSABETH COPADA - MT, Balangkayan OLIVER GUIAL – DALSC, Llorente GLENDA ASADON – MT, Llorente ROSALIA EJADA – MT, Llorente EUPHROSYNE G. TIU – DALSC, Hernani ENRIQUE CORRE – DALSC, Gen. MacArthur JANE MAGALONA – MT, Gen MacArthur BRIAN BAGARINO – MT, Geen. MacArthur
  • 2. 2 TALAAN NG NILALAMAN Aralin Pahina Ang Mundo Ayon sa Mapa 2 Ipagdiwang Natin ang Pagkakaiba ng Ating Kultura 6 Mga Awit, Sayaw at Laro sa Asya 10 Masasarap na Pagkain ng Asya 15 Nakaugnay Tayo sa Mundo 18 Ang Ating Pamilya sa Nagbabagong Panahon 22 Ang Utang Panlabas ng Pilipinas 26 Mag-isip Nang Pandaigdig Kumilos Nang Pambansa 30 Mga Pangunahing Katangiang Heograpikal ng Mundo 34 Mga Pangunahing Relihiyon sa Buong Mundo 38 Mga Pilipinong Nagbigay ng Mahahalagang Kontribusyon 40 Mga Tagapayapang Pandaigdig 44 Paano Lutasin ang mga Alitan 48 Saan sa Mundo 51 Tulong International 55
  • 3. 3 ANG MUNDO AYON SA MAPA KONSEPTO: ♦Pinaniniwalaang sa unang panahon na iisa lamang ang kontinente. Ang kontinenteng ito kalaunan, ang nahati ito sa maraming kontinente; ♦ Binubuo ng malalaking mass ng lupain ang kontinente. Maraming mga bansa ang matatagpuan sa isang kontinente; ♦ Ang pitong kontinente ng mundo ay Asya, Africa, Antarctica, Australia, Europa, Hilaga at Timog Amerika; ♦ Ang Antarctica sa kabilang ay isang kontinente lamang. Walang naninirahan dito. Ito ay eksklusibong ginagamit para sa pananaliksik; ♦ Ang bawat kontinente ay matatagpuan sa bawat sulok ng mundo; ♦ Ang bawat bansa sa bawat kontinente ay mayroong maiihahandog na iba’t ibang atraksiyon at makukulay na mga tao na talagang kakaiba at walang katulad. ♦ Ang mga kontinente, gaya ng iminumungkahi ng Continental Drift Theory, ay nabuo bilang resulta ng paggalaw sa ibabaw at ilalim ng rabaw ng mundo. ♦ Ang rabaw ng mundo ay kinakatawan sa isang mapa. Ang mga bahaging ito ay maaaring hugis o anyong kontinente, mga bansa, mga lawas ng tubig, bulubundukin, at iba pa. ♦ Matatagpuan sa mapa ang mga impormasyong nagpapadali sa paghahanap ng mga bahagi ng rabaw ng mundo. ♦ Ang mga mahahalagang impormasyon mula sa simple hanggang sa pangunahing direksiyon, mga latitude, mga longitude, ang ekwador, at ang prime meridian ay mga “kagamitang” ginagamit upang matagpuan ang isang punto saan mang lupalop sa mundo. ♦ Ang pag-aaral sa pagbabasa ng mapa ay edukasyonal at interesante, gaya ng anumang paglalakbay. ♦ Ang mapa ang humihikayat sa ating kuryosidad at nagiging interesado tayong malaman ang tungkol sa mga banyagang lupain.
  • 4. 4 ♦ Ang pagkilala sa mga banyagang bansa ay hindi lamang limitado sa mga pisikal na katangian ng isang partikular na pook, kung hindi pati na rin ang mga taong nakatira dito. ♦ Ang kaalaman na ang mga taong mula sa ibang bansa ay magkakatulad o magkakaiba sa maraming paraan ang nagpapadali sa atin na makaugnay at tanggapin ang mga pagkakatulad ng mga tao, at higit na mahalaga, ang ating mga pagkakaiba. PAGSUBOK Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ang ___________ ay isang mabisang gamit upang matagpuan ang isang partikular na pook sa rabaw ng mundo. a. kartero b. mapa c. mga direksiyon d. kompas 2. Ang itaas, ibaba, kanan, kaliwa, silangan, kanluran, hilaga, at timog ay mga halimbawa ng mga salitang __________. a. latitude b. nagbibigay ng direksiyon c. longitude d. mapa 3. Ang ____________ ay tinatawag minsan na parallels. a. mapa b. latitude c. longitude d. mga salitang nagbibigay ng direksiyon 4. NEWS ay tumatayo para sa silangan, kanluran, _____, at ______. a. longitude at latitude b. ang ekwador at prime meridian c. direksiyon sa mapa d. hilaga at timog 5. Ang mundo ay nahahati sa apat na __________: Hilaga, Timog, Silangan, Kanlurang hemispehere. a. hemispheres b. mga mapa c. mga salitang nagbibigay ng direksiyon d. latitude 6. Ito representasyon ng rabaw ng mundo. a. mapa b. globo c. kumpas d. direksiyon
  • 5. 5 7. Alin sa sumusunod ang dalawang hemisphere na matatagpuan sa pagitan ng ekwador. a. Hilaga at Timog na Hemisphere b. Longhitud at Latitud c. ekwador at prime meridian d. Hilaga at Kanluran 8. Pinaniniwalaang ang pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. a. United States b. Japan c. Australia d. Italy 9. Ang kabiserang bansang ito ay Ouagadougou. a. Malaysia b. Burkina c. India d. Pakistan 10. Sa kontinenteng ito matatagpuan ang pinakamaliit na estado. a. Antarktika b. Africa c. Timog Amerika d. Europa 11. Tinutukoy ang bansang ito na “lupain ng sumisikat na araw”. Tokyo ang kabisera nito. a. Australia b. Japan c. Hong Kong d. Russia 12. Ang bansang ito ang tanging Kristiyanong bansa sa Asya. Maynila ang kabisera nito. a. Pilipinas b. Malaysia c. Thailand d. Singapore 13. Ito ay isang kontinente at isang bansa. a. Africa b. Australia c. Antarctica d. Timog Amerika 14. Kilala ang bansang ito sa pizza at ang tanyag na Tower of Pisa. a. Italy b. Roma c. Pransiya d. Israel 15. Ang bansang ito ang may pinakamaraming Tsino. a. Hong Kong b. Taiwan c. Tsina d. Singapore BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. (b) Mabisang kagamitan ang mapa sa paghahanap ng mga pook sa rabaw ng mundo. Gaya ng tinalakay sa Aralin 1, sa pamamagitan ng mga mapa, matatagpuan mo kung nasaan ang mga kontinente, mga bansa, lawas ng tubig, bulubundukin. Ang ibang mapa ay ginagamit rin sa pagsukat ng mga pagbabago sa klima at maging sa pagtaya ng dami o kawalan ng ilang likas na yaman, o sa pagmomonitor ng trapiko.
  • 6. 6 2. (c) Ang mga salitang gaya ng itaas, ilalim, kanan, kaliwa, silangan, kanluran, hilagang silangan, timog kanluran, at iba pa ay mga halimbawa ng mga salitang nagbibigay ng direksiyon. Ang unang tatlong halimbawa ay mga simpleng salitang nagbibigay ng direksiyon at natutuhan nang maaga habang bata pa. Ang mga salitang hilagang silanga, hilagang kanluran, timog silangan, at timog kanluran ay mga sekondaryong salita na nagbibigay ng direksiyon. Sa kabilang banda, ang mga salitang gaya ng silangan, kanluran, hilaga, at timog ay mga pangunahing salitang nagbibigay ng direksiyon. 3. (c) Kung minsan, tinatawag na mga parallel ang latitude. Kung pamilyar ka sa heometriya, matatandaan na upang matawag na parallel ang isang linya o plane, kailangang nakahanay ito sa parehong direksiyon at parehong distansiya sa pagitan ng bawat punto. Ang dalawang lane ng mga sasakyan na papunta sa iisang direksiyon ay isang halimbawa ng isang parallel. 4. (d) Ang akronym na NEWS ay isang mabilis at madaling paraan upang matandaan ang apat na pangunahing salita na nagbibigay ng direksiyon dahil ang mga ito ang madalas gamiting direksiyon kapag gumagamit ng isang mapa. 5. (a) Gaya ng ipinaliwanag sa Aralin 1, ang apat na hemisphere ay makatutulong upang madaling mahanap ang isang partikular na pook sa mapa. 6. A 7. A 8. A 9. B 10. D 11. B 12. A 13. B 14. A 15. C
  • 7. 7 IPAGDIWANG NATIN ANG PAGKAKAIBA NG ATING KULTURA KONSEPTO ♦ Kung maluwag sa kalooban ang pagtanggap sa kultura ng iba, magiging mas mabuting tao ka. ♦ Hindi mali o mas nakababa ang mga kaugalian, paniniwala at pagpapahalaga ng ibang tao, iba lamang ito sa iyong kinagawian. ♦ Dapat matuto tayong tanggapin, respetuhin at bigyang halaga ang kultura ng iba. ♦ Kapag magkakaiba ang kultura ng mga miyembro ng isang pamilya o komunidad, maaaring mas maging maunlad ang mga ito. ♦ Dapat may paggalang sa isa’t isa ang bawat miyembro ng pamilya at komunidad na magkakaiba ang kultura. ♦ Magiging mapayapa at maunlad ang isang komunidad kung ang lahat ng mga miyembro nito ay bibigyan ng parehong oportunidad upang paunlarin ang kani-kanilang mga buhay. ♦ Maaaring magdulot ng pag-unlad at kapayapaan sa bawat isa at sa buong mundo ang pagtanggap, pagrespeto at pagpapahalaga sa pagkakaiba ng ating mga kultura. ♦ Walang isang kultura ang mas mahusay o mas magaling kaysa iba; sadyang magkakaiba lamang ang lahat ng kultura. ♦ Maaaring gamitin ang mga pagkakaiba natin sa kultura upang umunlad ang bawat tao, pamilya, komunidad, bansa at ang buong mundo. PAGSUBOK Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang ibig sabihin ng kultura ay _______________. a. kung paano nabubuhay ang mga tao b. literatura, musika at sining c. mga paniniwala, pagpapahalaga, kaugalian d. Lahat ng nasa itaas. 2. May _______________ ang mga Pilipino at Hapon. a. parehong kultura b. magkaibang kultura c. walang kultura
  • 8. 8 d. Wala sa itaas. 3. _______________ ang isang Kristiyanong Pilipino na lumaki sa Metro Manila at Muslim na Pilipino na lumaki sa Mindanao. a. May parehong kultura b. May magkaibang kultura c. Walang kultura d. Wala sa itaas. 4. _____________________ ang pakikisama sa isang taong may ibang kultura. a. Makatutulong sa iyo bilang isang indibidwal b. Hindi makaaapekto sa iyo sa kahit anong paraan c. Magdudulot lamang ng masamang epekto sa iyo bilang isang tao d. Hindi posible. 5. Kabilang sa ___________ kultura ang mga taong naninirahan sa Pilipinas. a. iisang b. dalawang c. walang d. iba’t ibang 6. Maaari akong maging mas mabuting tao kung ________________. a. hindi ko papakailaman ang paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga ng ibang tao b. matututunan ko ang kultura ng ibang mga grupo c. hindi ako sasama sa kahit anong kultural na grupo d. sasama ako sa pinakamagaling na grupong kultural sa aking bansa 7. Kapag titingnan ko ang mundo sa mga mata ng taong iba ang kultura _________________. a. mas maiintindihan ko ang mga kaugalian ng ibang tao b. mas gaganda ang tingin ko sa buhay at sa mundo c. marami akong matututuhan tungkol sa sarili d. Lahat ng nasa itaas. 8. Maaaring magkaroon ng matagumpay na buhay mag-asawa at pamilya ang dalawang taong iba ang kultura kung____________. a. may isa sa kanilang magpapabaya sa kaniyang kultura at aangkinin ang kultura ng isa b. hindi sila makikihalubilo sa mga taong iba ang kultura sa kanila c. rerespetuhin nila ang kultura ng bawat isa d. Wala sa itaas. 9. Kung magkaiba ang kultura ng mga magulang ng isang bata, _____________.
