1. Pagbabalik-Aral
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan sa
wikang Ingles at isalin sa wikang Filipino.
1. Ano ang pamagat ng kwentong ating tinalakay
noong nakaraang Miyerkules?
2. Anong uri ng panitikan ang kwentong binasa?
3. Saang bansa nagmula ang kwentong ito? Anong
kultura ng bansa ang masasalamin sa kwento?
3. • Ayon sa Webster’s New World
Dictionary of American LanguageAng
salitang translate ay
nangangahulugang “ to change from
one language to another, to put into
different words”….. Kung isasalin ito
sa Filipino, nangangahulugang ang
pagsasalitang wika ay paglilipat mula
sa isang wika sa isa pang wika, ilagay
sa dalawang wikang magkaiba.
4. • Ayon naman kay
Guaman,Pructousa C., et al,
1986, ang pagsasalingwika ay
isang sistematikong paraan ng
paglilipat ng diwa o mensahe
mula sa isang wika patungo sa
ibang wika.
5. • Sa New Standard Pocket
Dictionary, ang salitang
translate ay “ to give sense or
meaning of in another
language.” Nangangahulugan
ito ng ibigay ang diwa o
kahuugan sa ibang wika.
6. Mga Dapat Alamin sa Pagsasalin
1. Alamin kung ang pangungusap ay
isang pormal o di malaya,
nangangahulugang di nagbabago
ang anyo.
Halimbawa: “ Good evening” ay laging
“Magandang Gabi.”
7. 2. Ang malayang pangungusap naman
ay maaaring mababago ang anyo.
Halimbawa: I bought a new dress.
Bumili ako ng bagong damit.
Ako ay bumili ng bagong
damit.
Bagong damit ang binili ko.
8. 3. Alamin kung ang pangungusap ay isang
idyoma o kawikaan. Ang diwa ang dapat isalin at
hindi literal o ang mga salita.
Halimbawa;
a. Give him a hand.
Tulungan mo siya.
b. Break the ice.
Basagin ang katahimikan.
c. Naglulubid siya ng buhangin.
She’s telling lies.