  • 9. 9 a. maaaring dalawang lenggwahe ang matutunan niya b. nagiging bukas ang kalooban niya c. marami siyang matututuhan tungkol sa ibang tao at sa sarili niya d. Lahat ng nasa itaas. 10. _______________________ ang kultura ko. a. Mas magaling sa kultura ng ibang tao b. Pinakamagaling na kultura sa buong mundo c. Pinakamababang kultura sa lahat d. Iba sa kultura ng ibang grupo, ngunit okay lang 11. Sa isang komunidad, ang mga taong magkakaiba ang kultura ____________________. a. ay dapat magtulungan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad b. ay dapat mag-iwasan para maging mapayapa ang komunidad c. ay dapat makipaglaban sa isa’t isa upang magkaroon lamang ng iisang dominanteng kultura d. Wala sa itaas. 12. Dapat ___________________________ ang minorya. a. makipag-alitan sa mayorya b. magtago ng kultura mula sa mga nakararaming kultura c. magpabaya sa kultura at subukang maging bahagi ng kultura ng mayorya d. Wala sa itaas. 13. Dapat subukan nating _____________ sa/ang ibang kultura, a. pagtiisan b. pairalin ang diskriminasyon c. tanggapin, respetuhin at pahalagahan d. Lahat ng nasa itaas. 14. Dapat _________________ lahat ng kultura sa buong mundo. a. maging bahagi ng kulturang pandaigdig b. magdiwang ng ating kultural ng pagkakaiba c. pumuli ng isang kultura na pinakamahusay sa lahat d. wala sa itaas. 15. Nagkakaiba lamang sa ____________ ang mga tao sa mundo. a. anyong pisikal
  • 10. 10 b. emosyon c. katalinuhan d. kultura BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. (d) Sinasakop ng kultura ang mga paniniwala, pagpapahalaga, kaugalian, literatura, musika, sining, at ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. 2. (b) Magkaiba ang kultura ng Pilipino at Hapon, gayun din sa mga taong bumubuo ng iba’t ibang bansa. 3. (b) Ang mga taong naninirahan sa isang bansa ay maaring magkaroon ng ibang kultura. 4. (a) Maaaring lumawak ang kaalaman at pang-unawa ng isang tao kapag nakikihalubilo siya sa mga taong iba ang kultura. 5. (d) Maraming kultura ang mga Pilipino dahil marami sa kanila ang naninirahan sa ibang bahagi ng bansa at mayroong magkakaibang relihiyon, paniniwala, atbp. 6. (b) Makatutulong sa iyo ang pagkilala ng ibang mga kultura sa pagpapalawak ng iyong pag-intindi at kaalaman tungkol sa ibang tao. 7. (d) Tama lahat ng mga aytem. 8. (c) Mahalaga ang pagrespeto at pagtanggap ng kultura ng iyong asawa sa mga relasyong may magkahalong kultura. 9. (d) Tama lahat. 10. (d) Walang kultura ang mas nakaaangat o nakabababa sa iba. 11. (a) Magbibigay ng kaunlaran at kapayapaan sa iyong komunidad ang pagkilos nang sama-sama opagtutulungan ng iba’t ibang kultura. 12. (d) Dapat pagtibayin ng mga minorya ang kanilang kultura. Dapat din nilang respetuhin ang kultura ng iba. Kailangan din itong gawin ng mayorya. 13. (c) Mahalaga ang tatlong salitang ito—pagtanggap, pagrespeto at pagpapahalaga— upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa ating mundo. 14. (b) Nagiging mas maganda at makulay ang ating mundo dahil sa ating mga pagkakaiba, lalung lalo na ng kultura. Dahilan ito ng pagdiriwang, at hindi pagkakahati-hati. 15. (d) Galing lahat tayo sa iisang ninuno. Nagkataon lamang na magkakaiba ang ating kultura at paniniwala.
  • 11. 11 MGA AWIT SAYAW AT LARO SA ASYA KONSEPTO:  Tulad nating mga Pilipino, tunay na mahilig sa musika ang ating mga kapatid na Asyano dahil ito ay nagbibigay-aliw sa atin at ginagamit pa sa mga seremonya at mga panrelihiyong gawain.  Maraming instrumentong pang-musika sa Asya. Iba-iba ang kanilang pangalan ngunit magkakatulad naman sila. Makakakita ka ng instrumentong katulad ng: ♦ tambol ♦ instrumentong di-kuwerdas tulad ng koto, ruan, rebab at sitar ♦ gong ♦ plawta  May mga iba’t ibang uri ng awit na gustung-gustong kantahin ng ating mga kapatid na Asyano. Maaaring naiiba ang tunog ng mga ito pero katulad din ito ng awiting Pilipino dahil pinapaksa rin nila ang ♦ pag-ibig; ♦ gawain; at ♦ pagpuri sa Diyos  Ang pagsasayaw ay mahalaga sa mga Asyano dahil ito ay paraan ng pagpapahayag ng mga bagay na mahalaga sa kanila.  May iba’t ibang uri ng sayaw sa Asya. Iba-iba ang mga sayaw na ito pero may mga pagkakatulad din sila.  Ang mga sayaw na ito ay itinatanghal upang: − magpasalamat sa magandang ani; − magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang ibinibigay Niya; − malugod na tanggapin ang mga bisita; at − itaboy ang kamalasan at iba pa.  Maraming uri ng laro at isports ang nilalaro sa buong Asya. May mga laro sa Pilipinas na matatagpuan din sa ibang lugar sa Asya. Lamang ang mga ito ay tinatawag sa ibang pangalan. Halimbawa ay ang: ♦ Menko (katulad ng ating Tex) ♦ Sepak takraw (katulad ng ating Sipa)
  • 12. 12 ♦ Kelereng (katulad ng ating Holen)  Mahalaga ang mga laro at isports sa mga Asyano. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit: ♦ Nakapagpapalakas ng katawang ng mga manlalaro ♦ Nakatutulong upang maging maliksi dahil sa mas magandang takbo ng oxygen sa katawan ♦ Nakakapagpapaunlad ng pagtutulungan ng mga magkakasama at nagtuturo sa mga tao upang tulung-tulong na gumawa para sa isang layunin.  Magkakatulad tayo ng ating mga kapatid na Asyano sa maraming bagay. Ang isports at laro ay ilan lamang sa mga bagay na iyon. Lahat tayo ay mahilig maglaro at sumali sa mga isports.  Magkakatulad tayo ng ating mga kapatid na Asyano sa maraming bagay. Ito ay mapatutunayan ng pagkakapareho ng ating ♦ Musika. Maraming awitin mula sa iba’t ibang lugar sa Asya ang tungkol sa pag- ibig o papuri sa Diyos. ♦ Sayaw. May mga sayaw na nagsasaad ng kalungkutan o kasiyahan at itinatanghal nang may kandila o espada. ♦ Laro at isports. Maraming laro at isports dito sa Pilipinas na kinahihiligan din ng maraming tao sa ibang bahagi ng Asya.  Kung iyong pakaiisipin, malalaman mo na marami tayong pagkakatulad sa maraming bagay sa ating mga kapatid na Asyano. Maaari tayong makibahagi sa kanila dahil kinahihiligan natin ang magkakaparehong bagay. Dapat ay subukan nating matuto ng maraming bagay tungkol sa iba pang mga Asyano. Kapag marami na tayong alam sa kanila, madali na ang pakikipagkaibigan. PAGSUBOK Sagutin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. a. Gong Ageng b. Kendang Gending c. Rebab d. Trompong
  • 13. 13 2. a. Gong Ageng b. Kendang Gending c. Sitar d. Suling Bali 3. a. Sitar b. Kendang Gending c. Koto d. Ruan 4. a. Kendang b. Suling Bali c. Trompong d. Kulintang 5. a. Koto b. Sitar c. Rebab d. Kendang 6. Ang Kulintangan ay katulad ng ________________ sa Indonesia. a. Gamelan b. Dalandan c. Gendelan d. Ruan 7. Alin sa mga pares ng mga di-kwerdas na instrumento sa ibaba ang magkatulad? a. gitara ng Europa at Suling Bali ng Indonesia b. Koto ng Silangang Asya at Sitar ng Timog Asya c. Sitar ng Silangang Asya at Kulintang ng Timog-Silangang Asya d. Wala sa nabanggit 8. Ang isa sa mga pinakapopular na paksa ng iba’t ibang awit sa buong Asya ay ang a. Palengke b. pag-ibig c. iyong bahay d. pagkamatay 9. a. Manipuri b. Cabaret c. Candl’abra d. Bharata Natyam
  • 14. 14 10. a. Candl’abra b. Odissi c. Manipuri d. Kuchipudi 11. a. Wira Pertiwi b. Kuchipudi c. Renjinshi d. Cabaret 12. a. Bharat Natyam b. Renjinshi c. Odissi d. Wira Pertiwi 13. a. Khon b. Manipuri c. Renjinshi d. Larm See 14. a. Khon b. Bharat Natyam c. Larm See d. Manipur
  • 15. 15 15. a. Basho b. Menko c. Der Ree d. Tex BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. A 2. D 3. A 4. D 5. A 6. (a). Ang orkestra ng mga Indonesyo ay tinatawag na gamelan. 7. (b). Ang Koto ng Silangang Asya at ang Sitar ng Timog Asya ay parehong instrumentong dekwerdas. 8. Ang tamang sagot ay (b). Pag-ibig ang pinapaksa ng karamihan sa mga awit sa Asya. Ito ang pinakapopular na paksa ng maraming awit dito. 9. C 10. D 11. A 12. B 13. D 14. A 15. A
  • 16. 16 MASASARAP NA PAGKAIN NG ASYA KONSEPTO ♦ May iba’t ibang uri ng pagkain sa buong Asya. Sa ngayon dapat ay napagtanto mo na maraming pagkakatulad ang mga pagkain natin sa mga pagkain nila. Halimbawa, kung masaya ka sa mga pagkaing maaanghang, maaari mong magustuhan ang mga pagkain sa Indonesya at India. Kung gusto mo ang tokwa, maaaring magustuhan mo ang mga pagkaing mula sa Hapon at Tsina. ♦ May iba’t ibang paniniwala at pamamaraan ang magkakaibang kultura at relihiyon sa kung ano ang puwedeng kaining pagkain. Halimbawa, hindi pinapayagan ang Muslim na kumain ng baboy. Sa kabilang banda, hindi rin pinapayagan ang mga Hindus na kumain ng baka dahil naniniwala sila na isang sagradong hayop ang baka. ♦ Maraming bagay ang pinagsasaluhan natin ng ating mga kapatid sa Asya. Marami rin silang ibinabahagi sa atin. Sa kaso ng Tsina, marami tayong pinagsasaluhang pagkain gaya ng siopao at mami. ♦ Marami tayong natutunan mula sa ating mga kapatid sa Asya. Ang kailangan pa nating gawin ay pagsikapan nating pag-aralan ang iba pang mga bagay sa kanila. Sa ganitong paraan, naiintindihan natin sila at maaabot natin sila bilang kaibigan. PAGSUBOK Sagutin: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang mga matandang henerasyon sa Silangang Asya ay kalimitang kumakain ng: a. Hamburgers at french fries b. Potato Chips at softdrinks c. Isda at kanin d. Manok at catsup 2. Ang isang putahe na ibinahagi sa atin ng Intsik ay: a. Pancit Canton b. Chicken curry c. Beef Kebabs d. Shawarma 3. Dalawang putahe na gawa sa hilaw na isda ang: a. Fugu at inihaw na tilapia
  • 17. 17 b. Yakisoba at Mechado c. Sushi at Kilawin d. Siopao at Siomai 4. Napakahalaga sa mga Hapones ang __________ ng pagkain. a. paghahanda b. paghahain c. pagluluto d. pagtitipid 5. Ginagamitan ng maraming sili ang pagkain sa Indonesia. Ito ay napaka__________. a. maanghang b. tamis c. asim d. sustansiya 6. Karamihan ng mga taga-Indonesia, taga-Gitnang Silangan at taga-Pakistan ay mga Muslim. Hindi sila kumakain ng __________. a. Karneng kambing b. Karneng tupa c. Karneng kalabaw d. Karneng baboy 7. Sa Japan, kalimitang __________ang isda na inihahaing sushi. a. luto b. hilaw c. pinakuluan d. binuro 8. __________ ang pangunahing karne sa Gitnang Silangan. a. baboy b. kabayo c. tupa d. kalabaw 9. _________________ ay isang sangkap ng pulbos na kalimitang ginagamit upang magkaroon ng lasa ang pagkain sa Timog Asya. Naghahanda nito ang bawat magaling na tagapagluto sa India. a. curry b. vetsin c. asin d. asukal 10. Sa Indonesia, karamihan sa pagkain ay may gatas ng ___________________ bilang isang sangkap. a. ina b. baka c. niyog d. kambing 11. Ang intsik at hapon ay umiinom ng _________________ sa tuwing kumakain. a. kape b. tsaa c. lemonada d. gatas 12. Hindi kumakain ng _____________ ang mga Hindus. a. kalabaw b. baboy c. tupa d. baka 13. Ang ____________________ ay ihinahanda sa panahon ng Ramadan ng Muslim. a. ubas b. Koresche Esfanaj c. baka d. halal
  • 18. 18 14. Sa pamayanan ng mga Muslim sa Kanlurang Asya, nararapat na ihanda ang pagkain ayon sa nakagawian ng Islam. Tinatawag itong ____________________. a. Halal b. imported c. tradisyonal d. komersiyal 15. Ang pagtulong sa ____________________ ng pagkain ang kabutihang dulot ng yogurt. a. Pagsarap b. pagtipla c. pagtunaw d. pagluto BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. C 2. A 3. C 4. B 5. A 6. D 7. B 8. C 9. A 10. C 11. B 12. D 13. B 14. A 15. C
  • 19. 19 NAKAUGNAY TAYO SA MUNDO KONSEPTO: ♦ Nakaugnay ang Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng negosyo at industriya, teknolohiya, edukasyon, media, at isports. Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng maraming larangan kung paano nakaugnay ang Pilipinas sa ibang bansa. ♦ Maraming produkto na ginagamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay ang mabubuting halimbawa ng mga ugnayang ito. ♦ Nakakaapekto ang mga ugnayang ito sa iyong pang-araw-araw na buhay, ayon sa mga produktong binibili o mga trabaho at oportunidad na pang-edukasyon na bukas sa iyo sa komunidad/ bayan mo. Narito ang ilang ugnayan ng Pilipinas at ng mundo: ♦ Teknolohiya ♦ Isports ♦ Militar ♦ Edukasyon ♦ Empleyo ♦ Media ♦ Turismo ♦ Salapi ♦ Negosyo at Industriya PAGSUBOK Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Tungkol ang larangang ito sa iba’t ibang produkto na tinatanggap at ipinapadadala natin sa ibang bansa. Kabilang din rito ang iba’t ibang kompanyang pag-aari ng dayuhan na may opisina at pabrika sa Pilipinas. a. Isports b. Edukasyon c. Kalusugan d. Negosyo at Industriya 2. Kabilang dito ang maraming atletang Pilipino sa Pilipinas na dumarayo sa ibang bansa para lumahok sa ilang pangunahing paligsahan. Isang halimbawa nito ang Olympics at Southeast Asian Games. a. Edukasyon
  • 20. 20 b. Isports c. Negosyo at Industriya d. Kalusugan 3. Kabilang dito ang mga programa na layuning paunlarin ang iyong husay at kaalaman sa agham, matematika, agham panlipunan, atbp. Isang halimbawa nito ang programang ALS A&E. a. Edukasyon b. Isports c. Kalusugan d. Teknolohiya 4. Kabilang sa larangang ito ang mga aparato tulad ng computer, makina, appliance, at iba pang elektroniko na pinadadali ang maraming gawain para sa atin. Kabilang din dito ang mga trabaho at kakayahan tulad ng pagpoprograma sa computer at agham medisina. a. Kalusugan b. Teknolohiya c. Empleyo d. Salapi 5. Kabilang sa larangang ito ang iba’t ibang trabaho na bukas sa buong mundo. Maraming Pilipino ang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho. a. Media b. Teknolohiya c. Empleyo d. Turismo 6. Lumalahok din ang Pilipinas sa Hukbong Pamayapa ng United Nations, isang grupo ng mga sundalo mula sa iba’t ibang bansa na itinatalagang magpanatili ng kapayapaan at seguridad sa iba’t ibang bahagi ng mundo. a. Teknolohiya b. Militar c. Turismo d. Kalusugan
  • 21. 21 7. Sinimulan na rin ng ilang istasyon ng telebisyon sa Pilipinas na magpalabas ng ilan sa kanilang balita at ibang programa sa ibang bansa para sa mga OFWs at iba pang Pilipinong naninirahan doon. a. Media b. Teknolohiya c. Turismo d. Empleyo 8. Maraming Pilipino ang nagpupunta sa ibang bansa para tingnan ang iba’t ibang pook. a. Media b. Kalusugan c. Salapi d. Turismo 9. Mayroon ka bang kamag-anak na nagpadala ng pera sa iyo mula sa ibang bansa? Sa anong aspeto ito may kaugnayan sa ating bansa? a. Empleyo b. Salapi c. Media d. Kalusugan 10. Alin sa sumusunod na mga produkto an gang may kaugnayan sa sa pakikipag- ugnayan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo a. Gasolina b. Garments c. Pataba d. Lahat ng nabanggit BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. D 2. B 3. A 4. B 5. C 6. B 7. A
  • 23. 23 ANG AKING PAMILYA SA NAGBABAGONG PANAHON KONSEPTO ♦ Ang mga pamilya ay maaaring ang: — magkasama ang dalawang magulang; o — maaaring ang tatay o nanay lamang ang magulang ♦ Ang solong magulang ay maaaring: — hindi kasal na lalaki o babae; — hiwalay; at — balo ♦ Ang mga pansamantalang paghihiwalay, migrasyon, at teknolohiya ay ilang mga suliranin at mga hamon na kinakaharap ng mga pamilya ngayon. ♦ Ang pansamantalang paghihiwalay ay kalimitang nangyayari dahil sa pangangailangang magtrabaho sa ibang bansa ang isa sa magulang. ♦ Ang migrasyon ay kalimitan ding bunga ng kagustuhan ng mga magulang na maghanap ng mas magandang lugar na pagtatrabahuhan. Ang migrasyon ay nagdudulot ng suliraning ukol sa kung paano sasabay sa bagong kapaligiran at kultura. ♦ Napapadali ng teknolohiya ang mga trabaho ng pamilya. Subalit ito ay nakakaapekto sa pamamaraan ng ugnayan at komunikasyon ng mga pamilya. ♦ Ang mga isyung pandaigdigan na nakakaapekto sa mga pamilya ay ang mga: usaping pangkaligiran, kalusugan at ang nagbabagong papel ng kababaihan. ♦ Ang mga pamilya ay dapat isabuhay ang pagiging may alam, aktibo at alerto sa mga isyung ito. ♦ Pinagtitibay ng konstitusyon ang karapatan at responsibidad ng mga pamiya. PAGSUBOK Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Nagtatatrabaho sa Saudi Arabia si Mang Jose. Isa siyang manggagawa sa konstruksiyon. Nasa Saudi siya sa loob ng anim na taon. Sabik na sabik na siya sa kanyang pamilya. Ano ang magagawa ng kanyang pamilya upang sumaya siya? a. Ang pamilya ni Mang Jose ay dapat tumawag sa kaniya upang humingi ng pera. b. Maipapakita nila ang pagmamahal sa kanya kung madalas silang tatawag sa kanya
  • 24. 24 c. Dapat dalawin nila si Mang Jose sa Saudi Arabia. d. Dapat makibalita sila kay Mang Jose. 2. Si Angel ay isang nurse sa Chicago, U.S.A. Siya ay malapit nang magdiwang ng kanyang kaarawan. Siya ay malungkot sapagkat wala siyang kasamang magdiriwang nito. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ng pamilya ni Angel? a. Ang pagpapadala ng bithday card o pagtawag sa kanya sa araw ng kanyang kaarawan ay isang paraan din ng pag-alala sa kanya. b. Ang mga kasapi ng pamilya ng taong nagpunta sa ibang lugar ay dapat pa ring magdiwang ng kaniyang kaarawan. c.Ang pagdiriwang ng kaarawan ni Angel kahit na wala siya sa bansa ay isang paraan ng pagpapakita na patuloy siyang naaalala. d. Lahat ng nabanggit. 3. Si Diding ay isang katulong sa Hongkong. Hindi niya nakita ang kanyang anak na si Boboy sa loob ng apat na taon. Nang bumalik siya ng Pilipinas gusto niyang siya ay patuloy na minamahal ng kanyang anak. Gusto siyang tulungan ng kanyang asawang si Tony. Alin ang HINDI dapat gawin ni Tony? a. Si Tony ay makakatulong kung ipaliliwanag niya kung bakit umalis si Diding patungo sa ibang bansa. b. Dapat niyang ipaliwanag sa anak nilang si Boboy na mahal na mahal siya ng kanyang ina. c. Turuan si Boboy na sumbatan si Diding sa pag-alis nito papuntang HongKong. d. Lahat ng nabanggit. 4. Alin sa mga sumusunod ang mga benepisyong nakukuha mula sa mga makabagong teknolohiyang? a. Makakuha ng impormasyon b. Napapagaan ang buhay c. Komunikasyon d. Lahat ay tama 5. Alin sa mga sumusunod ang mga benepisyong nakukuha mula sa mga makabagong teknolohiyang? a. Kawalan ng oras na makipag-ugnayan ng pamilya b. Nakakalimutan ang pamilya c. Kawalan ng oras sa pamilya
  • 25. 25 d. Lahat ng nabanggit. 6. Alin sa mga sumusunod ang dapat gagawin upang malutas ang mga problemang likha ng teknolohiya? a. Gamitin nang wasto ang mga kasangkapang ito. b. Iwasan ang paggamit ng teknolohiya. c. Hayaang gamitin ang teknolohiya sa lahat ng oras. d. Huwag pansinin ito. 7. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa dahilan ng pansamantalang migrasyon ng ibang kasapi ng pamilya. a. Pagnanasa ng magulang na maghanap ng isang maunlad na lugar b. Maaaring makakuha ng maayos na trabaho c. Dahil sa pagbabago ng kapaligiran at kultura d. Makasalamuha ang ibang tao sa ibang bansa 8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing usapin na nakaaapekto sa mundo? a. Kapaligiran b. Kalusugan c. Nagbabagong mga pagpapahalaga d. Pabahay 9. Paano magkakaroon ng kaalaman ang iyong pamilya ukol sa usaping ang nagbabagong papel ng kababaihan? a. Alamin ang mga pagbabago sa mga ideya at pagpapahalaga. b. Alamin kung ano ang karapatan ng kababaihan c. Alamin kung paano nagbabago ang kanilang mga papel. d. Lahat ng nabanggit 10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan ng pagiging aktibo ng isang pamilya sa paglahok sa usaping tungkol sa nagbabagong papel ng kababaihan? a. Matutong irespeto ang kababaihan. b. Pakialaman ang takbo ng buhay ng iyong mga kapitbahay na kababaihan c. Ituro ang mga halagahang ito sa iyong mga anak. d. Gawin ang iyong tungkulin at maging halimbawa sa iyong mga kaibigan at pamilya.
  • 26. 26 BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. D 2. B 3. C 4. D 5. D 6. A 7. D 8. D 9. D 10. B
  • 27. 27 ANG UTANG PANLABAS NG PILIPNAS KONSEPTO ♦ Maraming mga pangangailangan ang ating bansa gaya ng pabahay, edukasyon, serbisyong medikal, at katahimikan at kaayusan. ♦ Ang pangunahing pinagkukunan ng badyet o pondo ng ating pamahalaan ay ang rentas internas (ang mga buwis na kinokolekta nito). ♦ Ang kakulangan sa badyet ay tumutukoy sa gastos na hindi matutumbasan ng rentas internas. ♦ Kapag nakakaranas ng kakulangan sa badyet ang ating pamahalaan, ito ay napipilitang mangutang upang matustusan ang gastos na hindi matutumbasan ng rentas internas. ♦ Maraming mga pinansiyal na institusyong pangdaigdig ang binuo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga bansang kinakapos, lalo na ang mga bansang maralita at papaunlad pa lamang. Ang iba sa mga institusyong ito ay nagbibigay ng tulong pinansiyal at tulong teknikal sa mga bansang nangangailangan sa mga ito. Nabibilang sa mga institusyong ito ang World Bank, IMF, at ADB. ♦ Tumutulong ang World Bank upang maisakatuparan ang mga proyektong pangkaunlaran ng ating pamahalaan. Nagbibigay ito ng tulong pinansiyal at tulong teknikal upang maiahon tayo sa kahirapan. ♦ Ang IMF ay nagpapautang sa mga kasaping kinakapos upang kanila itong magamit sa pagsasakatuparan ng kanilang mga proyektong pangkaunlaran. At bilang tagapangasiwa ng sistema ng pagpapalitan ng mga pera ng mga bansang kasapi nito, ang IMF ay nagpapatupad ng kanilang pakikipagtulungang pampananalapi. ♦ Nilalayon ng ADB na tulungan ang mga pamahalaan ng mga bansa sa Asya na iahon sa kahirapan ang kanilang mga mamamayan. Nagbibigay ang ADB ng tulong pinansiyal at tulong teknikal para maisagawa ng mga pamahalaang tinutulungan nito ang kanilang mga proyektong pangkaunlaran. ♦ Ang pagsasapribado, deregulasyon, liberalisasyon ng kalakalan, pangongolekta ng karagdagang rentas internas, at pagtitipid sa gugol ay iilan lamang sa mga rekomendasyon ng IMF upang makalikom ang ating pamahalaan ng karagdagang rentas internas at maisaayos nito ang ating ekonomiya. Inaasahang sa pagsasagawa ng mga
  • 28. 28 rekomendasyong ito, mababawasan ang kahirapan sa ating bayan at makakapagbayad ang ating pamahalaan ng utang panlabas. ♦ Ang Batas sa Automatikong Laang-gugulin (Automatic Appropriations Law) ang nagbibigay ng kapangyarihan sa ating pamahalaan na bigyan ng priyoridad ang lingkurang pautang sa kapinsalaan ng serbisyong panlipunan gaya ng kalusugan at edukasyon. ♦ Ang bitag ng pagkakautang ay ginagamit upang ilarawan ang kalagayan ng mga bansang maralita na nahihirapang magbayad o hindi makapagbayad ng kanilang utang panlabas. Ang tanging lunas nila sa kanilang kalagayan ay ang walang tigil na pangungutang na lalong nagpapabaon sa kanila sa utang. ♦ Tungkulin ng nangutang na bayaran ang kanyang inutang. Kung kaya kailangang bayaran ng ating pamahalaan ang ating utang panlabas. ♦ Kinakailangang mangutang ang ating pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating bayan. ♦ Nagbibigay ng tulong pinansiyal at tulong teknikal ang mga banyagang institusyon sa mga bansang maralita upang mabawasan ang kahirapan sa mga bansang ito at maisulong sila tungo sa kaunlaran. ♦ Ang isang bansang nangutang ay may tungkuling magbayad. Kaya dapat lamang na magsagawa ang ating pamahalaan ng masusing pagpaplano ng mga proyektong pangkaunlaran bago mangutang ng pondo para sa mga ito. ♦ Ang iresponsableng pangungutang para sa mga proyektong hindi naman mapapakinabangan ay dapat iwasan ng ating pamahalaan upang hindi tayo magdusa. ♦ Ang mga kondisyong ipinapataw (o mga rekomendasyon) ng mga banyagang institusyon ay kinakailangang isagawa ng ating pamahalaan bago ito makautang. Ang mga kondisyong ito ay ang pagsasapribado, deregulasyon, liberalisasyon ng kalakalan, pangongolekta ng karagdagang rentas internas, at pagtitipid sa gugol. PAGSUBOK: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang __________________ ay ang pagbebenta ng mga ari-arian ng ating pamahalaan sa pribadong sektor. a. pagsasangla b. kolateral c. pagsasapribado
  • 29. 29 d. pagpapaupa 2. Dahil sa _________________, ang PLDT ay may kakompetensiya na ngayon sa industriya ng telekomunikasyon gaya ng BAYANTEL at PILTEL. a. Regulasyon b. Deregulasyon c. pagsasapribado d. palisiya 3. Dapat bigyan ng priyoridad ng ating pamahalaan ang mga pangangailangan ng ating bayan para ___________ ang gastos nito. a. madagdagan b. maubos c. malaman d. mabawasan 4. Ang pagbubukas ng ating ekonomiya sa mundo ay tinatawag na liberalisasyon ng _____________. a. Teknolohiya b. industriya c. kalakalan d. pamumuhay 5. Upang mapalaki ang pondo ng ating pamahalaan, dapat makalikom ito ng karagdagang _________. a. buwis b. kita c. sahod d. kaunlaran 6. Nilalayon ng mga rekomendasyon ng IMF na tulungan ang mga bansang kasapi na gawing mahusay ang pangongolekta nila ng _______________. a. interes b. rentas internas c. utang d. ari-arian BATAYAN SA PAGWASTO
  • 30. 30 11. C 12. B 13. D 14. C 15. A 16. B
  • 31. 31 MAG-ISIP NG PANDAIGDIG KUMILOS NANG PAMBANSA KONSEPTO ♦ Ang AIDS ay isang sakit na sanhi ng virus na HIV na umaatake sa immune system ng tao. Ito ay nakamamatay na sakit na apekto ang humigit-kumulang sa 20 milyong tao sa buong mundo. Ito ay karaniwang nakukuha sa diprotektadong pakikipagtalik. Maaari rin itong makuha sa pagsasalo ng HIVinfected na karayom, pagsasalin ng dugo, organ donations at ina-sa-sanggol na paglilipat habang nagbubuntis. Wala pang alam na lunas ngayon sa sakit na AIDS. ♦ Ang mga ilegal na paraan ng pangingisda ay maaaring maglimita sa populasyon ng isda at sumira sa mga kaligiran sa tubig. Ilang halimbawa nito ay ang pangingisda na gumagamit ng dinamita at cyanide. ♦ Ang mga nakalalasong dumi ay solido, likido o ukol sa gas na waste na mapanganib sa kalusugan ng tao at nakapipinsala rin ng kaligiran. ♦ Ang polusyon sa kapaligiran ay sanhi ng pagkakaipon ng mga mapanganib na waste sa kaligiran. ♦ Ang mga mina sa lupa ay mga bomba na itinanim sa ilalim ng lupa noong pangalawang Digmaang pandaigdig. Ito’y sumasabog kapag may nakatapak dito. ♦ Ang mga armas nukleyar ay mga armas na nagdudulot na maramihang pagkakasira. ♦ Ang mga alalahaning pambuong-mundo tulad ng mga isyu tungkol sa AIDS, polusyong kaligiran, at peace and order ay nakakaapekto sa ating lahat. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating makibahagi sa pagtutugon sa mga ito. ♦ Ang bawat isa sa atin ay kailangang magtrabaho upang matugunan ang mga alalahaning pambuong-mundo na tinalakay sa araling ito. Iyun ay kung nais nating manatili ang lahi natin sa susunod pang mga milyong taon. ♦ Kasama sa pambuong-mundo na pag-iisip at ang panglokal na pagkilos ay paggawa ng kung ano iyong magagawa upang makatulong na matugunan ang mga alalahaning pambuong-mundo na kinakaharap nating lahat sa ngayon. PAGSUBOK Sagutin ang sumusunod na mgat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang ibig sabihin ng AIDS?
  • 32. 32 a. isang sakit na nakakamatay b. uri ng armas c. istratehiya sa paglaban sa mga criminal d. pandaigdigang pulisya 2. Ano ang mina sa lupa? a. isang armas militar b. isang uri ng lupa c. isang piraso ng ari-arian d. isang daang-yungib na ginagamit sa pagmimina ng mga mineral. 3. Anu-ano ang bumubuo sa nakalalasong dumi? a. basura mula sa mga bahay b. nakapipinsalang dumi dulot ng mga gawain ng tao c. mga materyal mula sa halaman d. napanis na pagkain 4. Ano ang sanhi ng polusyon sa kapaligiran? a. pagtatambak o pagtapon ng mga halamang materyal sa iyong kapaligiran b. pagtatambak o pagtapon ng mga nakapipinsalang substansiya sa iyong kapaligiran c. pagtatambak o pagtapon ng lupa sa iyong kapaligiran d. pagtatambak o pagtapon ng maduming tubig sa iyong kapiligiran 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi isang paraan ng ilegal na pangingisda? a. pangingisda na gumagamit ng dinamita b. pangingisdang muro-ami c. ang paggamit ng lambat na may malalaking butas d. pangingisda na gumagamit ng cyanide. 6. Alin sa sumusunod ang HINDI nakatutulong na mabawasan ang polusyon. a. paghiwa-hiwalay ng basurang nabubulok sa mga basurang dinabubulok b. pagtapon ng basura sa mga ilog o karagatan c. ang paggamit muli ng basura (recycling) d. paglahok sa mga gawaing paglilinis ng kumunidad 7. Alin sa mga sumusunod ang mga posibleng paraan na makuha ang HIV at AIDS? a. kagat ng lamok b. di-protektadong na pakikipagtalik sa isang taong positibo sa HIV
  • 33. 33 c. magkakasam pakikipag-kamay sa isang tao na positibo ng HIV d. paghalik sa pisngi ng kaibigang positibo ng HIV 8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan upang maiwasan ang HIV infection? a. pagiging matapat sa iisang katalik b. paggamit ng proteksiyon sa tuwing magtatalik tulad ng mga kondom c. paglayo sa mga taong may AIDS d. pag-eksamen sa dugo bago gamitin sa mga transfusion 9. Bakit sinasabing ang AIDS ay isang pandaigdig na suliranin? a. Ito ay naging isang pandemic, na nakaapekto sa humigit-kumulang 20 milyong tao sa buong mundo. b. Ito ay may epekto lamang sa mga “maruruming” tao. c. Ito ay nakaapekto sa mga Pilipino. d. Ito ay hindi nakamamatay 10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ilegal na pamamaraan ng pangingisda? a. paggamit ng lambat na may malaking butas b. paggamit ng lambat na may maliliit na butas c. paggamit ng lason at iba pang mga nakapipinsalang kemikal d. pangingisda na gumagamit ng dinamita. 11. Alin sa mga sumusunod ang posibleng pagmulan ng mga mapanganib na waste? a. mga dahong nabubulok b. infected na karayom at mga tinapong gamot ng hospital c. mga kemikal na waste mula sa mga paggawaan d. nakalalasong pintura, pampaputi ng damit o asido mula sa mga sambahayan 12. Ano na ang nagawa ng United Nations upang matugunan ang mga pandagdig na suliranin? a. Ito ay tumutulong sa mga kasapi at di-kasaping bansa na mapanatili ang kapayapaan sa buong mundo b. Matulungang matutugunan ang mga iba’t ibang suliranin ng mga bansa. c. Magkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa. d. Lahat ay tama. BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. A
  • 34. 34 2. A 3. B 4. D 5. C 6. B 7. B 8. C 9. A 10. A 11. A 12. D
  • 35. 35 MGA PANGUNAHING HEOGRAPIKAL NA KATANGIAN NG MUNDO KONSEPTO ♦ Ang mga pangunahing katangiang heograpiko ng mundo ay ang mga kontinente, karagatan, dagat, lawa, ilog, at bulubundukin. ♦ Ang Hilagang Polo ay matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng mundo samantalang ang Timog Polo ay matatagpuan sa pinakatimog na nahagi ng mundo. ♦ Ang ekwador ay pahalang na linya na humahati sa mundo kaya may Hilagang Hemisphere at Timog na Hemisphere. ♦ Ang prime meridian ay isang patayong linya na bumabagtas sa Greenwich sa England, na kasama ng international date line, ay humahati sa mundo kaya may Silangan at Kanlurang Hemisphere. Ang mga latitudinal na linya ay mga linyang imaginary na bumabagtas mulang silangan tungo sa kanluran at sumusukat sa angular na distansiya hilaga o timog ng ekwador. ♦ Ang mga longhitudinal na linya ay mga linyang imaginary na bumabagtas mulang hilaga tungo sa timog at sumusukat sa angular na distansiya silangan o kanluran ng prime meridian. ♦ Maraming katangiang heograpiko ang Pilipinas na maaari nating ipagmalaki. Kabilang dito ang mga dagat, bulubundukin, burol, at iba pa, gaya ng Dagat Sulu, ang Dagat Celebes, ang Dagat Pilipinas, ang Cordillera, Bundok Apo, ang Ilog Pasig, ang Ilog Cagayan, ang Ilog Pagsanjan, ang Lawa ng Laguna, ang Lawa ng Buhi, ang lawa ng Lanao, Boracay, Camiguin, ang Bulkang Mayon, ang Chocolate Hills, at pulo ng Corregidor. PAGSUBOK Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Saang kontinente kabilang ang Pilipinas? a. Europa b. Asya c. Timog Amerika d. Africa 2. Tukuyin ang karagatang pinakamalapit sa Pilipinas. a. Karagatang Pasipiko b. Karagatang Antarktika
  • 36. 36 c. Karagatang Celebes d. Karagatang Indian 3. Saan bahagi ng ekwador matatagpuan ang Pilipinas? a. Timog Hemisphere b. Hilagang Hemisphere c. Silangang Hemisphere d. Kanlurang Hemisphere 4. Dagat na napaliligiran ng tatlong continent a. Dagat Caspian b. Dagat na Pula c. Dagat ng Kanlurang Pilipinas d. Dagat Meditiranean 5. Pinakamahabang ilog sa buong mundo? a. Ilog Euphrates b. Ilog Nile c. Ilog Jordan d. Ilog Amazon 6. Ano ang pinakamaliit na kontinente? a. Australia b. Europa c. Hilagang Amerika d. Antarktika 7. Ano ang pinakatimog na kontinente? a. Africa b. Asya c. Europa d. Antarctica 8. Ano ang kontinenteng may pinakamalawak na lupain? a. Europa b. Asya c. Africa d. Timog Amerika 9. Ano ang kontinenteng may pinakamaraming bilang ng industriyalisadong bansa?
  • 37. 37 a. Europa b. Hilagang Amerika c. Timog Amerika d. Asya 10. Itinuturing na “bagong mundo” noong unang panahon? a. Australia b. Timog Amerika c. Hilagang Amerika d. Afrika 11. Ano ang ikalawang pinakamalaking kontinente? a. Africa b. Europa c. Timog Amerika d. Hilagang Amerika 12. Ano-anong mga punto sa mundo ang bumubuo sa linya ng rotasyon o pag-inog? a. Hilagang Hemisphere at Timog Hemisphere b. Hilagang Polo at Timog Polo c. Latitude d. Longitude Pag-aralan ang mapa at sagutin ang sumusunod na tanong.
  • 38. 38 13. Anong bansa ang may coordinates na 11° hilagang latitud, 122° silangang longhitud? a. Tsina b. Japan c. Malaysia d. Pilipinas BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. B 2. A 3. B 4. D 5. B 6. A 7. D 8. B 9. A 10. A 11. A 12. B 13. D
  • 39. 39 MGA PANGUNAHING RELIHIYON SA BUONG MUNDO KONSEPTO ♦ Ang limang pangunahing relihiyon sa buong daigdig ay: Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Judaismo at Budismo. Pinakamaraming tagapaniwala ang mga relihiyong ito sa buong daigdig. ♦ Sumusunod ang mga Kristiyano sa mga turo ni Kristo, lalo na sa kanyang mga kautusan na dapat natin mahalin ang isa’t isa at mahalin ang Diyos nang higit sa lahat. ♦ Sumusunod ang mga Muslim sa kalooban o kagustuhan ng Diyos o ni Allah. ♦ Nagbibigay-halaga ang mga Hudyo (Jew) sa mga kautusan ng Diyos o ni Yahweh. ♦ Naniniwala ang mga Hindu sa isang makapangyarihang puwersa na kabuuan ng lahat at siya ring humigit sa lahat ng bagay. ♦ Ninanais ng mga Buddist na makamit ang nirvana at maging malaya mula sa paghihirap at ilusyon. ♦ Dapat nating igalang at maging mapagparaya sa paniniwala at kaugaliang panrelihiyon ng ibang tao, kahit na ang mga ito ay naiiba sa ating pansariling paniniwala. ♦ Itinuturo ng iba’t ibang relihiyon sa daigdig ang magkakatulad na batayang katotohanan, ngunit sa iba’t ibang paraan. PAGSUBOK Sagutin: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Itinuro ni Hesukristo sa mga tao na _____________. a. dapat nilang mahalin ang kanilang sarili lamang. b. dapat nilang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal nila sa sarili. c. dapat nilang mahalin ang sarili higit sa iba. d. wala sa mga ibinigay na sagot 2. Higit na binibigyan pagpapahalaga ng mga Muslim ang _____________. a. pagsunod sa kalooban ni Allah b. pagsunod sa kalooban ni Mohammed c. pagsunod sa diwa ng digmaan d. lahat ng sagot sa itaas 3. Naniniwala ang mga Hindu na ______________. a. sagrado at dapat sambahin ang mga hayo
  • 40. 40 b. marurumi at dapat patayin ang mga hayop c. sagrado lahat ng bagay at hindi dapat saktan ang anumang nabubuhay na nilalang d. wala sa mga ibinigay na sagot 4. Naniniwala ang mga Hudyo (Jew) na _________________. a. higit na mahalaga ang pagkilos kaysa paniniwala b. higit na mahalaga ang paniniwala kaysa sa pagkilos c. walang halaga ang pagkilos at paniniwala d. wala sa mga ibinigay na sagot 5. Ang layunin ng Buddhist ay __________________. a. sambahin ang Buddha b. sundin ang Buddha c. mahalin ang Buddha d. mamulat mula sa ilusyon BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. B 2. A 3. C 4. A 5. D
  • 41. 41 MGA PILIPINONG NAGBIGAY NG MAHALAGANG KONTRIBUSYON KONSEPTO Mga Filipino na nakapag-ambag nang malaki sa ating bayan sa nakaraang panahon: ♦ Francisco Baltazar/Balagtas – sumulat ng awit na Florante at Laura ♦ Propesor Julian Felipe – sumulat ng himnong Marcha Nacional Filipina ♦ Jose Palma – sumulat ng Filipinas na naging batayan ng titik ng Pambansang Awit ♦ Fernando Amorsolo – kilala bilang “Dakilang Apo ng Sining sa Pilipinas” ♦ Guillermo Tolentino – kilala sa eskulturang tinatawag na Monumento ni Bonifacio ♦ Agapito Flores – nag-imbento ng ilaw-flourescent ♦ Eduardo San Juan – gumawa sa lunar rover o moon buggy ♦ Carlos P. Romulo – unang Asyano na naging Pangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations ♦ Dr. Jose Rizal – sumulat ng Noli me tangere at El filibusterismo na nagmulat sa mga Filipino laban sa tiraniya ng mga Espanyol ♦ Francisco Baltazar/Balagtas – Hari ng Mga Makatang Tagalog ♦ Propesor Julian Felipe – Kompositor ng Pambansang awit ng Pilipinas ♦ Jose Palma – Sumulat ng tula na naging batayan ng titik ng Pambansang awit ♦ Fernando Amorsolo – Ang Dakilang Apo ng Sining na Filipino ♦ Guillermo Tolentino – Klasikong Maestro ng Eskulturang Filipino 43 ♦ Agapito Flores – Imbentor ng ilaw-flourescent ♦ Eduardo San Juan – Tagadisenyo ng lunar rover o moon buggy ♦ Carlos P. Romulo – Unang Asyano na naging Pangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations ♦ Dr. Jose Rizal – sumulat ng Noli me tangere at El filibusterismo na nagmulat sa mga Filipino laban sa tiraniya ng mga Espanyol Mga Filipino na nakapag-ambag nang malaki sa ating bayan sa nakaraang mga taon: ♦ Lea Salonga – Kilala sa kanyang husay sa teatro at pag-awit tulad sa Miss Saigon
  • 42. 42 ♦ Paeng Nepomuceno – Anim na ulit na kampeong pandaigdig sa bowling ♦ Efren “Bata” Reyes – Ang “Magician” ng Bilyard ♦ Napoleon Abueva – Ama ng Modernong Eskulturang Filipino ♦ Corazon C. Aquino – Ibinalik ang demokrasya sa Pilipinas ♦ Dr. Gregorio Zara – Nag-imbento ng makina ng eroplano na makalilipad na gamit ang alkohol lamang. PAGSUBOK Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Kilala si Lea Salonga sa buong mundo bilang ___________________ at ___________________. a. Negosyante at turista b. Mang-aawit at artista c. Manunulat at nagpipinta d. Mananayaw at musikera 2. Kilala si Efren “Bata” Reyes bilang ___________________ dahil sa paggawa ng mga tirang imposible sa mga tournament ng bilyard. a. Ang Sikat b. Ang Mangangalakal c. Ang “Magician” d. Ang Basketbolista 3. Nasa ___________________ si Paeng Nepomuceno dahil sa pagiging kampeon ng daigdig sa bawat naiibang dekada. a. Encyclopedia b. Time Magazine c. Pelikula d. Guinnes Book of World Records 4. Isang estudyante si Napoleon Abueva ng pumanaw na si _________________________. a. Guillermo Tolentino b. Juan Luna c. Jose Palma d. Agapito Flores
  • 43. 43 5. Isang doktor si Dr. Fe del Mundo na gumawa ng inobasyon para sa _________________________. a. neurolohiya b. physical theraphy c. medisinang pediatriko d. medisinang internal 6. Napanalunan ni Lea ang kanyang _____________________ sa kanyang pagganap bilang Kim sa patok na musikal na Miss Saigon. a. FAMAS Award b. Oscar Award c. Sir Laurence Olivier Award d. MMFF Award 7. Pangunahing nagawa ng dating Pangulong Corazon C. Aquino na _________________________ sa bansa. a. pagpapasuko sa mga HUKBALAHAP b. pagpapanumbalik ng demokrasya c. pagpapatibay ng relasyon sa Amerika d. pagpapalakas ng sandatahan ng Pilipinas 8. Ang _______________________ ni Napoleon Abueva ay isang nakataas na eskultura ng siyam na hubo’t hubad na babae na nakapuwesto sa iba’t ibang gawain. a. Espoliarium b. Oblation c. Munumento ni Rizal d. Siyam na Musa 9. Itinatag ni Dr. Fe del Mundo ang _________________________ sa Lungsod Quezon. a. Children’s Memorial Hospital b. Philippine Heart Center c. St. Luke’s Hospital d. Philippine Government Hospital 10. Inimbento ni Dr. Gregorio Zara ang isang ________________________ na tumatakbo sa simpleng alkohol lamang.
  • 44. 44 a. makina ng jeepney b. makina ng eroplano c. makina ng barko d. makina ng traktura BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. B 2. C 3. D 4. A 5. C 6. C 7. B 8. D 9. A 10. B
  • 45. 45 MGA TAGAPAMAYAPANG PANDAIGDIG KONSEPTO ♦ Kapag ang sariling kaguluhan ng isang bansa o kaguluhan sa iba ay naging banta sa kapayapaang pandaigdig kailangang kumilos ang pamayanang pangdaigdig upang maiwasan ang paglala ng kaguluhan. ♦ Nangangailangan ang pamayanang pandaigdig ng tagapamayapa upang malutas ang kaguluhan at mapanatili at mapangalagaan ang kapayapaan. ♦ Upang masiguro ang kapayapaan ng mundo, ang mga samahang pandaigdig na pinangungunahan ng United Nations ay dapat madaliin ang mga operasyong pangkapayapaan upang maiwasan ang pagsabog ng mga kaguluhan. ♦ Ang mga samahang pangrehiyon tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ay may napakahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga bansang kasapi na nagkakagulo upang maiwasan ang paglala ng kaguluhan. ♦ Ang mga nagpapairal ng kapayapaan, hindi tulad ng mga tagapamayapa, ay ipinadadala kahit walang pahintulot ng mga nagkakagulong pangkat. Maraming sandata ang mga ito kaysa sa mga tagapamayapa. ♦ Isang samahang pandaigdig ang Organization of Islamic Conference (OIC) na may layuning pag-isahin ang mga muslim sa buong mundo. ♦ Para maisagawa ang tungkulin ng UN na pagpapanatili ang kapayapaan, nakasalalay ito sa mga sumusunod na kaanyuan ng operasyong pangkapayapaan: − pagdisarma − paggawa ng kapayapaan − pagpapanatili ng kapayapaan − makataong interbensiyon − pagbuo ng kapayapaan ♦ Ang mga tungkulin ng tagapamayapa ng UN ay sumasaklaw mula sa paglalayo ng mga magkagalit na panig. Tumutulong ang mga ito sa: − pagsasagawa ng mga kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng mga magkasalungat na panig; − pagsubaybay sa tigil-putukan; − gumawa ng mga lugar ng depensa o neutral;
  • 46. 46 − paggawa ng mga samahang politikal na nakakatrabaho ng pamahalaan, ng mga di- panggobyernong samahan at ng mga mamamayan lokal na nagbibigay ng ginhawa sa oras ng kagipitan, mapahinto ang mga nag-aaway at maisama ang mga ito salipunan; at − paglinis ng mga mina; pag-organisa at pagsubaybay sa mga botohan ♦ Mahalagang malaman na ang mga tagapamayapa ay ipinadadala na may pahintulot ang mga sangkot na bansa o panig. ♦ Ang mga tagapamayapa ay isang puwersang walang kinikilingan. Kailangan nilang panatilihin ang kanilang pagiging makatarungan upang maiwasan ang paglaki ng kaguluhan. ♦ Kailangan ang Tagapamayapang Pandaigdig upang maiwasan ang paglala ng mga kaguluhan. ♦ Nagsisilbing tagapamagitan ang mga tagapamayapa sa mga di magkasundong panig. Tumutulong ang mga ito na maayos ang kanilang kaguluhan nang mapayapa. ♦ Mahalaga na walang kikilingang panig at ang mga tagapamayapa upang makuha ang tiwala ng bawat panig at magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan. ♦ May pinakamaraming nasira ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig at naging daan ito sa pagtatag ng United Nations. ♦ Itinatag ang United Nations noong ika-24 ng Oktubre, 1945. Priyoridad nito ang pagpapanatili ng kapayapaan sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang ideya na magpadala ng mga tagapamayapa sa mga nagkakagulong lugar upang maiwasan ang paglala ng mga kaguluhan. PAGSUBOK Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Kailan nilikha ang United nations? a. Oktubre 24, 1995 b. Oktubre 24, 1977 c. Oktubre 24, 1981 d. Oktubre 24, 1993 2. Ilan ang kasapi ng mga bansang nagkakaisa? a. Siyamnaput lima b. Tatlumpu’t lima c. Dalawampu’t dalawa
  • 47. 47 d. Limampu’t isa 3. Ano ang layunin ng United Nations? a. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga bansa b. Upang mapaunlad ang negosyo ng kasaping bansa. c. Maiwasan ang isa pang Ikalawang Digmaang Pandaigdig d. Upang makontrol ang suplay ng langis. 4. Ito ang sangkap ng UN responsible sa pagpapatupad ng kanilang misyon. a. Development Council b. Konsehong Pangkalusugan c. Policy Council d. Security Council 5. Sino ang unang Asyanong nagging pangulo ng UN noong 1949 sa Fourth General Assembly? a. Carlos P. Romulo b. Jovito Salonga c. Sergio Osmeńa d. Corazon Aquino 6. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng taong walang kinikilingan sa pagitan ng mga hindi magkasundong panig? a. Pagkakaroon ng malaking posibilidad na makamit ang pagtitiwala ng dalawang magkasalungat na panig b. Napag-iigting ang alitan ng dalawang panig c. Mahihikayat sila na posible ang mapayapang pakikipag-ayos sa pagitan nila. d. Napaglalayo ang magkasalungat na panig at pagharapin ang mga ito pagdating ng tamang oras. 7. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging dahilan ng pagkakatatag ng United Nations? a. Bilang resulta ng malulupit na epekto ng digmaan. b. Upang itaguyod ang pakikipagtulungan sa mga bansa upang gawing magandang tirahan ang mundo. c. Ang mga pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan ay pinaiiral bilang kasagutan sa mga kasiraang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. d. Lahat ng nabanggit.
  • 48. 48 8. Bakit kailangan ang mga Tagapamayapang Pandaigdig? a. Upang gumanda ang takbo ng kalakalan sa buong mundo. b. Upang tumulong na panatilihin ang kapayapaan sa buong mundo. c. Upang lumakas ang ekonomiya d. Upang matugunan ang pangangailangan tuwing may kalamidad. 9. Paano naglulunsad ng kapayapaan ang UN? a. Pagbibigay ng pondo b. Pagbibigay ng armas sa mga bansa c. Magsilbing tagapamagitan o mediator sa dalawang naglalabang pwersa d. Pagpapadala ng sundalo at armas nukleyar. BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. A 2. D 3. C 4. D 5. A 6. B 7. D 8. B 9. C
  • 49. 49 PAANO LUTASIN ANG MGA ALITAN KONSEPTO ♦ Maaaring mangyari ang mga alitan kahit saan at kailan. ♦ Maaaring magkaroon ng mga alitan ang mga tao, grupo ng mga tao tulad ng mga kompanya, komunidad o kahit mga bayan. ♦ Isang karaniwang dahilan ng alitan ay ang pagkakaiba sa kultura, ideya, pinahahalagahan sa buhay, damdamin o mithiin. ♦ Maaaring humantong ang mga alitan sa negatibong resulta tulad ng awayan, nasirang relasyon, labanan o digmaan pa nga. ♦ Sa paglutas ng alitan, importanteng makinig mabuti sa sinasabi ng kabilang panig. ♦ May iba’t ibang pamamaraan sa paglutas ng alitan. Ang mga ito’y: pag-iwas, maging maunawain at mapagbigay, makipagkasundo, pakikipagkompetensiya, pagbabanta, at pakikipagkumprontasyon. ♦ Ang pagiging maunawain, mapagbigay, at makipagsundo ay maaaring magkaroon ng mas maraming positibong resulta kaysa iba pang pamamaraan. ♦ Ang pakikipagkumpitensya, pagbabanta at pakikipagkumprontasyon ay makakapagpalubha ng alitan at makakasira ng relasyong hindi na maaaring ayusin ng magkatunggaling panig. ♦ Ang pag-iwas ay puwedeng humantong sa isang positibong resulta dahil saglit na makakalma ang mga panig na sangkot. Gayunman, kung patuloy na mag-iiwasan, hinding-hindi malulutas ang alitan. ♦ Ang alitan ay hindi malulutas kung hindi magsisikap ang dalawang panig na lutasin ito. Ang mga taong makakatulong sa paglutas ng alitan ay: ang ating mga nakakatanda, mga opisyal ng barangay, hukuman at organisasyong internasyonal. ♦ Ang mga alitan ay maaaring resulta ng pagkakaiba sa kultura, ideya, paniniwala, layunin at mithiin ng iba’t ibang tao, organisasyon at bansa. ♦ Maraming paraan sa pagpamagitan ng alitan pero ang mas importante’y pinakikinggan ng mga tao at bayan ang panig ng isa’t isa at sinusuri ang mga ito. Sa pagiging bukas lamang sa isa’t isa malulutas ang kanilang mga alitan o hindi pagkakasundo. ♦ Hindi lahat ng pamamaraan sa pagpamagitan ng alitan ay talagang makakalutas ng mga alitan. Ang pakikipagkompetensiya, pagbabanta o pakikipagkumprontasyon sa isa
  • 50. 50 pang tao ay makakapagpalala lamang sa sitwasyon. Ang pag-iiwas, kung hindi naman ito patatagalin, ay maaaring humantong sa positibong resulta. Pero kung hindi, mananatiling hindi nalulutas ang alitan. ♦ Ang pakikipagsundo, pag-uunawa at mapagbigay sa isa’t isa ay pinakamahuhusay na pamamaraan sa paglutas ng alitan dahil makikinabang sa pagkakasundo ang dalawang panig at ang mga taong nakapaligid sa kanila. ♦ Ang mga alitang nilulutas agad ay makakapagdulot ng positibong resulta sa lahat ng sangkot na panig. Makakapagpaganda ito ng relasyon ng mga tao at bansa. Sa kaso ng mga grupo at organisasyon, hahantong ito sa pagbabago ng mga patakaran na katanggap-tanggap at kapaki-pakinabang sa lahat. PAGSUBOK Sagutin: Ano ang magiging reaksiyon mo sa sumusunod na mga sitwasyon? Piliin ang ttitk ng tamang sagot. 1. Nagtatalo kayo ng iyong kapatid na lalaki. Alam mong tama ka, pero iginigiit pa rin niya ang kanyang panig. a. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag ng kanyang panig dahil alam kong tama ako. b. Bibigyan ko siya ng pagkakataong magpaliwanag. Pagkaraan niyang ipaliwanag ang kanyang panig, kalmadong ipapaliwanag ko naman ang aking panig. c. Sasabihin ko sa kanyang tama ako at dapat niya akong pakinggan. d. Hahayaan ko sila baka ako pa ang papagbalingan nila. 2. May problema ang iyong barkada. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa iyong mga kaibigan, sina Marco at Eric, kung sino ang mamamahala sa maliit na negosyong pinaplanong itayo ng iyong barkada. Sinabi ni Marco kay Eric na napakarami nitong gawain kaya hindi nito makakaya ang dagdag pang responsibilidad. Sa kabilang banda, iginigiit ni Eric na dapat bigyan ng kanya- kanyang tungkulin ang lahat. Bilang miyembro ng grupo, ano ang gagawin mo para malutas ang alitan na ito? a. Iiwasan kong masangkot sa kanilang alitan. May sarili akong tungkulin kaya iuukol ko lamang ang sarili ko dito. Hahayaan ko silang harapin nilang dalawa ang kanilang problema.
  • 51. 51 b. Kakampi ako kay Eric. Sasabihin ko kay Marco na makasarili siya at walang pakiramdam. Sasabihin ko sa kanya na bilang miyembro ng grupo dapat din siyang magkaroon ng responsibilidad kung hindi’y kumalas na lamang siya sa barkada. Hindi namin kailangan ang katulad niya. c. Kakampi ako kay Marco. Kung talagang marami siyang trabaho, mas makakabuti sa grupo na huwag siyang bigyan ng dagdag na responsibilidad. Kapag ganyan ang mangyari, hindi namin siya masyadong aasahan. Matutulungan din namin si Marco na magampanan niya ng mas mahusay ang kasalukuyan niyang mga tungkulin. d. Wala akong kakampihan sa kanilang dalawa. Pareho silang kaibigan ko kaya iiwasan kong kumampi kahit kanino sa kanilang dalawa. Sa halip, pakikinggan ko silang mabuti. Pagkaraan, iaayos ko ang kanilang diyalago upang makapag-usap sila. Hihikayatin ko na maghanap sila ng posibleng solusyon na katanggap-tanggap sa kanilang dalawa. 3. Nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa iyo ang isa sa iyong mga kapitbahay. Sinasabi niya sa iba mo pang mga kapitbahay na itinaas ang iyong posisyon sa trabaho dahil kaibigan mo ang tagapamahala ng inyong kompanya. Sinabi pa niyang hindi ka karapat-dapat sa promosyon na iyon. Ano ang gagawin mo? a. Kakausapin ko siya at tatanungin ko kung bakit niya ipinagkalat ang kasinungalingan tungkol sa akin. Hahayaan kong ipaliwanag niya ang kanyang panig. Pagkatapos, ipapaliwanag ko sa kanya nang mahinahon ang tunay na dahilan kung bakit tumaas ang posisyon ko sa trabaho. b. Susugurin ko siya at hahamunin na patunayan niya ang kanyang mga bintang. c. Magbibitiw ako sa aking posisyon at maghahanap ng ibang trabaho. d. Sasabihin ko sa kanya na bawiin niya ang kanyang sinabi at humingi siya sa akin ng paumanhin sa harap ng maraming tao. Kung hindi niya ito gagawin, bilang nakakataas sa kanya, gagamitin ko ang aking kapangyarihan na matanggal siya sa trabaho. BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. B 2. D 3. A
  • 52. 52 SAAN SA MUNDO KONSEPTO ♦ Ang mapa isang lapat na representasyon ng daigdig o bahagi nito. ♦ Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente: Asya, Europa, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Afrika, Australia at Antartika. ♦ Ang kontinente ay mas malaki kaysa sa isang bansa. Sa katunayan, maraming bansa ang bumubuo sa isang kontinente. Subalit ang Australia ay parehong bansa at kontinente. ♦ Ang G8 o Grupo ng Walo ay tumatalakay sa mga bansang itinuturing na lider pang- ekonomiko at politikal sa daigdig. Sila ang walong pinakamaunlad na mga bansa sa daigdig ngayon. ♦ Ang G8 ay binubuo ng Canada, Pransiya, Alemanya, Italya, Hapon, United Kingdom, ang Estados Unidos ng Amerika at Tsina. ♦ Sa kabisera ng isang bansa ay kadalasang matatagpuan ang luklukan ng pamahalaan. Mas madalas kaysa sa hindi, ito ay isang lungsod. ♦ Ang kabisera ng isang bansa ay madalas na minamarkahan ng isang bituin o malaking tuldok sa mapa ng bansang iyon. ♦ Ang mga lungsod ay lugar na tinitirhan ng malaking populasyon at sukat o mas mahalaga kaysa sa bayan o nayon. PAGSUBOK 1. Ano ang kabisera ng Estados Unidos? a. California b. Washington D.C. c. Florida d. San Francisco 2. Ano ang pinakamalaking lungsod sa Timog Amerika? a. Colombia b. Peru c. Brasilia d. Espanya
  • 53. 53 3. Sa anong lungsod tinatawag ng mga tao ang sarili bilang “porteños”? a. Buenos Aires b. Lima c. El Salvador d. Rio de Janeiro 4. Ano ang pinakamalaking lungsod sa Afrika? a. Johannesburg b. Cairo c. Alexandria d. Cape Town 5. Ano ang bansang kilala bilang kabisera ng mga turista sa daigdig? a. Pransiya b. Italya c. Estados Unidos d. Hong Kong 6. Alin sa mga sumusunod na mga bansa sa Asya ang kabilang sa mga miyembro ng G8? a. Singapore at Japan b. Saudi Arabia at China c. Japan at China d. Taiwan at India 7. Saang bansa mahahanap ang lungsod ng Vatican? a. Pransiya b. Espanya c. Estados Unidos d. Italya 8. Anong kontinente ang bansa din? a. Australia b. Africa c. Europa d. Amerika 9. Ano ang ibig sabihin ng mga inisyal na D.C. sa “Washington, D.C.”? a. Dynamic City b. District of Columbia
  • 54. 54 c. Direct Current d. Destiny City 10. Anong lungsod ang kilala bilang “Lungsod ng mga Ilaw”? a. London b. Barcelona c. Roma d. Paris 11. Anu-ano ang tatlong lungsod na may plano at itinayo upang maging kabisera ng kanilang bansa? a. Brasilia, Manila, Brunei Darussalam b. Washington D.C., Vienna, Berlin c. Paris, Brasilia, Washington D.C. d. Milano, Moscow, Dublin 12. Anong lungsod ang kabisera ng pangalawa sa pinakamalaking bansa sa buong mundo? a. Ontario b. Toronto c. Vancouver d. Edmonton 13. Ano ang pinakamalaking lungsod sa Asya? a. Tokyo b. Shanghai c. Bangalore d. Metro Manila 14. Saang lungsod ginanap ang 2000 Summer Olympics? a. Brasilia b. Sydney c. Beijing d. Stockholm 15. Aling lungsod ang kilala bilang “Fashion Capital of the World”? a. Paris b. Madrid c. Glasgow d. Istanbul
  • 55. 55 BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. B 2. C 3. A 4. D 5. A 6. C 7. D 8. A 9. B 10. D 11. C 12. A 13. A 14. B 15. A
  • 56. 56 TULONG INTERNATIONAL KONSEPTO ♦ Ang tulong internasyonal ay tulong na ipinagkakaloob ng mga bansa sa isa’t isa. Ito ay maaaring nasa anyo ng kagamitan, serbisyo, o kapital. Ang mga may-kaloob o donor ay maaaring maging multilateral o bilateral. Ang Pilipinas ay kasali rin sa pagbigay at pagtanggap ng tulong. ♦ Ang tulong ay ibinibigay sa panahon ng krisis tulad ng lindol, bagyo o unos, pagsabog ng bulkan, giyera, atbp. Ang tawag sa uri ng tulong na ito ay dagliang tulong o tulong sa panahon ng matinding pangangailangan. Ang tulong ay maaari ring ibigay sa isang bansa upang umunlad ang edukasyon, kalusugan, kapaligiran, agrikultura, at inprastraktura. Ang tawag dito ay tulong pangkaunlaran. Ito ay maaaring ibigay bilang isang alay o abuloy, o bilang isang utang. ♦ Maaaring magpabago ng buhay ng maraming tao ang tulong internasyonal. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga bansa na maging mabuting kapitbansa at tumulong sa isa’t isa sa mahihirap na sitwasyon. Ang tulong ay magagamit ng mga batang kulang sa edukasyon, mga magsasakang nagnanais kumita ng mas malaki, at mga taong may sakit na nangangailangan ng mga gamot at pangangalaga sa kalusugan. Ang tulong ay maaari ring gamitin sa pagpapatayo ng mga tulay, daan, dam, sentrong pangkalusugan, klinika, paaralan at iba pa. ♦ Subalit ang tulong pangkaunlaran ay nangangahulugan din ng paghiram ng pera dahil ang karamihan sa tulong na ipinagkakaloob ng mga organisasyong multilateral ay utang. May mga kondisyon ding dapat sundin ang tumatanggap ng tulong. Naniniwala ang ibang tao na ang paghihintay sa tulong ay magbubunga lamang nang kaugaliang maging palaasa tayo sa ibang bansa. Dahil sa mga kadahilanang ito, hindi sang-ayon ang ibang tao sa tulong internasyonal. PAGSUBOK 1. Nang maganap ang lindol sa Baguio noong 1990, maraming tagapagligtas ang dumating upang sagipin ang mga taong natabunan ng mga gumuhong gusali.Anong uri ng tulong ang kinakailangan sa sitwasyong ito? a. Kapital
  • 57. 57 b. Kagamitan c. Serbisyo d. Lahat ng nabanggit 2. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ng United Nations na nagpapahiram ng pera at nagbibigay ng tulong sa mga bansang nangangailangan. a. World Food Program b. World Bank c. UNCHR d. UNICEF 3. Ito ay uri ng tulong ibinibigay lamang ng isang bansa sa isa pang bansa. a. Unilateral b. Bilateral c. Multilateral d. International 4. Responsibilidad nito ang pangangasiwa ng pagbibigay ng tulong pinansiyal ng pamahalaang Australia sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. a. Australian Aid (AUSAID) b. International Needs Assessment (INA) c. International Womens Development d. Agency(IWDA) Australian Council for International Development (ACID) 5. Paano nagbibigay ng tulong ang Pilipinas para sa kaunlaran ng ibang bansa? a. Pagpapadala ng mga domestic helpers sa mga bansa. b. Pagpapadala ng mga Pilipinong scholars sa mga bansang nangangailangan ng tulong c. Sa pamamagitan ng pagiging aktibong kasapi ng United Nations. d. Pagbibigay ng pera sa mga bansang nangangailangan. BATAYAN SA PAGWAWASTO 1. D 2. B 3. B 4. A 5. C
  • 58. 58